Homily on July 23,
2018
Mikas 6:1-4.6-8
Mateo 12: 38-42
St. Peter Church, Commonwealth Avenue
Ang pagtitipon natin ngayong hapon ay pagtitipon ng mga
taong handang manindigan para sa bayan. Ngunit alam natin na upang maging
matiyaga at mabisa sa ating panindigan, kailangan muna tayong maupo at lumuhod.
Maupo upang magnilay at makinig sa Dioyos na nagsasalita sa atin. Hindi Siya
walang kibo sa ating kalagayan at hindi siya manhid sa kahirapan ng ating
bayan. Alam niya ang nangyayari sa atin at siya ay kumikilos din sa ating
kasaysayan. Pakinggan at suriin natin ang direksyon kung saan niya tayo
ginagabayan. Kailangan din tayong lumuhod, upang magpakumbabang humingi ng
tulong sa kanya. Ito po ang ginagawa natin ngayon. Nandito tayong umuupo at
lumuluhod sa simbahan upang mamaya may tapang at lakas tayong tumindig sa
lansangan.
Ano ba ang sinasabi ng Diyos? Alam po natin na sa Banal na Kasulatan
nagsasalita ang Diyos. Ano po ang mensahe niya sa atin ngayon? Si propeta Mikas
ay nanawagan sa mga tayo noon na makinig sa kaso ng Diyos sa kanyang bayang
Israel. Tinatawagan niya ang mga kabundukan at mga kalangitan na maging mga
saksi sa sakdal ng Diyos laban sa kanyang bayan. Hindi sinabi ng Diyos kung ano
ang masama na ginawa ng Israel, pero talagang masama. Kaya siya ay nagtanong sa kanila. Bakit ninyo
ito ginawa? Ano pa ba ang hindi ko nagagawa upang ipadama sa inyo ang aking
pag-ibig? tanong niya. Ano pa ba ang kanyang pagkukulang? Pinalaya na sila sa
pagka-alipin sa Egipto, binigyan sila ng mga leaders na sina Moises at Aaron.
Saan pa ba ang Diyos nagkulang sa kanila?
Nabagabag ang mga tao sa akusasyon ng Diyos kaya nagtangka
silang magbago. Kaya ang tanong nila, “Ano ba, O Diyos, ang gusto mo upang
maging katanggap-tanggap kaming uli sa iyo? Ano ba ang maihahain namin sa iyo?
Ilang mga toro ang gusto mong ialay namin? Ano mga dasal ang sasabihin naming?”
Sa pananaw ng mga tao maging katanggap-taggap sila uli sa Diyos kapag naghain
at nagdasal sila.
Hindi iyan ang gusto ng Diyos. Ang gusto niya ay
pagbabago ng ugali—maging makatarungan at maging maibigin sa kapwa, at maging
magpakumbaba sa Diyos. Ito ang gusto nating gawin, at ito rin ang hinihingi
natin sa ating pamahalaan. Inaabangan natin ang SONA ng president. Inaasahan
natin na iulat niya sa atin ang tunay na kalagayan ng ating bayan at magbigay
siya ng mga programa na tutugon sa kalagayang ito. Sana tunay na kalagayan ang
kanyang sabihin—just tell us the bare facts, however ugly they may be. We want
to know the real score of government action, or inaction, or wrong action, of
the past year and even the past two years, however ugly they may be. Tama na
ang pang-iinsulto, pagmumura at pagbibintang. At gusto nating marinig kung ano
ang balak niyang gawin upang tumugon sa kalagayang ito. Gusto nating malaman
paano magkakaroon ng katarungan ang mga naging biktima ng mga pagpapatay – mga
23,000 na ang mga pinatay. Ano na ang resulta ng mga libo-libong killings under
investigation? Paano ba magkakaroon ng katarungan ang mga manggagawa na patuloy
na mababa ang suweldo, patuloy na nagdurusa sa ENDO? Ano ang katarungan ng mga
katutubo na nasa evacuation centers dahil sa militarisasyon ng kanilang mga eskwelahan
at communidad? Paano iyong mga mangingisda
na hinaharas ng mga Chino sa ating karagatan? Naghahanap kami ng katarungan!
Pag-ibig sa kapwa.
Ang minimum na hinihingi ng pag-ibig ay paggalang. Gusto sana naming maging
magalang ang presidente namin sapagkat bilang mga Pilipino, magalang naman tayo
bilang bayan. Itigil na ang pagmumura! Ayaw naming marinig iyan sa aming mga
anak, at lalong ayaw naming marinig iyan sa namumuno sa amin. Kung iyan lang, ang pagtigil ng pagmumura, ay
hindi niya kayang magawa, hindi siya karapat-dapat na mamuno sa amin. Kailangan
din ng pag-ibig ay paggalang sa karapatan ng bawat isa – ng mga kababaihan, at
pati na ng mga pinaghihinalaang lumilihis sa batas. Ang bawat tao ay may
karapatan na dapat igalang ng autoridad.
Pagpapakumbaba sa
harap ng Diyos. Ibabagsak ang lahat ng mayayabang. Nakakalungkot na wala
namang laman ang mga pahayag ng president kundi kayabangan. Sana po magbago na
siya sa SONAng ito. Bahagi ng kababaang
loob ay ang pag-amin ng pagkakamali. There is nothing wrong in apologizing when
one is clearly wrong, sa halip na pagtatakpan pa ang pagkakamali. Kawawa naman
ang press officers ng palasyon. Nabubulol na sa pagtatakip ng kamalian. Aminin
na lang na nagkamali. Justice, love, humility. Ito po ang ibig ng Diyos at ito
rin ang ibig natin.
Sa ating ebanghelyo nagalit si Jesus sa mga Pariseo na
patuloy na humingi ng tanda sapagkat ayaw nilang maniwala. Mabigat na mga salita ang binitiwan ni Jesus
sa kanila: “ Lahing masama at di-tapat sa Diyos!” Hindi ba ganyan din ang
humingi ng selfie kay Jesus para maniwala sa kanya? Nandiyan na ang tanda ni
Jonas--ang muling pagkabuhay ni Jesus. Sa halip na humingi ng tanda,
pakinabangan na natin ang nasa atin na nahigit pa kaysa anumang inaasahan
natin. Higit pa si Jesus kaysa kay Jonas, kaysa Reyna na galing sa Timog. Si
Jesus ang pinapahayag natin sa ating pananampalatayan. Manalig po tayo.
Nakataya na si Jesus na atin. Hindi niya tayo pababayaan. Higit pas siya kaysa
anong pamahalaan, kaysa pamahalaang ito. Kaya huwag tayong matakot at huwag
tayong maduwag. Hindi natin kinatatakutan ang ulan, hindi natin kinatatakutan
ang mga trolls, huwag nating katakutin ang mga pagbabanta, ni ang mga mamamatay
tao. If God is for us, who can be against us. Let us just be sure that God is
with us. Kaya tayo lumalapit sa kanya ngayon, lumuluhod sa harap niya,
tatanggap sa kanya sa banal ng komunyon at magmamarcha sa mapayapa at mahinahon
na paraan. Naninindigan tayo sa katarungan, kapayapaan at kaayusan. Ito ang
ating hinihingi, at ito ang ang ating pamamaraan.
No comments:
Post a Comment