Sunday, February 14, 2021

Homily February 14, 2021

6th Sunday in Ordinary Time Year B Lev 13:1-2.44-46 1 Cor 10:13-11:1 Mk 1:40-45 

 Happy Valentine’s Day! Iyan ang mga batian ng mga tao ngayong araw. Ito ay araw ng mga puso kasi ang Valentine’s Day ay Araw ng Pag-ibig. Pero anong klaseng pag-ibig? Kapag pinag-uusapan ang pag-ibig sa Valentine’s Day agad na pumapasok sa isip ng mga tao ay ang Romantic Love, pag-ibig ng magkasintahan. Oo, pag-ibig nga iyan, pero hindi lang iyan ang pag-ibig, ni hindi iyan ang pinakamataas na uri ng pag-ibig. Jesus said: “This is my commandment: love one another as I love you. No one has greater love than this, to lay down one's life for one's friends.” (Jn. 15:12-13 NAB) Bilang mga Kristiyano ang modelo ng pag-ibig ay ang pag-ibig ni Jesus. Kaya magmahalan tayo tulad ng pagmamahal ni Jesus. At paano siya nagmahal? Sa pagbibigay ng buhay niya sa atin na kanyang mga kaibigan. That is the origin ng Valentine’s Day. It is the Day of St. Valentine, an early Christian martyr. He gave his life for the faith. Kaya habang ipinagdiriwang natin ngayon ang pag-ibig ng magsing-irog, tandaan natin na hindi lang ito ang pag-ibig. Kaya kahit na wala tayong ka-valentine, may pagmamahal tayo na dapat i-develop at isabuhay. 

 Ngayong panahon ng pandemic, hinihikayat tayong magmahal, magmahal sa mga may sakit at magmahal sa mga marginalized, o isinasantabi. Madalas magkatambal ang dalawang ito: being sick and being set aside. Kaya ang mabigat sa nagkakasakit ay hindi lang na masakit at nanghihina ang kanilang katawan, kundi pati na rin ang damdamin na napapabayaan sila at hindi napapansin. Kaya malaki ang insecurity ng mga may sakit at madali din silang magtampo. 

 Itong dalawang ito: physical pains and being set aside or the feeling of being set aside, ito ay tunay na karanasan ng mga may sakit ng ketong, those who are sick with leprosy. Narinig natin ang protocols na binigay ni Moises tungkol sa mga may sakit ng ketong sa ating unang pagbasa. Ang mga pari ng mga Hudyo ang may tungkulin na mag-usisa kung ang isang tao ay may ketong o wala. Anumang sugat na namamaga, may singaw o may pagbabago ng kulay ng balat ay maaaring i-diagnose na ketong. Hindi naman scientific ang kanilang pagsusuri noon. At kapag napasyahan ng pari na may ketong ang tao, siya ay i-kwakwarantin, ibig sabihin, ihiwalay na sa iba. Nakakadiri ang kanyang sugat at nakakahawa. May mga palatandaan upang malaman ng lahat na siya ay may ketong. Magsusuot siya ng sira at maduming damit, hindi siya mag-aayos ng buhok at tatakpan ang kanyang nguso (kung sa atin pa, magsusuot siya ng face mask) at sisigaw ng Madumi! Madumi! kapag lumalapit ang mga tao sa kanya, para siya ay layuan. Kung napalapit siya sa iba, siya ay babatuhin. Kaya ang mga may ketong ay may physical na karamdaman – may sugat na hindi alam paano pagalingin – at may social isolation! Hindi siya maaaring manirahan kasama ng iba. Kaya sa ating panahon madaling ihambing ang may ketong noon sa may Corona virus ngayon. 

 Si Jesus ay dumating upang magligtas. Bahagi ng kaligtasan ay ang pagpapagaling at ang pag-restore ng pagkakaisa. Sa ating ebanghelyo, narinig natin ang ginawa ni Jesus sa isang taong may ketong. Hinayaan niyang lapitan siya nito, hinipo niya ang tao (in a way he allowed himself to be contaminated), pinagaling at inutusan na pumunta sa pari. Ang pari ang magpapatotoo na wala na siyang ketong. Pagkatapos na mag-alay siya ng sakripisyo sa Diyos, makakabalik na siya sa community. Matatapos na rin ang kanyang social isolation. 

 Lumapit kay Jesus ang taong may ketong ng buong tiwala. Alam niya na hindi siya itataboy ni Jesus, that is why he dared to come close to him. He also believed that Jesus has the power to heal him. “Kung ibig ninyo mapapagaling ninyo ako.” Ang tanong lang ay: Gusto ba ni Jesus na gamitin ang kapangyarihan niya? At napakaganda ng sagot ni Jesus: “I do will it. Be made clean.” Ang magandang balita ay: hindi nilalayuan ni Jesus ang mga may sakit, mga mahihina, mga isanasantabi. May kapangyarihan siya na magpagaling at ibig niya na ang mga tao ay gumaling! Hindi lang na nagpagaling siya. Tinanggap pa niya ang pasakit na para sa atin, inangkin niya ang ating mga sugat, at dahil sa sugat niya tayo ay gumaling. By his wounds we were healed. 

 Sa ating panahon ngayon maraming mga tao na isinasantabi at tinuturing na madumi. Nandiyan na ang mga may covid. Sa halip na damayan at kalingain, ang iba ay sinisisi pa – pasaway kasi at hindi maingat – at nilalayuan. Nandiyan iyong mga may sakit ng HIV and AIDS, nandiyan iyong mga may mental illnesses. Sila ay itinuturing na mahina, na may sapi ng masamang espiritu, na baliw. Itong being ostracized ay hindi lang naman nangyayari sa mga may karamdaman. Nandiyan iyong pinagbibintangan na drug addict. Instead of seeing addiction as an illness, it is being criminalized, and not just criminalized, already judged as guilty and to be killed. Napapakita natin ito sa karaniwang narininig natin. “Bakit siya pinatay?” “Addict kasi eh.” Teka muna. Totoo bang addict siya? At kung addict man siya, dapat bang patayin? Ganoon din ang nangyayari sa red tagging. Porke ba iba lang ang pananaw niya at siya ay tumututol sa mga kalakaran, siya ay komunista na? At dahil siya ay tinuring nang komunista maaari nang hulihin at ipapatay? So we can stretch the mindset of ostracizing people. Jesus has come to bring healing and harmony. Ito ang pag-ibig na pinakita ni Jesus. Remember what he said: “Love one another as I love you.” This kind of love is not romantic love but it is love, and a more demanding kind of love because it is a love that heals and a love that breaks down barriers. 

 Isa pang uri ng pagmamahal ay pinakita sa atin sa ating second reading. Sinabi ni San Pablo: “Whether you eat or drink, whatever you do, do everything for the glory of God!” Paano natin gagawin ito, na magbigay ng papuri sa Diyos? Nagbibigay tayo ng papuri sa Diyos kung hindi tayo galit at may sama ng loob sa iba, bagkus sinisikap natin na masiyahan ang iba. Pinupuri at dinadakila natin ang Diyos kung ang kapwa ay ginagalang at binibigyan ng kasiyahan. Iyan ang ginagawa ni San Pablo. Nag-aadjust siya sa iba. Hindi niya hinahanap ang kanyang kapakanan kundi ang kapakanan ng iba. His life as a real life of service to others so that they may experience the Good News that he is carrying. Iyan din ay pag-ibig. Pag-ibig ito hindi lang sa Valentine’s Day ngunit sa araw-araw. Sana ganyan din ang ating attitude – not to insist on our own way, huwag igiit ang gusto natin, ngunit kung ano ang ikasisiya ng iba. So, love is dying to ourselves to be in harmony with others. With this kind of love we give joy to others and we give glory to God. 

 Nakikita natin na mahigpit ang kaugnayan ng pag-ibig at buhay. Ang tunay na pag-ibig ay nagbibigay ng buhay. Ito ay nagsisikap na magbigay ng kagalingan at ng inclusiveness. Hindi natin isinasantabi ang iba sa buhay natin at sa buhay ng community. Ang tunay na pag-ibig ay nagbibigay ng kagalakan sa iba at umiiwas sa anumang magbibigay ng galit o sama ng loob. Pero kahit sa anong pagsisikap natin, nagkakaroon pa rin ng gusot sa ating relationships – mga di pagkakaunawan, mga pagkakamali, mga bugso ng damdamin. Kaya ang tunay na pag-ibig ay kailangan ng pagpapatawad at paghingi ng tawad. Without forgiveness love will not flourish. Pinakita sa atin iyan ng Diyos. His love for us is mercy. Kaya sabi ni Jesus: Be merciful as your Heavenly Father is merciful. 

 In this Holy Mass, let us thank the Lord for having created us in his likeness. He has created us in love and in order to love. Let us thank the Lord for all our loved ones, that we have others to love. And let us ask him to expand our love not only to the lovable but to those who are sick, who are in need and those who are ostracized. Sana sa lahat ng ginagawa natin mabigyan natin ng papuri ang Diyos sapagkat ang lahat ay ginagawa natin sa kanyang Pangalan, ng may Pag-ibig.

No comments:

Post a Comment

Homily - 21st Sunday of the Year Year B

August 22 2021 Josh 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69   Noong nakaraang linggo nabalitaan natin na ang Committee on Population and ...