Sunday, September 13, 2020

Homily for the 24th Sunday in Ordinary Time

September 13, 2020 24th Sunday Year A 


Sirac 27:33-28:9 Rom 14:7-9 Mt 18:21-35 

Malupit ang mundo natin. Puno ng galit at puno ng paghihiganti. Ganoon na lang ang galit ng tao na handa silang magpasabog ng kanilang sarili at mandamay sa ibang mga inosenteng tao. Ganoon na lang ang galit na nasa tao na handa silang pumatay at magpasakit ng milyong mga tao – nangyari iyan sa Europa noong sa pag-exterminate ng mga Armenians sa World War I at ng mga Hudyo noong World War II, nangyari iyan sa Afrika sa patayan ng mga Tutsi at Hutu sa Rwanda, nangyari iyan sa Cambodia sa pagpapatay ng mga Khmer Rouge, nangyayari iyan ngayon sa Tsina sa pagpapatay at pagsira ng kultura at relihiyon ng mga Tibetans at ng mga Uighurs, nangyayari iyan sa Middle East sa pagpapatayan ng mga Shiites at ng mga Sunnis, nangyayari iyan Pilipinas sa mga rido at sa pagpapatay sa mga drug addicts at mga tinaguriang rebelde, without any judicial process. Puno ng galit at paghihiganti ang mundo. 

Kaya nga sa panahon na ito ang mensahe ng Diyos ay MERCY, HABAG. Hence in the Church there are the devotions to the Sacred Heart and to the Divine Mercy. Hence the calls of the Popes John Paul II, Benedict and Francis on Mercy and Compassion. This is what we need now. God’s response to human sinfulness is mercy. “For God did not send his Son into the world to condemn the world, but that the world might be saved through him.” (Jn. 3:17 NAB) There is enough reason for God to punish the world, but no! He does not punish. Instead, Jesus, the Son of God “was pierced for our sins, crushed for our iniquity. He bore the punishment that makes us whole, by his wounds we were healed. We had all gone astray like sheep, all following our own way; But the LORD laid upon him the guilt of us all.” (Is. 53:5-6 NAB) God is indeed merciful. 

Sa ating Gospel napatawad ng hari ang servant na may utang sa kanya ng 10 Million pesos. Imagine 10 Million pesos! Hindi lang siya binigyan ng panahon ayon sa kanyang hiningi – pinatawad, wala na siyang utang! Pinatawad ang 10 milyon dahil sa naawa sa kanya ang hari. Kaya galit na galit ang hari sa kanya na wala siyang awa sa kanyang kapwa alipin. Sabi sa kanya: “Napakasama mo! Pinatawad kita sa utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa akin. Nahabag ako sa iyo; hindi ba dapat ka ring mahabag sa kapwa mo?” Ang pinatawad ng 10 milyon ay hindi makapagpatawad ng 500! Talagang napakasama niya. Ganyan din ang pagpapatawad ng Diyos sa atin. Malalaki ang kasalanan natin at paulit-ulit pa ang kasamaan natin, pero dahil sa awa ng Diyos pinatatawad tayo palagi. Ito ang dahilan bakit palagi din tayong magpatawad.

Ang tanong ng Pedro, ilang beses ko ba patatawarin ang kapatid ko na paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Akala niya generous na siya kapag nagpatawad siya ng pitong beses. Hindi lang pito – 70 times pa dito – ibig sabihin walang sawa. Kasi ganyan din tayo pinatatawad ng Diyos, at higit pa! 

Sa panahon ng pandemic na ito maraming mga religious services ang hindi natin nagawa sa loob na ng 6 months. Isa sa mga ito ay ang pagkukumpisal. Kaya hinihikayat uli ang lahat na bumalik na sa pagkukumpisal. Mahalaga ang pagkukumpisal kasi dito natin nararanasan na pinatawad tayo ng Diyos. This is the sacrament of our encounter with the mercy of God. Hopefully because we have experienced God’s mercy we can also become more patient and more merciful to others. Dahil sa mahabang pagkakulong sa bahay at sa kawalang kasiguraduhan sa kinabukasan, marami sa atin ay madaling mawalan ng pasiyensiya. Nagiging magagalitin at bugnutin sa iba. We need to be more merciful to one another. The sacrament of confession helps in being merciful after we ourselves experience the mercy of God. Hindi ba gumagaan ang loob natin kapag tayo ay nakapagkumpisal? Dahil sa magaan na ang loob natin, madali na pasanin ang mga pabigat sa buhay natin. 

Dahil sa napatawad tayo, madali na rin magpatawad sa iba. At kung tayo ay nagpapatawad sa iba, madali rin tayong pagbibigyan ng patawad ng Diyos. Ito naman ang narinig natin kay Ben Sirac sa ating unang pagbasa: “Patawarin mo ang kapwa sa kanyang pagkukulang, at pag ikaw ay dumalangin sa Diyos, patatawarin ka rin naman. Ang nagtatanim ng galit sa kapwa, pag tumawag sa Diyos, walang kakamtang awa.” When we pray the Our Father we say: “Forgive us our sins as we forgive those who sin against us.” Of all the 7 petitions of the Our Father, only this has a commentary from the Lord. He said: “If you forgive others their transgressions, your heavenly Father will forgive you. But if you do not forgive others, neither will your Father forgive your transgressions.” (Mt. 6:14-15 NAB) 

Kaya makikita natin na may mahigpit na kaugnayan ang habag ng Diyos sa atin at ang habag natin sa kapwa. Dahil mahabagin tayo sa kapwa, kahahabagan tayo ng Diyos. Dahil sa malaki ang awa sa atin ng Diyos, kaya maging maawain din tayo sa ating kapwa. Ito nga ang message ng devotion to the Sacred Heart and Devotion to the Divine Mercy. God is so merciful. Let us also be merciful. “Be compassionate as your heavenly Father is compassionate,” ika nga ng Panginoong Jesus. 

Sa ating panahon maraming tao ang nanawagan ng katarungan. We call for justice. Pero maging maingat tayo, para sa marami ang panawagan ng katarungan ay sa totoo lang, panawagan ng paghihiganti! Katarungan – pasakitan siya, kasi pinasakitan niya kami. Patayin siya kasi pinahirapan kami. Is this real justice? Then we go back to the eye for an eye, tooth for a tooth, a practice that the Lord Jesus has rejected. Kaya kung naniniwala pa tayo sa paghihiganti – hindi tayo kristiyano, hindi tayo tagasunod ni Kristo. Hindi maka-kristiyano ang manawagan ng death penalty. Kapag pinatay mo na, hindi mo na siya binigyan ng pagkakataon na magbago. For a follower of Christ, justice is always tempered by mercy. Hindi nawawala ang awa sa katarungan. 

Noong May 13, 1981 binaril ni Mehmet Ali Agca si John Paul II sa St. Peter’s Square. Malapit nang mamatay ang Santo Papa. Noong December 27, 1983 (two and half years later) binisita ni John Paul II si Mehmet Ali Agca sa bilangguan at doon pinakita ang kanyang habag sa kanya. Nilapitan ng Santo Papa ang nagtangkang pumatay sa kanya at pinadama ang kanyang pagmamahal. Pero hindi pinalaya si Mehmet Ali Agca. Binuo niya ang kanyang pagkabilanggo sa Italy at sa Turkey. Nakalaya siya sa bilangguan ng 2010 – halos 30 years siyang nabilanggo. Pumunta siya sa libingan ni John Paul II noong 2014 at nagdasal doon. Noong buhay pa si John Paul II napalapit siya sa pamilya ni Agca. Nakatagpo niya ang kanyang nanay at ang kanyang kapatid. Iyan ang halimbawa ng restorative justice, justice that restores relationships and brings harmony. 

Sa ating panahon ngayon pinag-uusapan ang absolute pardon na binigay ng Presidente kay Joseph Scott Pemberton, ang pumatay kay Jenifer Laude. Maraming pag-uusap kung tama ba ang pagpapatawad kay Pemberton. May nagsasabi na hindi pa nga niya nabuo ang 6 to 10 years na sentence sa kanya noong 2015 at special pa ang kulungan sa kanya sa Camp Aguinaldo at hindi sa Bilibid. Ang Presidente ng bansa ay mayroon ngang karapatan at kapangyarihan na magbigay ng absolute pardon. He exercised this power to Pemberton and also to other prisoners. Pero, ang daming mga Pilipino sa mga bilangguan natin na natutulog ang mga kaso nila. Bakit hindi gamitin ang prerogative na ito na magpatawad para magbigyan ng pag-asa ang mga nabilanggo at ma-decongest din ang mga bilangguan natin? Maraming napapabayaan sa mga bilangguan na matatanda na at mga may sakit pa. Should not pity by shown to them? If really there is such a virtue as forgiveness in our government, why not exercise this for so many who are languishing in our jails? So as we can see, ang usapin ng pagpapatawad ay hindi lang usapin ng relasyon natin sa Diyos at ng relasyon natin sa kapwa. Ito ay usapin din sa kalagayan sa lipunan. Forgiveness comes out of pity and compassion. May we never lose the sense of pity in our society. We Christians who claim to have experienced God’s mercy, may we also be merciful in our dealings with each other in society. Let us pray for this grace in this Holy Mass.

No comments:

Post a Comment

Homily - 21st Sunday of the Year Year B

August 22 2021 Josh 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69   Noong nakaraang linggo nabalitaan natin na ang Committee on Population and ...