Change! Pagbabago! Wala nang mas permanente sa buhay ng tao kundi CHANGE, PAGBABAGO. Ang lahat ay nagbabago at patuloy na nagbabago. Pero hindi po lahat ng pagbabago ay mabuti. Ang mabuti ay maaaring maging masama. Gayon din ang masama ay maaring maging mabuti. Tingnan natin ang kalagayan ng ating bansa. Noong 2016 nanalo ang administrasyong ito sa platform ng change. May nagbago nga pagkaraan ng apat na taon. Sa mabuti ba o sa masama? Kayo na ang humatol.
Pagbabago, change! Iyan din ang paksa ng mga pagbasa natin. Sinabi ng propeta Ezekiel: may matuwid na naging masama; may masama naman na naging matuwid. Ang mahalaga ay saan tayo dinatnan ng wakas. Ang mabuti na nagpakasama at dinatnan siya ng wakas na masama, wala siyang mapapakinabangan sa kanyang dating kabutihan. Mamamatay siya; paparusahan siya dahil sa kanyang kasamaan. Pero kung ang isang tao na masama ay naging makatarungan at nagwakas na mabuti, hindi na isasaalang - alang ang dati niyang kasamaan.
Ito ay isang mabuting balita at isang warning. Mabuting balita ito sa mga makasalanan. May pag-asa palagi. Magpakabuti sila at kahit na gaano pa sila kasama ngayon, hindi sila paparusahan. Ito ay isang warning din sa mga ngayon ay mabuti. Huwag umalis sa landas ng kabutihan. Kapag lumihis tayo rito, wala ng saysay ang anumang kabutihan na ginawa natin.
The same idea is presented in the gospel. The first son said NO, but he changed his mind. He worked in the vineyard. He did the father’s will. The second son started well. He said YES to the request of the father but he did not go. He disobeyed the father. May nagbago tungo sa kabutihan; may nagbago tungo sa kasamaan. Pero may isa pang punto sa parable na ito. Ang tinitingnan ng Diyos ay hindi ang ating mabubuting balak, o mabubuting salita. The road to hell is paved with many good intentions. Pero ang tinitingnan ng Diyos ay ang ating gawa. Words can be reassuring, but it is deeds that count – and not just any deed, but the good works of doing the Father’s will.
Naalaala ninyo na pagkatapos ng mahabang aral ni Jesus sa Sermon on the Mount sinabi niya: "Not everyone who says to me, 'Lord, Lord,' will enter the kingdom of heaven, but only the one who does the will of my Father in heaven. Many will say to me on that day, 'Lord, Lord, did we not prophesy in your name? Did we not drive out demons in your name? Did we not do mighty deeds in your name?' Then I will declare to them solemnly, 'I never knew you. Depart from me, you evildoers.' (Mt. 7:21-23) Kahit na nagpalayas ng demonyo sa ngalan ni Jesus o nagpagaling o gumawa ng milagro, pero kung hindi gumagawa ng kagustuhan ng Diyos, evil doers ang tawag niya sa kanila.
Deeds are important, deeds in obedience to God. Iyan ang ginawa ni Jesus. Naging masunurin siya hindi lang sa salita. Pinakita niya ang pagiging masunurin sa kanyang pagkamatay sa krus. Iyan ang sinabi ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa. Dahil sa kanyang pagiging masunurin hanggang sa krus, niluwalhati siya ng Ama.
Our times now call for deeds. Because of the internet there are a lot of exchanges of words and ideas. Kahit na sino ay maaaring magdagdag ng salita sa internet. There is a multiplication of words – and nice words too. Maraming mga salita na mabulaklak, mga analysis na malalalim – pero hanggang diyan na lang. There is such a thing as analysis paralysis. Dahil sa kaaanalisa nawalan na ng ganang kumilos. Dahil sa kaaanalisa wala nang ginawa. The father expects us to work in the vineyard and not just to say YES.
This Sunday is National Migrants Sunday. Ang maraming mabigat na naapektohan ng pandemic ay ang mga migrants at ang kanilang mga pamilya. Mahigit na 125,000 ang mga OFWs natin ang bumalik na sa bansa, at may nagtatantiya na aabot ito sa 500,000. Ilang mga pamilya ang affected diyan, higit na 1 million families kung bibilangin din natin ang mga nawalan ng trabaho abroad. Hindi nga nakauwi o pinauwi sa Pilipinas pero wala namang trabaho. Isang usapin natin ngayong pandemia ay ang mga LSIs (locally stranded individuals). Ayaw silang paalisin; ayaw silang tanggapin. Ang mga issues ng migrants ay pag-uusapan lang ba natin? Ano ang ginagawa natin? May dapat gawin ang gobyerno pero may dapat din tayong gawin bilang individual o bilang simbahan. Kaya nga mayroon tayong National Migrants Sunday taon-taon para may gawin tayo. Pwede tayong magdasal. Pwede rin tayong mag-contribute ng pagtulong sa kanila. Kaya anumang donation na ibibigay ninyo sa simbahan sa Linggong ito ay para sa mga migrants. Mayroon tayo sa CBCP na Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples na nag-aabala sa mga OFWs, sa kanilang mga pamilya, sa mga seafarers, sa ating mga internal migrants tulad ng LSIs, sa mga evacuees, at pati na sa mga taong walang tahanan tulad ng mga street people.
Ngayon din ay ang National Laity Sunday. Ang mga nabibilang sa mga LAITY ay ang lahat ng binyagan na hindi pari o madre, ibig sabihin ang higit na 99.99% ng simbahan. Kung ang mga laiko ay kumilos lang – malaki ang pagbabago ang mangyayari sa lipunan natin. Ok na na nagdarasal ang mga laiko natin. Pero kung ang dasal nila ay samahan ng pagkilos, malaki ang pagbabago na mangyayari sa bansa. Kaya kumilos na ang mga laiko natin.
Nasa huling Sunday na tayo ngayon ng Season of Creation. Nagsimula ito ng September 1 at magtatapos ng Oct 4. Ang usapin sa kalikasan ay nagtatawag ng pagkilos, ng gawa, at hindi lang ng talumpati o pag-aaral. Sapat na ang pag-aaral na sinisira ng tao ang balance sa kalikasan. Kailangan nang magkaisa na pigilan ang patuloy na pagkasira nito. Dito sa kamaynilaan mayroong project na ilulubog ang higit na 300 hektaria na gubat sa Sierra Madre sa Quezon province para gumawa ng Kaliwa Dam para raw sa tubig ng Metro Manila. Utang sa Tsina ang 12.2 Billion-peso dam na ito. Maraming mga manggagawa dito ay mga intsik at kung may hindi pagkakasundo sa kontrata, ang korte sa Tsina ang magpapasya at hindi korteng Pilipino. Bakit ba tayo pumapasok sa ganitong mga kontrata na kagubatan natin ang sinisira at dayuhan ang masusunod? Kailangang kumilos na tayo alang-alang sa bayan, alang-alaang sa Inang Kalikasan.
Ngayong araw ay piesta ni San Vicente de Paul. He is known as the “Apostle of Charity” and the “Father of the Poor.” Inilaan niya ang kanyang sarili sa pagtugon sa lahat ng uri ng kahirapan – mga may sakit, mga ulila, mga bilanggo, mga alipin. Itinatag niya ang CM, Congregation of the Mission o kilala dito sa Pilipinas na mga Vincentians, at ang DC sisters, (Daughters of Charity) na may mga Asilo, may Hospicio de San Jose, may mga pagamutan at paaralan. Pero si San Vicente de Paul na malaki ang nagawa para sa mahihirap ay hindi nagsimula ng ganoon. Naging pari siya sa France noong 1600 na ang balak lang ay makaalis sa kahirapan, kasi galing siya sa mahirap na pamilya. Gusto niyang iahon ang kanyang pamilya sa kahirapan at magkaroon ng desenteng retirement, at ang paraan niya ay ang pagiging pari niya. Kaya padikit dikit siya sa mga maykaya noon at naghahanap ng magagandang posisyon. In a way he was a mediocre priest. Pari nga pero ang puso niya ay wala sa Panginoon. Paraan lang ang pagpapari niya. Hanap buhay lang. Pero nabago siya. Nagbago siya. Binago siya ng Panginoon at ang ginamit ng Diyos para baguhin si San Vicente de Paul ay ang mga mahihirap mismo. Nakadalaw siya sa mga ospital na inaagawan ng mga may sakit ang mga higaan ng mga kamamatay pa lang. Ang mga tao ay nasa ospital noon upang doon ay mamatay. Nandiri siya sa pagpunta sa mga barrio na magbigay ng anointing of the sick dahil sa karumihan at kahirapan ng mga tao. Pero pinagtiyagaan niya ang mga gawaing ito at dahan dahan, nabago ang kanyang pananaw sa buhay at ang kanyang pananaw sa kahirapan. Niyakap niya ang kahirapan at ang mga mahihirap. Iyan na ang naging layunin ng buhay niya.
Si San Vicente de Paul ay ang taong, hindi naman masama, pero maligamgam sa kanyang bokasyon, ngunit nagbago siya. Naging masigasig siya sa kanyang pagsisilbi. Siya iyong anak na nagsimulang sumagot ng AYAW pero nagtrabaho sa ubasan ng Panginoon. Hindi lang siya nagbalak – siya ay nagtrabaho! Siya ay gumawa. Siya ay kumilos! That is the change that God asks from us. Change for the better. Change not only in intentions and in words, but change in deeds!
No comments:
Post a Comment