23rd Sunday Year A
Ezekiel 33: 7-9 Rom 13:8-10 Mt 18:15-20
May mga taong naguguluhan. Bakit ba nagsasalita ang simbahan sa mga issues ng panahon ngayon? May iba pa nga na parang nanunumbat: Bakit nakikialam ang simbahan sa usapin ng lipunan?
Ang misyon ng simbahan ay ipagpatuloy ang misyon ni Jesukristo. Si Jesus, ang Anak ng Diyos, ay pinadala ng Ama upang ipadama ang pag-ibig ng Diyos at upang manawagan sa lahat na ibigin ang Diyos at ibigin ang kapwa. Love is the core of the message of Jesus. But love is not just a sweet feeling, an emotion. Jesus is very clear: if we love God we keep his commandments. So there is a clear relationship between love and the law. The commandments have been given to us not to limit our freedom but to show us the way to love. And laws are given to be fulfilled!
Maganda ang sinulat ni San Pablo na narinig natin sa ating ikalawang pagbasa : huwag tayong magkaroon ng anumang sagutin maliban sa magmahal sa isa’t-isa. You should have no obligation, no debt, except to love one another. This tells us that love is an obligation that we have to do. It is not something optional. In fact the whole of the Bible is summarized by Jesus into two commands to love – love of God and love of neighbor. When we love our neighbor we fulfill the other commandments of God. If we truly love we do not steal, we do not lie, we do not say bad words, we do not kill, we do not commit adultery. Ika nga, ang pag-ibig ang kabuuan ng kautusan.
Our gospel reading today tells us another manifestation of love: If we love we correct our neighbor. We cannot just stand by and see our neighbor doing wrong, thus harming himself and harming the community. May mga grupo na mga bata na naglalaro, nagsisigawan, at nagmumurahan. Napadaan ang isang nanay at noong makita na ang anak niya ay naroon, kinuha ang anak niya ay pinagalitan. Sabi ng bata: Nanay, bakit ako lang ang iyong pinagagalitan? Tignan mo ang mga kasama ko, sila rin ay nagmumura at malulutong pa nga ang mga salita nila. Paliwanag ng nanay. Pinagagalitan kita kasi anak kita! Tinutuwid natin ang mga mahal natin. Mahirap ito na aspeto ng pag-ibig. Correcting is not easy.
Tayong mga Pilipino may likas na kaugalian; na nasanay tayo sa SIR – Smooth Interpersonal Relationship. Ayaw nating magusot ang ating relationship, ayaw natin na magkasamaan ng loob. Iniiiwasan ang anumang conflict. We do not confront. Dahil dito, pikit mata na lang tayo kapag may nakita tayong masamang ginagawa ang iba. Baka magalit pa kapag pansinin. Baka sabihin na pakialamero ako. Tatahimik na lang tayo. Hayaan na lang ang kasamaan. Dahil dito lumalaganap ang kasamaan – hindi dahil sa marami ang masama. Sa totoo lang marami ang mga taong matuwid. Illan lang naman ang masasama, pero ang karamihan na matutuwid ay hinahayaan na lang ang masasama. Mas matapang ang masasama na gumawa ng masama kaysa mga mabuti na ituwid ang masasama. Evil spreads because the majority who are good do nothing to stop the few who are bad. Kaya mahalaga ang pagtutuwid.
May proseso si Jesus paano gawin ang pagtutuwid. Una, personal na pagsabihan ang gumagawa ng masama. Pangalawa, kumuha ng dalawa o tatlong tao para may patunay na tama ang puna sa kanya. Kung hindi pa makuha, isumbong na sa kapulungan ng simbahan, at kung ayaw pa talaga – i-deadma na siya. Iyan iyong ibig sabihin na ituring na siyang Gentil or makasalanan. Have nothing to do with him anymore. Mahirap sa atin na mga Pilipino ang prosesong ito. Dahil nga sa ayaw natin magusot ang ating relasyon – SIR – ayaw natin na konfrontahin ang kapwa. Iniiwasan natin ang one-on-one na pag-uusap. Kaya mas madali sa atin na iwasan na agad ang gumawa ng masama. Kaya madalas nagtataka nalang ang tao na iniiwasan na siya. O kaya i-tsismis na natin sa iba. Marami na ang pinagsabihan, at malalaman na lang ng tao ang bintang sa kanya mula sa iba o mula sa facebook.
Last week we heard Jesus said that we have to die to ourselves if we want to follow him. If we truly love, we are ready to face the wrong doer at the risk of losing face. In the first place, he may not be a wrong doer after all. He may have not done what is imputed to him, or there may be an aggravating circumstance why he did it. Kailangan natin ng pagtutuwid upang maging maayos ang ating samahan – anumang samahan iyan – barkada man kaya, o pamilya, o isang grupo sa simbahan, o simbahan, o pamahalaan. Kailangan natin ng correction because no one of us is perfect. We all make mistakes, so we help one another to overcome our shortcomings. We help one another grow.
Correcting is a manifestation of love. Ganoon din sa lipunan. Kaya ang tanong natin sa simula, bakit nagsasalita ang simbahan? Bakit pumupuna ang simbahan? Ito ay dahil sa pagmamahal. Mahal natin ang bayan. Ayaw natin na ito ay malugmok sa kasamaan, kaya pinupuna natin ang mga katiwalian na nakakasama sa bayan.
Pero may isa pang dahilan. Sa unang pagbasa, si Propeta Ezekiel ay binigyan ng Diyos ng tungkulin na maging bantay ng bayan. As a watchman, he should sound the alarm to the wicked, not to condemn the wicked, but to warn him that he may change his ways. Sabihin sa masama na siya ang mamamatay, not to wish him dead but to warn him to change. If he does not listen he will indeed die, but you will save yourself. Pero kung ikaw ay natakot o nagwalang kibo, at hindi mo sinabi na siya ay mamamatay. Talagang mamamatay siya dahil sa kanyang kasamaan, pero mananagot ka sa kanyang kamatayan. As church we have to speak out – and to speak out loud and clear – in order to bring people to repentance. If we keep silence, pananagutin tayo ng Diyos sa kapahamakan ng masasama at sa kapahamakan ng bayan.
Huwag lang sana masamain ng mga tinatamaan ng puna. Dapat huwag magpersonalan. Listen to reason and look for the common good. And those in public office should not be onion skinned. Sila ay public figures and they should serve the people; and because they are in office because of the vote and the money of the people, the people have the right, and the duty, to make their views known to those who represent them. The people, more than those who govern them, know what is good for them. Kaya huwag maging balat sibuyas kung may mga puna laban sa kanila at sa kanilang ginagawa.
Ngayong buwan ay nasa Season of Creation tayo. Hinihikayat tayo na alagaan at bantayan ang ating kaisa-isahang tahanan – ang mundong ito. Kaya obligasyon natin na magsalita kung ito ay sinisira. Obligasyon din natin ito sa ating mga anak at mga inapo. Should we not speak when there are short-sighted projects that are done just for the sake of money and short-term solutions to current problems that would have long term consequences to the Earth, our Common Home? Maari ba tayong manahimik sa mga coal powered plants na bumubuga ng Carbon Dioxide na nagdadala ng Global Warming. All these talks about clean coal energy is a big lie! Mananahimik ba tayo sa paggawa ng Kaliwa Dam sa Quezon province na papatay sa ilang daang hektaryang gubat, sisira sa biodiversity ng Sierra Madre, lalamunin ang ancestral domain ng mga katutubo doon, na may mga alternative water sources naman na hindi gaano magastos at hindi destructive? Do we keep silent when our mountains are being stripped because of large scale mining? The promise of prosperity due to mining is a myth. Look at the places that have been heavily mined, like Benguet, Rapu-Rapu of Bicol, Marinduque, Surigao, just to name a few. Where is development there? They are made the poorer because of mining.
Tayo ay bantay ng bayan. Alamin natin ang nangyayari sa bayan at punahin natin ang mga katiwalian na nangyayari dito. Silence is not an option. This is true for the Church, and this is true for every one who loves – loves nature, loves the country, loves the poor and the next generation.
No comments:
Post a Comment