Lahat naman tayo ay may karanasan na mag-alaga: mag-alaga ng halaman, ng isang hayop, ng baby, ng may sakit, ng lola. Kapag tayo ay nag-aalaga, gusto nating ibigay ang the best sa inaalagaan natin. Ang problema lang, minsan hindi natin alam ano ang gagawin at madalas wala naman tayong kakayahan na ibigay ang the best.
Alaga tayo, ang bawat isa sa atin, ng Diyos. Siya ang may likha sa atin, siya ang gumagabay sa atin, binigyan tayo ng mga anghel na sumusuporta sa atin, nandiyan si Mama Mary na ating Ina, binigay niya si Jesus, ang kanyang kaisa-isang anak upang tayo ay tubusin. Kaya talagang binibigay ng Diyos ang the best sa atin. At mas magaganda pa ang mga balak na ibibigay niya. We cannot just imagine what God has prepared for those who love him! Itong pagbibigay ng Diyos ng the best para sa atin ay inilarawan sa pamamagitan ng piging, ng party, sa dalawang pagbasa natin.
In the first reading from the prophet Isaiah, the Lord God is inviting us to a feast where rich and delicious food and drink are prepared. It is not just a feast of food, but what he prepares is a situation of joy and happiness. There will no longer be any sadness; he will wipe away the tears from every eye. Also in the gospel, the king prepared a feast for the wedding of his son. Kinatay na ang mga pinatabang guya. Handa na ang lahat.
God also wants to give us the best, not only at the end of life but already in this life. He does not want us to be sad. Tulad natin, ang Diyos din gusto na masaya ang kanyang inaalagaan. At bilang Diyos, alam niya ang gagawin at kaya niyang ibigay ang magpapaligaya sa atin. Do we trust him in this? Naniniwala ba tayo na gusto ng Diyos ang kabutihan at kaligayahan natin?
Yesterday was the beatification of the first millennial saint the teen-ager Carlo Acutis. He died of aggressive leukemia at the age of 15 in 2006. But otherwise he was an ordinary boy but with an extraordinary love of the Eucharist. When he received his first communion at the age of 7, he was enamored with the eucharist and from that time on, never missed a chance to receive communion and to join in eucharistic adoration in his parish. It was he who brought his family to frequent communion. He was so happy with Jesus in the eucharist that he could not understand why his companions took the eucharist for granted. He was good in computer so at the age of 11 he started a project to make a website of the eucharistic miracles of the Lord to make people realize how real and how good the Eucharist is. This website is still circulating all over the world, now translated in 17 languages.
Talaga bang naniniwala tayo sa kabutihan ng Diyos, na gusto niyang ibigay ang the best sa atin at kasama na rito ang Banal na Misa? Ito ay mahalagang tanong kasi kadalasan nabubuhay tayo na walang Diyos, na parang hindi siya concerned sa atin. O kaya, na pahirap lang sa ating ang Diyos, na hindi tayo magiging masaya kung susunod tayo sa kanya. Kaya hindi natin siya pinapanasin at hindi natin iniintindi ang kanyang paanyaya, tulad ng mga tao sa ating parable. Sa halip na dumalo sa piesta ng hari, nagkanya-kanyang lakad sila – ang isa sa kanyang bukid, ang isa sa kanyang business. Hindi ba mahalaga na ang hari mismo ang nag-imbita sa iyo? Hindi ba sila excited na pupunta sa party na inihanda ng hari? Ang nakakataka pa, inabuso, binugbog at pinatay pa ang mga sinugo na mag-anyaya sa kanila.
Iyan ang larawan ng mga Israelita. Ang mga propeta na pinapadala ng Diyos upang tawagin ang pansin nila para matanggap nila ang mga pagpapala ng Diyos ay kanilang ininsulto, pinabayaan, at pinatay pa ang iba. Hindi naman sila iniimbita sa masama, kundi sa kabutihan at sa kaligayahan ng Diyos. Kung ang Diyos ay maghahari sa atin, magiging maganda ang buhay natin. But no! We want to go our own way. We want to build a tower reaching heaven by our own resources, in our own terms, on our own conditions. This drama of building the Tower of Babel continues to happen today. We want to reach heaven without God, with our technologies, with our ideologies, with our plans. Babagsak ang mga ito.
Pero ayaw ng Diyos na mafrusrate ang kanyang balak na magbigay ng kaligayahan. Handa na ang lahat para sa salu-salo. So he asked his servants to invite everyone they find in the streets – mabuti man o masama. He wants the wedding hall to be filled. Kaya ang paanyaya na tinanggihan ng mga invited guests, ng chosen people, ay tinanggap ang mga Gentiles, ang mga hindi kabilang sa chosen people. Hanggang ngayon ang mga nasa periphery – ang mga mahihirap at naaapi ang mas kumakapit sa Diyos. Para sa kanila ang kaharian ng Diyos. Today is the Sunday of the Indigenous Peoples. Sila na isinasantabi at inaagawan pa ng kanilang lupang ninuno ang mas makakaintindi ng kahalagahan ng Kalikasan at ng pakikipagkapwa tao.
In our parable the king was not sitting there on his throne alone, separated from the people who were feasting down below. He joined the people in their feasting. Ang Diyos natin ay Immanuel, the God who is with us. Kasama natin siya. Nakikihalubilo siya. And he came across one who is not dressed in a wedding garment. Hindi niya agad ito sinita. Tinanong muna niya bakit. “My friend, how is it that you came in here without a wedding garment?” Hindi nakasagot ang tao, ibig sabihin, alam niya na dapat may nararapat siyang suot para sa okasyon. He was not one who only lost his way into the feast. Intentionally he did not prepare! Kaya itinapon siya at nagdusa siya sa labas.
Gusto ng Diyos na mapuno ang kanyang handaan, but we have to be prepared to take part in the feast. What does this garment symbolize? It is the garment of righteousness. We cannot come to God without righteousness, lalung lalo na tayo na tinubos na ni Kristo, binigyan na ng Espiritu Santo. May kakayahan na tayo na maging matuwid. Kung wala tayo nito, nagpabaya na tayo. Wala tayong masasagot kapag tayo ay pinuna ng Diyos.
Mayroon tayong isang magandang awit ng salmo. Psalm 16.
This is an entrance hymn before the people came to the temple to worship.
Hayaan ninyong basahin ko ito sa inyo sa Pinoy version.
Lord, sinong pwedeng pumasok sa Templo mo?
Sinong pwedeng mag-stay sa banal mong bundok?
Yung taong sumusunod sa Diyos sa lahat ng bagay,
Laging ginagawa kung ano ang tama,
At buong pusong nagsasabi ng totoo.
Hindi nya sinisiraan ang iba,
Di sya gumagawa ng masama sa kaibigan,
At hindi nagkakalat ng tsismis tungkol sa kapwa.
Ayaw nya sa mga ni-reject ng Diyos,
Pero mataas ang tingin nya sa mga may takot kay Lord.
Pag nangako sya, talagang gagawin nya,
Tutuparin nya yun kahit gaano pa kahirap.
Nagpapautang sya nang walang interest,
Di sya tumatanggap ng lagay para idiin ang inosente.
Ang taong ganito ang ginagawa,
Magiging matatag, hindi matitinag.
So already in the Old Testament there were conditions for joining the worship service. This condition is righteous living.
Yes, God invites everybody to his banquet. He wants all to be happy. But the blessings of the Lord are not cheap grace. We need to robe ourselves with the garments of justice and righteousness to be able to partake of the feast of the Lord.
Ngayong panahon ng pandemic dasal tayo nang dasal sa Diyos. Palagi nating dinadasal ang oratio imperata, na ang ibig sabihin ay panalanging nagmamakaawa. Maraming mga rosaries ang ating dinadasal, lalung lalo na ngayong buwan ng Oktubre. Kailan pa mawawala ang virus na ito? Kailan pa darating ang mabubuting bagay na inaasahan natin? Papakinggan ba ng Diyos ang mga dasal natin?
Maganda at nagdarasal tayo at lumalapit tayo sa Diyos. Kasama ba ng paglapit sa Diyos ay ang ating paglapit sa kapwa? Marami ngang bagay, mga mabubuting bagay, ang inaalok sa atin ng Diyos. May kahandaan ba tayong tanggapin ang mga ito? Matatanggap ba natin ito na kasama ang iba?
The banquet is ready, the table set. Let us participate in the good things the Lord is setting before us clothed with the garment of righteousness and justice.
No comments:
Post a Comment