Ang Bibliya ay gumagamit ng maraming larawan para sa bayan ng Diyos. Kung minsan ito ay inilalarawan na kawan ng Diyos, kung minsan naman isang building, minsan naman isang lungsod, o isang asawa. Ngayong linggo sa mga pagbasa natin ang bayan ay inilalarawan na isang ubasan. Sa unang pagbasa at sa ebanghelyo, ang bayan ng Diyos ay mahal niya. Pinapakita ito sa pag-alaga na ginawa ng may-ari sa kanyang ubasan. Tinanggalan niya ng mga bato ang lupang tatamnan, naglagay ng pader para hindi pasukin ng mga hayop, naghukay pa ng pisaan ng ubas para sa inaasahang ani. Ang itinanim niya ay mga piling ubas, mga espesyal na semilya ng ubas. Malaki ang kanyang inaasahan sa kanyang ubasan. Pero sa dalawang pagbasa, nabigo ang may-ari. Sa kwento ni Propeta Isaias, ang ubasan mismo ang may kasalanan. Ang naging bunga ay maaasim na ubas. Sa kwento naman ni Mateo ang problema ay wala sa ubasan, kundi sa tagapag-alaga. Ayaw ibigay ang parte ng may-ari. They abused those whom he sent to collect what was due to him. Some they stoned, others they beat and some they killed, including his son. Not only did they not give the share of the owner. They even wanted to get the vineyard and make it their own. Sa dalawang pagbasa dumating ang parusa. Hindi naman pabaya ang Diyos sa kasamaan. Sisirain at pababayaan ang ubasan sa unang pagbasa, at lilipulin at papalitan ang tagapag-alaga sa ebanghelyo. Accountability will come. God is just. God does not take evil sitting down.
Para kanino nakatuon ang talinhagang ito? Sa kapwa pagbasa ang may-ari ay ang Diyos. Ang ubasan na kanyang pinundar at inalagaan ay maaaring ang bawat isa sa atin, o maaari ring ang simbahan, o maaari ring ang bayan. Kaya sinabi natin sa ating salmong tugunan: “The vineyard of the Lord is the house of Israel.” Ang bayan ng Diyos noon ay ang bayan ng Israel. Sa atin ngayon, maaari ring ito ay ang ating bansang Pilipinas.
Kung titingnan natin ang ating bayang Pilipinas, ito ay talagang sinisinta ng Diyos. Mahal ng Diyos ito. Mayaman ang ating karagatan. Mataba ang lupa sa ating bansa. In fact we are exceedingly rich in biodiversity in our seas and in our plants and animals. Maganda ang ating klima. Sagana tayo sa tubig. The Filipinos are a talented people. Madiskarte tayo and we are resilient too as a people. Our culture is rich and varied. By our history we become the meeting point of the both the East and the West. Malalim din ang ating spiritual wealth. The spirituality and the religiosity of our people is palpable and because of it we are resilient in the midst of crisis. Mahalaga ang ating mga pamilya at isa iyan sa yaman ng bansa. Kaya dapat natin pangalagaan ang yamang ito at huwag hayaang masira ang ating mga pamilya tulad ng nangyayari sa mga maunlad kunong mga bansa. Bata pa ang papulasyon ng ating bansa. May kinabukasan tayong hinihintay, hindi tulad ng mga bansang matatanda na ang kanilang mga tao. Palaos na sila. Talagang dapat nating pahalagahan at ipasalamat sa Diyos ang ating bayang Pilipinas. Pinagpala tayo. Inaalagaan tayo ng Diyos.
Pero… at ito ang isang mabigat na pero…. Bakit ganito ang ating kalagayan ngayon? Matindi ang kahirapan ng marami? Noong bata pa ako naniwala ako na walang gutom sa Pilipinas. Hindi na natin masasabi ito ngayon na ayon sa latest survey, mga 30 milyong mga Pilipino ay nakararanas ng kagutuman sa nakalipas na 3 buwan. Bakit marami ang karahasan na nangyayari sa bansa? Bakit maraming Pilipino ay kailangan mangibang bansa para magkaroon ng desenteng buhay? Bakit sa ating kasaysayan nagpapaapi at nagpapauto tayo sa iba? Noon sa mga dayuhan at ngayon sa ating kababayan. O bakit may mga Pilipino na nang-aapi sa kanyang kapwa Pilipino, mga alagad ng batas na hindi sumusunod sa batas?
Ito ba ay dahil sa ating pagka-Pilipino, na gayon talaga tayo – pasaway, matigas ang ulo, tamad, duwag? Maaaring may mga Pilipinong ganyan, but I refuse to believe that we are such as a people, that this misery that we are experiencing now is due to our nature as Filipinos. Our heroes belie this and even now we have heroes who sacrifice themselves, we have intelligent and caring Filipinos, we have many who refuse to be cowered by powerful institutions and organizations.
In the gospel the parable of Jesus was aimed not at the people but at the leaders of the people, sa mga sacerdote at mga matatanda ng bayan. Sila ang pinagkatiwalaan ng may-ari ng kanyang ubasan. Pero hindi sila tapat na katiwala. Ayaw nilang ibigay ang nararapat sa may-ari. Ibig nilang angkinin ang ubasan. God did not reject the vineyard unlike in the first reading. He rejected the leaders in the gospel.
Yes, we are like this largely due to our leaders. They do not exercise the stewardship that is theirs. First they do not give to God what is his due. We always have to be reminded that God is the owner. He is the source of all. He is the creator. We are creatures. So we have to follow him. Nagpapagabay ba tayo sa Diyos? Sinusunod ba natin ang kanyang batas? Sabi ng Diyos na huwag kang papatay – bakit patuloy ang extra judicial killings – and even in the time of the pandamic, extra judicial killings of suspected drug addicts, peace and human rights advocates continue. Bakit sinusulong ang death penalty? Ang gobyerno ba ang nagbigay ng buhay na ibibigay sa kanya ang karapatang kumitil nito? Sinabi ng Diyos, what God joined together let not man separate, bakit sinusulong ang divorce, even painting the picture that those countries who have divorce are progressive? Sinabi ng Diyos na huwag magsinungaling – at patuloy pa ang fake news, ang mga trolls, at ang red-tagging? We do not give what is due to God – which is obedience to his laws. We enjoy the resources of the country but we do not give the proper worship and obedience due to the source of these riches.
Not only that, but there are leaders who want to own what is not theirs. This is glaringly shown in political dynasties. Inaangkin na ng ilang pamilya ang posisyon kasi sila ay nasa posisyon. Nawala na sa kanilang pananaw na sila ay katiwala lang. So by hook or by crook their families cling to their positions even up to the point of buying people and even of maligning and killing their rivals. Almost 70% of the congress people belong to political dynasties. This is why the constitutional mandate to do away with political dynasties is never acted upon by congress. Tulad sila ng mga katiwala na pinatay ang anak para maging kanila na ang ubasan. Sa kanilang ginagawa kasama sila sa pagpapatay sa Anak ng Diyos, tulad ng mga leaders ng mga Hudyo.
The ending of the parable is a dire warning. “Lilipulin niya ang mga buhong na iyon, at paaalagaan ang ubasan sa ibang kasama na magbibigay sa kanya ng kaparte sa panahon ng pamimitas.” There will be an end to abusive leaders. History shows us that no abusive leader survives. So also those who support abusive leaders. They also will not last!
Ibigay po natin ang inaasahan ng Diyos. Ano ang inaasahan niya? Sa ating unang pagbasa, ang inaasahan niya ay bunga ng katarungan at kabutihan. Binibiyayaan niya tayo kasi naghahanap siya ng bunga ng kabutihan at katarungan. Jesus said: “I chose you and appointed you to go and bear fruit that will remain,” (Jn. 15:16) and also, “By this is my Father glorified, that you bear much fruit.” (Jn. 15:8)
My dear people and my dear leaders of the people, we are so much blessed as a country and as a nation. Let us bear fruits that glorify God, fruits that remain – not projects that are washed away by the waves and the sands of time. The fruits that remain are justice and goodness. Ialay ang ganitong bunga sa Diyos! Ito ang kanyang hinahanap!
No comments:
Post a Comment