Today is World Mission Sunday. Ask the people to pray for missionaries and for their mission work, esp the mission among non-christians. Theme: Here I am Lord, send me
Kailangan bang magbayad ng buwis? Kapag buwis ang pinag-uusapan, umiinit ang dugo ng marami. Masakit na obligahin kang maglabas ng pera. Mas masakit pa kung hindi ginagamit ang buwis sa makatarungang paraan. Ang buwis ay galing sa taong bayan upang ito ay magamit sa pagserbisyo sa taong bayan. Pero kung ito ay hindi nagagamit ng maayos, tulad ng pagsasayang lang nito sa mga projects na walang kabuluhan, tulad ng paglalagay ng puting buhangin sa beach na hindi naman napapakinabangan, o kung ang buwis ng tao ay pumupunta lang sa corruption, tulad ng pork barrel ng mga politiko, mas lalong kumukulo ang dugo ng marami.
Pero hindi lang isang uri ang buwis. At the time of Jesus there were several kinds of taxes. There was the temple tax that people paid for the maintenance of the temple, the priests and the levites. Then mostly probably there were the taxes on goods and businesses. In our gospel reading the issue is on the census tax. Kapag nabilang ka sa census, ikaw ay magbibigay ng tax. Ang census ay ang pagbibilang kung ilan ang nasasakupan ng isang kaharian. Kaya sa pagbibigay ng census tax pinapakilala mo na ikaw ay nasa ilalim ng mga Romano. The Romans at the time of Jesus was an occupying force. People do not want to be under occupation. They want to be governed by their own leaders, not by foreigners. Kaya malaking issue sa mga Hudyo ang pagbabayad ng census tax.
Ang tanong kay Jesus ay: Is it lawful to pay the census tax to Caesar or not? Lawful to whom? Surely not to the Romans. Para sa mga Romano ang lahat ay dapat magbigay ng buwis kay Caesar, ang pangulo ng Roman Empire. The question of lawfulness refers to the laws of the Jews. This question was a trap, and Jesus knew this. Kung sasagot si Jesus na ok lang ayon sa batas ng mga Hudyo na magbayad ng buwis sa mga Romano, maaakusahan si Jesus na makadayuhan, hindi siya makabayan. Pero kung sasagot si Jesus na hindi nararapat na magbayad ng buwis sa mga Romano, kakasuhan siyang rebelde sa mga Romano. It would be a political crime.
Bago siya sumagot nag-request siya ng Roman coin na ginagamit sa pagbayad ng census tax. At agad binigyan naman siya ng mga nagtanong sa kanya. Ibig sabihin, ginagamit nila ang pera ng mga Romano na doon nakaukit ang larawan ni Caesar. Nakikinabang sila sa serbisyo ng mga Romano. Kaya ang sagot ni Jesus ay: gumagamit kayo ng mga bagay ng mga Romano, dapat kayo magbigay sa mga Romano. In a way the answer of Jesus legitimizes support to civil authorities because they use the services of the said civil authorities. Kung ganoon kayo sa civil authorities, mas lalung ganoon kayo sa Diyos. Nakikinabang tayo sa mga bagay na galing sa Diyos, at ang lahat ng bagay ay galing sa Diyos – mas lalo tayong magbigay ng nararapat sa kanya.
Dahil sa ang Diyos ay Diyos ng lahat ng bagay at lahat ng tao, kumikilos ang Diyos sa kasaysayan sa pamamagitan ng mga tao at mga hari kahit hindi nila kilala ang Diyos. Ito ang sinabi sa ating unang pagbasa. Si Cyrus ay hari ng mga Persians. Hindi siya Hudyo at malamang hindi niya kilala si Yahweh. Ngunit siya ang ginamit ni Yahweh upang ang mga Hudyo ay makabalik sa kanilang lupain. Tinalo niya ang mga Babilonians na bumihag sa mga Hudyo. Pinayagan niya ang mga bansa na pinatapon ng mga Babilonians na bumalik sa kanilang pinanggalingan. Nakita ng mga Hudyo na si Cyrus ay ginamit ng Diyos upang sila ay makalaya. Ganoon din, hanggang ngayon ang Diyos ang nagpapatakbo ng kasaysayan at ginagamit niya ang mga tao at mga pangyayari upang matupad ang kanyang plano, kahit na ang mga taong ito ay hindi siya kilala. Pero kapag sila ay sumosobra na, mananagot sila sa Diyos. God is Lord of all!
Maraming mga tao ay may maling pag-unawa sa katuruan ni Jesus: Give to Caesar what belongs to Caesar and to God what belongs to God. They see this as a verse to support the separation of Church and state. They view Caesar and God as co-equal independent powers. Wrong! Caesar and God are not co-equal powers. God is creator and he is the source of all. Even emperor Caesar is under him. Caesar belongs to God. At ayon sa utos ng Diyos, dapat mahalin ang Diyos ng higit sa lahat. Siya ang nauuna sa lahat. Mas nauuna pa siya sa Caesar. Pati ang paglilingkod natin sa gobyerno o civil authority ay napapasailalim sa ating panglilingkod sa Diyos. Pinapayagan ni Jesus na ibigay natin ang paggalang at pagkilala na naaayon sa isang may kapangyarihan, sapagkat ang lahat naman ng authority ay galing sa Diyos, pero kung ang authoriting ito ay hindi na sumusunod at taliwas na sa paraan ng Diyos, we must obey God rather than man. Ito ay tandaan ng mga naglilingkod sa pamahalaan, kasama na ang mga kapulisan at ang nasa military. Ang unang loyalty nila ay sa Diyos, hindi sa sinumang political or military leader. Kapag ang ginagawa o pinapagawa sa kanila ay labag na sa batas ng Diyos, ang dapat nilang pagsilbihan at katakutan ay ang Diyos. Huwag nilang itaya ang kanilang kaluluwa sa sinumang leader na tao lamang. Lilipas ang mga leaders na ito. Ang Diyos lang ang mananatili at lahat tayo ay sa kanya mananagot.
Ang separation ng Church and state ay wala sa Bible. Ito ay nasa Philippine Constitution upang bawalan at pigilan ang state na makialam sa gawain ng religion.
The mother provision is found in Article II, Section 6 of the Constitution, which states - - “The separation of Church & State shall be inviolable,” ibig sabihin hindi maaaring i-violate!
This principle is given eight specific provisions in the Constitution:
1. The government is prohibited from establishing its own religion (Art III, Sec 5)
2. The government is prohibited from preventing the free exercise of any religion (Art III, Sec 5)
3. The government is prohibited from giving or showing any preference to or discrimination against any religion (Art III, Sec 5)
4. The government is prohibited from using any “religious test” for the exercise of any civil or political rights (Art III, Sec 5)
5. Churches, convents, mosques, and all their lands, buildings, improvements that are actually, directly and exclusively used for religious purposes are exempt from taxation (Art VI, Sec 28, par 3)
6. The government is prohibited from appropriating and using any public money or property for the direct or indirect use, benefit or support of any religion, church, priest, pastor or imam (Art VI, Sec 29, par 2)
7. The government is prohibited from registering as political party any religious denominations or sects (Art IX, Part C, Section 2[5])
8. The government is prohibited from teaching religion as mandatory in public schools. Classes in religion shall be only allowed to be taught in public schools if the parents give their consent in writing (Art XIV, Sec 3[3])
As we see, all of the prohibitions are directed to the government!
Huwag tayong maniwala sa manipulasyon na ginagamit sa atin na kapag nagsasalita na ang simbahan laban sa katiwalian at pang-aabuso ng kapangyarihan, sinasabi na manahimik tayo dahil sa separation of church and state. Hindi tayo pinagbabawalan!
Hindi tayo mapapatahimik dahil sa ang tungkulin ng simbahan ay magpahayag at kumilos para sa katotohanan, sa katarungan, sa kapayapaan at sa pag-ibig. Kapag may pang-aapi, dapat magsalita ang kristiyano. Kung hindi siya magsasalita, kinakampihan na niya ang nang-aapi, pinapayagan na niya ang oppression. Kung alam mo na ang isang bagay ay isang kasinungalingan at wala kang sinabi, hinayaan mo nang kumalat ang kasinungalingan. There is no neutral ground in front of injustice, oppression and lies.
Sa Banal na Misang ito, habang pinagdarasal natin ang mga missionero, ipagdasal din natin na maging tapat tayo sa ating misyon sa buhay. Nawa maging tapat ang mga namamahala sa tungkulin nila sapagkat pinapasuwelduhan lang sila ng buwis na galing sa bayan. Nawa maging tapat din tayong mamamayanan na bantayan ang mga pinapasuwelduhan natin. Sila ang dapat susunod sa atin, sapagkat ating pera, ating buwis ang ginagamit nila. Mahalaga ang paalaalang ito na ngayon ay pinag-uusapat sa Congreso ay budget ng bansa.
Ang summary ng mga pagbasa ngayong linggo ay sinabi ng ating responsorial psalm: GIVE THE LORD GLORY AND HONOR. Siya ang pagpugayan at paglingkuran. GIVE TO GOD WHAT BELONGS TO GOD – and all things, everything belongs to God and is subject to him. To him be glory and honor forever and ever. Amen.
No comments:
Post a Comment