Ang nasa balita ngayon ay ang tungkol sa vaccine. Maraming mga tao ang umaasa sa pagdating ng vaccine para makabalik na tayo sa normal na buhay at marami din ang balitang malapit na ang vaccine – sabi nga ng iba sa December ay may vaccine nang available. At habang nag-aabang ng vaccine, ang mga pamahalaan ay naglalaan na ng pera para bumili nito at ang pinag-uusapan, at pinag-aawayan, ay sino ang mauuna na makinabang dito. Dito tinutuon ng mga tao ang pag-asa laban sa virus. Pero ito nga ba ang solusyon? Hindi natin alam, pero at least may inaasahan, may hinihintay.
Pag-aantay. Pag-asa. Iyan po ang diwa ng panahon ng adbiyento na sinisimulan natin ngayong linggo. Ang ibig sabihin ng adbiyento ay pagdating, at dahil sa may darating, tayo ay naghahanda. Kaya ang panahon ng advent ay panahon ng paghahanda. Ang pinaghahandaan natin ay higit pa kaysa vaccine. Hindi naman vaccine ang mag-liligtas sa atin. Una, ito ay may presyo at mahal para sa maraming bansa at maraming tao. Pangalawa, hindi pa gaano alam kung ito ay may mga side-effects at kung ano. Sa adbiyento, ang hinihintay natin ay kaligtasan at kaligayahan,a hindi lang gamot sa isang virus, at ito ay para sa lahat. Ganrantisado ito na mangyayari ng Diyos mismo.
Ang hinihintay natin ay ang Diyos na darating. Ang sagot natin sa salmong tugunan ay: “Lord, make us turn to you; let us turn to you and we shall be saved.” Ang Diyos mismo ang ating binabalingan. Sinabi ni propeta Isaias: “Punitin mo na ang langit at bumaba ka na!” Sinabi ni Jesus: “Maging alisto! Maging mapagbantay!” Darating nga ang Panginoon, pero sa oras na hindi natin inaasahan!
Kaagad ang pumapasok sa isip natin sa ganitong panahon na malapit na ang December na ang pagdating na hinihintay natin ay ang pasko, ang Dec 25. Oo, ang adbiyento ay paghahanda nga sa pasko ng pagsilang. Pero hindi lang. Ang Dec 25 ay isa lang ala-ala ng isang pagyayari na nakaraan na. Ang mas hinihintay natin ay ang pagdating muli ni Jesus. About 2000 years ago, Jesus came in the lowly form of a baby in Bethlehem. We remember and celebrate this. But Jesus promised before he left for heaven that he will come again, now in the form of a mighty king and judge. Sa muli niyang pagdating tatapusin na niya ang gawain ng kaligtasan na kanyang sinimulan noon. Jesus has already saved us. He died on the cross and rose again. But we do not yet experience completely the full effect of his redemption. This will happen at his second coming. Advent also prepares us for this. So as we are joyful awaiting Christmas, we should be all the more joyful in awaiting the final coming of Jesus. As we look forward to Dec 25, we should all the more look forward to the Second Coming of the Lord.
So advent as a season of preparation is a preparation both for the coming of Jesus in history and his coming in glory. We commemorate his coming in Bethlehem while we expect his final coming for all time. We are confident for this second coming because as St. Paul told us: “You are not lacking in any spiritual gift for the revelation of the Lord Jesus Christ. He will keep you firm to the end.” Kaya hindi tayo natatakot o kinakabahan. Nasa atin na ang lahat ng biyaya na kailangan natin upang tanggapin siya. Ang dapat lang natin gawin ay huwag tayo magpabaya. Sa ibang liham ni San Pablo sinasabi niya na tayo ay mga anak ng liwanag at hindi ng dilim, mga anak ng umaga at hindi ng gabu. Tayo ay natutulog sa gabi, walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid natin. Pero kapag tayo ay nasa araw na, dapat tayo ay gising at listo sa ating mga gawain. Kaya sinabi ni propeta Isaias: “Sana matagpuan mo kami na gumagawa ng matuwid, na kami ay sumusunod sa iyong landas.” At ganoon din ang sinabi ni Jesus sa ating ebanghelyo. Iniwan ng may-ari ng bahay ang mga alipin niya na may kanya-kanya silang gawain habang wala siya. Sana pagbalik niya matagpuan silang ginagawa ang kanya-kanyang tungkulin.
Kaya kapag sinabi na sana hindi tayo magpabaya ngayong panahon ng adbiyento, huwag tayong magpabaya sa kanya-kanyang tungkulin sa buhay. Ang bawat isa sa atin ay may tungkulin at gawain sa buhay – bilang isang nanay, bilang isang guro, bilang isang estiyudiante, bilang isang manggagawa, bilang isang tatay. Gampanan natin ang mga tungkuling ito. Kung ang bawat isa ay gumagawa lang ng kanya-kanyang tungkulin, gaganda ang takbo ng buhay natin at ng ating bansa. Kaya may kaguluhan dahil iresponsable ang tatay, suwail ang anak, nanloloko ang may tungkulin sa pamahalaan, nagpapabaya ang may trabaho. Let us all strive to be faithful to our duties. This will do a lot of good to all of us.
Ang isa pang pagkapabaya natin ay pabaya sa pagsunod sa paraan ng Diyos. Mga kapatid, maniwala tayo na hindi masama sa atin ang paraan ng Diyos. Pinapaalam ng Diyos ang kanyang mga utos at pamamaraan kasi ito ay mabuti sa atin. Madalas makitid ang ating kaisipan tulad ng mga teen-agers na nagrerebelde sa mga magulang. Akala nila pinipigilan sila ng mga magulang nila upang pahirapan sila. Totoo naman na may mga magulang na mali ang pagdidisiplina sa mga anak nila. Pero hindi natin iyan masasabi sa Diyos. Hindi nagkakamali ang Diyos sa kanyang pamamaraan at walang masamang intensiyon ang Diyos para sa atin. Ibinigay na niya ang kanyang anak para sa atin, ano pa kaya ang hindi niya gagawin para sa ating kabutihan? Maniwala tayo sa kanya. At hindi naman siya nagkukulang na ipaabot ang kanyang kagustuhan. Kaya ngayong panahon ng adbiyento ay hinihikayat tayong magdasal, magbasa ng Bibliya, suriin ang ating konsiyensiya, pag-aralan ang ating pananampalataya. Diyan nagsasalita ang Diyos sa atin. Ang simbahan ay wala namang ibang balak kundi ipaabot sa atin ang katuruan ng Diyos.
Sa panahon ng adbiyento huwag din tayo magpabaya sa ating kapwa. Sila ay pananagutan natin. Let us not be like Cain who questioned God: “Am I my brother’s keeper.” Yes, we are our brother’s and sister’s keepers. We are responsible for each other. Huwag natin pabayaan ang nangangailangan. Anumang biyaya na ipinagkaloob sa atin ay hindi lang para sa atin. Katiwala lang tayo. Ipinagkatiwala ng Diyos ang mga biyayang iyan hindi lang para sa atin kundi para din sa iba. Kung ang bawat isa sa atin ay tutulong at aalalay lang sa isa o dalawa sa paligid natin, marami ang matutulungan. Kaya ang adbiyento ay panahon din ng kawanggawa.
Maraming nagbago sa ating panahon dala ng pandemic. Isang malaking pagbabago ay ang paraan ng pagdiriwang natin ng pasko. Sa mga taong nakaraan, sa ganitong araw na papasok na ang December, ang dami na nating mga Christmas parties na naka-schedule. Nagagastos na natin ang ating mga Christmas bonus at 13th month pay sa pamimili. May plano na tayo kung saan tayo magpapasko. Punong puno na ang mga malls. Hindi ganyan ngayong taon. Pero may isang bagay na maaari nating sabihin na mabuting idinudulot sa atin ng pandemic. Mas maipagdiriwang natin ang adbiyento. Noong nakaraan, nilamon na ng pasko ang adbiyento. Sa totoo lang pinagdiriwang natin ang pasko sa panahon ng adbiyento, in the days before Dec 25. The intense partying are done before Christmas. And when Christmas day comes, we are tired of Christmas. And after December 25 which is the real Christmas season, the joy of Christmas is gone. Mataas na ang blood sugar at ang cholesterol, broke na tayo at pagod na. Now let us go back to the true spirit of advent and Christmas. Hindi pa pasko ngayon. Mas tahimik tayo ngayon sa pagdarasal, sa pagninilay, sa pagtulong sa kapwa, sa pagbabasa ng Bible. Mas namnamin natin ang pananabik sa pagtanggap sa Panginoon. And let us celebrate the real Christmas on Dec 25 and the days after that. Most of all, during these advent and Christmas seasons, let our attention be on the Lord Jesus. He is the reason for the season. The memory of his coming 2000 years ago and the expection of his coming at the end of time should be the focus of our attention. Thus we sing deep in our heart and let this be the refrain in these days: Maranatha! Come, Lord Jesus, come!