Steward. Katiwala. Tagapamahala. Caretaker. OIC. Administrator. Ang mga salitang ito ay magkaugnay. Ang mga ito ay may tungkulin at may kapangyarihan. Pero hindi sila ang may-ari. Ang kanilang kapangyarihan ay pansamanta lang kaya mananagot sila pagdating ng tunay na may-ari. Kunin natin bilang halimbawa ang aking gampanin ngayon bilang administrator ng Archdiocese ng Maynila. May tungkulin ako at may kapangyarihan. Makakadesisyon ako. In a way, ako ang namamahala ngayon ng Archdiocese of Manila. Pero ginagamit ko lang ito bilang katiwala, caretaker, para sa archbishop ng Maynila na ibibigay sa atin, na siya ang talagang magiging tunay na pastol natin. Pagdating ng bagong archbishop mawawala na ang aking tungkulin. At mananagot ako sa bagong archbishop kung maayos ba ang aking paggamit ng pamamahala ko o hindi.
Pinag-uusapan natin itong stewardship, o bilang tagapamahala o katiwala o administrador kasi iyan ang paksa ng mga pagbasa natin ngayon. Sa ating ebanghelyo pinagkatiwala ng may ari ang kanyang kayamanan sa kanyang mga alipin. Malaki ang tiwala niya sa kanila kasi malalaking halaga ang pinagkatiwala sa kanila. Ang salitang Talent na ginamit ay isang panukat ng bigat. Mga 33 kgs ang katumbas nito. Imagine 1 talent ng gold, or 33 kgs ng gold! Sa halaga ngayon aabot iyan ng mga 60 Million pesos! Imagine ang laking halaga na pinagkatiwala! 5 talents! 2 Talents! Kahit na ang 1 talent ay hindi biro. Kaya ang tagalog translation natin na 5,000 pesos, 2,000 at 1,000 pesos ay napakaliit. Ganoon kagalante ang may-ari. Ganoon ang tiwala niya sa bawat isa.
Kahit na malaki ang halaga, hindi naman kanila. Bilang mga katiwala lang, alam nila na isasauli nila ang pinagkatiwala sa kanila. Ano ang isasauli nila? Natuwa ang may-ari na tunay na mapagkakatiwalaan ang nakatanggap ng 5 at 2 talento. Alam nila na hindi lang pinatago sa kanila ang pera. Ginamit nila ito sa business – at tumubo ng 100%.
Ang pagsisikap ng mabubuting katiwala o tagapamahala ay pinakita ng babaeng asawa sa ating unang pagbasa. Inilarawan sa huling chapter ng book of Proverbs ang isang asawa na masipag at maaasahan. Magaling siyang maybahay. Nag-aalaga ng pangangailangan ng lahat. Naninigurado na ang lahat ay may sapat na damit, at ang damit noon ay hindi binibili sa ukay-ukay o department store, kundi hinahabi pa. Sariling gawa ang mga damit. Nag-aayos ng pagkain para sa lahat, nangangalakal pa. Nagtatanim sa bukid at tumutulong pa sa mahihirap. Iyan ang magaling na asawa na ikatutuwa ng buong pamilya. Dahil sa siya ay may takot sa Diyos, ginagampanan niya nang mabuti ang pinagkatiwala sa kanya sa tahanan.
Ganoon din ang lahat ng mabubuting stewards. It is not just enough to give back what has been given. Nagsikap sila na lumago at tumubo ang ibinigay sa kanila. So it was with pride that they said: “Here I have made 5 talents more! Here I have made 2 talents more!” Pero nagalit siya sa nag-sauli lang ng kanyang tinanggap. Gusto ng Diyos na lumago, tumubo, mamunga ang kanyang ipinagkaloob sa atin. May pagsusulit at maghahanap siya ng bunga. Jesus said: “By this is my Father glorified, that you bear much fruit and become my disciples.” (Jn. 15:8 NAB) “It was not you who chose me, but I who chose you and appointed you to go and bear fruit that will remain.” (Jn. 15:16 NAB) May talinhanga rin si Jesus ng isang may-ari ng lupa na sinabi sa tagapangalaga na putulin ang puno ng igos kasi tatlong taon na siya naghahanap ng bunga at wala siyang makita. Naghahanap ng Diyos ng bunga.
Ano ba ang ipinagkatiwala niya sa atin? Ang lahat ng mayroon tayo ay galing sa Diyos – ang ating buhay, ang ating pamilya, ang ating mga talento, ang ating trabaho, ang ating pera at ari-arian. Huwag nating angkinin ang mga ito. Pinagkatiwala lang sa atin ang mga ito. Iniingatan ba natin ang mga ito at pinapalago? Huwag nating hayaang masira o mawala. Sa halip gamitin natin at palaguin. We will have to give an account of them to the Lord, the real owner of these things.
Paano kaya mapalalago ang mga ipinagkatiwala niya? Una, gamitin natin. Ang lahat ng hindi ginagamit ay nasisira o nanghihina. Ang sasakyan na hindi ginagamit ay nasisira. Pati na nga ang muscle na hindi ginagamit ay nanghihina. Ang talino na hindi ginagamit ay nangangalawang. St. Paul wrote: “Since we have gifts that differ according to the grace given to us, let us exercise them” (Rom 12:6) Hindi lang na gamitin ang mga gifts na ito. Gamitin natin hindi lang sa sarili kundi sa iba. Sabi ni St. Peter:” As each has received a gift, employ it for one another, as good stewards of God’s varied grace” (1 Pt 4:10). Remember that we have social responsibilities to the things that we have. Ang mga biyaya ng Diyos na ipinagkatiwala sa atin ay hindi lang para sa atin. Ito ay para din sa iba. Gamitin din natin sa iba ang mga ipinagkaloob sa atin. In fact we become happy when we use our talents to help others. We are fulfilled when we are able to share our time with others.
Ito ay totoo din sa mga material wealth na ipinakatiwala sa atin. Minsan may sinabi si Jesus: “I tell you, make friends for yourselves with dishonest wealth, so that when it fails, you will be welcomed into eternal dwellings.” (Lk. 16:9 NAB) He also said: “Sell your belongings and give alms. Provide money bags for yourselves that do not wear out, an inexhaustible treasure in heaven that no thief can reach nor moth destroy.” (Lk. 12:33 NAB) Let us then invest what we have so that we may gain real wealth. Itulong natin sa iba ang makamundong kayamanan natin at ito ay magkakaroon ng panibago at mas mataas na halaga, makalangit na halaga.
Maganda ang paalaala na ito na ngayong Linggo ay World Day of the Poor with the theme: Stretch out your hand to the Poor. At ngayon din ay Alay Kapwa Sunday na magkakaroon tayo ng mga collection para sa mga biktima ng kalamidad. At sa mga araw na ito maraming kalamidad ang tumama sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa. Dumaan pa lang si Quinta at sumunod agad si Rolly. Halos hindi pa nakakabangon kay Rolly at nandiyan naman si Ulysses. Ang daming mga bahay at mga tanim na dumapa at lumubog sa kabikulan, sa Southern Tagalog region, sa Metro Manila, sa central at northern Luzon. And all of these are happening when we are battling with Covid 19! Mamulat na sana tayo. Climate change na ito. Hindi pa tayo nagkaroon ng sunod-sunod na bagyo. Signs of climate change are not only stronger typhoons but also more frequent storms.
In all of these we are being challenged to stand up together and put our resources together and help. Una, ang mga kalamidad na ito ay masakit na paala-ala na hindi talaga natin mapanghahawakan ang mga ari-arian at pati na ang buhay natin. Isipin na lang natin ang mga bahay na lumubog. Ang lahat na pinundar sa bahay na iyon ay nawala na rin. Kaya kung iyan lang ang pinag-iipunan natin, kay daling nawala. Pangalawa, ang mga sakunang ito ay maaaring malakas na panawagan sa atin that we help one another. We help not only with what is extra for us, but even with what we need, because others are more in need.
Let us be convinced that whatever we give to help others is not a loss for us. Kung tayo ay pumunta sa bangko at nagdeposit ng 10,000 pesos, paglabas natin ng bangko nalulungkot ba tayo dahil wala na ang 10,000 sa ating pitaka? Hindi! Wala na nga sa ating bulsa, pero atin pa rin ang 10,000 na iyon. Nasa account na natin sa bangko. Ganoon din dapat ang isipin natin. Hindi tayo manghihinayang na nagbigay tayo ng 5,000 pesos sa tinamaan ng bagyo. Hindi nawala ang 5,000 pesos natin. Dineposito lang natin sa ating account sa langit. Hindi iyon nawala sa atin. Pinagpalit lang natin ng makalangit na halaga. Do we believe this?
Ngayong Alay Kapwa Sunday magbigay tayo sa mga collections sa simbahan. Kung sa bahay lang tayo nagsisimba magpadala tayo sa simbahan para sa Alay Kapwa. Ang programang ito ang tumutulong sa mga nasalanta ng mga bagyo sa buong bansa. Ang Alay Kapwa ang nagcocoordinate ng tulong sa mga dioceses sa bansa, kasama na diyan sa mga dioceses sa Cagayan Valley at sa Kabikulan. Ang Alay Kapwa ay programa ng Caritas Pilipinas, Caritas Manila at Caritases ng mga dioceses para sa relief at rehabilitation ng mga biktima ng mga calamities.
Sana pagkaraan ng mahabang panahon at bumalik na ang ating Panginoon, masasabi natin sa kanya nang may kaunting yabang: “Panginoon heto po ang 5 talento na pinagkatiwala ninyo sa akin. Heto pa po ang 5 talento na tinubo ko!”
No comments:
Post a Comment