May iba’t ibang paraan ng pagtingin sa panahon kasi may iba’t ibang kalendaryo. Familiar tayo sa civil year na nagsisimula sa January 1. Diyan nakabase ang ating kalendaryo. Pero mayroon din tayong school year, ang kalendaryo ng mga schools; mayroon ding fiscal year, ang kalendaryo ng business; familiar din tayo sa Chinese New Year, na ibang kalendaryo din ang sinusundan. Sa Simbahan mayroon din tayong liturgical year, ang kalendaryo ng simbahan. Sa simbahan, ang linggong ito ay ang huling linggo ng taon ng simbahan. Sa susunod na Linggo, magsisimula na tayo sa bagong panahon ng simbahan, ang panahon ng Adbiyento.
Today, which is the last Sunday of the Year of the Church, we remember the end of time. Lahat ng bagay ay nagtatapos. Pati na ang panahon ay magtatapos, at ang lahat ng bagay sa mundong ito ay magtatapos. Bilang mga Kristiyano naniniwala tayo na ang lahat ay nasa kamay ng Diyos. Sa kanya nagsimula ang lahat, at ang lahat ay babalik din sa kanya. Narinig natin sa sulat ni San Pablo sa mga taga-Corinto: “Kapag ang lahat ay nasa ilalim na ng kapangyarihan ni Kristo, ang Anak naman ang paiilalim sa kapangyarihan ng Diyos na naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan niya. Sa gayon, lubusang maghahari ang Diyos sa kalahat-lahatan.”
Dumating si Jesus sa mundo upang iligtas tayo. Hanggang ngayon patuloy ang proseso ng pagliligtas. Magtatapos ito sa wakas ng panahon. At hindi mabibigo ang balak ng Diyos na kaligtasan. Ang tagumpay ni Jesus sa kamatayan at kasamaan ay magiging klaro na sa lahat. Kaya ngayong Linggo ipinagdiriwang natin ang Dakilang Kapistahan ni Kristong Hari. Ito ay paalaala sa atin sa wagas na tagumpay ni Kristo.
Ayon sa ating ebanghelyo uupo siya sa kanyang maringal na trono na puno ng kaluwalhatian na napapalibutan ng lahat ng mga anghel at mga tao. Si Kristong Hari ay siya rin ang Dakilang Hukom. Tulad ng pastol, paghihiwalayin niya ang mga tupa. Hahatulan niya ang bawat isa. Sa isang talinhaga ni Jesus, tayo ay parang nasa isang bukid na sama-samang tumutubo ang mga trigo at ang mga damo. Pagdating ng tag-ani, ihihiwalay ang mga trigo sa mga damo. Ang mga trigo ay dadalhin sa warehouse habang ang mga damo naman ay susunugin. Sa isa pang talinhaga, inihambing ni Jesus ang paghahari ng Diyos ngayon sa isang lambat na itinapon sa dagat. Lahat ng uri ng isda ay napasaloob ng lambat. Hihilahin ang lambat sa dalampasigan at doon na paghihiwalayin ng mangingisda ang mabubuti at mapapakinabangan na mga isda at itatapon ang mga walang kwenta.
There will be a judgment, there will be a separation between the good and the bad. Napakaraming kasamaan na nangyayari sa mundo natin. Hindi lang may mga masasamang tao; nakikita natin na maraming masasama ay nang-aapi at hindi napananagot. Parang maganda pa nga ang buhay nila. Umaasenso pa ang masasama. Kung ito lang ang mundo, napakalupit ng buhay. Pero hindi lang dito magtatapos ang lahat. May matuwid na hukom. Itutuwid ang lahat. Gagantimpalaan ang mabuti at paparusahan ang masama. Sinulat ni Papa Benedicto: “Evildoers, in the end, do not sit at table at the eternal banquet beside their victims without distinction, as though nothing had happened.” (Spes Salvi # 44)
Matuwid ang Diyos. Hindi siya pabaya. Pananagutin niya ang lahat. Ang Diyos na makatarungan ay maghahari. Ang katotohanang ito ay nagbibigay ng lakas ng loob sa mga nakikibaka sa katarungan. Hindi masasayang ang pagsisikap nila. Magtatagumpay sila. This is a dire warning to those who are unjust. You cannot forever hide in lies and in injustice. You will answer for your wrongdoings.
And the message this Sunday is clear: there is a forever. Magpasawalang hanggang kaligayahan sa langit ang inihanda ng Diyos para sa atin at magpasawalang hanggang parusa sa impiyerno na inihanda ng Diyos, hindi para sa atin, kundi para sa diyablo at sa kanyang mga kampon. Doon pupunta ang masasama.
Wala pa tayo sa wakas ng panahon, pero papunta tayo roon at bawat sandali lumalapit tayo sa wakas ng panahon. Mabuti at sinabi na sa atin ngayon ng Salita ng Diyos kung ano ang batayan ng paghuhusga sa bawat isa. Magbibigay sa atin ng test ang Diyos – ang huli at pinakamahalagang test sa ating buhay – at ibinigay na niya ang test question. Kailangan na lang natin sagutin ito sa pang-araw-araw na buhay natin. There will be no surprise question.
Kung hindi binigay ni Hesus ang test question magugulat tayo. In our usual way of thinking, in order to have a good standing with God, we have to do religious things, like praying, going to mass, going into fasting, praying the rosary, reading the Bible. Pero hindi tayo gaanong titingnan sa mga pansimbahang gawaing tulad ng mga ito. Tatanungin tayo sa mga ginawa natin sa ating kapwa. The way to God is through our fellow human beings. Yes, we do religious things, but these are only means so that we can approach and do good to our fellow human beings. The religious things and activities that we do are not ends in themselves; they are means to lead us to people. The religious activities should make us more human to others. And being more human, we become more divine.
Isa pang sorpresa, kung hindi na agad sinabi ni Jesus. Para sa marami, mabuti na tayo kung hindi tayo gumagawa ng masama sa iba. Hindi naman ako nagnakaw. Hindi naman ako pumatay. Hindi naman ako nanira sa iba. Pero ayon kay Jesus, tinitingnan tayo ng Diyos sa mga kabutihang ginawa natin o kabutihang hindi natin ginawa. Nagiging masama tayo, ganung kasama na ipapatapon sa impiyerno, dahil sa kabutihan na hindi natin ginawa – hindi nagpakain, hindi bumisita, hindi nag-alaga. We should consider this seriously because many of us do not do bad things to others. However, we also do not go out of our way to do good to others. And there are so many others to help.
Who are these others? Not the big people in our society, nor our relatives and friends. Iyong mga hindi pinapansin. Iyong mga isinasantabi, iyong binabale wala. Maraming mga tao na nandiyan pero hindi natin nakikita at hindi pinapansin. There are invisible people around us, not because they are ghosts, because we are so accustomed not to mind them. Maaaring iyan ay ang driver, ang tagalaba, ang nagbebenta ng bulaklak, ang naglalako ng taho, ang pulubi sa daan o sa kalsada. Ang mga bilanggo, libo-libo iyang isinasantabi at pinagsasamantalahan pa sa mga kulungan; ang mga may kapansanan na tinatago sila pati na ng kanilang mga pamilya; ang mga may bisyo na para sa iba ok lang na patayin; ang mga matatanda na madalas ay nasa sulok na lang ng bahay, kung may bahay pa nga. Sila ang dapat pansinin. At ang tulong na ibibigay ay hindi naman espesyal o magastos na tulong – basic needs lang tulad ng food, water, clothes, shelter, pagbisita, at maaari pang dagdagan – kausapin lang, ngitian, batiin, kamustahin; sa makatuwid, ituring na tao, ituring na kapwa. Ipakita sa kanila na tayo ay magkakapatid, na tayo ay magkaibigan. Ito ang sinasabi ni Papa Francisco sa kanyang liham na Fratelli Tutti. Social friendship, solidarity. Sana magkaroon ng mukha at pangalan ang mga mahihirap sa ating buhay at hindi lang sila numero o statistics.
Kung kaibigan natin ang mga nagtitinda sa kalye, matitiis ba natin na sila ay basta alisin lang at kunin ang kanilang paninda ng mga pulis at MMDA? Kung nakikiramay ba tayo sa namatayan, pababayaan lang ba natin na ang nanay ay pigilan na tumangis sa kanyang baby na namatay?
Kadalasan nagwawalang kibo lang tayo sa mga maliit na tao na pinagsasamantalahan dahil hindi naman sila mahalaga sa atin. Hindi naman natin sila kaano-ano. Anong hindi kaano-ano? Kapwa tao natin sila! Magkaisa tayo sa ating pagkatao. Kapag ang isang tao ay hindi pinapahalagahan at sinasaktan pa nga, ang ating pagkatao ang tinatamaan. Isa lang ang pagkatao natin! Anong hindi kaano-ano? Sa bandang huli, sa wakas ng panahon, sa Last Judgment, ang ngiti nila ang magpapapasok sa atin sa langit, o, sana hindi mangyari sa atin, dahil sa simangot nila, pupunta tayo sa apoy na walang hanggan.
No comments:
Post a Comment