The covid 19 pandemic is really affecting our lives. We feel this in a special way today, November 1. It is customary for many of us to honor our beloved dead this day and tomorrow to go to the cemeteries. Hindi na natin ito magagawa ngayon. At naiintidihan naman natin bakit. Mahirap mapigilan ang pagkalat ng virus sa maraming mga tao na magkukumpulan sa mga Cementerio. In a way, by not being allowed to do what we customarily do, we are forced to confront the meaning of our custom and to consider how we can express our belief in other ways.
Kapag pinapahayag natin ang ating pananampalataya may binabanggit po tayo: sumasampalataya ako sa samahan ng mga Banal. I believe in the communion of saints. Who are these saints? In what does this communion consist? Ano ba ang samahang ito? Ang mga Banal na tinutukoy ay ang lahat ng mga nasa grasya ng Diyos. Sila iyong nasa kanila ang buhay ng Diyos. Ang Diyos ay naging tao, upang tayong mga tao ay makiisa sa buhay niya. Ipinagkaloob sa atin ang buhay ng Diyos noong tinanggap natin ang Diyos sa binyag. Ang buhay na ito ay winawala natin at nawawala sa atin kung tinatanggihan natin ang Diyos. Ang pagtangging ito ay tinatawag na kasalanan.
Kung hindi natin tinatanggihan ang Diyos, kahit saan man tayo, kahit ano ang kalagayan natin, nabibilang tayo sa mga Banal. Ang buong simbahan ay binubuo ng tatlong kalagayan: the victorious church, the suffering church and the militant church. Ang mga ito ay nasa isang samahan kaya ang mga ito ay nagtutulungan. Iyong nasa victorious church ay iyong mga nasa langit na, matagumpay at masaya na kasama ni Jesus. Iyong mga nasa suffering church ay iyong mga dinadalisay pa sa purgatorio. Sila ay hinahanda na pumunta sa langit. Tayo na nasa lupa ay nabibilang sa militant church. Nakikibaka pa tayo laban sa kasamaan. Ang tatlong ito ay nagtutulungan. Here on earth we need help in our struggle against evil. So we pray for one another and we care for each other. We also ask the help of those in purgatory and in heaven. So we call on the holy souls. Iyong mga purgatorio ay tinutulungan din natin sa pamamamagitan ng ating mga sakripisyo at mga dasal. Iyong mga nasa langit na ay hindi na kailangan ng tulong. Nasa kaluwalhatian na sila. Wala na silang kailangan. Sila ay iyong nakakatulong sa atin sa kanilang dasal sa Diyos dahil kapiling na nila siya.
Ngayong araw, All Saints Day, ang ating atensiyon ay naka-focus sa mga nasa langit, at bukas, All Souls Day, ang atensiyon naman natin ay nakafocus sa mga Banal sa Purgatorio.
Minsan si Jesus ay tinanong: Marami po ba ang maliligtas? Hindi ito sinagot ng Panginoon ng diretso. Ang sabi lang niya ay masikap kayong pumasok sa daan na makipot kasi malawak ang daan papunta sa kapahamakan. Ang tanong kung marami ba ang maliligtas ay sinasagot sa atin ngayon sa unang pagbasa natin na galing sa aklat ng Pahayag, the Book of Revelation. Ang Aklat ng Pahayag ay gumagamit ng maraming mga simbolo. Nilarawan ni Juan ang kanyang pangitain sa langit. Doon nakaupo sa trono ang Diyos kasama ang Korderong sugatan, si Jesus na inalay. Sila ay sinasamba ng apat na nilalang na sumasagisag sa mga kapangyarihan: ang toro na kumakatawan sa kalakasan, ang lion na kumakatawan sa katapangan, ang tao na kumakatawan sa katalinuhan, at ang agila na kumakatawan naman sa kaliksihan at katayugan. Kasama nila sa pagsamba sa Diyos ay ang 24 elders, na kumakatawan naman sa mga namumuno sa panahon ng Lumang Tipan at ng Bagong Tipan. Sumasamba din sa Diyos ng maluwalhati sa langit ang 144,000 na nakasuot ng puti at may tatak sa noo. Ang 144,000 ay 12 x 12 x1000. Ang bilang na 1000 ay sumasagisag sa maraming- marami. Ang unang 12 ay kumakatawan sa 12 tribes of Israel at ang pangalawang 12 ay sa 12 apostles. Kaya ang 144,000 ay nagpapahiwatig ng napakaraming mga kaluluwang naligtas mula sa Lumang Tipan hanggang sa Bagong Tipan na galing sa lahat ng lahi at lahat ng tao. Nilinis sila sa dugo ng kordero na namatay para sa lahat.
Ngayon ay kapistahan ng Todos los Santos, lahat ng mga banal sa langit, all the saints. Pinapakita sa atin na marami ang maliligtas. Marami ang nasa langit. Hindi sayang ang dugo ni Jesus. Ito ay mabisa. Kaya ang kabanalan ay para sa lahat.
Let us be confident about salvation. Lahat tayo ay tinawag na maging banal dahil sa lahat tayo ay tinatawag sa kaligtasan. Hindi naman tayo makakapunta sa Diyos na banal kung hindi tayo banal. Sikapin natin lahat na maging banal dahil na iyan ang plano ng Diyos sa bawat isa sa atin. Ang mga kalagayan natin sa buhay ngayon ay pansamatala lang, pangmundo lang – ang ating trabaho, ang ating posisyon, ang ating pamilya, ang aking pagiging obispo, o ang iyong pagiging tatay, o iyong pagiging manager. Lilipas ang mga ito at ang mga ito ay tulay lang para maging banal tayo at makapunta sa langit.
Noong kami ay mga bata pa, hindi ko makalimutan ang pina-memorize sa amin sa katesismo. Bakit ka linikha ng Diyos? Ang sagot: “Ako ay nilikha ng Diyos upang maging banal para maging masayang kasama ng Diyos magpasawalang hanggan sa langit.” Bata pa kami idiniin na sa amin ang layunin ng buhay. Sa kapistahan natin ngayon hinihiling sa atin na tumingala tayo. Para doon tayo sa langit. At napakaganda ng langit. St Paul wrote: “I consider that the sufferings of this present time are as nothing compared with the glory to be revealed for us.” (Rom. 8:18) Masusulit ang lahat ng effort natin. Kaunting langit lang, sulit na ang lahat!
Tayong lahat ay may karapatan sa langit dahil sa tayo ay mga anak na ng Diyos. Iyan ang sinabi ni San Juan sa ating ikalawang pagbasa. Ang karangalan natin ay anak tayo ng Diyos. Maaaring hindi pa natin na-aappreciate ngayon ang ating pagiging anak ng Diyos. Pero doon sa langit ay lalabas ang ating tunay na karangalan at kaningningan, magiging tulad na talaga tayo ni Jesus. Makikiisa na tayo sa kanyang kaluwalhatian.
Hindi lang pinakita ni Jesus kung saan tayo pupunta. Ipinakita rin niya ang paraan. Ito ang ay mga beatitudes. These are the formulas to be holy and to be happy. Kakaiba ito sa mga formula ng kaligayahan na binibigay sa atin ng mundo at nakasanayan nating hanapin. Para sa marami magiging masaya at masuwerte tayo kung tayo ay mayaman, makapangyarihan na sinusunod ng iba, nabubuhay sa layaw, pinupuri at kinakatakutan ng mga tao. Kakaiba iyan sa narinig natin na sinabi ni Jesus: mapalad kayo, masuwerte kayo, magiging masaya kayo kapag kayo ay dukha, tumatangis, mababa ang loob, maawain, naghahangad ng katarungan, malinis ng puso, inuusig at iniinsulto. Ang Diyos mismo ang magpapaligaya sa inyo. Ang tunay at tatagal na kaligayahan ay hindi iyong inaabot natin kundi iyong ibinibigay sa atin ng Diyos. May tiwala at kababaang loob ba tayo na tanggapin ito?
Ngayong Undas hindi tayo makakapunta sa cementeryo pero maipagpapatuloy ang dahilan bakit tayo pumupunta sa cementeryo. Bakit nga ba? Para sama-samang maalaala ang mga yumao natin. Ito ay pinapakita natin sa ating pagsasama-sama bilang pamilya at sa ating pagdadasal. Magagawa pa rin natin ang mga ito kahit na hindi tayo makapunta sa cementeryo. Pwede pa rin tayo magsama-sama bilang pamilya. Magkaroon tayo ng munting handaan sa bahay. Pag-usapan natin ang mga yumao natin. Our memories about our beloved dead unite us not only with them but with each other. Pwede pa rin tayo sama-samang magdasal. Kaya hinihikayat natin ang mga Catolico na magsimba sa mga araw ng Nov 1 at Nov 2. The Holy Mass is the best prayer that we can offer. Kung gusto natin magtirik ng kandila, pwede natin itong gawin sa mga simbahan natin. The lighting of candles is a symbol of our faith in God and ardent love for our beloved dead. At maaari pa rin tayo pumunta ng Cementerio any day of November after Nov 4. The plenary indulgence of visiting cemeteries has been extended to the whole month of November.
Ang hindi natin pagpunta sa Cementerio ngayong undas ay nagpalalim ng kahulugan ng kaugalian natin sa undas. Iyan ay ala-ala sa ating mga yumao na patuloy tayong pinag-iisa bilang pamilya sa ating pagdarasal at pagsamba sa Diyos at sa ating hangarin na maging banal at magkita-kita uli sa langit.
Sa ritual ng pagbibindisyon sa mga patay ang huling paalam natin ay: “Paalam sa iyo kapatid na pumanaw, mapasapiling ka nawa ng Poong Maykapal. Ang pagpapala ng Diyos ay baunin mo….Sa Paraiso magkikita muli tayo. Samahan ka ng mga Santo. Kahit na may nauuna, tayo rin ay magsasama-sama, upang lagi tayong lumigaya sa piling ng Diyos Ama. Amen”
No comments:
Post a Comment