Sunday, January 24, 2021

Homily January 24 2021

3rd Sunday of the Year Year B National Bible Sunday Jonah 3:1-5.10 1 Cor 7:29-31 Mk 1:14-20 

 Since 1982 the Philippines has been celebrating the National Bible Sunday every third Sunday of January. This is a celebration of all the Christians in the Philippines since the Bible is something that we all have in common that is dear to us. In this day the Bible is recognized and promoted as a very important vehicle of God’s revelation to his people. God’s word is alive and effective and through it we come in touch with God. 

 Sa panahon natin na tayo ay binabaha ng napakaraming mga balita at mga ideas, madalas tayo ay nahihilo at nalilito. Ano ba talaga ang mahalaga? Ano ba talaga ang maaasahan? Kailangan natin ito lalo na sa mga mahahalagang tanong ng buhay, tulad ng: Ano ba ang saysay ng buhay? Ano ba ang talagang magbibigay ng kaligayahan? Bakit ba kailangan ng pag-ibig? Ano ba talaga ang pag-ibig? Ano ba ang kamatayan? Napakaraming mga tanong na mahalaga sa buhay natin. Mabuti na lang at ang Diyos natin, sa kanyang pagmamahal sa atin, ay nagbibigay ng liwanag sa atin sa pamamagitan ng kanyang salita. 

 Ang Salita ng Diyos ay maaasahan. Siya ay tapat at nagsasalita siya kasi mahal niya tayo. Alam rin niya ang kanyang sinasabi kasi siya ang may likha sa atin at siya ang may kapangyarihan sa lahat. 

 God speaks to us in so many ways – through creation, through our conscience, through the events that happen in our lives, through the people he sends, through the church, through the Bible and especially through his Son Jesus Christ. Jesus, being the son of God made flesh, is the definitive word of God to us. The Bible, on the other hand, is the written word of God. It is a sign of God’s humility and sincerity that he puts himself on record in the Bible. 

 Dahil sa ang Bibliya ay Salita ng Diyos, iyan ay mabisa. Iyan ay makapangyarihan. The Word of God is not only informative. Hindi lang ito nagbibigay ng kaalaman. Ito ay nagbibigay ng kaganapan. God’s Word is performative. It brings about what it says. Serioso siya sa kanyang sinasabi at ginagawa niya ang kanyang sinasabi. Sana serioso din tayo sa pagtanggap nito. 

 Si Jonas ay pinadala ng Diyos na magpahayag sa mga taga-Nineveh. Ang mga Assyrians ay kaaway ng mga Israelita. Malupit nilang tinalo ang mga Israelita sa mga digmaan at pinatapon sa iba’t-ibang lugar, kaya nawala ang 10 tribes of Israel. Kaya galit na galit ang mga Israelita sa mga taga-Nineveh, ang kapital ng Assyrian Empire. Ayaw ni Jona na magsalita doon pero napilitan siya. Hindi siya makatakas sa Diyos. Pero hindi bukal sa loob niya ang kanyang pagpapahayag. He covered only one-third of the city. He walked only 1 day instead of three days to cover the whole city. At ang mensahe niya ay hindi nagbibigay ng pag-asa. “Forty days more and Nineveh will be destroyed.” Pero kahit na matamlay ang pagpahayag ni Jonas, ang Salita ng Diyos sa pamamagitan niya ay mabisa. Ito ay tinanggap ng mga tao, mula sa hari hanggang sa pinakamaliit na mamamayan. Lahat ay nagsisi. Nag-ayuno sila at umupo sa abo. Makapangyarihan ang salita ng Diyos. Ito ay nagdala ng pagbabago sa lahat. Dahil dito hindi sinira ng Diyos ang Nineveh. Naligtas silang lahat. 

 Ganoon din ang salita ni Jesus. Tinawag niya ang dalawang pares na magkakapatid: si Simon at si Andres, si Juan at si Santiago. Kahit na sila ay nasa gitna ng kanilang trabaho, iniwan nila ang lahat at sumunod kay Jesus. God’s word is attractive. 

 Ang salita ni Jonas at ng mga propeta, ang salita ni Jesus at ng mga apostol, ay siya ring salita na patuloy na pinahahayag ng simbahan. Maraming mga tao ang napapakilos ng Salita ng Diyos. Si Anthony ay isang taong maykaya. Noong marinig niya ang ebanghelyo na nananawagan na dapat iwanan natin ang lahat at sumunod sa kanya, pinagbili niya ang ari-arian niya at tumira siya sa disyerto. He became known as St. Anthony of the Desert, the one who started the eremitical life in the Church. Nagkaroon siya ng maraming disciples at nagsimula siya ng movement ng mga tao na nagbigay ng buhay nila sa panalangin at pinetensiya. 

 Sinulat ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa na huwag tayong magpatali sa mga gawain o mga bagay ng mundong ito. Kaya ang mga namimili, mamuhay sila na parang hindi na nangangalakal. Ang may asawa, na para ng walang asawa, ang mga tumatangis, na hindi na tumatangis, kasi ang lahat ng bagay sa mundong ito ay lilipas. Huwag tayo magpatali dito. Ang tanging maaasahan lang ay ang salita ng Diyos. In the book of the prophet Isaiah we read: “A voice says, "Proclaim!" I answer, "What shall I proclaim?" "All flesh is grass, and all their loyalty like the flower of the field. The grass withers, the flower wilts, when the breath of the LORD blows upon it." "Yes, the people is grass! The grass withers, the flower wilts, but the word of our God stands forever." (Is. 40:6-8 NAB) 

 Kung ang Bibliya ay Salita ng Diyos at ang Salita ng Diyos ay buhay at mabisa, at ito’y permanente, siniseryoso ba nating pakinabangan ito? Halos lahat naman sa atin ay may Bible. Basahin natin ito. Hinahamon ko kayo kung ilan na sa inyo ang makapagsasabi na nabasa na niya ang buong Bible? Marami sa alam natin tungkol sa Bible ay patingi-tingi – a passage here, a story there, but we have not read the whole story from beginning to end. 

 Pero hindi lang sapat na basahin ang Bible. Gusto nating ito ay lalong maintindihan. Hindi naman sinulat ang Bible para lituhin tayo. Ito ay sinulat upang tulungan tayong maintindihan ang gustong sabihin ng Diyos. Naging mahirap na lang ito sa atin ngayon kasi matagal na itong isinulat – higit na 2 libong taon na, sinulat sa ibang lenguahe na hindi na ginagamit ngayon, at sinulat ng iba’t ibang tao sa iba’t ibang kalagayan. Kaya kailangang pag-aralan. Pero kung nagsisikap tayong maunawaan ito, mauunawaan natin, kasi ang Espiritu ng Diyos na tumulong sa mga manunulat noon na ang Bible ay isulat, ay kumikilos din ngayon na ang mga mambabasa nito ay gabayan. 

 Inuunawa natin ang Bible upang ito ay maging inspirasyon sa ating mga dasal at maging gabay sa ating buhay. Hindi tayo malilihis sa ating mga desisyon kung isinasa-alang-alang natin ang kalooban ng Diyos na siyang laman ng Bible. Sinabi ni Baruch: “Blessed are we, O Israel, for what pleases God is known to us!” (Bar 4:4) 

 Siniseryoso natin ang Bible hindi dahil sa gusto natin maging Bible scholars. Siniseryoso natin ito upang tayo ay maging mas mapalapit kay Jesus. Ang Bible ay ang salita ng Diyos na nakasulat. Binabasa natin at inuunawa ang nakasulat upang mas maging mahigpit ang ating kaugnayan kay Jesus, ang Salita ng Diyos na naging tao. So when we read the Bible, Jesus, the word of God enters into us. He nourishes and enlightens us. 

 Ang Salita ng Diyos sa Bible ay hindi lang nagbabago sa bawat isa sa atin. Ito ay nagbabago din sa ating lipunan, sa ating bansa. We all long for the transformation of our beloved Philippines. We believe that this transformation will not be brought about by any change of the constitution or by any foreign direct investment. It will be transformed if we have transformed leaders and transformed citizens. Ang tao ang dapat magbago o baguhin, hindi ang sistema. At ano ba ang makababago sa puso at character ng tao kundi ang salita ng Diyos sa sumusuot sa kaibuturan ng ating puso’t isip? Nilalantad ng Salita ng Diyos ang ating mga balak, pati na ang ating mga sekreto. Hayaan nating liwanagan tayo ng Bible at magkakaroon ng tunay na pagbabago ang ating bayan, tulad ng pagbabago ng buong lunsod ng Nineveh at naligtas silang lahat. Hear the voice of the Lord! Open the Bible and read it!

No comments:

Post a Comment

Homily - 21st Sunday of the Year Year B

August 22 2021 Josh 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69   Noong nakaraang linggo nabalitaan natin na ang Committee on Population and ...