Sunday, January 31, 2021

Homily January 31, 2021

4th Sunday of Ordinary Time Year B Deut 18:15-20 1 Cor 7:32-35 Mk 1:21-28 

 Noong ang mga Israelita ay nasa Bundok ng Sinai pagkatapos ng matagumpay nilang paglabas sa Egipto, nagsalita ang Diyos sa kanila. Nagpahayag ang Diyos sa kanila sa pamamamagitan ng kulog, kidlat, lindol at makapal na usok. Natakot ang mga tao. Kaya sinabi nila kay Moises na siya na lang ang lumapit sa Diyos at makipag-usap sa kanya at sabihin na lang niya sa kanila ang salita ng Diyos. Kaya nangako ang Diyos na magpapadala siya sa mga tao ng isang propeta na tulad ni Moises na siyang magsasalita sa kanila sa kanyang pangalan. Noong mamatay na si Moises, hinihintay ng mga tao ang pagdating ng propetang ito na ipinangako ng Diyos, lalung lalo na kapag nangangailangan sila ng gabay ng Diyos. 

 What is a prophet? In our modern usage now, a prophet is understood as one who speaks about the future. He is more of a future teller or even a fortune teller. Hindi iyan ang ibig sabihin ng propeta sa bibliya. The prophet in the Bible is the mouthpiece of God. He is the one who speaks in the name of God, whether that message is interpreting the past, or giving the demands of the present, or foretelling the future. Ang mensaheng dala ng propeta ay hindi kanya, kundi galing sa Diyos. Maliwanag at may tapang na pinapaabot niya ito sa mga tao. 

 The Israelites had experiences of prophets, kings and priests, but all of these fall short of their expectation of the one who will truly minister to them as promised by God. All these expectations of the ideal priest, prophet and king have been lumped up together in their expectation of the messiah, the Christ, that is, the anointed one who will lead them as king, who will teach them as prophet, and who will sanctify them as priest. 

 Para sa ating mga Kristiyano, dumating na ang Kristo. Siya ay si Jesus na taga- Nazareth. So we call Jesus as the Christ – Jesus Christ. In baptism we share in the life of Jesus. Receiving the life of Jesus, we also participate in his mission. Dahil tayo ay nakikiisa sa pagka-kristo ni Jesus, kaya tayo ay mga Krist-iano. Kung gayon nakikiisa tayo sa kanyang pagiging Hari, Pari at Propeta. Let us focus our attention on our function as prophets today as our readings speak of this. 

 Sa ating gospel ngayong araw, namangha ang mga tao sa salita ni Jesus. Iba siyang mangaral. May kapangyarihan ang kanyang salita – he spoke with authority – hindi tulad ng kanilang mga guro at eskriba. Ano ba ang kapangyarihang ito? Marahil siya ay nagsasalita ng buong tapang at walang alinlangan dahil sa convinced siya sa kanyang sinabi. Ito ay hindi lang nanggaling sa kanyang narinig o napag-aralan, kundi galing sa malalim niyang paniniwala. Marahil ang mga insights ni Jesus ay kakaiba. Lapat ito sa karanasan ng mga tao at angkop sa kanilang buhay. He was not just speaking in the air or trumpeting his knowledge or eloquence. Dahil sa kanyang mga aral, pinupuntahan siya ng mga tao. May isa pang kapangyarihan ang Salita ni Jesus. Napapalayas niya ang masasamang espiritu. He identified them and cast them out. Kaya ang sabi ng mga tao: “What is this? A new teaching with authority. He commands even the unclean spirits and they obey him.” Really the Word of God in Jesus is living and effective. It is like a sharp sword that cuts down evil. Kaya kinikilala natin na si Jesus na nga ang propeta na ipinangako ng Diyos kay Moises. 

 The Church continues the prophetic ministry of Jesus. He sent his apostles to go forth and teach. From the time of the coming down of the Holy Spirit the church has spread the Word of God all over the earth, up to our time. 

 Ang Salita ng Diyos ay isang espada na may dalawang talas – a two edged sword. Matulis ito na magbigay ng aliw at lakas ng loob sa mga nalulungkot at takot, at matulis din ito sa pagtuligsa sa masasama, mapagsamantala, at pabaya. God told the prophet Jeremiah: “I place my words in your mouth. Today I appoint you as prophet over nations and over kingdoms, to uproot and to tear down, to destroy and to demolish, to build and to plant.” 

 May mga salita ang propeta na nakabibigay ng aliw at may mga salita naman siya na nakahahamon at nakakakonsiyensiya. Ganyan din ang Salita ni Jesus. May sinasabi siya na nagbibigay ng comfort tulad ng “Halikayong mga napapagod at bibigyan ko kayo ng kapahingahan.” May mga salita din siya na nakahahamon tulad ng: “kung hindi mo papatawarin ang nagkakasala sa iyo, hindi ka rin patatawarin ng iyong Diyos Ama sa langit.” 

 Ganoon din ang pagiging propeta natin – lahat tayo na mga binyagan sa simbahan. May mga salita tayo na nagpapagaan ng loob sa mga sugatan sa buhay, pero may mga babala din tayo sa mga gumagawa ng masama o nabubuhay sa bisyo. Hindi dapat tayo maduwag na magbigay ng warning sa mga gumagawa ng masama. Itutuwid ang mali. Pagsabihan ang nagsasamantala. Hindi lang natin tatanggapin ang masasarap na pakinggan na mga salita. Pakinggan din natin ang mga malalakas na salita na nanawagan sa atin. Kaya nga sa ating salmong tugunan ang ating tugon ay: “If today you hear his voice, harden not your hearts.” 

Kaming mga pari at obispo ay may prophetic ministry din. Kailangan naming sabihin na kung ano ang mali ay mali, ano ang tama ay tama. Kung may demonyo diyan, kailangan pangalanan ang masamang espiritu at ito ay palayasin. Talagang maling pumatay, pagpatay man ng sanggol sa tiyan ng nanay, o pagpatay ng pinahihinalaang drug addict or communista, at pagpatay ng mga tinaguriang criminal. Talagang mali ang magsinungaling at magmura, kahit na sino man ang gumagawa nito. Talagang maling magbintang na wala namang prueba tulad ng sa red-tagging. We need to unmask what is wrong and not be cowed by fear. At the same time we have to proclaim what is right – that in the vaccine issue, the vulnerable and most exposed to the virus because of their work are to be prioritized, that we need to think more of the common good and not just our personal likes or dislikes when it comes to vaccines, that we have to care more for our common home rather than business ventures as in the case of mining. 

 Hindi tumitigil ang Diyos sa paggagabay sa kanyang bayan. Kaya patuloy siyang nagpapadala ng mga propeta. Makinig tayo sa pinapadala ng Diyos at huwag natin salain ang kanyang Salita, na tinatanggap lang natin ang gusto natin at kinokontra ang ayaw nating pakinggan. And let us consider that the Word of God has societal implications. Hayaan nating liwanagan ng Salita ng Diyos ang mga nangyayari sa ating lipunan. Ang lipunan at ang kapaligiran ay kailangan ding iligtas, at hindi lang ang ating kaluluwa. 

 Let us be grateful for the ministry of prophecy in the Church. Ito ay tanda ng pagmamahal ng Diyos sa kanyang bayan. Kaya makinig man ang tao o hindi, hindi titigil ang mga propeta na magsalita. Sabi ng Diyos kay propeta Ezekiel: “You shall say to them: Thus says the Lord GOD. And whether they hear or resist-- they are a rebellious house-- they shall know that a prophet has been among them….You must speak my words to them, whether they hear or resist, because they are rebellious. (Ezek. 2:5.7) 

 “If today you hear the voice of the Lord, harden not your hearts.”

No comments:

Post a Comment

Homily - 21st Sunday of the Year Year B

August 22 2021 Josh 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69   Noong nakaraang linggo nabalitaan natin na ang Committee on Population and ...