Mga kapatid, nasa panahon pa tayo ng Pasko. Hindi pa tapos ang pasko dahil tapos na ang December 25. Christmas is such a big event of our salvation that we cannot just celebrate it in one day. We are celebrating Christmas in eight days! So we have the Christmas Octave from December 25 to January 1. During these eight days we are focusing our attention on the different aspects of the mystery of Christmas. Sa unang Linggo pagkaraan ng Christmas Day ang ating attention ay nakatuon sa pamilya ni Jesus. Kaya ngayon ay kapistahan ng Sagrada Familya.
Family is very important for each human life. Kakaiba ang tao kaysa mga hayop. Sa maraming mga hayop ang mga maliliit ay maaaring nang mabuhay na mag-isa pagkaraan ng ilang araw o ilang linggo. Hindi ganyan ang tao. Kailangan ng bata na siya ay alagaan ng ilang taon upang siya ay mag-survive. At hindi lang! Upang siya ay mag-survive ng maayos both physically and emotionally, kailangan na siya ay alagaan ng lalaki at babae, ng kanyang nanay at kanyang tatay. Hindi natural sa tao na siya ay palakihin ng single parent, o ng dalawang lalaki o dalawang babae lang.
Kaya noong ang Diyos ay naging tao, naging bahagi siya ng isang pamilya. Pinangalagaan siya ng isang babae at isang lalaki, si Santa Maria at ni San Jose. God made sure that His Son would be taken cared of by a mother and a human father. So we have the annunciation both to Mary and to Joseph by an angel about their mission towards the child. Ang pamilya ay tinatawag na pugad ng buhay. Isinisilang ang maliliit sa pugad at dito din siya inaalagaan at pinapalaki. Ang pamilya ay siyang pugad ng buhay ng tao. Sa pamilya siya isinisilang at sa pamilya din siya inaalagaan at pinalalaki. Ganoon din si Jesus. Kaya lumaki siya sa Nazareth at sa ilalim ni Jose at ni Maria. Dito siya lumaki sa kanyang pangangatawan; dito siya lumago sa karunungan at naging kalugod-lugod sa Diyos at sa kanyang kapwa tao. He matured well as a person in his family in Nazareth.
Pero ang pamilya ay hindi lang natin kailangan kapag tayo ay bata pa. Ito ay kailangan natin kahit matanda na tayo. Ang pagmamahalan sa pamilya sustains us. The care and love given to each other in the family gives meaning and joy to our lives. Dito naaalagaan ang mga mahihina. Kapag tayo ay nagkasakit, ang pamilya ang nag-aalaga sa atin. Ang mga tao na may special needs o may kapansanan ay patuloy na sinusuportahan ng pamilya. Pag tayo ay tumanda na, nandiyan pa rin ang pamilya na tumatanggap sa atin at umuunawa sa ating kahinaan. Pero ang mga matatanda ay hindi lang inaalagaan. Sila din ay nagbibigay ng karunungan at gabay sa iba. Ang karunungan na bunga ng kanilang mga karanasan sa buhay ay hindi mababasa sa mga aklat. Ang mga ito ay naipapasa nila sa kanilang mga anak, mga pamangkin, mga apo. Really, we help one another in the family and each one, including the elderly and the weak can contribute to the well-being of the family.
Sa ngayong panahon kailangan nating pahalagahan ang mga matatanda. Dumadami at dumadami sila dahil sa advances in science and in medicine; mas humahaba pa ang buhay ng tao. Kaya dumadami ang matatanda. And the elderly, although they may now bring less material resources, yet they are repositories of wisdom and of faith. Hindi na materyal na bagay ang matatanggap natin sa kanila. Mas mahalaga pa rito ang maipapasa nila sa atin – iyan nga ay ang pananampalataya at karunungan na nanggaling sa kanilang karanasan. Igalang natin sila at makinig tayo sa kanila. Mahalaga ang mga kwento at mga aral nila sa atin.
Ang mga pagbasa natin ngayon ay tungkol sa matatanda. Si Abraham ay matanda na at nagreklamo siya sa Diyos noong siya ay pinangakuan ng Diyos ng mga lupain at mga biyaya. Sabi niya: “Ano naman ang halaga ng mga biyayang ito kung wala namang magmamana sa mga ito?” Nasabi niya ito kasi matanda na sila ng asawa niyang si Sara at wala silang anak. Ngunit sabi ng Diyos na hindi ibang mga anak ang magmamana sa mga pangako ng Diyos sa kanya, kundi ang anak niya mismo sa kanyang asawang si Sara. We are told: “Abram put his faith in the Lord, who credited it of him as an act of righteousness.” Nanalig si Abraham. At iyan ang katangian ni Abraham na ipinamana sa atin – ang kanyang pananampalataya sa Diyos. This is why Abraham is known as the FATHER OF FAITH. From him came the three great monotheistic religions in the world – Judaism, Christianity and Islam. Kaya sa ikalawang pagbasa natin, prinipresenta ang pananampalataya ni Abraham bilang halimbawa sa atin. Buo ang pananalig niya, kahit na imposible sa mata ng tao. Nanalig siya hindi dahil posible ang sinabi sa kanya. Naniwala siya dahil malakas ang tiwala niya sa nangako sa kanya. Malakas ang tiwala niya sa Diyos. Kaya nagmula sa kanya, na halos patay na dahil matanda na nga, ang isang lahi na kasing dami ng mga bituin sa langit at mga buhangin sa dalamapasigan. May pakinabang ang matatanda, at ang pakikinabang na iyan ay dahil sa kanilang pananampalataya.
Ganoon din sa ating ebanghelyo. Pinakita dito na ang pamilya ni Maria at ni Jose ay isang relihiyosong pamilya. Sumusunod sila sa mga patakaran ng kanilang religion. Kahit mahirap lamang sila, pumunta sila sa templo upang magdala ng kanilang handog. Doon natagpuan nila ang dalawang matatanda – si Simeon at si Anna. Ang dalawang matatandang ito ay puno ng pag-asa sa katuparan ng pangako ng Diyos na magpapadala siya ng Kristo upang iligtas ang kanyang bayan. Nakita nila sa sanggol na dala-dala ni Maria at ni Jose ang katuparan ng pangakong ito at tuwang tuwa sila. Ganoon na lang kasaya si Simeon na sinabi niya sa Diyos na handa na siyang mamatay dahil nakita na niya ang manliligtas. Tuwang-tuwa naman si Anna na hindi siya makatigil na magsalita tungkol sa sanggol na ito sa mga tao. Ginamit ng Diyos ang dalawang matatanda upang ipaabot sa lahat ang pagdating ng manliligtas, kahit na baby pa lang ito. Siguro ang pahayag ni Simeon at ni Anna ay lalong nagpalakas ng loob at pananalig ng mag-asawang Maria at Jose. Faith engenders faith. Siguradong ang sinabi ni Simeon kay Maria ay naghanda sa kanya sa mga panahon na nasaktan ang puso niya dahil sa mga nangyari kay Jesus, lalo na ang pagkapako nito sa Krus.
So as we speak today of the Holy Family and thus focus our attention to our own families, let us pay attention to the elderly members of our families. They have important roles to play, even if they are weakened by age. Let us not put them aside. Iyan ang problema sa kultura natin na mas nagpapahalaga sa efficiency and productivity, and when it speaks of productivity it often means material productivity. In this kind of culture, many times the elderly are bypassed and set aside. At iyan din ang nararamdaman ng maraming matatanda. Kaya tumatahimik na lang sila sa isang tabi. Ayaw nilang maka-istorbo, ayaw nilang maging pabigat pa. Kaya iyong treasure na nasa kanila ay hindi nababahagi. Ang mahahalagang payo ay hindi na sinasabi. Ang kanilang pagkalinga ay hindi na rin nila nabibigay. Sayang! Lilipas na lang ang mga ito kasama nila.
Ang isang treasure nga na mayroon ang mga matatanda ay ang treasure ng kanilang pananampalataya. Malalim ang kanilang pananampalataya kasi ito ay sinubok na ng buhay. Sana maging tulad sila ni Simeon na binahagi sa batang mag-asawa ang kanyang pag-asa at ang kaalaman niya tungkol sa mangyayari sa bata, kaalaman na binigay sa kanya ng Espiritu Santo. Pati na ang matatanda ay ginagamit pa rin ng Diyos. Matanda na si Abraham noong tinawag siya ng Diyos. Ganoon din si Moises – 80 years old na siya. Ngayon binibigyan tayo ng pag-asa at matitinding hamon ni Papa Francisco kahit na 84 years old na siya noong December 17.
Christmas is the feast of families. Pero hindi lang ito kapistahan ng mga bata sa mga pamilya. May papel din ang mga matatanda sa Pasko. Hindi na Santa Claus ang narrative nila. Hindi na regalo ang pinapahalagahan nila. Hindi na sila makakakain ng mga pamaskong pagkain natin – masyadong matatamis, matataba at puno ng cholesterol. Ang Pasko sa kanila ay nandiyan tayong lahat, nagkakaisa, masaya, nagkukwentuhan at lalo na, pamilyang nagdarasal. Hindi ba mas totoong diwa ng Pasko ang kanilang ikinatutuwa?