Serioso ba tayo sa pagtugon sa tawag ng adbiento? Ang tawag ng adbiento ay paghahanda sa pamamagitan ng paglinis at pagwaksi ng kasalanan sa buhay natin, sa pamamagitan ng pagdarasal, sa pamamagitan ng penitensiya at ng kawanggawa. Ginagawa ba natin ang mga ito? Tandaan natin na ang pinaghahandaan natin na pagdating ng Panginoon ay hindi lang ang Dec 25 kundi ang kanyang muling pagdating bilang Hari at Hukom. Kung talagang ginagawa natin ang panawagan ng adbiento, marahil ngayong nasa ika-tatlong linggo na tayo ay medyo nanghihina na tayo sa pagpepenitensiya, sa pag-intindi sa iba, sa patuloy na pagdarasal. Kaya ngayong ikatlong Linggo ng adbiento pinapaala-ala sa atin kung anong klaseng paghihintay ba ang ginagawa natin upang pasiglahin tayo.
Mayroon maraming klase ng paghihintay. Nandiyan iyong batang naghihintay ng parusa ng tatay kasi nahuli siyang nandukot ng pera. Ito ay paghihintay na may takot. Nandiyan iyong paghihintay sa board examination. Iyan ay paghihintay ng may malaking kaba – papasa ba ako o hindi? Nandiyan iyong paghihintay sa nanay na naghihingalo. Puno ng kalungkutan ang paghihintay sa kamatayan. Nandiyan naman ang paghihintay sa OFW na tatay na darating na magbabakasyon. Inaabang natin ito. May dalang mga pasalubong. Anong klase panghihintay ba ang adbiento?
Ngayon ay sinisindihan natin ang pink na kandila ng ating advent wreath. Pink is a lighter and more joyful color than violet. This Sunday is called in Latin Gaudete Sunday – na ang ibig sabihin ng Gaudete ay MAGSAYA KAYO. Oo, ang diwa ng paghihintay natin ay masaya. Hindi tayo naghihintay ng parusa, o ng kamatayan, o ng walang katiyakan. Naghihintay tayo ng kaligtasan! Ang kasiyahan na inaasan natin sa pasko ay anino lamang ng kasiyahan at kagalakan na mapapasaatin sa muling pagdating ng Panginoon. Kaya nananabik tayo dito. Excited tayo sa kanyang muling pagdating. St Paul wrote: "What eye has not seen, and ear has not heard, and what has not entered the human heart, what God has prepared for those who love him," (1 Cor. 2:9 NAB) Because of wonderful things that are waiting for us, the Saint affirmed: “I consider that the sufferings of this present time are as nothing compared with the glory to be revealed for us.” (Rom. 8:18 NAB) Sa harap ng langit, sulit ang lahat ng kahirapang dinaranas natin ngayon. Iyan ang ating hinihintay. Kaya lakasan natin ang ating loob. Huwag tayong manghina sa ating pagsisikap na maging handa. Dapat nga maging excited tayo.
Kaya nga narinig natin kanina sa ating ikalawang pagbasa: “Magalak kayong lagi. Rejoice always. Maging matiyaga sa pananalangin. Pray without ceasing. Ipagpasalamat ninyo ang lahat ng pangyayari. In all circumstances give thanks.” This is the will of God for you. Joy, Prayer, Thanksgiving. These three things are connected to each other. Our prayer leads to thanksgiving. In fact we already thank the Lord when we pray. A heart full of gratitude leads to joy. Kaya kahit na may mga kahirapan na dinadaanan tayo, palaging magpasalamat, palaging magalak, palaging magdasal. This reminder is good not only for Gaudete Sunday but for all time. This is God’s will for us.
May mga pagkakataon na excited tayo pero ang inaasahan natin ay hindi nangyari. Iyan ang kalagayan ng mga Hudyo noong panahon ni John the Baptist. Excited na sila kay John the Baptist. Kaya kahit na nasa disyerto siya, pinuntahan pa rin siya ng mga tao. Nagpasugo pa nga ang mga Pariseo, ang mga leaders mula sa Jerusalem. Excited sila dahil kakaiba si Juan. Ang mensahe niya ng pagbabago ay straight to the point. Matapang siya kahit na sa harap ng mga suldado. Kapani-paniwala ang kanyang lifestyle. Akala ng marami na siya na ang inaantay nilang Kristo, o ang propetang si Elias na darating, o ang propeta na tulad ni Moises na kanyang ipinangako. Siya na ba? Binigo sila ni Juan. Hindi siya. May isang mas dakila pa sa kanya sa darating na hindi nga siya karapat-dapat na dalhin man lang ang kanyang sandalyas. Magdadala siya ng tunay na pagbabago. Hindi lang sa tubig sila bibinyagan, kundi sa Espiritu Santo. Kaya sinabi niya na ituon nila ang kanilang excitement o pananabik hindi sa kanya kundi sa mas dakilang darating.
Marami sa atin ay tulad ng mga Hudyo. Excited tayo sa Pasko. Ang iba pa nga hindi pasko ang inaantay kundi ang pagkain, ang regalo, ang family reunion, ang bonus. Oo, nagpapasaya sa atin ang mga ito. Pero sana taas-taasan pa natin ang ating inaasahan. Huwag lang tayo mag-antay sa mga bagay o mga tao na pagkatapos ng ilang araw ay balik na naman tayo sa dati. Lilipas lang ang mga ito! May higit ang ating pananabikan - si Jesus na magdadala ng kaligtasan! Kaya ang sigaw natin ay: Halina, Jesus, Halina! Maranatha! Dumating ka na!
Noong si Jesus ay unang nagsalita sa Sinagoga sa Nazareth, binuksan niya ang Banal na Kasulatan at binasa niya ang bahagi ng unang pagbasa natin mula kay Propeta Isaias. “The spirit of the Lord GOD is upon me, because the LORD has anointed me; He has sent me to bring good news to the afflicted, to bind up the brokenhearted, To proclaim liberty to the captives, release to the prisoners, To announce a year of favor from the LORD.” (Isa. 61:1-2 NAB) Ito ang misyon ni Jesus. Kaya ang kanyang sermon mula sa pagbasang ito ay napakaikli. “Nangyayari ngayon na ang inyong narinig.” Ito ang kaligtasan na sinimulan ni Jesus, na ipinagpapatuloy ng simbahan, at magiging ganap sa wakas ng panahon.
Dalhin ang mabuting balita sa mga mahihirap. Sila ang kailangan ng Mabuting Balita dahil sa kahirapan sa buhay. Ang ibig sabihin ng mabuting balita ay matutugunan ang kahirapan nila. Kaya ang pagkawanggawa ay pagpapahayag ng mabuting balita. And in many places of the world the good news can only be proclaimed by works of charity. There are many places where it is forbidden to speak about Jesus, but they accept people who work in the hospitals, who take care of the orphans, who feed the hungry. The good news of the love of God is proclaimed in this way. There are many people who do not believe in religion nor in God but who admire the works of selfless people who stand for the truth, who defend human rights, who care for the victims of calamity. Si Jesus ay pinapahayag sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa.
Pagalingin ang sugat ng puso. Heal the broken hearted. Oh, how much brokenness are coming out these months. Ang daming mga mental health issues na lumilitaw. Kaya nga patuloy nating pinapanawagan na ang serbisyo ng simbahan ay essential services at ito ay tulungan na lumawak. Huwag limitahan ang pagmimisa. Mahalaga ito upang pagalingin ang puso. Hindi maaaring limitahan lang sa online services ang misa. Mas sumisigla ang mga tao kapag sila ay nakapagsisimba at nakakapagkomunyon. Lalo na kapag sila ay nakapagkumpisal.
Palayain ang mga bihag at bilanggo. Palayain. Ang kalayaan ay bahagi ng kaligtasan. Huwag natin kalimutan ang mga bilanggo. Isa iyan sa mga dapat natin pahalagahan kasi maliwanag ang sinabi ni Jesus, “Ako ay nasa bilangguan at inyong dinalaw.” It is worth noting that Jesus identified himself with those in prison but not with those who put them into prison, however righteous they may feel themselves to be. How unfair and how evil is the practice of planting evidences in order to justify summary executions and arrests without bail people who are considered enemies of the state. Hindi iyan gawain ng kaligtasan. Si Jesus ay nagpapalaya at hindi nagpapabilanggo!
Hindi pa nangyayari ang kaligtasan na pinangako ng Diyos at sinimulan ni Jesus. Kaya patuloy pa tayong nananabik sa kanyang pagdating. Nananabik tayo ng may galak. Mangyayari ang balak ng Diyos. Nananabik tayo na may pagsisikap. Isinusulong na natin, sa ating makakayanan, ang kaligtasan na ating inaasahan! Nag-aantay tayo ng katarungan – gumagawa na tayo ng matuwid. Nag-aantay tayo ng katotohanan – nagpapalaganap tayo ng katotohanan at nilalabanan ang fake news. Nag-aantay tayo ng kasaganaan – ngayon pa lang nagbabahaginan na tayo. Nag-aantay tayo ng kapayapaan – kumikilos na tayo para sa katarungan na nagdadala ng kapayapaan. As we wait in great expectation, we do now what we expect to come.
No comments:
Post a Comment