Where does he want to dwell? Apat na linggo na nating pinaghahandaan ang kanyang pagdating. Saan ba siya darating ngayon? Inaalaala natin ang kanyang pagdating noon sa sabsaban. Pero ngayon saan siya matatagpuan?
Sa ating unang pagbasa si Haring David ay nagkaroon ng magandang inspirasyon. Gusto niyang magmagandang loob sa Diyos. Natalo na ni David ang mga kaaway sa karatig na mga bayan – ang mga Filisteo, ang mga Ammonites, ang mga Moabites, ang mga Syrians at mga Canaanites. Naitatag na niya ang Jerusalem bilang kanyang capital city. Nadala na niya ang Ark of the Covenant sa lungsod ng Jerusalem. Nakapagpatayo na siya ng kanyang palasyo sa Jerusalem. Naisip niya na ang Ark of the Convenant, which is the symbol of God’s presence among the people, is still housed in a tent. Kaya nagbalak siya na gumawa ng mas permanenteng tahanan ng Diyos. Nagplano siyang gumawa ng templo.
Maganda ang plano ni David, pero hindi siya pinayagan ng Diyos. Iba’t-iba ang dahilan na binigay sa Bibliya. Some biblical texts say that God has always been staying in a tent because he is a God who journeys with his people; he has never requested anyone to make him a permanent dwelling. May ibang texto naman na nagsasabing masyadong madugo ang kamay ni David dahil sa kanyang pakikipagdigma kaya hindi siya ang karapat-dapat na gumawa ng templo. Ito ay gagawin ng isang taong mapayapa, tulad ng anak niyang si Solomon. Pero dito sa ating pagbasa, ang sabi ng Diyos na siya ang gagawa ng pabor kay David. Kung ano si David ngayon iyan ay dahil sa Diyos. Siya ang kumuha sa kanya sa pagpapastol ng tupa para maging hari ng Israel. Siya ang nagpapanalo sa kanya sa kanyang mga digmaan. Siya ang nagbigay sa kanya ng katahimikan. Lulubusin pa ng Diyos ang kanyang mga pabor. Gusto ba ni David ng gumawa ng temple para sa Diyos? Ang salitang Templo ay BETH sa Hebreo. Ang Diyos ang gagawa ng BETH sa kanya, na ang kahulugan ay sambahayan, dynasty. Mula sa kanya manggagaling ang mga hari ng Israel magpakailanman. So there a play of words on the Word BETH. More than dwelling in a place, even in a magnificent temple, God wants to be identified with a people, with a dynasty.
Totoo nga, ang mga hari ng Juda ay galing sa lipi ni David, mula noong panahon ni David na 1000 BC hanggang 586 BC – higit na 400 years. Pero noong pinabagsak ng mga Babilonians ang Jerusalem noong 586 BC, nawala na ang mga hari ng Juda. Nawala na ang kaharian at hindi na uli ito naitayo. Ang mga namumuno na sa bayan ay ang mga Punong Pari at hindi na ang mga hari. Hindi ba natupad ang pangako ng Diyos?
Ang Diyos ay tapat. Tinutupad niya ang kanyang pangako. Kaya sa ating ebanghelyo narinig natin na si Maria ay itinalaga na ikasal kay Jose, na galing sa sambahayan ni David. Kahit na si Jose ay isang karpentero lang, he belonged to a noble family line. He was from the kingly line of David. Kahit na si Jesus ay hindi galing sa dugo ni Jose, pero sa harap ng batas ng mga Hudyo, minana ni Jesus ang lahat ng mga prerogatives at privilegio ni Jose kasi siya ang itinuturing na ama sa kanilang lipunan. Si Jesus ang nagmana ng paghahari ni David, kaya si Jesus ay kinilala ng mga tao na Anak ni David. Siya ang katuparan ng pangako ng Diyos na maghahari, ang maghahari magpakailanman. Pero kakaiba ang paghahari ni Jesus. Hindi sa pamamagitan ng armas at ng dahas, kundi sa pamamagitan ng paglilingkod, ng katotohanan at pag-aalay ng kanyang sarili. Hindi dapat matakot si Herodes at si Pilato sa paghaharing ito. His kingdom is not of this world and not according to worldly ways.
Pero balik tayo sa original na tanong natin. Saan ba mag-istay ang Diyos? Nag stay siya sa sinapupunan ni Maria. Doon siya safe. Doon siya at home. At bakit? Kasi si Maria ay walang bahid kasamaan at nanatiling walang kasalanan. Kasi tinanggap ni Maria ang Salita ng Diyos sa kanya ng buong kababaang loob. “Let it be done to me according to your word,” Mary said to the angel. Mary consented to be part of the plan of God. When she accepted the Word of God in her heart, the Word of God took flesh in her womb. At dahil sa pagsunod ni Maria, natupad ang pangako ng Diyos kay David 1000 years ago na ang paghahari sa Israel ay mananatili magpakailanman.
Ngayong araw ay ika-5 araw na ng ating pagsisimbang gabi. Tinatalakay natin sa mga araw ng Simbang gabi ang mga paksa ng pastoral priorities na ating sinusundan sa ating paghahanda sa 500th anniversary of the coming of Christianity in our Philippine shores in 2021. Isa sa mga pastoral priorities ang pagpapahalaga sa mga Basic Ecclesial Communities na matatagpuan sa mga Parokya. The parish therefore is community of communities. We cannot be Christians unless we are part of a Christian community. We cannot be Christians alone. God does not save us alone, separate from the rest. God saves us through a community and with the community. Kaya lahat tayo ay nabibilang sa Parokya. Iyan iyong community of faith natin. Doon tayo binibinyagan, kinukumpilan, tinuturuan, kinakasal at inililibing. Parang hindi na ito masyadong klaro dahil dito sa kamaynilaan masyadong mobile na ang mga tao. Hindi na tayo nanatili sa isang lugar lang. At dito sa atin sa Pilipinas, ang lalaki ng mga Parokya natin. Pangkaraniwang ang Parokya na may 30,000 faithful. You cannot form a community of 30,000 people. So we break down the parish into smaller communities – the neighborhood communities, which we call the Basic Ecclesial Communities o BECs. Sa maraming lugar hindi pa ito gaano na oorganize. Pero ang ideal, at ang pangarap ng simbahan sa Pilipinas, na ang bawat Kristiayano ay kasapi sa isang BEC. Dito sa ating community of faith mararamdaman natin ang presensiya ng Diyos. God does not dwell so much in a place but in a people. At sa mga BECs ang mga tao ay nagbabahaginan sa Salita ng Diyos. Dito tayo natututo tulad ni Maria na makinig sa Salita ng Diyos at maisabuhay natin ito.
Ang Diyos ay dumito sa mundo. Naging tao siya. Si Jesus, ang Diyos na naging tao, ay bumalik sa langit pagkatapos na muling mabuhay siya, at nangako na siya’y babalik uli. Ito ang ating inaabangan. Ito ang itinutukoy natin kapag umaawit tayo ng Halina Jesus Halina. Pero habang inaantay natin siya, hindi siya absent sa ating buhay. Patuloy ang kanyang presensiya sa atin. Nandiyan siya sa mga sakramento, lalung lalo na sa Banal na Eukaristiya, nandiyan siya sa mga mahihirap, pero nandiyan siya sa bawat isa sa atin sa ating masunurin na pagtanggap ng Salita ng Diyos at sa ating buong pananalig na pananalangin. Namnamin natin ang presensiya ng Diyos.
Saan dumating ang Diyos? Where does he stay? Let me conclude with these two verses from the prophet Isaiah:
“This is the one whom I approve: the afflicted one, crushed in spirit, who trembles at my word.” (Is 66:2)
“For thus says the high and lofty One, the One who dwells forever, whose name is holy: I dwell in a high and holy place, but also with the contrite and lowly of spirit, To revive the spirit of the lowly, to revive the heart of the crushed.” (Is. 57:15)
No comments:
Post a Comment