Sunday, April 11, 2021

Divine Mercy Sunday



Homily April 11, 2021 Year B Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20: 19-31 

 Isang linggo na ang Easter. Marami na tayong binati ng Happy Easter. Ano ba itong Easter, itong Muling Pagkabuhay? Ano ba ang kabuluhan nito para sa ating buhay? 

 First of all, we must remember that Easter is a Christ event. Ito ay nangyari kay JesuKristo. Siya na pinatay sa Kalbaryo ay muling nabuhay. That was a historical fact. Hindi iyan kathang isip lang ng mga alagad o haka-haka lang ng mga tao. Ang libingan ay walang laman at ang namatay ay nakita ng mga tao. Kaya walang laman ang libingan kasi nabuhay ang nakahiga doon. 

 Sa ating ebanghelyo pinakita ni Jesus kay Tomas ang kanyang kamay na nabutas ng pako at pinahipo ang kanyang tagiliran na tinarakan. The one that was pierced was the one standing before them. Ito ay concrete proof that he is risen. 

 Pero ang pagkabuhay ay hindi lang isang pangyayari kay Jesus. Ang pangyayaring ito ay nagdala ng pagbabago sa mga tao na tumanggap sa kanya, at malaking pagbabago! Pinakita ito sa ating unang pagbasa tungkol sa unang mga Kristiyano. Hindi na sila makasarili. Ang kanilang pagkakaisa ay hindi lang sa damdamin at sa isip. Naging kongkreto ito. Nagbabahaginan na sila sa kanilang ari-arian. Wala nang mahirap sa kanila kasi wala ring mayaman. Ang mayroon ay pinagbibili ang kanilang ari-arian at ibinibigay ang pinagbilhan sa mga apostol na sila naman ang nagbabahagi sa mga may kailangan sa kanila. Each gave according to one’s ability and each received according to his need. Ito ang ideal ng communism! Ang pagkakaiba lang sa mga komunista ngayon ay hindi ito pinapatupad ng Partido kundi kusang ginagawa ng mga members dahil sa ang lahat ay ginagabayan ng kapangyarihan ng muling nabuhay. This equality is a fruit of faith and not of force. Kaya naging makapangyarihan at kapani-paniwala ang pahayag ng mga apostol – hindi dahil sa magaling silang magsalita kundi dahil nakita ng mga tao na kakaiba ang pamumuhay ng Christian community. The power of the resurrection was operative in the Community. Ipakita din natin ito ngayon. Sa ating pagkakawanggawa, sa ating generosity, pinaparamdam natin sa mundo na buhay si Jesus. Tinatanggal niya sa atin ang kadena ng takot para sa kinabukasan at ng pagkamakasarili. 

 Isa pang resulta ng pagkabuhay ni Jesus ay ang kapatawaran. Napatawad na ang ating mga kasalanan. Kung si Jesus ay namatay sa krus, nag-alay ng kanyang sarili sa krus, at doon lang nagtapos ang kwento, na siya ay namatay para sa atin, hahangaan natin siya. Talagang mahal niya tayo. Pero hindi natin malalaman kung mabisa ba ang kanyang pag-aalay. Oo, binayaran niya ang ating kasalanan. Tinanggap ba ng Diyos ang bayad? Kaya sinabi ni San Pablo na kung si Jesus ay hindi nabuhay, tayo ang pinaka-kawawa sa lahat kasi nasa kasalanan pa rin tayo. Hindi naman natanggal ang ating kasalanan. Dahil sa pagkabuhay ni Jesus, nalaman natin na mabisa ang kanyang pag-aalay. Talagang napagtagumpayan niya ang kasamaan. Napatawad tayo sa ating kasalanan! Malaya na tayo sa kapit ng kasamaan! 

 Kaya noong si Jesus ay unang nagpakita sa kanyang mga alagad, ang unang regalo niya sa mga alagad ay ang Espiritu Santo na nagbibigay ng kapangyarihan na magpatawad. Hindi lang tayo napatawad. Ibinahagi pa rin niya sa mga apostol ang kapangyarihan na magpatawad sa ngalan ng Diyos. Dito pinapakita sa atin na ang tagumpay sa kasamaan at kasalanan ay nasa pagpapatawad. Kaya nga ngayong Sunday, ang unang Linggo ng panahon ng Easter, ay Divine Mercy Sunday. Ang kapistahang ito ay nagpapakita ng buong kahulugan ng pagpapakasakit, pagkamatay at pagkabuhay ni Jesus; sa maiksing salita, ang Paschal Mystery. All of these took place because of God’s mercy. Hindi ito nangyari dahil sa nagpakabait na ang tao. Ito ay nangyari dahil sa habag ng Diyos. Naawa ang Diyos sa atin. Napagtagumpayan ang kasamaan ng tao ng Habag ng Diyos. 

 Tuwing tayo ay nagpapatawad, tuwing tayo ay humingi ng tawad, tayo ay nakikiisa sa kapangyarihan at tagumpay ng pagkabuhay. Ang patawad nga ang solusyon sa kasamaan at hindi ang parusa. Kaya naman ng Diyos na magpadala ng mga anghel upang parusahan tayo sa ating kasalanan. Pero hindi! Pinadala niya ang kanyang kaisa-isang anak upang tayo ay kahabagan at patawarin. 

 Kailangan natin itong matutunan at ipahayag sa panahon natin kasi kahit na 500 taon nang nandito sa atin ang pananampalatayang Kristiyano, itong pinakasentro ng pagkakristiyano ay hindi pa natin natutunan. Pahapyaw pa lang ang ating pagiging kristiyano. May mga naniniwala pa, (kung maniwala tayo sa surveys ay marami pa ang naniniwala), na pagparusa ang solusyon sa kasamaan, at hindi pagparusa upang ituwid ang masama, kundi pagparusa na siya ay patayin – na bawian siya ng buhay at hindi ituwid ang kanyang buhay. Nakikita natin ito sa mga Kristiyano, at gumagamit pa ng Bibliya, upang isulong ang death penalty. Maliwanag ang sinabi ng Diyos: “I do not want the death of the wicked, but that he may turn back and live.” Kaya sinasabi ko po sa inyo – hindi kayo tunay na kristiyano kung naniniwala at isinusulong ninyo ang death penalty! 

 Masama ang Extra Judicial Killing sa mga drug addicts at rebelde. Ang Extra Judicial killing ay ang pagpatay na walang imbestigasyon ayon sa ating batas. Ang police at ang military na ang nag-aakusa at sila pa rin ang nagpaparusa, at ang parusa pa ay kamatayan. Hindi ba kayo nagtataka na ang lahat na sinasabi na nanlaban ay patay? Wala mang sinasabi na nanlaban na nasugatan lang. Talagang ang intensiyon ay patayin sila at hindi lang dakpin? At ang lalo pang masama, may mga Pilipino, at Kristiyano pa, na sumasang-ayon sa ganitong pamamaraan. Drug addict kasi eh! Rebelde kasi eh! Sino ang nagsabi? Nasaan dito ang habag? Nasaan dito ang awa? 

 Mga kapatid, tayo ay mga kristiyano dahil tayo ay kinaawaan ng Diyos. Wala namang isa sa atin ang makasasabi na wala akong kasalanan at karapat-dapat akong kristiyano! Lahat tayo ay may kasalanan, at lahat tayo ay nandito, nagsisimba at nagdarasal dahil kinahahabagan tayo ng Diyos. Kaya nga namatay si Jesus para sa bawat isa sa atin. Hingin natin kay Jesus ngayong Linggo na itanim din sa atin puso ang habag, na bigyan din tayo ng kapangyarihan na magpatawad sa nagkakamali sa atin at sa nagkakamali sa lipunan. Ang habag ang tagumpay natin sa kasamaan. Pinakita ito ni Jesus sa kwento ni Tomas. 

 Mayabang si Tomas. Kahit na nagpatotoo na ang mga kasama niya na nakita nila si Jesus, ayaw niyang maniwala. Mayabang pang sinabi: “Unless I see the mark of the nails in his hands and put my finger into the nail marks and put my hand into his side, I will not believe!” Nakaka-insulto ang kayabangan niya, di ba? Pero noong nagpakita uli si Jesus at si Tomas ay present na, hindi pinarusahan ni Jesus si Tomas o itiniwalag. Alam na alam ni Jesus ang sinabi niya at tinanggap ni Jesus ang kanyang hamon. “O sige, tingnan mo ang aking kamay. Sige, isuot mo ang iyong kamay sa aking tagiliran.” Binigyan ni Jesus ng pagkakataon si Tomas, at napaluhod siya at sa kanyang bibig nanggaling ang pagkakilala sa kanyang pagka-Diyos: “My Lord and my God!” Dahil sa pinagbigyan ni Jesus, nagbago si Tomas – mula sa hambog na tao naging mapagkumbabang mananampalataya. Nagtagumpay ang habag sa kayabangan! 

 The resurrection is not just an event that happened once upon a time. It is a continuing reality because its power is operative till the end of time. Kahit na masama ang ating kalagayan, kahit na nandiyan at parang nakaugat ang masasama, kahit na lumalakas ang pandaraya, patuloy tayong manindigan, patuloy tayong tumulong sa nangangailangan, patuloy tayong magpatawad. Kaya hindi tayo nagpapadala sa galit, sa takot, o sa kawalang pag-asa. Ang ating tagumpay sa mundo ay ang ating pananampalataya na si Jesus ay anak ng Diyos at siya’y muling binuhay ng Diyos. Dahil siya ay buhay, nakasisiguro na tayo ng tagumpay. Mahabagin ang Diyos. May awa ang Diyos! 

 Bishop Broderick Pabillo

Sunday, April 4, 2021

Easter Sunday

Homily,   April 4, 2021 Year B Acts 10:34.37-43 1 Cor 5:6-8 Jn 20:1-9 

 The Lord is risen! Alleluia! Ito po ang pagdiriwang, ang dakilang pagdiriwang, ang pinakadakilang pagdiriwang ng tagumpay ni Jesukristo. Binuhos na ng kasamaan ang lahat ng lakas niya. Pinatay niya sa Jesus at totoong namatay ni Jesus, pero bumangon siyang muli. Siya ay muling nabuhay! Wala nang ibang lakas pa ang kasamaan. Talagang natalo ni Jesus ang Diyablo. Noong unang nagkasala ang tao sinabi ng Diyos sa ahas: “ I will put enmity between you and the woman, and between your offspring and hers; he will strike at your head, while you strike at his heel.” (Gen. 3:15) Talagang inapakan na ni Jesus ang ulo ng ahas. "Death is swallowed up in victory. Where, O death, is your victory? Where, O death, is your sting?" (1 Cor. 15:54-55) …. “Thanks be to God who gives us the victory through our Lord Jesus Christ.” (1 Cor. 15:57) Kaya ngayon ay ang araw ng tagumpay. 

 Ang muling pagkabuhay ay hindi inaasahan. Si Maria Magdalena ay pumunta sa libingan upang dalawin ang patay. Pero wala doon ang bangkay. Ang kanyang sumbong kay Pedro ay kinuha ang bangkay at hindi niya alam kung saan dinala. Ang bangkay ang hinahanap niya. Napakadakila ng resurrection pero wala tayong actual witness of the act of the resurrection. Ang pinakamalapit na patotoo ay sa ebanghelyo ni Mateo na kanyang sinulat: “And behold, there was a great earthquake; for an angel of the Lord descended from heaven, approached, rolled back the stone, and sat upon it. His appearance was like lightning and his clothing was white as snow. The guards were shaken with fear of him and became like dead men.” (Matt. 28:2-4) Ang nakita ng mga bantay ay ang anghel, hindi naman si Jesus. 

 Ang pinaka physical evidence ng pagkabuhay ni Jesus ay ang empty tomb. Walang laman ang libingan. Wala ang bangkay pero nandoon ang mga pinambalot sa bangkay. Ang akala ni Maria Magdalena ay kinuha ang bangkay. Ang sabi ng mga punong sacerdote at ng matatanda ng bayan sa mga guardia na ibalita sa mga tao na ninakaw ng mga alagad ni Jesus ang bangkay. They have to explain away the phenomenon of the empty tomb. Ang sabi ng anghel sa mga babae, “Pumunta kayo rito upang hanapin ang ipinako sa krus. Wala siya rito, tingnan ninyo ang kinalagyan niya. Siya ay muling nabuhay ayon sa kanyang sinabi.” 

 Ano pa ang ibang ebidensya na siya nga ay muling nabuhay? Hindi ito bunga ng hakahaka ng mga nagmamahal sa kanya kasi sila mismo ay hindi umaasa nito and their initial reactions were fear and disbelief! Ang ebidensya para sa kanila ay nagpagkita ang Panginoon sa kanila. Kaya ang balita ni Maria Magdalena ay: “Nakita ko ang Panginoon.” Ang sabi ng mga alagad ay: “Nagpakita siya kay Simon Pedro.” At ganoon din: “We have seen the Lord.” Hindi lang nakita. Nakikain pa kasama nila. Iyan ang patotoo ni Pedro na ating narinig sa ating unang pagbasa: “This man God raised (on) the third day and granted that he be visible, not to all the people, but to us, the witnesses chosen by God in advance, who ate and drank with him after he rose from the dead.” (Acts 10:40-41) 

 Pero ilan lang ang nakakita kay Jesus na muling nabuhay? Sinulat ni San Pablo na nagpakita si Jesus kay Simon, sa 12 apostles, sa mga limang daang katao at sa kahulihulihan sa kanya mismo. Ilan lang sila? Pero ang pinakatanda ng muling pagkabuhay ay ang pagbabago ng mga alagad ni Jesus. Ito ay nakikita ng lahat ng tao. Hindi lang si Jesus nagbago; ang mga naniniwala sa kanya ay nagbago din – at malaking pagbabago! Sila ay mga probinsyano, walang pinag-aralan, takot at duwag pero dahil sa kapangyarihan na galing kay Jesus na muling nabuhay naging matapang sila at masigasig na nagpahayag, na nasabi pa nila sa kanilang mga leaders sa Sanhedrin: “Mas dapat kaming sumunod sa Diyos kaysa inyo. Hindi kami makakapanahimik. Dapat naming sabihin ang aming nakita at naranasan.” 

 Ang kapangyarihan na bumuhay kay Jesus ay nasa atin din hanggang ngayon. Sinulat ni San Pablo: “You were buried with him in baptism, in which you were also raised with him through faith in the power of God, who raised him from the dead.” (Col. 2:12) Ito ay napatunayan sa kasaysayan. Saan nanggaling ang lakas ng mga ordinaryong tao, ng mga bata at mga babae na mag-alay ng kanilang buhay dahil kay Jesus? Nagtataka ang tao na ang mga Kristiyano ay umaawit at ngumingiti na hinaharap ang mga leon, na sila ay sinusunog sa mga poste, at isa-isang sinasaksak. Saan nanggaling ang tapang ng mga misyonero na pumunta sa mga hindi alam na mga lugar at mga tao at magsalita tungkol kay Jesus? 

 At sa ating panahon ngayon: saan nanggagaling ang lakas ng loob ng mga ordinaryong manggagawa, ng mga katutubo, ng mga urban poor, ng mga mangingisda ngayon na patuloy na manindigan sa kanilang karapatan at mag-organiza sa harap ng red-tagging at pagpapaslang ng makapangyarihang military structures? Ang lakas na iyan ay galing kay Jesus na muling nabuhay. Hindi iyan matatalo ng mga nagpapapatay sa kanila. O death where is your victory? Saan nanggaling ang patuloy na pagsisikap ng mga tao kahit na walang kinahihinatnan ang mga strategies na ginagamit na supilin na ang Covid 19? Hindi nawawalan ng pag-asa ang mga tao. Patuloy silang nakikibaka. Iyan po ay galing kay Jesus na muling nabuhay. Ang lahat ng pagsisikap para sa buhay, para sa katotohanan, para sa pag-ibig at katarungan – iyan ay galing kay Jesus na muling nabuhay. Patuloy na lumalawak ang gawaing pagliligtas ni Jesus, namamalayan man natin ito o hindi. Kumikilos siya sa atin. Buhay si Jesus! Kumikilos siya! 

 Ngayong araw ginugunita at ipinagdiriwang natin ang 500 taon ng pagkilos ni Jesus sa ating bansa. Today is the official opening all over the country of the 500th anniversary of Christianity in our land Tayo ay mga kristiyano hindi lang dahil sa mga misyonero o sa mga kastila. Marami rin silang kapalpakan at pagsasamantalang ginawa. Pero sa kabila nito, tinanggap, pinanghawakan at tinanim ang pananampalataya kay Kristo sa ating kapuluan. Ang ating pagiging Kristiyano ay talagang gawain ng Diyos. Kaya ang unang damdamin na bumubukal sa ating puso ay “Salamat sa Diyos!” 

 Ngayong araw binubuksan na natin ang ating 500 years commemoration ng pagdating ng pananampalataya. Sa lahat ng mga dioceses binubuksan ang mga jubilee doors ng mga Cathedrals. Kaya kahit na nasa ECQ tayo dito sa Maynila, nakikiisa tayo sa buong bansa na bubuksan ang ating Jubilee Door. Ang Jubilee Door ay ang sagisag ng mga biyaya na mapapasaatin kapag tayo ay pumasok sa simbahang ito, isa sa 12 jubilee churches o pilgrim churches na pinagkaloob ng Roma sa ating archdiocese. Sa mga susunod na araw bubuksan din natin ang mga jubilee doors ng iba pang mga pilgrim churches. Inaanyayahan tayong pumasok sa mga simbahan, doon magsisisi, doon magdasal at tumanggap ng bendisyon ng Diyos. Buong taon po natin matatanggap ang indulgences sa mga jubilee churches. Let us schedule our visits to these churches when the restrictions are relaxed. 

 The more difficulties we meet, the more we cling to God’s grace and power. Naranasan po natin sa pandemic na ito na mahina pala ang kapangyarihan ng science, hindi mahanapan ng solusyon ang sakit na ito kahit na binubuhusan ng billions of dollars sa research. Mahina pala ang kapangyarihan ng business. Marami ay nagsasara na. Mahina pala ang namumuno sa atin. Matapang lang magsalita at magbanta, wala namang magawa sa ikabubuti natin. Mas lumalala pa. Pinabayaan na natin ang Diyos noon. Isinantabi natin siya. Subukan naman natin ang kanyang kapangyarihan. Kumilos tayo ayon sa kanyang paraan. Mamatay sa kasamaan upang mabuhay sa Diyos. Itakwil si Satanas at ang kanyang mga pamamaraan tulad ng kasinungalingan, pagpatay at pagkamakasarili at kumapit tayo sa Diyos. Hindi masasayang ang ating effort na sumunod sa Diyos. Iyan ang leksyon ng resurrection.

Saturday, April 3, 2021

Easter Vigil

Homily April 3, 2021 Year B 9 scriptural readings 

 Ngayong gabi po ang pinakamahalagang gabi ng ating kaligtasan. Gabi, kasi dapat sa gabi ginagawa itong Easter Vigil celebration. Nag-aadjust lang tayo dahil sa curfew. Ito iyong gabi na tumawid ang anghel ng kamatayan sa mga bahay ng mga Israelita noong panahon ni Moises. Ligtas ang mga Israelita samantalang sa bawat bahay ng mga Egiptiano ang mga panganay na anak ay namatay. Ito iyong gabi na ang mga Israelita ay tumawid sa Red Sea na hindi nababasa, pero ang mga Egipciano na humahabol sa kanila ay nalunod sa dagat. Tumawid sila patungo sa kalayaan. Ito iyong gabi na ang Panginoong Jesus ay tumawid patungo sa muling pagkabuhay. Ang gabi ng kadiliman, ang kadiliman ng kasalanan at kamatayan ay napagtagumpayan ng liwanag. Darkness fled in front of light, death is overcome by life, evil is banished by love. This is what we celebrate. 

 This is an Easter Vigil. It is a vigil, isang magdamagang gawain. Hindi na natin ito ginagawa nang magdamag ngayon pero mahabahaba ang pagdiriwang natin. Mahaba kasi may apat na bahagi ang ating celebration. Nagkaroon na tayo ng pagdiriwang ng liwanag, kung paano tinalo ng liwanag ang kadiliman. Nasa pagdiriwang tayo ngayon ng Salita ng Diyos. Sa siyam na mga pagbasa tinalunton natin ang kasaysayan ng kaligtasan. Susunod ang pagbebendisyon ng tubig para sa binyag at ang pagsasariwa natin ng ating pangako sa binyag. Dati, ito ang takdang panahon para sa pagbibinyag. Dahil sa pandemia at dahil na rin sa ating 500 years of Christianity commemoration, gagawin natin ang mga binyagan sa April 18, ang ikatlong Linggo ng Pagkabuhay, ang malapit na Sunday sa April 14, na siyang anniversary ng mga unang binyag na ginawa sa Cebu noong 1521. Ang pang-apat na bahagi ng ating pagdiriwang ngayong gabi ay ang Banal na Eukaristiya. Ang bawat misa ay ang pagsasa-ngayon natin ng pagkamatay at pagkabuhay ni Jesus. Patuloy na inaalay ni Jesus ang kanyang sarili upang tayo ay mabuhay. 

 Oo, may apat na bahagi ang ating gawain ngayong gabi, pero talagang naging mahaba ang ating celebration dahil sa mga pagbasa natin. Ginagawa natin ang ating vigil sa ating pagsubaybay sa kasaysayan ng kaligtasan. Hindi basta-basta dumating ang kaligtasan. Hindi ito instant. Ang kasaysayan ay isang proseso, at bahagi tayo sa prosesong ito. Kaya ang daloy ng kaligtasan ay daloy ng kasaysayan natin hanggang ngayon. So this is our story. What we have heard in our readings are not stories of others. We have heard our story. 

 Nagsimula ang kasaysayan ng kaligtasan sa paalaala sa atin sa magandang balak ng Diyos sa atin at sa mundo. So we have heard the creation story. Everything was good and beautiful, coming from a good and loving God. Because of sin, however, the good world and the good relationships have been broken. Pero kaagad nagbalak ang Diyos na aayusin at panibaguhin uli ang lahat. Magpapadala siya ng tagapagligtas na tatalunin ang kasamaan at kamatayan na dala ng kasalanan. Nagsimula ang Diyos sa isang tao, kay Abraham, isang tao na masunurin at may tiwala sa Kanya. Ganoon na lang ang kanyang tiwala sa Diyos na handa niyang ialay ang pinakamalahaga sa kanya, ang kanyang kaisa-isang anak, kung ito ay hinihingi ng Diyos. 

 Lumaki ang pamilya ni Abraham ayon sa pangako ng Diyos. Talagang tapat ang Diyos sa kanyang mga sinabi. Upang iligtas ang pamilya ni Abraham sila ay napapunta sa Egipto dahil kay Jose, na naging prinsipe ng Egipto. Doon sila dumami. Doon din sila inalipin. Doon nila naranasan na ang Diyos nila ay manliligtas. Sa pamamagitan ni Moises sila ay nakalikas sa pagkaalipin sa kanila sa Egipto sa pamamagitan ng maraming kababalaghan. Ngayon ay hindi na sila isang pamilya lang, sila ay isang bayan na nakatipan sa Diyos. They had become a people with a covenantal relationship with their God. 

 Dinala sila ng Diyos sa lupang ipinangako sa kanila. Winarningan sila na kung mananatili silang tapat sa kasunduan nila sa Diyos, kung susunod sila sa kanyang mga utos, mananatili sila sa lupaing iyon na masaya at masagana. Kung hindi, tatalunin sila ng ibang mga tao at aalisin sila sa lupain. Sa mahabang kasaysayan na sila ay pinamunuan ng mga hukom at mga hari, hindi sila sumunod, kahit na paulit-ulit silang pinadalhan ng mga propeta na nagpaala-ala sa kanila ng kanilang kasunduan sa Diyos. Ang Diyos po ay hindi pabaya. True enough, they lost the land and they were reduced as a people. First they were divided into two kingdoms. Then they lost their independence as a people. Their kings were killed or captured and they were exiled to faraway places. Noong nawala na ang lahat, napatanong sila kung nakalimutan na ba sila ng kanilang Diyos. Sinabi ng Diyos sa pamamagitan ni propeta Isaias: “For a brief moment I abandoned you, but with great tenderness I will take you back… In justice you shall be established, far from the fear of oppression, where destruction cannot come near you.” Kaya nga ang panawagan sa kanila ay: “Seek the Lord while he may be found, call him while he is near…. Let the wicked man turn from his thoughts; let him turn to the Lord for mercy, to our God who is generous in forgiving.” 

 Kaya kailangan lang talagang makinig sa Diyos at gawin ang kanyang mga utos. Ang kasaysayan ng Israel ay kasaysayan din natin. Maganda naman ang balak ng Diyos sa atin. Maganda ang Pilipinas. Mapalad tayo na alam na natin ang kalooban ng Diyos; tayo ay mga Kristiyano. Kaya talagang pinasasalamatan natin ang Diyos na pinagkalooban tayo ng pananampalataya. Hindi na natin kailangang hulaan pa kung ano ang kagustuhan niya, kung ano ang paraan upang bendisyonan tayo. Sumunod lang tayo. Kaya nagkaganito na ang ating kalagayan dahil sumusuway tayo sa Diyos. Marami ang nagdurusa sa atin dahil sa bisyo – alak, sugal, droga, walang katapatan sa asawa, pagsuway sa mga magulang, pagkamakasarili, katamaran – lahat iyan ang nagpapahirap sa atin. Ganoon din ang pagsisinungaling. Ganoon din ang hindi paggalang sa karapatang pantao. Ganoon din ang corruption na pagnanakaw sa kaban ng bayan. Ganoon din ang kasakiman sa pera na handang pumatay para lang kumita, handang sirain ang kalikasan dahil sa business. Ang mga ito ay laban sa mga utos ng Diyos. 

 Pero kahit na ganito tayo, nangako ang Diyos na babaguhin niya tayo. Bibigyan niya tayo ng bagong puso. Ibibigay niya sa atin ang bagong Espiritu. Ito ay tinupad niya noong binigay niya sa atin ang kanyang anak na naging tao. We do not deserve Jesus, but he not only came. He died for us para lang mabago tayo. Totoong nabago tayo noong tayo ay bininyagan. Hindi lang tinanggal ang ating kasalanan. Ginawa pa tayo na mga anak ng Diyos. So we now participate in the life of God. This is totally unexpected as his resurrection from the dead was unexpected. Sinosorpresa tayo ng Diyos. Nakakagulat ang kanyang kapangyarihan. Walang imposible sa kanya. May buhay pala sa kabila ng kamatayan. 

 We truly need this message now, tayo na nawawalan na ng pag-asa sa harap ng pandemia. Malubha ang virus na palaging nagbabago, nagmumutate, pero ang tugon ng mga leaders natin ay pareho pa rin – lockdown at curfew. And they expect things will get better, by mandating the same measures that brought us to this sorry state first of all. Pero kahit na nasa ganito tayong kalagayan, huwag tayo mawalan ng pag-asa. Kumikilos ang Diyos. He will not allow sickness and stupidity to have the last say. Our story leads to salvation. This is salvation history. 

 Dahil sa kumikilos ang Diyos, kumilos din tayo, tulad ng mga babae sa ating ebanghelyo. Maagang maaga pa pumunta na sila sa libingan. Dahil sa kumilos sila, sila ang unang nakatanggap ng Magandang Balita at sila pa ang pinagkatiwalaan na dalhin ang Magandang Balitang ito sa mga alagad. Paano tayo kikilos? Magkaisa, magtulungan, mag-encourage sa nawawalan na ng pag-asa, magbigay ng comfort sa mga nalulumbay o naulila. In a word, let us support one another. Help from God will come; meanwhile let us help one another. 

 Dahil sa si Jesus ay muling nabuhay, nagkaroon ng movement. Nabuksan ang libingan. Kumilos ang mga babae, napatakbo ang mga apostol, nagbalitaan ang mga tao, pumunta ang mga alagad sa buong mundo. We need to move. Jesus is risen. Let us allow the energy of the resurrection to move us on.

Thursday, April 1, 2021

Mass of the Last Supper Holy Thursday

Homily April 1, 2021 Ex 12:1-8.11-14 1 Cor 11:23-26 Jn 13: 1-15 We have ended the season of Lent. With the celebration of the Lord’s Supper we start the period of the Easter Triduum, the most important feast in the church. Lent prepared us for this. We celebrate it in three days – this evening till Saturday night. Ito iyong sentro ng misterio pascual, ang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Jesus. Sana po kasama kayo, kahit na online lang, sa tatlong araw na ito na ngayong taon ay gagawin natin ng alas tres ng hapon Special arrangement ito because of the special times. Dapat ang Huling Hapunan ay panahon ng hapunan at ang Easter Vigil ay sa gabi na madilim na. Pero may curfew na kinoconsider tayo kaya inagahan natin. So please remember: three o’clock for three days, today, tomorrow and on Saturday. 

 Ang Huling Hapunan ng Panginoong Jesus ay ang pagdiriwang ni Jesus at ng kanyang mga alagad sa pinakamahalagang hapunan ng mga Hudyo sa kanilang pamilya kada taon. Iyan iyong hapunan pampaskuwa. Doon nagkakatipon ang mga Hudyo sa lamesa upang gunitain ang paglaya nila sa Egipto noong panahon ni Moises. Iyan po iyong binasa natin sa aklat ng Exodo sa ating unang pagbasa. Nagkakatipon ang pamilya na nakahanda nang umalis at pinagsasaluhan nila ang kordero na nilitson. Ang dugo nito ay winisik nila sa mga hamba ng kanilang mga pintuan upang hindi sila pasukin ng kamatayan. The angel of death will pass over them, kaya nga Passover meal partaking of the Passover lamb, not only keeping them from death but giving them the food necessary to cross to freedom. 

 Our second reading is the oldest account of the Last Supper of Jesus. It is not found among the gospels but from the letter of Paul to the Corinthians, which was written some 10 years before the writing of the first Gospel, that of Mark. Dito pinaalalahanan ni San Pablo ang mga Kristiyano ng kahalagahan ng kanilang lingguhang hapunan. Medyo naabuso na ito ng mga kristiyano. Para na lang ordinaryong kainan ang ginagawa nila, na sa halip na magkaisa, sila ay nagkakanya-kanya na. Ang iba ay labis na busog at ang iba ay nagugutom. Nawawala na ang bahaginan. Sinabi ni Pablo na itong ginagawa nila ay tinanggap din niya. Ibig sabihin na ito’y kaugalian na ng mga apostol, na nanggaling pa kay Jesus. May binago si Jesus sa Huling Hapunan sa kinaugalian ng mga Hudyo. Sa halip na makinabang sa karne ng kordero, sila ay nakikinabang sa katawan ni Jesus, sa anyo ng tinapay. Maliwanag ang salita ng Pangioon: “Ito ang aking katawan na para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.” Ang dugo ng nagligtas sa kanila ay hindi na dugo ng kordero kundi dugo ni Jesus. Ito na ang dugo ng bagong tipan na ibinuhos para sa atin. Itong pag-aalay ni Jesus ng kanyang katawan at dugo para sa atin sa hapunan ay magaganap sa susunod na araw sa Kalbaryo. Talagang ang kanyang katawan at dugo ay ibinigay para sa atin. Kaya mahigpit ang kaugnayan ng ating banal na misa sa nangyari kay Jesus sa Kalbaryo. Kaya sa bawat misa natin, nandoon ang larawan ni Jesus na nakapako sa Krus. 

 Ang pinakapagsamba natin sa Diyos ay ang pag-aalay ni Jesus. Sa kalbaryo pinapahiwatig sa atin ang kasamaan ng kasalanan. It brings unnecessary cruel suffering, even to the innocent. But at the same time Calvary stands for God’s commitment to us in love. Tinanggap ni Jesus ang lahat, alang alang sa atin. Si Jesus na nakapako sa krus ay ang pinaka-assurance natin na hindi tayo iiwan ng Diyos, na mahal niya tayo unto death. Sinabi ni San Juan sa ating Gospel: “He loved his own in the world and he loved them to the end.” 

 Isa lang ang pag-aalay ni Jesus sa Kalbaryo. Hindi na ito mauulit. It has eternal value. Sa bawat misa ay pinapasa-ngayon natin, we make present among us the one sacrifice of Jesus Christ. Kaya ganyan kahalaga ang misa sa atin. We come in the presence of the sacrifice of Christ. It is the same sacrifice of Christ in Calvary and on our altars. Kaya, although dahil sa pandemia, nanonood na lang kayo sa mga misa, pero dapat sa puso natin, nandyan iyong desire, iyong pananabik to participate physically in the mass. Our online mass is a poor substitute of the real physical participation in the mass. At the moment we are constrained to watch the online masses, but please do not lose the fire, the desire to be physically present when it is possible, and to really receive the body of Christ into our body. 

 Among the four gospels, only in the gospel of John do we not have the narration of the consecration of the bread and wine. Maaaring hindi na ito isinama ni Juan sa kanyang Gospel dahil sa alam niya na ito ay kasama na sa ibang gospels. Tandaan natin na ang Gospel ni Juan ang huling gospel na isinulat, maaaring some 30 years after the gospel of Mark. Mayroon siyang kuwento ng Last Supper pero sa halip na institution of the Eucharist, siya lang ang may kuwento ng paghuhugas ni Jesus ng mga paa ng mga apostol. 

 Ang paghuhugas ng paa ay ang gawain ng pinakamababang alipin. Kapag may dumadating na bisita, sinasalubong siya ng alipin at hinuhugasan ang kanyang paa bilang tanda ng hospitality. Magandang pansinin ang sinabi ni John: “During supper, fully aware that the Father had put everything into his power and that he had come from God and was returning to God, he rose from supper and took off his outer garments. He took a towel and tied it around his waist.” (Jn. 13:2-4 NAB) Alam ni Jesus ang kapangyarihan na ibinigay sa kanya ng Ama, alam niya na galing siya sa Diyos at babalik sa Diyos. Alam na alam niya ang kanyang kadakilaan, pero hinugasan niya ang paa ng mga alagad niya. Ang kapangyarihan ay ginamit niya hindi upang siya ay paglingkuran at pahalagahan, kundi upang mag serve sa iba, tulad ng pag-se-serve ng isang mababang alipin. Kaya pagkatapos ng paghuhugas, maliwanag na kanyang sinabi na ang ginawa niya ay dapat nilang gawin sa isa’t isa. Ito ay isang halimbawa na dapat nilang sundin. Maghugasan sila ng paa. Mag-serve sila sa bawat isa. 

 May ritual din tayo ng paghuhugas ng paa pagkatapos ng homilia, hindi sa 12 persons pero 4 lang na representatives ng ating panahon ngayon. Ang isa ay si Fr. Geoffrey Eborda, Jr., isang paring Agustiniano. Ang mga Augustinians ang naunang missionary sa Pilipinas. Parangalan natin ang lahat ng mga missionaries muna noon hanggang ngayon. Si Ms Ruzzel Ramos naman ay isang full time catechist sa Don Bosco Tondo. Kinakatawan niya ang mga magulang, guro, mga lolo’t lola at mga katekista na nagbabahagi ng pananampalataya sa susunod na generasyon. Si Mr Roman Garry Lazaro ay isang kabataan dito sa social media work ng Cathedral. Siya ang representative ng mga kabataan at social media missionaries na nagpapaabot sa atin ng mga banal na pagdiriwang sa mga online facilities. Si Sr. Venus Marie Pegar ay isang madre ng Sisters of St. Francis Xavier na tinatag ni bishop Alexander Cardot ng Yangon Myanmar. Nakikiisa tayo sa mga taga-Myanmar na nakikibaka ngayon para sa democrasiya at tunay nakapayapaan. 

 Ang paghuhugas ng paa ay ang katumbas para kay Juan ng institution of the Eucharist. In fact ito ang kahulugan ng Eucharist – si Jesus na nag-aalay ng sarili, kaya dapat din tayo mag-alay sa isa’t isa. Kung totoo ang pagtanggap natin kay Jesus sa Banal na Communion, dapat din natin gawin ang ginawa niya. So the Holy Mass for us is not just a ritual, but it is a commitment. Dito papasok uli ang ating paksa sa taong ito: Gifted to Give. We are gifted by Jesus with his body and blood, let us also give to others by serving them and sharing with them. 

 Pagkatapos ng huling hapunan pumunta si Jesus sa Garden of Gethsemani, at doon sa matinding panalangin tinanggap ni Jesus ang kalooban ng Ama para sa kanya. Bukas mararanasan natin ang pagpapakasakit ni Jesus. Nagtataka ang tao kay Jesus, tulad ng nagtataka si Pilato at si Herodes na kalmado siya sa harap ng mga akusasyon at pag-aabuso sa kanya. Jesus did not struggle anymore. He struggled on the Mt. of Olives in Getsemani. Ganoon katindi ang kanyang struggle na sinulat ni San Lukas: “He was in such agony and he prayed so fervently that his sweat became like drops of blood falling on the ground.” (Lk. 22:44) Tinanggap niya doon ang kalooban ng Ama, at mula noon mapayapa na ang loob niya, tinanggap na niya ang lahat ng pasakit sa kanya. 

 Ang ating misa ngayong gabi ay wawakasan natin ng pagsama sa Panginoon Jesus sa kanyang pagdarasal sa Jarden ng Getsemani. Sana hindi niya sabihin sa atin ang sinabi niya kay Pedro at sa kanyang mga kasama: “Hindi ninyo ba ako masasamahan ng isang oras man lang sa pagdarasal? Pray that you will not fall to the test.” Kaya mayroon po tayong pagtatanod ng isang oras together with Jesus in the Blessed Sacrament as we end this mass. Join us and join Jesus, kahit online sa isang oras ng panalangin. 

Homily - 21st Sunday of the Year Year B

August 22 2021 Josh 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69   Noong nakaraang linggo nabalitaan natin na ang Committee on Population and ...