Ngayong gabi po ang pinakamahalagang gabi ng ating kaligtasan. Gabi, kasi dapat sa gabi ginagawa itong Easter Vigil celebration. Nag-aadjust lang tayo dahil sa curfew. Ito iyong gabi na tumawid ang anghel ng kamatayan sa mga bahay ng mga Israelita noong panahon ni Moises. Ligtas ang mga Israelita samantalang sa bawat bahay ng mga Egiptiano ang mga panganay na anak ay namatay. Ito iyong gabi na ang mga Israelita ay tumawid sa Red Sea na hindi nababasa, pero ang mga Egipciano na humahabol sa kanila ay nalunod sa dagat. Tumawid sila patungo sa kalayaan. Ito iyong gabi na ang Panginoong Jesus ay tumawid patungo sa muling pagkabuhay. Ang gabi ng kadiliman, ang kadiliman ng kasalanan at kamatayan ay napagtagumpayan ng liwanag. Darkness fled in front of light, death is overcome by life, evil is banished by love. This is what we celebrate.
This is an Easter Vigil. It is a vigil, isang magdamagang gawain. Hindi na natin ito ginagawa nang magdamag ngayon pero mahabahaba ang pagdiriwang natin. Mahaba kasi may apat na bahagi ang ating celebration. Nagkaroon na tayo ng pagdiriwang ng liwanag, kung paano tinalo ng liwanag ang kadiliman. Nasa pagdiriwang tayo ngayon ng Salita ng Diyos. Sa siyam na mga pagbasa tinalunton natin ang kasaysayan ng kaligtasan. Susunod ang pagbebendisyon ng tubig para sa binyag at ang pagsasariwa natin ng ating pangako sa binyag. Dati, ito ang takdang panahon para sa pagbibinyag. Dahil sa pandemia at dahil na rin sa ating 500 years of Christianity commemoration, gagawin natin ang mga binyagan sa April 18, ang ikatlong Linggo ng Pagkabuhay, ang malapit na Sunday sa April 14, na siyang anniversary ng mga unang binyag na ginawa sa Cebu noong 1521. Ang pang-apat na bahagi ng ating pagdiriwang ngayong gabi ay ang Banal na Eukaristiya. Ang bawat misa ay ang pagsasa-ngayon natin ng pagkamatay at pagkabuhay ni Jesus. Patuloy na inaalay ni Jesus ang kanyang sarili upang tayo ay mabuhay.
Oo, may apat na bahagi ang ating gawain ngayong gabi, pero talagang naging mahaba ang ating celebration dahil sa mga pagbasa natin. Ginagawa natin ang ating vigil sa ating pagsubaybay sa kasaysayan ng kaligtasan. Hindi basta-basta dumating ang kaligtasan. Hindi ito instant. Ang kasaysayan ay isang proseso, at bahagi tayo sa prosesong ito. Kaya ang daloy ng kaligtasan ay daloy ng kasaysayan natin hanggang ngayon. So this is our story. What we have heard in our readings are not stories of others. We have heard our story.
Nagsimula ang kasaysayan ng kaligtasan sa paalaala sa atin sa magandang balak ng Diyos sa atin at sa mundo. So we have heard the creation story. Everything was good and beautiful, coming from a good and loving God. Because of sin, however, the good world and the good relationships have been broken. Pero kaagad nagbalak ang Diyos na aayusin at panibaguhin uli ang lahat. Magpapadala siya ng tagapagligtas na tatalunin ang kasamaan at kamatayan na dala ng kasalanan. Nagsimula ang Diyos sa isang tao, kay Abraham, isang tao na masunurin at may tiwala sa Kanya. Ganoon na lang ang kanyang tiwala sa Diyos na handa niyang ialay ang pinakamalahaga sa kanya, ang kanyang kaisa-isang anak, kung ito ay hinihingi ng Diyos.
Lumaki ang pamilya ni Abraham ayon sa pangako ng Diyos. Talagang tapat ang Diyos sa kanyang mga sinabi. Upang iligtas ang pamilya ni Abraham sila ay napapunta sa Egipto dahil kay Jose, na naging prinsipe ng Egipto. Doon sila dumami. Doon din sila inalipin. Doon nila naranasan na ang Diyos nila ay manliligtas. Sa pamamagitan ni Moises sila ay nakalikas sa pagkaalipin sa kanila sa Egipto sa pamamagitan ng maraming kababalaghan. Ngayon ay hindi na sila isang pamilya lang, sila ay isang bayan na nakatipan sa Diyos. They had become a people with a covenantal relationship with their God.
Dinala sila ng Diyos sa lupang ipinangako sa kanila. Winarningan sila na kung mananatili silang tapat sa kasunduan nila sa Diyos, kung susunod sila sa kanyang mga utos, mananatili sila sa lupaing iyon na masaya at masagana. Kung hindi, tatalunin sila ng ibang mga tao at aalisin sila sa lupain. Sa mahabang kasaysayan na sila ay pinamunuan ng mga hukom at mga hari, hindi sila sumunod, kahit na paulit-ulit silang pinadalhan ng mga propeta na nagpaala-ala sa kanila ng kanilang kasunduan sa Diyos. Ang Diyos po ay hindi pabaya. True enough, they lost the land and they were reduced as a people. First they were divided into two kingdoms. Then they lost their independence as a people. Their kings were killed or captured and they were exiled to faraway places. Noong nawala na ang lahat, napatanong sila kung nakalimutan na ba sila ng kanilang Diyos. Sinabi ng Diyos sa pamamagitan ni propeta Isaias: “For a brief moment I abandoned you, but with great tenderness I will take you back… In justice you shall be established, far from the fear of oppression, where destruction cannot come near you.” Kaya nga ang panawagan sa kanila ay: “Seek the Lord while he may be found, call him while he is near…. Let the wicked man turn from his thoughts; let him turn to the Lord for mercy, to our God who is generous in forgiving.”
Kaya kailangan lang talagang makinig sa Diyos at gawin ang kanyang mga utos. Ang kasaysayan ng Israel ay kasaysayan din natin. Maganda naman ang balak ng Diyos sa atin. Maganda ang Pilipinas. Mapalad tayo na alam na natin ang kalooban ng Diyos; tayo ay mga Kristiyano. Kaya talagang pinasasalamatan natin ang Diyos na pinagkalooban tayo ng pananampalataya. Hindi na natin kailangang hulaan pa kung ano ang kagustuhan niya, kung ano ang paraan upang bendisyonan tayo. Sumunod lang tayo. Kaya nagkaganito na ang ating kalagayan dahil sumusuway tayo sa Diyos. Marami ang nagdurusa sa atin dahil sa bisyo – alak, sugal, droga, walang katapatan sa asawa, pagsuway sa mga magulang, pagkamakasarili, katamaran – lahat iyan ang nagpapahirap sa atin. Ganoon din ang pagsisinungaling. Ganoon din ang hindi paggalang sa karapatang pantao. Ganoon din ang corruption na pagnanakaw sa kaban ng bayan. Ganoon din ang kasakiman sa pera na handang pumatay para lang kumita, handang sirain ang kalikasan dahil sa business. Ang mga ito ay laban sa mga utos ng Diyos.
Pero kahit na ganito tayo, nangako ang Diyos na babaguhin niya tayo. Bibigyan niya tayo ng bagong puso. Ibibigay niya sa atin ang bagong Espiritu. Ito ay tinupad niya noong binigay niya sa atin ang kanyang anak na naging tao. We do not deserve Jesus, but he not only came. He died for us para lang mabago tayo. Totoong nabago tayo noong tayo ay bininyagan. Hindi lang tinanggal ang ating kasalanan. Ginawa pa tayo na mga anak ng Diyos. So we now participate in the life of God. This is totally unexpected as his resurrection from the dead was unexpected. Sinosorpresa tayo ng Diyos. Nakakagulat ang kanyang kapangyarihan. Walang imposible sa kanya. May buhay pala sa kabila ng kamatayan.
We truly need this message now, tayo na nawawalan na ng pag-asa sa harap ng pandemia. Malubha ang virus na palaging nagbabago, nagmumutate, pero ang tugon ng mga leaders natin ay pareho pa rin – lockdown at curfew. And they expect things will get better, by mandating the same measures that brought us to this sorry state first of all. Pero kahit na nasa ganito tayong kalagayan, huwag tayo mawalan ng pag-asa. Kumikilos ang Diyos. He will not allow sickness and stupidity to have the last say. Our story leads to salvation. This is salvation history.
Dahil sa kumikilos ang Diyos, kumilos din tayo, tulad ng mga babae sa ating ebanghelyo. Maagang maaga pa pumunta na sila sa libingan. Dahil sa kumilos sila, sila ang unang nakatanggap ng Magandang Balita at sila pa ang pinagkatiwalaan na dalhin ang Magandang Balitang ito sa mga alagad. Paano tayo kikilos? Magkaisa, magtulungan, mag-encourage sa nawawalan na ng pag-asa, magbigay ng comfort sa mga nalulumbay o naulila. In a word, let us support one another. Help from God will come; meanwhile let us help one another.
Dahil sa si Jesus ay muling nabuhay, nagkaroon ng movement. Nabuksan ang libingan. Kumilos ang mga babae, napatakbo ang mga apostol, nagbalitaan ang mga tao, pumunta ang mga alagad sa buong mundo. We need to move. Jesus is risen. Let us allow the energy of the resurrection to move us on.
No comments:
Post a Comment