The Lord is risen! Alleluia! Ito po ang pagdiriwang, ang dakilang pagdiriwang, ang pinakadakilang pagdiriwang ng tagumpay ni Jesukristo. Binuhos na ng kasamaan ang lahat ng lakas niya. Pinatay niya sa Jesus at totoong namatay ni Jesus, pero bumangon siyang muli. Siya ay muling nabuhay! Wala nang ibang lakas pa ang kasamaan. Talagang natalo ni Jesus ang Diyablo. Noong unang nagkasala ang tao sinabi ng Diyos sa ahas: “ I will put enmity between you and the woman, and between your offspring and hers; he will strike at your head, while you strike at his heel.” (Gen. 3:15) Talagang inapakan na ni Jesus ang ulo ng ahas. "Death is swallowed up in victory. Where, O death, is your victory? Where, O death, is your sting?" (1 Cor. 15:54-55) …. “Thanks be to God who gives us the victory through our Lord Jesus Christ.” (1 Cor. 15:57) Kaya ngayon ay ang araw ng tagumpay.
Ang muling pagkabuhay ay hindi inaasahan. Si Maria Magdalena ay pumunta sa libingan upang dalawin ang patay. Pero wala doon ang bangkay. Ang kanyang sumbong kay Pedro ay kinuha ang bangkay at hindi niya alam kung saan dinala. Ang bangkay ang hinahanap niya. Napakadakila ng resurrection pero wala tayong actual witness of the act of the resurrection. Ang pinakamalapit na patotoo ay sa ebanghelyo ni Mateo na kanyang sinulat: “And behold, there was a great earthquake; for an angel of the Lord descended from heaven, approached, rolled back the stone, and sat upon it. His appearance was like lightning and his clothing was white as snow. The guards were shaken with fear of him and became like dead men.” (Matt. 28:2-4) Ang nakita ng mga bantay ay ang anghel, hindi naman si Jesus.
Ang pinaka physical evidence ng pagkabuhay ni Jesus ay ang empty tomb. Walang laman ang libingan. Wala ang bangkay pero nandoon ang mga pinambalot sa bangkay. Ang akala ni Maria Magdalena ay kinuha ang bangkay. Ang sabi ng mga punong sacerdote at ng matatanda ng bayan sa mga guardia na ibalita sa mga tao na ninakaw ng mga alagad ni Jesus ang bangkay. They have to explain away the phenomenon of the empty tomb. Ang sabi ng anghel sa mga babae, “Pumunta kayo rito upang hanapin ang ipinako sa krus. Wala siya rito, tingnan ninyo ang kinalagyan niya. Siya ay muling nabuhay ayon sa kanyang sinabi.”
Ano pa ang ibang ebidensya na siya nga ay muling nabuhay? Hindi ito bunga ng hakahaka ng mga nagmamahal sa kanya kasi sila mismo ay hindi umaasa nito and their initial reactions were fear and disbelief! Ang ebidensya para sa kanila ay nagpagkita ang Panginoon sa kanila. Kaya ang balita ni Maria Magdalena ay: “Nakita ko ang Panginoon.” Ang sabi ng mga alagad ay: “Nagpakita siya kay Simon Pedro.” At ganoon din: “We have seen the Lord.” Hindi lang nakita. Nakikain pa kasama nila. Iyan ang patotoo ni Pedro na ating narinig sa ating unang pagbasa: “This man God raised (on) the third day and granted that he be visible, not to all the people, but to us, the witnesses chosen by God in advance, who ate and drank with him after he rose from the dead.” (Acts 10:40-41)
Pero ilan lang ang nakakita kay Jesus na muling nabuhay? Sinulat ni San Pablo na nagpakita si Jesus kay Simon, sa 12 apostles, sa mga limang daang katao at sa kahulihulihan sa kanya mismo. Ilan lang sila? Pero ang pinakatanda ng muling pagkabuhay ay ang pagbabago ng mga alagad ni Jesus. Ito ay nakikita ng lahat ng tao. Hindi lang si Jesus nagbago; ang mga naniniwala sa kanya ay nagbago din – at malaking pagbabago! Sila ay mga probinsyano, walang pinag-aralan, takot at duwag pero dahil sa kapangyarihan na galing kay Jesus na muling nabuhay naging matapang sila at masigasig na nagpahayag, na nasabi pa nila sa kanilang mga leaders sa Sanhedrin: “Mas dapat kaming sumunod sa Diyos kaysa inyo. Hindi kami makakapanahimik. Dapat naming sabihin ang aming nakita at naranasan.”
Ang kapangyarihan na bumuhay kay Jesus ay nasa atin din hanggang ngayon. Sinulat ni San Pablo: “You were buried with him in baptism, in which you were also raised with him through faith in the power of God, who raised him from the dead.” (Col. 2:12) Ito ay napatunayan sa kasaysayan. Saan nanggaling ang lakas ng mga ordinaryong tao, ng mga bata at mga babae na mag-alay ng kanilang buhay dahil kay Jesus? Nagtataka ang tao na ang mga Kristiyano ay umaawit at ngumingiti na hinaharap ang mga leon, na sila ay sinusunog sa mga poste, at isa-isang sinasaksak. Saan nanggaling ang tapang ng mga misyonero na pumunta sa mga hindi alam na mga lugar at mga tao at magsalita tungkol kay Jesus?
At sa ating panahon ngayon: saan nanggagaling ang lakas ng loob ng mga ordinaryong manggagawa, ng mga katutubo, ng mga urban poor, ng mga mangingisda ngayon na patuloy na manindigan sa kanilang karapatan at mag-organiza sa harap ng red-tagging at pagpapaslang ng makapangyarihang military structures? Ang lakas na iyan ay galing kay Jesus na muling nabuhay. Hindi iyan matatalo ng mga nagpapapatay sa kanila. O death where is your victory? Saan nanggaling ang patuloy na pagsisikap ng mga tao kahit na walang kinahihinatnan ang mga strategies na ginagamit na supilin na ang Covid 19? Hindi nawawalan ng pag-asa ang mga tao. Patuloy silang nakikibaka. Iyan po ay galing kay Jesus na muling nabuhay. Ang lahat ng pagsisikap para sa buhay, para sa katotohanan, para sa pag-ibig at katarungan – iyan ay galing kay Jesus na muling nabuhay. Patuloy na lumalawak ang gawaing pagliligtas ni Jesus, namamalayan man natin ito o hindi. Kumikilos siya sa atin. Buhay si Jesus! Kumikilos siya!
Ngayong araw ginugunita at ipinagdiriwang natin ang 500 taon ng pagkilos ni Jesus sa ating bansa. Today is the official opening all over the country of the 500th anniversary of Christianity in our land Tayo ay mga kristiyano hindi lang dahil sa mga misyonero o sa mga kastila. Marami rin silang kapalpakan at pagsasamantalang ginawa. Pero sa kabila nito, tinanggap, pinanghawakan at tinanim ang pananampalataya kay Kristo sa ating kapuluan. Ang ating pagiging Kristiyano ay talagang gawain ng Diyos. Kaya ang unang damdamin na bumubukal sa ating puso ay “Salamat sa Diyos!”
Ngayong araw binubuksan na natin ang ating 500 years commemoration ng pagdating ng pananampalataya. Sa lahat ng mga dioceses binubuksan ang mga jubilee doors ng mga Cathedrals. Kaya kahit na nasa ECQ tayo dito sa Maynila, nakikiisa tayo sa buong bansa na bubuksan ang ating Jubilee Door. Ang Jubilee Door ay ang sagisag ng mga biyaya na mapapasaatin kapag tayo ay pumasok sa simbahang ito, isa sa 12 jubilee churches o pilgrim churches na pinagkaloob ng Roma sa ating archdiocese. Sa mga susunod na araw bubuksan din natin ang mga jubilee doors ng iba pang mga pilgrim churches. Inaanyayahan tayong pumasok sa mga simbahan, doon magsisisi, doon magdasal at tumanggap ng bendisyon ng Diyos. Buong taon po natin matatanggap ang indulgences sa mga jubilee churches. Let us schedule our visits to these churches when the restrictions are relaxed.
The more difficulties we meet, the more we cling to God’s grace and power. Naranasan po natin sa pandemic na ito na mahina pala ang kapangyarihan ng science, hindi mahanapan ng solusyon ang sakit na ito kahit na binubuhusan ng billions of dollars sa research. Mahina pala ang kapangyarihan ng business. Marami ay nagsasara na. Mahina pala ang namumuno sa atin. Matapang lang magsalita at magbanta, wala namang magawa sa ikabubuti natin. Mas lumalala pa. Pinabayaan na natin ang Diyos noon. Isinantabi natin siya. Subukan naman natin ang kanyang kapangyarihan. Kumilos tayo ayon sa kanyang paraan. Mamatay sa kasamaan upang mabuhay sa Diyos. Itakwil si Satanas at ang kanyang mga pamamaraan tulad ng kasinungalingan, pagpatay at pagkamakasarili at kumapit tayo sa Diyos. Hindi masasayang ang ating effort na sumunod sa Diyos. Iyan ang leksyon ng resurrection.
No comments:
Post a Comment