Sunday, October 11, 2020

Homily for October 11, 2020

28th Sunday Year A Is 25:6-10 Phil 4:12-14.19-20 Mt 22:1-14 

 Lahat naman tayo ay may karanasan na mag-alaga: mag-alaga ng halaman, ng isang hayop, ng baby, ng may sakit, ng lola. Kapag tayo ay nag-aalaga, gusto nating ibigay ang the best sa inaalagaan natin. Ang problema lang, minsan hindi natin alam ano ang gagawin at madalas wala naman tayong kakayahan na ibigay ang the best. 

 Alaga tayo, ang bawat isa sa atin, ng Diyos. Siya ang may likha sa atin, siya ang gumagabay sa atin, binigyan tayo ng mga anghel na sumusuporta sa atin, nandiyan si Mama Mary na ating Ina, binigay niya si Jesus, ang kanyang kaisa-isang anak upang tayo ay tubusin. Kaya talagang binibigay ng Diyos ang the best sa atin. At mas magaganda pa ang mga balak na ibibigay niya. We cannot just imagine what God has prepared for those who love him! Itong pagbibigay ng Diyos ng the best para sa atin ay inilarawan sa pamamagitan ng piging, ng party, sa dalawang pagbasa natin. 

 In the first reading from the prophet Isaiah, the Lord God is inviting us to a feast where rich and delicious food and drink are prepared. It is not just a feast of food, but what he prepares is a situation of joy and happiness. There will no longer be any sadness; he will wipe away the tears from every eye. Also in the gospel, the king prepared a feast for the wedding of his son. Kinatay na ang mga pinatabang guya. Handa na ang lahat. 

 God also wants to give us the best, not only at the end of life but already in this life. He does not want us to be sad. Tulad natin, ang Diyos din gusto na masaya ang kanyang inaalagaan. At bilang Diyos, alam niya ang gagawin at kaya niyang ibigay ang magpapaligaya sa atin. Do we trust him in this? Naniniwala ba tayo na gusto ng Diyos ang kabutihan at kaligayahan natin? 

 Yesterday was the beatification of the first millennial saint the teen-ager Carlo Acutis. He died of aggressive leukemia at the age of 15 in 2006. But otherwise he was an ordinary boy but with an extraordinary love of the Eucharist. When he received his first communion at the age of 7, he was enamored with the eucharist and from that time on, never missed a chance to receive communion and to join in eucharistic adoration in his parish. It was he who brought his family to frequent communion. He was so happy with Jesus in the eucharist that he could not understand why his companions took the eucharist for granted. He was good in computer so at the age of 11 he started a project to make a website of the eucharistic miracles of the Lord to make people realize how real and how good the Eucharist is. This website is still circulating all over the world, now translated in 17 languages. 

 Talaga bang naniniwala tayo sa kabutihan ng Diyos, na gusto niyang ibigay ang the best sa atin at kasama na rito ang Banal na Misa? Ito ay mahalagang tanong kasi kadalasan nabubuhay tayo na walang Diyos, na parang hindi siya concerned sa atin. O kaya, na pahirap lang sa ating ang Diyos, na hindi tayo magiging masaya kung susunod tayo sa kanya. Kaya hindi natin siya pinapanasin at hindi natin iniintindi ang kanyang paanyaya, tulad ng mga tao sa ating parable. Sa halip na dumalo sa piesta ng hari, nagkanya-kanyang lakad sila – ang isa sa kanyang bukid, ang isa sa kanyang business. Hindi ba mahalaga na ang hari mismo ang nag-imbita sa iyo? Hindi ba sila excited na pupunta sa party na inihanda ng hari? Ang nakakataka pa, inabuso, binugbog at pinatay pa ang mga sinugo na mag-anyaya sa kanila. 

 Iyan ang larawan ng mga Israelita. Ang mga propeta na pinapadala ng Diyos upang tawagin ang pansin nila para matanggap nila ang mga pagpapala ng Diyos ay kanilang ininsulto, pinabayaan, at pinatay pa ang iba. Hindi naman sila iniimbita sa masama, kundi sa kabutihan at sa kaligayahan ng Diyos. Kung ang Diyos ay maghahari sa atin, magiging maganda ang buhay natin. But no! We want to go our own way. We want to build a tower reaching heaven by our own resources, in our own terms, on our own conditions. This drama of building the Tower of Babel continues to happen today. We want to reach heaven without God, with our technologies, with our ideologies, with our plans. Babagsak ang mga ito. 

 Pero ayaw ng Diyos na mafrusrate ang kanyang balak na magbigay ng kaligayahan. Handa na ang lahat para sa salu-salo. So he asked his servants to invite everyone they find in the streets – mabuti man o masama. He wants the wedding hall to be filled. Kaya ang paanyaya na tinanggihan ng mga invited guests, ng chosen people, ay tinanggap ang mga Gentiles, ang mga hindi kabilang sa chosen people. Hanggang ngayon ang mga nasa periphery – ang mga mahihirap at naaapi ang mas kumakapit sa Diyos. Para sa kanila ang kaharian ng Diyos. Today is the Sunday of the Indigenous Peoples. Sila na isinasantabi at inaagawan pa ng kanilang lupang ninuno ang mas makakaintindi ng kahalagahan ng Kalikasan at ng pakikipagkapwa tao. 

 In our parable the king was not sitting there on his throne alone, separated from the people who were feasting down below. He joined the people in their feasting. Ang Diyos natin ay Immanuel, the God who is with us. Kasama natin siya. Nakikihalubilo siya. And he came across one who is not dressed in a wedding garment. Hindi niya agad ito sinita. Tinanong muna niya bakit. “My friend, how is it that you came in here without a wedding garment?” Hindi nakasagot ang tao, ibig sabihin, alam niya na dapat may nararapat siyang suot para sa okasyon. He was not one who only lost his way into the feast. Intentionally he did not prepare! Kaya itinapon siya at nagdusa siya sa labas. 

 Gusto ng Diyos na mapuno ang kanyang handaan, but we have to be prepared to take part in the feast. What does this garment symbolize? It is the garment of righteousness. We cannot come to God without righteousness, lalung lalo na tayo na tinubos na ni Kristo, binigyan na ng Espiritu Santo. May kakayahan na tayo na maging matuwid. Kung wala tayo nito, nagpabaya na tayo. Wala tayong masasagot kapag tayo ay pinuna ng Diyos. 

 Mayroon tayong isang magandang awit ng salmo. Psalm 16. 
This is an entrance hymn before the people came to the temple to worship. 
Hayaan ninyong basahin ko ito sa inyo sa Pinoy version. 
Lord, sinong pwedeng pumasok sa Templo mo? 
 Sinong pwedeng mag-stay sa banal mong bundok? 
Yung taong sumusunod sa Diyos sa lahat ng bagay, 
 Laging ginagawa kung ano ang tama, 
At buong pusong nagsasabi ng totoo. 
 Hindi nya sinisiraan ang iba, 
Di sya gumagawa ng masama sa kaibigan, 
 At hindi nagkakalat ng tsismis tungkol sa kapwa. 
Ayaw nya sa mga ni-reject ng Diyos, 
 Pero mataas ang tingin nya sa mga may takot kay Lord. 
Pag nangako sya, talagang gagawin nya, 
 Tutuparin nya yun kahit gaano pa kahirap. 
Nagpapautang sya nang walang interest, 
 Di sya tumatanggap ng lagay para idiin ang inosente. 
Ang taong ganito ang ginagawa, 

 Magiging matatag, hindi matitinag. 

 So already in the Old Testament there were conditions for joining the worship service. This condition is righteous living. 

 Yes, God invites everybody to his banquet. He wants all to be happy. But the blessings of the Lord are not cheap grace. We need to robe ourselves with the garments of justice and righteousness to be able to partake of the feast of the Lord. 

 Ngayong panahon ng pandemic dasal tayo nang dasal sa Diyos. Palagi nating dinadasal ang oratio imperata, na ang ibig sabihin ay panalanging nagmamakaawa. Maraming mga rosaries ang ating dinadasal, lalung lalo na ngayong buwan ng Oktubre. Kailan pa mawawala ang virus na ito? Kailan pa darating ang mabubuting bagay na inaasahan natin? Papakinggan ba ng Diyos ang mga dasal natin? 

Maganda at nagdarasal tayo at lumalapit tayo sa Diyos. Kasama ba ng paglapit sa Diyos ay ang ating paglapit sa kapwa? Marami ngang bagay, mga mabubuting bagay, ang inaalok sa atin ng Diyos. May kahandaan ba tayong tanggapin ang mga ito? Matatanggap ba natin ito na kasama ang iba? 

 The banquet is ready, the table set. Let us participate in the good things the Lord is setting before us clothed with the garment of righteousness and justice.

Sunday, October 4, 2020

Homily for October 4, 2020

27th Sunday Year A Is 5:1-7 Phil 4:6-9 Mt 21:33-34 

 Ang Bibliya ay gumagamit ng maraming larawan para sa bayan ng Diyos. Kung minsan ito ay inilalarawan na kawan ng Diyos, kung minsan naman isang building, minsan naman isang lungsod, o isang asawa. Ngayong linggo sa mga pagbasa natin ang bayan ay inilalarawan na isang ubasan. Sa unang pagbasa at sa ebanghelyo, ang bayan ng Diyos ay mahal niya. Pinapakita ito sa pag-alaga na ginawa ng may-ari sa kanyang ubasan. Tinanggalan niya ng mga bato ang lupang tatamnan, naglagay ng pader para hindi pasukin ng mga hayop, naghukay pa ng pisaan ng ubas para sa inaasahang ani. Ang itinanim niya ay mga piling ubas, mga espesyal na semilya ng ubas. Malaki ang kanyang inaasahan sa kanyang ubasan. Pero sa dalawang pagbasa, nabigo ang may-ari. Sa kwento ni Propeta Isaias, ang ubasan mismo ang may kasalanan. Ang naging bunga ay maaasim na ubas. Sa kwento naman ni Mateo ang problema ay wala sa ubasan, kundi sa tagapag-alaga. Ayaw ibigay ang parte ng may-ari. They abused those whom he sent to collect what was due to him. Some they stoned, others they beat and some they killed, including his son. Not only did they not give the share of the owner. They even wanted to get the vineyard and make it their own. Sa dalawang pagbasa dumating ang parusa. Hindi naman pabaya ang Diyos sa kasamaan. Sisirain at pababayaan ang ubasan sa unang pagbasa, at lilipulin at papalitan ang tagapag-alaga sa ebanghelyo. Accountability will come. God is just. God does not take evil sitting down. 

 Para kanino nakatuon ang talinhagang ito? Sa kapwa pagbasa ang may-ari ay ang Diyos. Ang ubasan na kanyang pinundar at inalagaan ay maaaring ang bawat isa sa atin, o maaari ring ang simbahan, o maaari ring ang bayan. Kaya sinabi natin sa ating salmong tugunan: “The vineyard of the Lord is the house of Israel.” Ang bayan ng Diyos noon ay ang bayan ng Israel. Sa atin ngayon, maaari ring ito ay ang ating bansang Pilipinas. 

 Kung titingnan natin ang ating bayang Pilipinas, ito ay talagang sinisinta ng Diyos. Mahal ng Diyos ito. Mayaman ang ating karagatan. Mataba ang lupa sa ating bansa. In fact we are exceedingly rich in biodiversity in our seas and in our plants and animals. Maganda ang ating klima. Sagana tayo sa tubig. The Filipinos are a talented people. Madiskarte tayo and we are resilient too as a people. Our culture is rich and varied. By our history we become the meeting point of the both the East and the West. Malalim din ang ating spiritual wealth. The spirituality and the religiosity of our people is palpable and because of it we are resilient in the midst of crisis. Mahalaga ang ating mga pamilya at isa iyan sa yaman ng bansa. Kaya dapat natin pangalagaan ang yamang ito at huwag hayaang masira ang ating mga pamilya tulad ng nangyayari sa mga maunlad kunong mga bansa. Bata pa ang papulasyon ng ating bansa. May kinabukasan tayong hinihintay, hindi tulad ng mga bansang matatanda na ang kanilang mga tao. Palaos na sila. Talagang dapat nating pahalagahan at ipasalamat sa Diyos ang ating bayang Pilipinas. Pinagpala tayo. Inaalagaan tayo ng Diyos. 

 Pero… at ito ang isang mabigat na pero…. Bakit ganito ang ating kalagayan ngayon? Matindi ang kahirapan ng marami? Noong bata pa ako naniwala ako na walang gutom sa Pilipinas. Hindi na natin masasabi ito ngayon na ayon sa latest survey, mga 30 milyong mga Pilipino ay nakararanas ng kagutuman sa nakalipas na 3 buwan. Bakit marami ang karahasan na nangyayari sa bansa? Bakit maraming Pilipino ay kailangan mangibang bansa para magkaroon ng desenteng buhay? Bakit sa ating kasaysayan nagpapaapi at nagpapauto tayo sa iba? Noon sa mga dayuhan at ngayon sa ating kababayan. O bakit may mga Pilipino na nang-aapi sa kanyang kapwa Pilipino, mga alagad ng batas na hindi sumusunod sa batas? 

Ito ba ay dahil sa ating pagka-Pilipino, na gayon talaga tayo – pasaway, matigas ang ulo, tamad, duwag? Maaaring may mga Pilipinong ganyan, but I refuse to believe that we are such as a people, that this misery that we are experiencing now is due to our nature as Filipinos. Our heroes belie this and even now we have heroes who sacrifice themselves, we have intelligent and caring Filipinos, we have many who refuse to be cowered by powerful institutions and organizations. 

 In the gospel the parable of Jesus was aimed not at the people but at the leaders of the people, sa mga sacerdote at mga matatanda ng bayan. Sila ang pinagkatiwalaan ng may-ari ng kanyang ubasan. Pero hindi sila tapat na katiwala. Ayaw nilang ibigay ang nararapat sa may-ari. Ibig nilang angkinin ang ubasan. God did not reject the vineyard unlike in the first reading. He rejected the leaders in the gospel. 

 Yes, we are like this largely due to our leaders. They do not exercise the stewardship that is theirs. First they do not give to God what is his due. We always have to be reminded that God is the owner. He is the source of all. He is the creator. We are creatures. So we have to follow him. Nagpapagabay ba tayo sa Diyos? Sinusunod ba natin ang kanyang batas? Sabi ng Diyos na huwag kang papatay – bakit patuloy ang extra judicial killings – and even in the time of the pandamic, extra judicial killings of suspected drug addicts, peace and human rights advocates continue. Bakit sinusulong ang death penalty? Ang gobyerno ba ang nagbigay ng buhay na ibibigay sa kanya ang karapatang kumitil nito? Sinabi ng Diyos, what God joined together let not man separate, bakit sinusulong ang divorce, even painting the picture that those countries who have divorce are progressive? Sinabi ng Diyos na huwag magsinungaling – at patuloy pa ang fake news, ang mga trolls, at ang red-tagging? We do not give what is due to God – which is obedience to his laws. We enjoy the resources of the country but we do not give the proper worship and obedience due to the source of these riches. 

 Not only that, but there are leaders who want to own what is not theirs. This is glaringly shown in political dynasties. Inaangkin na ng ilang pamilya ang posisyon kasi sila ay nasa posisyon. Nawala na sa kanilang pananaw na sila ay katiwala lang. So by hook or by crook their families cling to their positions even up to the point of buying people and even of maligning and killing their rivals. Almost 70% of the congress people belong to political dynasties. This is why the constitutional mandate to do away with political dynasties is never acted upon by congress. Tulad sila ng mga katiwala na pinatay ang anak para maging kanila na ang ubasan. Sa kanilang ginagawa kasama sila sa pagpapatay sa Anak ng Diyos, tulad ng mga leaders ng mga Hudyo. 

 The ending of the parable is a dire warning. “Lilipulin niya ang mga buhong na iyon, at paaalagaan ang ubasan sa ibang kasama na magbibigay sa kanya ng kaparte sa panahon ng pamimitas.” There will be an end to abusive leaders. History shows us that no abusive leader survives. So also those who support abusive leaders. They also will not last! 

 Ibigay po natin ang inaasahan ng Diyos. Ano ang inaasahan niya? Sa ating unang pagbasa, ang inaasahan niya ay bunga ng katarungan at kabutihan. Binibiyayaan niya tayo kasi naghahanap siya ng bunga ng kabutihan at katarungan. Jesus said: “I chose you and appointed you to go and bear fruit that will remain,” (Jn. 15:16) and also, “By this is my Father glorified, that you bear much fruit.” (Jn. 15:8) 

 My dear people and my dear leaders of the people, we are so much blessed as a country and as a nation. Let us bear fruits that glorify God, fruits that remain – not projects that are washed away by the waves and the sands of time. The fruits that remain are justice and goodness. Ialay ang ganitong bunga sa Diyos! Ito ang kanyang hinahanap!

Sunday, September 27, 2020

Homily for September 27

26th Sunday Year A Ezekiel 18:25-28 Philippians 2:1-11 Mt 21:28-32 

 Change! Pagbabago! Wala nang mas permanente sa buhay ng tao kundi CHANGE, PAGBABAGO. Ang lahat ay nagbabago at patuloy na nagbabago. Pero hindi po lahat ng pagbabago ay mabuti. Ang mabuti ay maaaring maging masama. Gayon din ang masama ay maaring maging mabuti. Tingnan natin ang kalagayan ng ating bansa. Noong 2016 nanalo ang administrasyong ito sa platform ng change. May nagbago nga pagkaraan ng apat na taon. Sa mabuti ba o sa masama? Kayo na ang humatol. 

Pagbabago, change! Iyan din ang paksa ng mga pagbasa natin. Sinabi ng propeta Ezekiel: may matuwid na naging masama; may masama naman na naging matuwid. Ang mahalaga ay saan tayo dinatnan ng wakas. Ang mabuti na nagpakasama at dinatnan siya ng wakas na masama, wala siyang mapapakinabangan sa kanyang dating kabutihan. Mamamatay siya; paparusahan siya dahil sa kanyang kasamaan. Pero kung ang isang tao na masama ay naging makatarungan at nagwakas na mabuti, hindi na isasaalang - alang ang dati niyang kasamaan. 

Ito ay isang mabuting balita at isang warning. Mabuting balita ito sa mga makasalanan. May pag-asa palagi. Magpakabuti sila at kahit na gaano pa sila kasama ngayon, hindi sila paparusahan. Ito ay isang warning din sa mga ngayon ay mabuti. Huwag umalis sa landas ng kabutihan. Kapag lumihis tayo rito, wala ng saysay ang anumang kabutihan na ginawa natin.

The same idea is presented in the gospel. The first son said NO, but he changed his mind. He worked in the vineyard. He did the father’s will. The second son started well. He said YES to the request of the father but he did not go. He disobeyed the father. May nagbago tungo sa kabutihan; may nagbago tungo sa kasamaan. Pero may isa pang punto sa parable na ito. Ang tinitingnan ng Diyos ay hindi ang ating mabubuting balak, o mabubuting salita. The road to hell is paved with many good intentions. Pero ang tinitingnan ng Diyos ay ang ating gawa. Words can be reassuring, but it is deeds that count – and not just any deed, but the good works of doing the Father’s will. 

Naalaala ninyo na pagkatapos ng mahabang aral ni Jesus sa Sermon on the Mount sinabi niya: "Not everyone who says to me, 'Lord, Lord,' will enter the kingdom of heaven, but only the one who does the will of my Father in heaven. Many will say to me on that day, 'Lord, Lord, did we not prophesy in your name? Did we not drive out demons in your name? Did we not do mighty deeds in your name?' Then I will declare to them solemnly, 'I never knew you. Depart from me, you evildoers.' (Mt. 7:21-23) Kahit na nagpalayas ng demonyo sa ngalan ni Jesus o nagpagaling o gumawa ng milagro, pero kung hindi gumagawa ng kagustuhan ng Diyos, evil doers ang tawag niya sa kanila. 

Deeds are important, deeds in obedience to God. Iyan ang ginawa ni Jesus. Naging masunurin siya hindi lang sa salita. Pinakita niya ang pagiging masunurin sa kanyang pagkamatay sa krus. Iyan ang sinabi ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa. Dahil sa kanyang pagiging masunurin hanggang sa krus, niluwalhati siya ng Ama. 

 Our times now call for deeds. Because of the internet there are a lot of exchanges of words and ideas. Kahit na sino ay maaaring magdagdag ng salita sa internet. There is a multiplication of words – and nice words too. Maraming mga salita na mabulaklak, mga analysis na malalalim – pero hanggang diyan na lang. There is such a thing as analysis paralysis. Dahil sa kaaanalisa nawalan na ng ganang kumilos. Dahil sa kaaanalisa wala nang ginawa. The father expects us to work in the vineyard and not just to say YES. 

This Sunday is National Migrants Sunday. Ang maraming mabigat na naapektohan ng pandemic ay ang mga migrants at ang kanilang mga pamilya. Mahigit na 125,000 ang mga OFWs natin ang bumalik na sa bansa, at may nagtatantiya na aabot ito sa 500,000. Ilang mga pamilya ang affected diyan, higit na 1 million families kung bibilangin din natin ang mga nawalan ng trabaho abroad. Hindi nga nakauwi o pinauwi sa Pilipinas pero wala namang trabaho. Isang usapin natin ngayong pandemia ay ang mga LSIs (locally stranded individuals). Ayaw silang paalisin; ayaw silang tanggapin. Ang mga issues ng migrants ay pag-uusapan lang ba natin? Ano ang ginagawa natin? May dapat gawin ang gobyerno pero may dapat din tayong gawin bilang individual o bilang simbahan. Kaya nga mayroon tayong National Migrants Sunday taon-taon para may gawin tayo. Pwede tayong magdasal. Pwede rin tayong mag-contribute ng pagtulong sa kanila. Kaya anumang donation na ibibigay ninyo sa simbahan sa Linggong ito ay para sa mga migrants. Mayroon tayo sa CBCP na Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples na nag-aabala sa mga OFWs, sa kanilang mga pamilya, sa mga seafarers, sa ating mga internal migrants tulad ng LSIs, sa mga evacuees, at pati na sa mga taong walang tahanan tulad ng mga street people. 

 Ngayon din ay ang National Laity Sunday. Ang mga nabibilang sa mga LAITY ay ang lahat ng binyagan na hindi pari o madre, ibig sabihin ang higit na 99.99% ng simbahan. Kung ang mga laiko ay kumilos lang – malaki ang pagbabago ang mangyayari sa lipunan natin. Ok na na nagdarasal ang mga laiko natin. Pero kung ang dasal nila ay samahan ng pagkilos, malaki ang pagbabago na mangyayari sa bansa. Kaya kumilos na ang mga laiko natin. 

 Nasa huling Sunday na tayo ngayon ng Season of Creation. Nagsimula ito ng September 1 at magtatapos ng Oct 4. Ang usapin sa kalikasan ay nagtatawag ng pagkilos, ng gawa, at hindi lang ng talumpati o pag-aaral. Sapat na ang pag-aaral na sinisira ng tao ang balance sa kalikasan. Kailangan nang magkaisa na pigilan ang patuloy na pagkasira nito. Dito sa kamaynilaan mayroong project na ilulubog ang higit na 300 hektaria na gubat sa Sierra Madre sa Quezon province para gumawa ng Kaliwa Dam para raw sa tubig ng Metro Manila. Utang sa Tsina ang 12.2 Billion-peso dam na ito. Maraming mga manggagawa dito ay mga intsik at kung may hindi pagkakasundo sa kontrata, ang korte sa Tsina ang magpapasya at hindi korteng Pilipino. Bakit ba tayo pumapasok sa ganitong mga kontrata na kagubatan natin ang sinisira at dayuhan ang masusunod? Kailangang kumilos na tayo alang-alang sa bayan, alang-alaang sa Inang Kalikasan. 

Ngayong araw ay piesta ni San Vicente de Paul. He is known as the “Apostle of Charity” and the “Father of the Poor.” Inilaan niya ang kanyang sarili sa pagtugon sa lahat ng uri ng kahirapan – mga may sakit, mga ulila, mga bilanggo, mga alipin. Itinatag niya ang CM, Congregation of the Mission o kilala dito sa Pilipinas na mga Vincentians, at ang DC sisters, (Daughters of Charity) na may mga Asilo, may Hospicio de San Jose, may mga pagamutan at paaralan. Pero si San Vicente de Paul na malaki ang nagawa para sa mahihirap ay hindi nagsimula ng ganoon. Naging pari siya sa France noong 1600 na ang balak lang ay makaalis sa kahirapan, kasi galing siya sa mahirap na pamilya. Gusto niyang iahon ang kanyang pamilya sa kahirapan at magkaroon ng desenteng retirement, at ang paraan niya ay ang pagiging pari niya. Kaya padikit dikit siya sa mga maykaya noon at naghahanap ng magagandang posisyon. In a way he was a mediocre priest. Pari nga pero ang puso niya ay wala sa Panginoon. Paraan lang ang pagpapari niya. Hanap buhay lang. Pero nabago siya. Nagbago siya. Binago siya ng Panginoon at ang ginamit ng Diyos para baguhin si San Vicente de Paul ay ang mga mahihirap mismo. Nakadalaw siya sa mga ospital na inaagawan ng mga may sakit ang mga higaan ng mga kamamatay pa lang. Ang mga tao ay nasa ospital noon upang doon ay mamatay. Nandiri siya sa pagpunta sa mga barrio na magbigay ng anointing of the sick dahil sa karumihan at kahirapan ng mga tao. Pero pinagtiyagaan niya ang mga gawaing ito at dahan dahan, nabago ang kanyang pananaw sa buhay at ang kanyang pananaw sa kahirapan. Niyakap niya ang kahirapan at ang mga mahihirap. Iyan na ang naging layunin ng buhay niya. 

 Si San Vicente de Paul ay ang taong, hindi naman masama, pero maligamgam sa kanyang bokasyon, ngunit nagbago siya. Naging masigasig siya sa kanyang pagsisilbi. Siya iyong anak na nagsimulang sumagot ng AYAW pero nagtrabaho sa ubasan ng Panginoon. Hindi lang siya nagbalak – siya ay nagtrabaho! Siya ay gumawa. Siya ay kumilos! That is the change that God asks from us. Change for the better. Change not only in intentions and in words, but change in deeds!

Monday, September 21, 2020

Pastoral Instruction: One with Our Beloved Dead

My dear people of God in the Archdiocese of Manila, 

A few weeks ago, the mayors of Metro Manila came out with a resolution to close the public cemeteries from October 31 to November 3 this year to avoid large crowds congregating and thus spread the Corona 19 virus. I commend our local executives for their care to prevent any upsurge of the disease. This was extended nation-wide by the IATF resolution 72 which came out on September 15. It states: “All public and private cemeteries, and memorial parks, including columbariums and the like throughout the country shall be closed to visitors from October 29 to November 4, 2020.” I enjoin everyone to cooperate. 

We hold on to our faith in the Communion of Saints and to our oneness with our beloved dead. We believe that death does not totally separate our loved ones from us. In physical death life is changed, not ended. Our relationship with our beloved dead, however, is no longer material but spiritual. In fact, we go to the cemetery during the UNDAS to remember and pray for them. Remembrance and prayers are spiritual activities. We can still do these. We can go to visit them in the cemeteries on other days, not just in the first two days of November. So we can schedule our family visit to the cemetery on any day before October 29 and on any day after November 4. What is to be avoided is that we congregate together and form large crowds only on certain days. 

On November 1 and 2, all are encouraged to go to Church and offer Mass for our beloved dead. The Holy Eucharist is the best prayer that we can offer. All of us, living and dead, are united in the offering of Jesus in the Holy Mass. Our parishes will celebrate more Masses on those days to accommodate more church goers with proper physical distancing. Lighting of candles for the dead can also be done in areas provided by the parishes during the month of November. The lighting of candles is an external manifestation of our prayer. 

Instead of going to the cemeteries on November 1 and 2, we can also set aside time together as a family in our homes and pray for those who have gone ahead of us. It is a good and holy thought to pray for the dead. It would also be good if we can share with the family members our recollections about our beloved dead so that their memory can bind us closer to each other. 

During these past six months, many have experienced death in the family, and for hygienic reasons many of our dead were cremated. I would like to remind everyone that it is not allowed for us to keep the urns containing the ashes in our homes permanently. There is great danger of desecration in the future, especially when we are no longer around to look after and care for these ashes. So the ashes should be laid to rest in columbaria in the cemeteries or in churches. In this way too, other people outside of our families who would like to visit and pray for them can freely do so any time. 

We give due respect to the remains of the dead because we believe that “just as in Adam all die, so too in Christ shall all be brought to life” (1 Cor. 15:22). So we all await our coming together into God’s house at the resurrection of the dead. We believe in the words of our Lord Jesus: “In my Father's house there are many dwelling places. If there were not, would I have told you that I am going to prepare a place for you? And if I go and prepare a place for you, I will come back again and take you to myself, so that where I am you also may be” (Jn. 14:2-3). Our regular visits to cemeteries and our remembrance and prayers for the dead are deep signs of our longing to be with them forever in our Father’s house. 

Yours truly in Christ Jesus, 

BISHOP BRODERICK S. PABILLO 

Apostolic Administrator of the Archdiocese of Manila September 21, 2020

Sunday, September 20, 2020

Homily for the 25th Sunday in Ordinary Time

September 20, 2020,  Is 55:6-9 Phil 1:20-24.27 Mt 20:1-16 

Mahigit na 6 na buwan na tayong nasa lockdown. Kaya 6 na buwan na rin tayong nag-o-online mass. Salamat sa pakikiisa sa ating online mass tuwing alas 10 dito sa TV Maria. Siguro napansin na ninyo na sa mga homily ko sinisikap ko na iugat ang mensahe sa Salita ng Diyos na matatagpuan sa first reading at sa Gospel, ang kung minsan sa second reading din. I also try to point out the relevance of the readings to our present social issues and not only to our personal lives. We are following the Gospel of Matthew this year. The first reading, which comes from the Old Testament is chosen in view of the Gospel passage. The two are connected to each other. The second reading on the other hand has its own semi-continuous reading taken from the letters of Paul. In the past few months we have been following the letter to the Romans and now we start from the letter to the Philippians. The second readings are not intended to connect with the Gospel. Para mas ma-appreciate ninyo ang message I suggest that you read the readings before mass so you have an idea what you are to hear. 

Let us pay special attention to the word of God so that we may know the ways of the Lord. This is not easy because as we are told in the first reading: “My thoughts are not your thoughts, nor are your ways my ways, says the Lord. Kung paano ang langit higit na mataas sa lupa, ang daa’t isip ko’y hindi maaabot ng inyong akala.” Because of this, many times we need to adjust and change our natural way of understanding in order to know and accept God’s message. Hindi sana natin i-aadjust ang mensahe ng Diyos sa ating pananaw. Babaguhin natin ang ating pananaw ayon sa mensahe ng Diyos. This is why the Word of God invites us to conversion. It is our way that should change, and not the message of the Lord. 

Kitang-kita itong pagkakaiba ng pananaw natin sa paraan ng Diyos sa ating gospel reading today. Para sa marami parang unjust ang Diyos. Bakit naman pinareho niya ang sweldo ng nagtrabaho ng buong araw sa nagtrabaho ng isang oras lang. Unfair! Bago natin talakayin ito, mabuting ipaalam sa atin na noong panahon ni Jesus ang isang araw na trabaho ay hindi 8 hours kundi 12 hours – from sunrise to sundown. Ang sahod sa isang araw ay isang denaryo. That is the day’s wage. Noong pinadala ng may-ari ng ubasan ang mga manggagawa noong alas 6 ng umaga, nagkasundo na sila sa sweldo na isang denaryo. Kaya tama ang sinabi niya sa mga ito noong mag-reklamo sila, “kaibigan, hindi naman kayo dinaya. Hindi ba nagkasundo tayo ng isang denaryo?” Pero ganoon ka-generous ang may-ari ng ubasan. Nagpadala pa siya ng ibang manggagawa nang alas 9, alas 12, alas 3 at pati ng alas 5 ng hapon. So many people were jobless. It is not because they were lazy. Noong tinanong niya sila: “Bakit kayo tatayu-tayo dito ng buong maghapon?” ang nakalulungkot na sagot nila ay: “Wala pong magbigay sa amin ng trabaho.” Hindi ba ito ang kalagayan ng maraming tao ngayon? Marami ay nakatengga – walang trabaho dahil sa wala namang magpatrabaho. In the vineyard of the Lord, however, there is always work, and he is generous in constantly sending workers to his vineyard. 

I admire many owners of businesses who keep their businesses open in spite of the hard times, not so much for them but for the sake of their workers. To sustain the workers in their work is to give life and hope to them and to their families. So they burn midnight candles thinking how to keep their businesses going – for the sake of their workers! 

I also admire and praise the companies who gave salaries to their workers for several months even if they could not work because of the pandemic. These companies reflect the generosity of the owner of the vineyard. He did not just pay the workers for their work, he paid them because they are their workers. 

Dito magkaiba ang pananaw ng Diyos sa usual na pananaw ng mga may ari o mga managers ng mga business o pagawaan. Ang binabayaran nila ay ang trabaho ng manggagawa nila. “Ito lang ang nagawa mo, iyan lang ang matatanggap mo.” Halatang-halata ito sa mga arrangements na ang bayad ay by the number of pieces produced. 80 pieces ang nagawa mo, babayaran kita ayon sa halaga ng 80 pieces. Trabaho ang binabayaran. O kaya, nagtrabaho ka ng 6 oras, anim na oras lang ang sahod mo. Pero pwede ba nating tingnan that we pay not the work but the worker? Hindi trabaho ang binabayaran natin kundi ang manggagawa. Ibig sabihin hindi trabaho, hindi iyong ginawa niya ang binabayaran, kundi ang taong gumawa ang binabayaran! We pay not the work but the worker! 

In our Philippine constitution the just wage is not simply the minimum wage but the living wage. The living wage is the amount of salary that a worker and his family can decently live by in a day. Sa Pilipinas ang ating minimum wage sa Metro Manila ay 537 pesos pero ayon sa mga pagsasaliksik, ang living wage – the amount that can decently support a family of 5 in a day is 1,022 pesos. Hindi pa tayo sumusunod sa Constitution! 

Bakit naman pumasok tayo sa usapin ng sweldo? Kasi sa ebanghelyo, iba ang pananaw ng may-ari ng ubasan kaysa nakasanayan nating pananaw. And isang denaryo ay ang sahod sa isang araw, ang sahod na makakasuporta sa manggagawa ng isang araw. Kahit na nagtrabaho siya ng 6 o 3 o isang oras, kailangan ng manggagawa nang mabuhay ng isang araw. Kaya minabuti ng may ari na bigyan silang lahat ng tig-iisang denaryo, kahit na ilang oras lang sila nagtrabaho. Ang binayaran niya ay hindi ang oras ng trabaho kundi ang nagtrabaho, ang taong manggagawa. Can we adopt this way of looking at work? We do not calculate the salary just according to the amount of work done, but we pay the wage to support a human person, a brother and sister who works. Hindi ba ganyan nangyayari sa ating pamilya? Hindi lang natin pinapakain ang nagtratrabaho sa bahay. Pati si baby na hindi nagtratrabaho, si lola na mahina na ay nakikibahagi rin sa resources ng family. In the family, each receives according to each one’s need and each gives according to one’s capacity. In the Church in Jerusalem this was the way of life of the early Christians. We are told: “There was no needy person among them, for those who owned property or houses would sell them, bring the proceeds of the sale, and put them at the feet of the apostles, and they were distributed to each according to need.” (Acts 4:34-35 NAB) 

Siyempre nagreklamo ang mga nagtrabaho ng buong araw. Palagay ba ninyo magrereklamo sila kung wala ng ibang manggagawa na dumating na magtrabaho. Hindi! Iyan naman kasi ang kasunduan. Nagreklamo sila kasi nasilip nila na ang mga nahuli ay isang denaryo din ang tinanggap. Ang pagrereklamo nila ay bunga ng pagkainggit! Naiinggit sila kasi mapagbigay ang may-ari sa iba. Envy is a very dangerous sin. It blinds us to goodness. It is actually a form of selfishness. 

We can get many insights from this parable of Jesus. First, there is a lot of work in the vineyard of the Lord. Ang iba ay bata pa, tinawag na ng Diyos. Ang iba ay nasa kalagitnaan na ng kanilang buhay. Ang iba ay sa bandang huli na, tulad ng magnanakaw na pinako sa krus sa tabi ni Jesus. Late na niya nakilala ni Jesus at siya pa ang unang nakapasok sa Paraiso. Talagang naging totoo sa kaniya ang sinabi ni Jesus: “the last will be first, the first will be last.” Makikita din natin ang generosity ng Panginoon. Tapat siya sa kanyang pangako. Ibinibigay niya ang nararapat pero mapagbigay siya sa iba. Let us not be envious. Let us allow God to be God. We are not shortchanged because others are favored. God also gives to us what is due to us and even more. Huwag lang tayo maging mapanghambing. In our highly competitive world, there are lots of hurts because we tend to compare – positions, money, possessions, favors. So we are never satisfied, and so we are never happy and contented. 

But in another level it is also good to examine our view on salaries and wages. It is not just a strict tit-for-tat. A more humane way of looking at work is that it is a way to care for each other as human beings. We do not just pay the work or the hours of work. We pay the worker, who is a human person. Let us not just be contented to give the minimum wage. We strive to give the living wage, which is found in our Philippine Constitution. Corollary to this, let us not view labor as an expense. If it is viewed as an expense, we cut it down – thus the ways and means being used to bring down the expense of labor, like contractualization. Can we not see labor as an asset, as capital, as a resource? Is a human person an expense or a resource? We cut down on an expense but we build up a resource. Aaayyy. Malaki pang pagbabago ang dapat magbago sa ating pananaw. “My thoughts are not your thoughts, nor my ways your ways, says the Lord.”

Sunday, September 13, 2020

Homily for the 24th Sunday in Ordinary Time

September 13, 2020 24th Sunday Year A 


Sirac 27:33-28:9 Rom 14:7-9 Mt 18:21-35 

Malupit ang mundo natin. Puno ng galit at puno ng paghihiganti. Ganoon na lang ang galit ng tao na handa silang magpasabog ng kanilang sarili at mandamay sa ibang mga inosenteng tao. Ganoon na lang ang galit na nasa tao na handa silang pumatay at magpasakit ng milyong mga tao – nangyari iyan sa Europa noong sa pag-exterminate ng mga Armenians sa World War I at ng mga Hudyo noong World War II, nangyari iyan sa Afrika sa patayan ng mga Tutsi at Hutu sa Rwanda, nangyari iyan sa Cambodia sa pagpapatay ng mga Khmer Rouge, nangyayari iyan ngayon sa Tsina sa pagpapatay at pagsira ng kultura at relihiyon ng mga Tibetans at ng mga Uighurs, nangyayari iyan sa Middle East sa pagpapatayan ng mga Shiites at ng mga Sunnis, nangyayari iyan Pilipinas sa mga rido at sa pagpapatay sa mga drug addicts at mga tinaguriang rebelde, without any judicial process. Puno ng galit at paghihiganti ang mundo. 

Kaya nga sa panahon na ito ang mensahe ng Diyos ay MERCY, HABAG. Hence in the Church there are the devotions to the Sacred Heart and to the Divine Mercy. Hence the calls of the Popes John Paul II, Benedict and Francis on Mercy and Compassion. This is what we need now. God’s response to human sinfulness is mercy. “For God did not send his Son into the world to condemn the world, but that the world might be saved through him.” (Jn. 3:17 NAB) There is enough reason for God to punish the world, but no! He does not punish. Instead, Jesus, the Son of God “was pierced for our sins, crushed for our iniquity. He bore the punishment that makes us whole, by his wounds we were healed. We had all gone astray like sheep, all following our own way; But the LORD laid upon him the guilt of us all.” (Is. 53:5-6 NAB) God is indeed merciful. 

Sa ating Gospel napatawad ng hari ang servant na may utang sa kanya ng 10 Million pesos. Imagine 10 Million pesos! Hindi lang siya binigyan ng panahon ayon sa kanyang hiningi – pinatawad, wala na siyang utang! Pinatawad ang 10 milyon dahil sa naawa sa kanya ang hari. Kaya galit na galit ang hari sa kanya na wala siyang awa sa kanyang kapwa alipin. Sabi sa kanya: “Napakasama mo! Pinatawad kita sa utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa akin. Nahabag ako sa iyo; hindi ba dapat ka ring mahabag sa kapwa mo?” Ang pinatawad ng 10 milyon ay hindi makapagpatawad ng 500! Talagang napakasama niya. Ganyan din ang pagpapatawad ng Diyos sa atin. Malalaki ang kasalanan natin at paulit-ulit pa ang kasamaan natin, pero dahil sa awa ng Diyos pinatatawad tayo palagi. Ito ang dahilan bakit palagi din tayong magpatawad.

Ang tanong ng Pedro, ilang beses ko ba patatawarin ang kapatid ko na paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Akala niya generous na siya kapag nagpatawad siya ng pitong beses. Hindi lang pito – 70 times pa dito – ibig sabihin walang sawa. Kasi ganyan din tayo pinatatawad ng Diyos, at higit pa! 

Sa panahon ng pandemic na ito maraming mga religious services ang hindi natin nagawa sa loob na ng 6 months. Isa sa mga ito ay ang pagkukumpisal. Kaya hinihikayat uli ang lahat na bumalik na sa pagkukumpisal. Mahalaga ang pagkukumpisal kasi dito natin nararanasan na pinatawad tayo ng Diyos. This is the sacrament of our encounter with the mercy of God. Hopefully because we have experienced God’s mercy we can also become more patient and more merciful to others. Dahil sa mahabang pagkakulong sa bahay at sa kawalang kasiguraduhan sa kinabukasan, marami sa atin ay madaling mawalan ng pasiyensiya. Nagiging magagalitin at bugnutin sa iba. We need to be more merciful to one another. The sacrament of confession helps in being merciful after we ourselves experience the mercy of God. Hindi ba gumagaan ang loob natin kapag tayo ay nakapagkumpisal? Dahil sa magaan na ang loob natin, madali na pasanin ang mga pabigat sa buhay natin. 

Dahil sa napatawad tayo, madali na rin magpatawad sa iba. At kung tayo ay nagpapatawad sa iba, madali rin tayong pagbibigyan ng patawad ng Diyos. Ito naman ang narinig natin kay Ben Sirac sa ating unang pagbasa: “Patawarin mo ang kapwa sa kanyang pagkukulang, at pag ikaw ay dumalangin sa Diyos, patatawarin ka rin naman. Ang nagtatanim ng galit sa kapwa, pag tumawag sa Diyos, walang kakamtang awa.” When we pray the Our Father we say: “Forgive us our sins as we forgive those who sin against us.” Of all the 7 petitions of the Our Father, only this has a commentary from the Lord. He said: “If you forgive others their transgressions, your heavenly Father will forgive you. But if you do not forgive others, neither will your Father forgive your transgressions.” (Mt. 6:14-15 NAB) 

Kaya makikita natin na may mahigpit na kaugnayan ang habag ng Diyos sa atin at ang habag natin sa kapwa. Dahil mahabagin tayo sa kapwa, kahahabagan tayo ng Diyos. Dahil sa malaki ang awa sa atin ng Diyos, kaya maging maawain din tayo sa ating kapwa. Ito nga ang message ng devotion to the Sacred Heart and Devotion to the Divine Mercy. God is so merciful. Let us also be merciful. “Be compassionate as your heavenly Father is compassionate,” ika nga ng Panginoong Jesus. 

Sa ating panahon maraming tao ang nanawagan ng katarungan. We call for justice. Pero maging maingat tayo, para sa marami ang panawagan ng katarungan ay sa totoo lang, panawagan ng paghihiganti! Katarungan – pasakitan siya, kasi pinasakitan niya kami. Patayin siya kasi pinahirapan kami. Is this real justice? Then we go back to the eye for an eye, tooth for a tooth, a practice that the Lord Jesus has rejected. Kaya kung naniniwala pa tayo sa paghihiganti – hindi tayo kristiyano, hindi tayo tagasunod ni Kristo. Hindi maka-kristiyano ang manawagan ng death penalty. Kapag pinatay mo na, hindi mo na siya binigyan ng pagkakataon na magbago. For a follower of Christ, justice is always tempered by mercy. Hindi nawawala ang awa sa katarungan. 

Noong May 13, 1981 binaril ni Mehmet Ali Agca si John Paul II sa St. Peter’s Square. Malapit nang mamatay ang Santo Papa. Noong December 27, 1983 (two and half years later) binisita ni John Paul II si Mehmet Ali Agca sa bilangguan at doon pinakita ang kanyang habag sa kanya. Nilapitan ng Santo Papa ang nagtangkang pumatay sa kanya at pinadama ang kanyang pagmamahal. Pero hindi pinalaya si Mehmet Ali Agca. Binuo niya ang kanyang pagkabilanggo sa Italy at sa Turkey. Nakalaya siya sa bilangguan ng 2010 – halos 30 years siyang nabilanggo. Pumunta siya sa libingan ni John Paul II noong 2014 at nagdasal doon. Noong buhay pa si John Paul II napalapit siya sa pamilya ni Agca. Nakatagpo niya ang kanyang nanay at ang kanyang kapatid. Iyan ang halimbawa ng restorative justice, justice that restores relationships and brings harmony. 

Sa ating panahon ngayon pinag-uusapan ang absolute pardon na binigay ng Presidente kay Joseph Scott Pemberton, ang pumatay kay Jenifer Laude. Maraming pag-uusap kung tama ba ang pagpapatawad kay Pemberton. May nagsasabi na hindi pa nga niya nabuo ang 6 to 10 years na sentence sa kanya noong 2015 at special pa ang kulungan sa kanya sa Camp Aguinaldo at hindi sa Bilibid. Ang Presidente ng bansa ay mayroon ngang karapatan at kapangyarihan na magbigay ng absolute pardon. He exercised this power to Pemberton and also to other prisoners. Pero, ang daming mga Pilipino sa mga bilangguan natin na natutulog ang mga kaso nila. Bakit hindi gamitin ang prerogative na ito na magpatawad para magbigyan ng pag-asa ang mga nabilanggo at ma-decongest din ang mga bilangguan natin? Maraming napapabayaan sa mga bilangguan na matatanda na at mga may sakit pa. Should not pity by shown to them? If really there is such a virtue as forgiveness in our government, why not exercise this for so many who are languishing in our jails? So as we can see, ang usapin ng pagpapatawad ay hindi lang usapin ng relasyon natin sa Diyos at ng relasyon natin sa kapwa. Ito ay usapin din sa kalagayan sa lipunan. Forgiveness comes out of pity and compassion. May we never lose the sense of pity in our society. We Christians who claim to have experienced God’s mercy, may we also be merciful in our dealings with each other in society. Let us pray for this grace in this Holy Mass.

Thursday, September 10, 2020

Homily September 6, 2020


23rd Sunday   Year A
Ezekiel 33: 7-9     Rom 13:8-10     Mt 18:15-20

May mga taong naguguluhan. Bakit ba nagsasalita ang simbahan sa mga issues ng panahon ngayon? May iba pa nga na parang nanunumbat: Bakit nakikialam ang simbahan sa usapin ng lipunan?

Ang misyon ng simbahan ay ipagpatuloy ang misyon ni Jesukristo. Si Jesus, ang Anak ng Diyos, ay pinadala ng Ama upang ipadama ang pag-ibig ng Diyos at upang manawagan sa lahat na ibigin ang Diyos at ibigin ang kapwa. Love is the core of the message of Jesus. But love is not just a sweet feeling, an emotion. Jesus is very clear: if we love God we keep his commandments. So there is a clear relationship between love and the law. The commandments have been given to us not to limit our freedom but to show us the way to love. And laws are given to be fulfilled!

Maganda ang sinulat ni San Pablo na narinig natin sa ating ikalawang pagbasa : huwag tayong magkaroon ng anumang sagutin maliban sa magmahal sa isa’t-isa. You should have no obligation, no debt, except to love one another. This tells us that love is an obligation that we have to do. It is not something optional. In fact the whole of the Bible is summarized by Jesus into two commands to love – love of God and love of neighbor. When we love our neighbor we fulfill the other commandments of God. If we truly love we do not steal, we do not lie, we do not say bad words, we do not kill, we do not commit adultery. Ika nga, ang pag-ibig ang kabuuan ng kautusan.

Our gospel reading today tells us another manifestation of love: If we love we correct our neighbor. We cannot just stand by and see our neighbor doing wrong, thus harming himself and harming the community. May mga grupo na mga bata na naglalaro, nagsisigawan, at nagmumurahan. Napadaan ang isang nanay at noong makita na ang anak niya ay naroon, kinuha ang anak niya ay pinagalitan. Sabi ng bata: Nanay, bakit ako lang ang iyong pinagagalitan?  Tignan mo ang mga kasama ko, sila rin ay nagmumura at malulutong pa nga ang mga salita nila. Paliwanag ng nanay. Pinagagalitan kita kasi anak kita! Tinutuwid natin ang mga mahal natin. Mahirap ito na aspeto ng pag-ibig. Correcting is not easy.

Tayong mga Pilipino may likas na kaugalian; na nasanay tayo sa SIR – Smooth Interpersonal Relationship. Ayaw nating magusot ang ating relationship, ayaw natin na magkasamaan ng loob. Iniiiwasan ang anumang conflict. We do not confront. Dahil dito, pikit mata na lang tayo kapag may nakita tayong masamang ginagawa ang iba. Baka magalit pa kapag pansinin. Baka sabihin na pakialamero ako. Tatahimik na lang tayo. Hayaan na lang ang kasamaan. Dahil dito lumalaganap ang kasamaan – hindi dahil sa marami ang masama. Sa totoo lang marami ang mga taong matuwid. Illan lang naman ang masasama, pero ang karamihan na matutuwid ay hinahayaan na lang ang masasama. Mas matapang ang masasama na gumawa ng masama kaysa mga mabuti na ituwid ang masasama. Evil spreads because the majority who are good do nothing to stop the few who are bad. Kaya mahalaga ang pagtutuwid.

May proseso si Jesus paano gawin ang pagtutuwid. Una, personal na pagsabihan ang gumagawa ng masama. Pangalawa, kumuha ng dalawa o tatlong tao para may patunay na tama ang puna sa kanya. Kung hindi pa makuha, isumbong na sa kapulungan ng simbahan, at kung ayaw pa talaga – i-deadma na siya.  Iyan iyong ibig sabihin na ituring na siyang Gentil or makasalanan. Have nothing to do with him anymore. Mahirap sa atin na mga Pilipino ang prosesong ito. Dahil nga sa ayaw natin magusot ang ating relasyon – SIR – ayaw natin na konfrontahin ang kapwa. Iniiwasan natin ang one-on-one na pag-uusap. Kaya mas madali sa atin na iwasan na agad ang gumawa ng masama. Kaya madalas nagtataka nalang ang tao na iniiwasan na siya. O kaya i-tsismis na natin sa iba. Marami na ang pinagsabihan, at malalaman na lang ng tao ang bintang sa kanya mula sa iba o mula sa facebook.

Last week we heard Jesus said that we have to die to ourselves if we want to follow him. If we truly love, we are ready to face the wrong doer at the risk of losing face. In the first place, he may not be a wrong doer after all. He may have not done what is imputed to him, or there may be an aggravating circumstance why he did it. Kailangan natin ng pagtutuwid upang maging maayos ang ating samahan – anumang samahan iyan – barkada man kaya, o pamilya, o isang grupo sa simbahan, o simbahan, o pamahalaan. Kailangan natin ng correction because no one of us is perfect. We all make mistakes, so we help one another to overcome our shortcomings. We help one another grow.

Correcting is a manifestation of love. Ganoon din sa lipunan. Kaya ang tanong natin sa simula, bakit nagsasalita ang simbahan? Bakit pumupuna ang simbahan? Ito ay dahil sa pagmamahal. Mahal natin ang bayan. Ayaw natin na ito ay malugmok sa kasamaan, kaya pinupuna natin ang mga katiwalian na nakakasama sa bayan.

Pero may isa pang dahilan. Sa unang pagbasa, si Propeta Ezekiel ay binigyan ng Diyos ng tungkulin na maging bantay ng bayan. As a watchman, he should sound the alarm to the wicked, not to condemn the wicked, but to warn him that he may change his ways. Sabihin sa masama na siya ang mamamatay, not to wish him dead but to warn him to change. If he does not listen he will indeed die, but you will save yourself. Pero kung ikaw ay natakot o nagwalang kibo, at hindi mo sinabi na siya ay mamamatay. Talagang mamamatay siya dahil sa kanyang kasamaan, pero mananagot ka sa kanyang kamatayan. As church we have to speak out – and to speak out loud and clear – in order to bring people to repentance. If we keep silence, pananagutin tayo ng Diyos sa kapahamakan ng masasama at sa kapahamakan ng bayan.

Huwag lang sana masamain ng mga tinatamaan ng puna. Dapat huwag magpersonalan. Listen to reason and look for the common good. And those in public office should not be onion skinned. Sila ay public figures and they should serve the people; and because they are in office because of the vote and the money of the people, the people have the right, and the duty, to make their views known to those who represent them. The people, more than those who govern them, know what is good for them. Kaya huwag maging balat sibuyas kung may mga puna laban sa kanila at sa kanilang ginagawa.

Ngayong buwan ay nasa Season of Creation tayo. Hinihikayat tayo na alagaan at bantayan ang ating kaisa-isahang tahanan – ang mundong ito. Kaya obligasyon natin na magsalita kung ito ay sinisira. Obligasyon din natin ito sa ating mga anak at mga inapo. Should we not speak when there are short-sighted projects that are done just for the sake of money and short-term solutions to current problems that would have long term consequences to the Earth, our Common Home? Maari ba tayong manahimik sa mga coal powered plants na bumubuga ng Carbon Dioxide na nagdadala ng Global Warming. All these talks about clean coal energy is a big lie! Mananahimik ba tayo sa paggawa ng Kaliwa Dam sa Quezon province na papatay sa ilang daang hektaryang gubat, sisira sa biodiversity ng Sierra Madre, lalamunin ang ancestral domain ng mga katutubo doon, na may mga alternative water sources naman na hindi gaano magastos at hindi destructive? Do we keep silent when our mountains are being stripped because of large scale mining? The promise of prosperity due to mining is a myth. Look at the places that have been heavily mined, like Benguet, Rapu-Rapu of Bicol, Marinduque, Surigao, just to name a few. Where is development there? They are made the poorer because of mining.

Tayo ay bantay ng bayan. Alamin natin ang nangyayari sa bayan at punahin natin ang mga katiwalian na nangyayari dito. Silence is not an option. This is true for the Church, and this is true for every one who loves – loves nature, loves the country, loves the poor and the next generation.

Homily - 21st Sunday of the Year Year B

August 22 2021 Josh 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69   Noong nakaraang linggo nabalitaan natin na ang Committee on Population and ...