Sunday, December 27, 2020

Homily December 27, 2020

Feast of the Holy Family Year B Gen 15:1-6. 21:1-3 Heb 11:8.11-12.17-19 Lk 2:22-40 

 Mga kapatid, nasa panahon pa tayo ng Pasko. Hindi pa tapos ang pasko dahil tapos na ang December 25. Christmas is such a big event of our salvation that we cannot just celebrate it in one day. We are celebrating Christmas in eight days! So we have the Christmas Octave from December 25 to January 1. During these eight days we are focusing our attention on the different aspects of the mystery of Christmas. Sa unang Linggo pagkaraan ng Christmas Day ang ating attention ay nakatuon sa pamilya ni Jesus. Kaya ngayon ay kapistahan ng Sagrada Familya. 

 Family is very important for each human life. Kakaiba ang tao kaysa mga hayop. Sa maraming mga hayop ang mga maliliit ay maaaring nang mabuhay na mag-isa pagkaraan ng ilang araw o ilang linggo. Hindi ganyan ang tao. Kailangan ng bata na siya ay alagaan ng ilang taon upang siya ay mag-survive. At hindi lang! Upang siya ay mag-survive ng maayos both physically and emotionally, kailangan na siya ay alagaan ng lalaki at babae, ng kanyang nanay at kanyang tatay. Hindi natural sa tao na siya ay palakihin ng single parent, o ng dalawang lalaki o dalawang babae lang. 

Kaya noong ang Diyos ay naging tao, naging bahagi siya ng isang pamilya. Pinangalagaan siya ng isang babae at isang lalaki, si Santa Maria at ni San Jose. God made sure that His Son would be taken cared of by a mother and a human father. So we have the annunciation both to Mary and to Joseph by an angel about their mission towards the child. Ang pamilya ay tinatawag na pugad ng buhay. Isinisilang ang maliliit sa pugad at dito din siya inaalagaan at pinapalaki. Ang pamilya ay siyang pugad ng buhay ng tao. Sa pamilya siya isinisilang at sa pamilya din siya inaalagaan at pinalalaki. Ganoon din si Jesus. Kaya lumaki siya sa Nazareth at sa ilalim ni Jose at ni Maria. Dito siya lumaki sa kanyang pangangatawan; dito siya lumago sa karunungan at naging kalugod-lugod sa Diyos at sa kanyang kapwa tao. He matured well as a person in his family in Nazareth. 

 Pero ang pamilya ay hindi lang natin kailangan kapag tayo ay bata pa. Ito ay kailangan natin kahit matanda na tayo. Ang pagmamahalan sa pamilya sustains us. The care and love given to each other in the family gives meaning and joy to our lives. Dito naaalagaan ang mga mahihina. Kapag tayo ay nagkasakit, ang pamilya ang nag-aalaga sa atin. Ang mga tao na may special needs o may kapansanan ay patuloy na sinusuportahan ng pamilya. Pag tayo ay tumanda na, nandiyan pa rin ang pamilya na tumatanggap sa atin at umuunawa sa ating kahinaan. Pero ang mga matatanda ay hindi lang inaalagaan. Sila din ay nagbibigay ng karunungan at gabay sa iba. Ang karunungan na bunga ng kanilang mga karanasan sa buhay ay hindi mababasa sa mga aklat. Ang mga ito ay naipapasa nila sa kanilang mga anak, mga pamangkin, mga apo. Really, we help one another in the family and each one, including the elderly and the weak can contribute to the well-being of the family. 

 Sa ngayong panahon kailangan nating pahalagahan ang mga matatanda. Dumadami at dumadami sila dahil sa advances in science and in medicine; mas humahaba pa ang buhay ng tao. Kaya dumadami ang matatanda. And the elderly, although they may now bring less material resources, yet they are repositories of wisdom and of faith. Hindi na materyal na bagay ang matatanggap natin sa kanila. Mas mahalaga pa rito ang maipapasa nila sa atin – iyan nga ay ang pananampalataya at karunungan na nanggaling sa kanilang karanasan. Igalang natin sila at makinig tayo sa kanila. Mahalaga ang mga kwento at mga aral nila sa atin. 

 Ang mga pagbasa natin ngayon ay tungkol sa matatanda. Si Abraham ay matanda na at nagreklamo siya sa Diyos noong siya ay pinangakuan ng Diyos ng mga lupain at mga biyaya. Sabi niya: “Ano naman ang halaga ng mga biyayang ito kung wala namang magmamana sa mga ito?” Nasabi niya ito kasi matanda na sila ng asawa niyang si Sara at wala silang anak. Ngunit sabi ng Diyos na hindi ibang mga anak ang magmamana sa mga pangako ng Diyos sa kanya, kundi ang anak niya mismo sa kanyang asawang si Sara. We are told: “Abram put his faith in the Lord, who credited it of him as an act of righteousness.” Nanalig si Abraham. At iyan ang katangian ni Abraham na ipinamana sa atin – ang kanyang pananampalataya sa Diyos. This is why Abraham is known as the FATHER OF FAITH. From him came the three great monotheistic religions in the world – Judaism, Christianity and Islam. Kaya sa ikalawang pagbasa natin, prinipresenta ang pananampalataya ni Abraham bilang halimbawa sa atin. Buo ang pananalig niya, kahit na imposible sa mata ng tao. Nanalig siya hindi dahil posible ang sinabi sa kanya. Naniwala siya dahil malakas ang tiwala niya sa nangako sa kanya. Malakas ang tiwala niya sa Diyos. Kaya nagmula sa kanya, na halos patay na dahil matanda na nga, ang isang lahi na kasing dami ng mga bituin sa langit at mga buhangin sa dalamapasigan. May pakinabang ang matatanda, at ang pakikinabang na iyan ay dahil sa kanilang pananampalataya. 

 Ganoon din sa ating ebanghelyo. Pinakita dito na ang pamilya ni Maria at ni Jose ay isang relihiyosong pamilya. Sumusunod sila sa mga patakaran ng kanilang religion. Kahit mahirap lamang sila, pumunta sila sa templo upang magdala ng kanilang handog. Doon natagpuan nila ang dalawang matatanda – si Simeon at si Anna. Ang dalawang matatandang ito ay puno ng pag-asa sa katuparan ng pangako ng Diyos na magpapadala siya ng Kristo upang iligtas ang kanyang bayan. Nakita nila sa sanggol na dala-dala ni Maria at ni Jose ang katuparan ng pangakong ito at tuwang tuwa sila. Ganoon na lang kasaya si Simeon na sinabi niya sa Diyos na handa na siyang mamatay dahil nakita na niya ang manliligtas. Tuwang-tuwa naman si Anna na hindi siya makatigil na magsalita tungkol sa sanggol na ito sa mga tao. Ginamit ng Diyos ang dalawang matatanda upang ipaabot sa lahat ang pagdating ng manliligtas, kahit na baby pa lang ito. Siguro ang pahayag ni Simeon at ni Anna ay lalong nagpalakas ng loob at pananalig ng mag-asawang Maria at Jose. Faith engenders faith. Siguradong ang sinabi ni Simeon kay Maria ay naghanda sa kanya sa mga panahon na nasaktan ang puso niya dahil sa mga nangyari kay Jesus, lalo na ang pagkapako nito sa Krus. 

So as we speak today of the Holy Family and thus focus our attention to our own families, let us pay attention to the elderly members of our families. They have important roles to play, even if they are weakened by age. Let us not put them aside. Iyan ang problema sa kultura natin na mas nagpapahalaga sa efficiency and productivity, and when it speaks of productivity it often means material productivity. In this kind of culture, many times the elderly are bypassed and set aside. At iyan din ang nararamdaman ng maraming matatanda. Kaya tumatahimik na lang sila sa isang tabi. Ayaw nilang maka-istorbo, ayaw nilang maging pabigat pa. Kaya iyong treasure na nasa kanila ay hindi nababahagi. Ang mahahalagang payo ay hindi na sinasabi. Ang kanilang pagkalinga ay hindi na rin nila nabibigay. Sayang! Lilipas na lang ang mga ito kasama nila. 

 Ang isang treasure nga na mayroon ang mga matatanda ay ang treasure ng kanilang pananampalataya. Malalim ang kanilang pananampalataya kasi ito ay sinubok na ng buhay. Sana maging tulad sila ni Simeon na binahagi sa batang mag-asawa ang kanyang pag-asa at ang kaalaman niya tungkol sa mangyayari sa bata, kaalaman na binigay sa kanya ng Espiritu Santo. Pati na ang matatanda ay ginagamit pa rin ng Diyos. Matanda na si Abraham noong tinawag siya ng Diyos. Ganoon din si Moises – 80 years old na siya. Ngayon binibigyan tayo ng pag-asa at matitinding hamon ni Papa Francisco kahit na 84 years old na siya noong December 17. 

 Christmas is the feast of families. Pero hindi lang ito kapistahan ng mga bata sa mga pamilya. May papel din ang mga matatanda sa Pasko. Hindi na Santa Claus ang narrative nila. Hindi na regalo ang pinapahalagahan nila. Hindi na sila makakakain ng mga pamaskong pagkain natin – masyadong matatamis, matataba at puno ng cholesterol. Ang Pasko sa kanila ay nandiyan tayong lahat, nagkakaisa, masaya, nagkukwentuhan at lalo na, pamilyang nagdarasal. Hindi ba mas totoong diwa ng Pasko ang kanilang ikinatutuwa?

Friday, December 25, 2020

Homily December 25, 2020

Christmas Eve and Christmas Day Is 9:1-6 Titus 2:11-14 Lk 2:1-14 Is 52:7-10 Heb 1:1-6 Jn 1:1-18 

“The people who walked in darkness have seen a great light; upon those who dwelt in the land of gloom a light has shone.” Ito na po ang pasko! Dumating na ang liwanag, na walang iba kundi ang Diyos na sumasaatin. Natalo na ang dilim. Hindi naman talaga absent ang Diyos sa ating mga tao. Our God is always a revealing God. He communicates since the very beginning of time. He makes himself known through many ways – through the things he has made. We can know God through creation. And more! Palagi naman siya nagpapadala ng mga tao upang ipaalam ang kanyang kalooban sa atin. He has always been in touch with us. Pinadala niya si Abraham, si Moises, si David, ang mga pantas, ang mga propeta. Ang kakaiba ngayon, pinadala na niya ang kanyang anak mismo. Ito ay si Jesus – the visible image of the invisible God. Dahil ang Diyos ay nagkatawang tao, naging bahagi na siya ng ating kasaysayan. Nakipagkapwa na ang Diyos sa atin. What a wonderful grace! 

 Why did God become man? We may call this the divine madness. He emptied himself of his divinity in order to become one of us. Sino ba naman tayong mga tao na ang Diyos ay hindi lang dumating sa atin, kundi nakibahagi rin sa ating pagkatao? Hindi lang siya bumisita sa atin. He has come to stay and live among us. The only reason of this divine madness is his divine love. He loves us so much that he joins himself to us. He not only loves us, which he has been doing from eternity. He made his love concrete so that we can see him, hear him, touch him. By this he wants that we feel and know his love for us. And he continues this process of staying with us up to our days. So he extends his stay through the sacrament of the Holy Eucharist. The divine presence is there not only symbolically but physically in the form of Bread and Wine. What a love, a love that is always present! 

 Isa sa mga gawain natin sa pasko ay ang exchange gift, palitan ng regalo. Madalas may mga sama ng loob sa exchange gift. Mas mahalaga, mas mahal, mas maganda ang regalo na binigay ko kaysa regalo na nakuha ko. Ang original idea ng exchange gift ay ang exchange gift natin sa Diyos. Binigay natin ang ating pagkatao sa Diyos upang maibigay niya sa atin ang kanyang pagka-Diyos. Nakibahagi siya sa pagkatao natin para tayo ay makibahagi sa kanyang pagka-Diyos. Hindi naman sumasama ang loob niya sa talagang walang pantay na exchange, dahil sa mahal niya tayo. He wants us to share his joy and his love, so he shares with us his life. What a wonderful exchange! 

 Ang nakakalungkot lang, hindi natin siya tinatanggap. He came to his own people and his own did not receive him. All of us and all of creation were made because of him and for him, and we his creatures do not receive him. Ganoon din, dumating siya sa kanyang bayan sa Bethlehem at walang lugar sa kanya sa mga bahay doon. Sa sabsaban pa siya pinanganak. Hanggang ngayon nangyayari ito. Maraming mga tao nagsasaya sa pasko pero wala si Jesus sa kanilang kasayahan. Ang masama pa, nagkakasala sa Christmas party – nalalasing, nag-aaway! Nagbabatian ng Merry Christmas pero wala man sa mga tao ang kanyang ala-ala na siya ang dahilan ng Christmas, at binubura pa nga siya sa Pasko. Kaya nga sa halip na Merry Christmas, Season’s Greetings ang sinasabi. Mas marami pa ang larawan ni Santa Claus kaysa larawan ni Baby Jesus sa mga malls, mas inaabangan pa si Santa Claus at ang mga regalong dala niya kuno kaysa si Jesus at ang kaligtasan at buhay ng Diyos na dala niya. We exchange the reality of God coming among us to a myth of a Santa Claus. We are sad that children no longer believe in Santa Claus but we are not bothered that they do not believe in Jesus who is more real than anything in the world. Let us not allow people to rob us of Jesus in Christmas. He is the reason for our joy. Yes, “a Child is born to us, a son is given to us; upon his shoulder dominion rests.” 

 To believe in Jesus is to believe in salvation because this is the meaning and the mission of this child, to bring God’s salvation to us. Kailangan ba natin ang kaligtasan? Siguro naman. Napakasama at napakabigat ng buhay natin ngayon. Marami ang walang trabaho, marami ang nagkakasakit. Marami ay natatakot at nangangamba. Nandiyan ang patuloy na hindi pagpapahalaga sa buhay tulad ng karumaldumal na pagpatay sa mag-ina sa Tarlac, sa mga abogado sa Palawan at sa Cebu, sa doctor ng bayan at human rights advocate sa Negros. Ang solusyon ng mga magagaling na mambabatas natin para mapigil ang pagpatay ay pagpatay din sa pagbabalik ng death penalty. How foolish! We will impose death in order to stop the killings! Talagang kailangan natin ng kaligtasan. “O Diyos, hindi na namin kaya ito. Dumating ka na Jesus, dumating ka na at iligtas mo kami. Hindi po ang vaccine ang magliligtas sa amin. Sa halip na makatulong ang vaccine nagdadala pa ito ng pag-aaway ng mga tao at pagsasamanatala ng may kapangyarihan at may pera. Hindi ang mga politico ang magliligtas sa amin. Ang dami na nilang mga pangako na hindi natutupad. Wala po silang magawa kundi mangako, manisi at magbanta. Come Lord Jesus, come and save us.” 

 Yes nandito na nga ang pasko. Magiging masaya tayo ng isang araw pero babalik uli tayo sa realidad. Hindi pa tapos ang kaligtasan na sinimulan ng bata na isinilang. We long for what the prophet prophesied: “Not by appearance shall he judge, nor by hearsay shall he decide, but he shall judge the poor with justice, and decide fairly for the land's afflicted. He shall strike the ruthless with the rod of his mouth, and with the breath of his lips he shall slay the wicked.” (Is. 11:3-4 NAB) Nagsalita ang Diyos! Gagawin niya ito! Kaya, halina Jesus, halina! 

 There was a young woman by the name of Etty Hillesum. She was a Dutch Jew who was killed in the death camp of Auschwitz at the age of 29. In her diary, which made her famous, we find this entry: “I know that a new and kinder day will come. I would so much like to live on, if only to express all the love that I carry within me. And there is only one way of preparing the new age, by living it even now in our hearts.” Ito po ang mas malalim na hamon ng pasko. Namnamin natin at isulong natin ang kaligtasan na pinapangko ng Pasko ngayon at araw-araw. Hindi tapos ang pasko sapagkat December 25 na. Si Jesus na dumating ay manliligtas. Isabuhay natin ngayon ang kaligtasan na dala niya at isulong ito – ang katarungan, ang kapayapaan, ang katotohanan, ang pag-ibig – hanggang ito ay magkaroon ng kaganapan sa buhay na binibigay niya sa atin. God has taken our life and lived it fully. Let us take the life of God and also live it fully!

Sunday, December 20, 2020

Homily December 20, 2020

4th Week of Advent Year B 2 sam 7:1-5.8-12.14.16 Rom 16:25-27 Lk 1:26-80 Where does God stay? 

Where does he want to dwell? Apat na linggo na nating pinaghahandaan ang kanyang pagdating. Saan ba siya darating ngayon? Inaalaala natin ang kanyang pagdating noon sa sabsaban. Pero ngayon saan siya matatagpuan? 

 Sa ating unang pagbasa si Haring David ay nagkaroon ng magandang inspirasyon. Gusto niyang magmagandang loob sa Diyos. Natalo na ni David ang mga kaaway sa karatig na mga bayan – ang mga Filisteo, ang mga Ammonites, ang mga Moabites, ang mga Syrians at mga Canaanites. Naitatag na niya ang Jerusalem bilang kanyang capital city. Nadala na niya ang Ark of the Covenant sa lungsod ng Jerusalem. Nakapagpatayo na siya ng kanyang palasyo sa Jerusalem. Naisip niya na ang Ark of the Convenant, which is the symbol of God’s presence among the people, is still housed in a tent. Kaya nagbalak siya na gumawa ng mas permanenteng tahanan ng Diyos. Nagplano siyang gumawa ng templo. 

Maganda ang plano ni David, pero hindi siya pinayagan ng Diyos. Iba’t-iba ang dahilan na binigay sa Bibliya. Some biblical texts say that God has always been staying in a tent because he is a God who journeys with his people; he has never requested anyone to make him a permanent dwelling. May ibang texto naman na nagsasabing masyadong madugo ang kamay ni David dahil sa kanyang pakikipagdigma kaya hindi siya ang karapat-dapat na gumawa ng templo. Ito ay gagawin ng isang taong mapayapa, tulad ng anak niyang si Solomon. Pero dito sa ating pagbasa, ang sabi ng Diyos na siya ang gagawa ng pabor kay David. Kung ano si David ngayon iyan ay dahil sa Diyos. Siya ang kumuha sa kanya sa pagpapastol ng tupa para maging hari ng Israel. Siya ang nagpapanalo sa kanya sa kanyang mga digmaan. Siya ang nagbigay sa kanya ng katahimikan. Lulubusin pa ng Diyos ang kanyang mga pabor. Gusto ba ni David ng gumawa ng temple para sa Diyos? Ang salitang Templo ay BETH sa Hebreo. Ang Diyos ang gagawa ng BETH sa kanya, na ang kahulugan ay sambahayan, dynasty. Mula sa kanya manggagaling ang mga hari ng Israel magpakailanman. So there a play of words on the Word BETH. More than dwelling in a place, even in a magnificent temple, God wants to be identified with a people, with a dynasty. 

 Totoo nga, ang mga hari ng Juda ay galing sa lipi ni David, mula noong panahon ni David na 1000 BC hanggang 586 BC – higit na 400 years. Pero noong pinabagsak ng mga Babilonians ang Jerusalem noong 586 BC, nawala na ang mga hari ng Juda. Nawala na ang kaharian at hindi na uli ito naitayo. Ang mga namumuno na sa bayan ay ang mga Punong Pari at hindi na ang mga hari. Hindi ba natupad ang pangako ng Diyos? 

 Ang Diyos ay tapat. Tinutupad niya ang kanyang pangako. Kaya sa ating ebanghelyo narinig natin na si Maria ay itinalaga na ikasal kay Jose, na galing sa sambahayan ni David. Kahit na si Jose ay isang karpentero lang, he belonged to a noble family line. He was from the kingly line of David. Kahit na si Jesus ay hindi galing sa dugo ni Jose, pero sa harap ng batas ng mga Hudyo, minana ni Jesus ang lahat ng mga prerogatives at privilegio ni Jose kasi siya ang itinuturing na ama sa kanilang lipunan. Si Jesus ang nagmana ng paghahari ni David, kaya si Jesus ay kinilala ng mga tao na Anak ni David. Siya ang katuparan ng pangako ng Diyos na maghahari, ang maghahari magpakailanman. Pero kakaiba ang paghahari ni Jesus. Hindi sa pamamagitan ng armas at ng dahas, kundi sa pamamagitan ng paglilingkod, ng katotohanan at pag-aalay ng kanyang sarili. Hindi dapat matakot si Herodes at si Pilato sa paghaharing ito. His kingdom is not of this world and not according to worldly ways. 

 Pero balik tayo sa original na tanong natin. Saan ba mag-istay ang Diyos? Nag stay siya sa sinapupunan ni Maria. Doon siya safe. Doon siya at home. At bakit? Kasi si Maria ay walang bahid kasamaan at nanatiling walang kasalanan. Kasi tinanggap ni Maria ang Salita ng Diyos sa kanya ng buong kababaang loob. “Let it be done to me according to your word,” Mary said to the angel. Mary consented to be part of the plan of God. When she accepted the Word of God in her heart, the Word of God took flesh in her womb. At dahil sa pagsunod ni Maria, natupad ang pangako ng Diyos kay David 1000 years ago na ang paghahari sa Israel ay mananatili magpakailanman. 

 Ngayong araw ay ika-5 araw na ng ating pagsisimbang gabi. Tinatalakay natin sa mga araw ng Simbang gabi ang mga paksa ng pastoral priorities na ating sinusundan sa ating paghahanda sa 500th anniversary of the coming of Christianity in our Philippine shores in 2021. Isa sa mga pastoral priorities ang pagpapahalaga sa mga Basic Ecclesial Communities na matatagpuan sa mga Parokya. The parish therefore is community of communities. We cannot be Christians unless we are part of a Christian community. We cannot be Christians alone. God does not save us alone, separate from the rest. God saves us through a community and with the community. Kaya lahat tayo ay nabibilang sa Parokya. Iyan iyong community of faith natin. Doon tayo binibinyagan, kinukumpilan, tinuturuan, kinakasal at inililibing. Parang hindi na ito masyadong klaro dahil dito sa kamaynilaan masyadong mobile na ang mga tao. Hindi na tayo nanatili sa isang lugar lang. At dito sa atin sa Pilipinas, ang lalaki ng mga Parokya natin. Pangkaraniwang ang Parokya na may 30,000 faithful. You cannot form a community of 30,000 people. So we break down the parish into smaller communities – the neighborhood communities, which we call the Basic Ecclesial Communities o BECs. Sa maraming lugar hindi pa ito gaano na oorganize. Pero ang ideal, at ang pangarap ng simbahan sa Pilipinas, na ang bawat Kristiayano ay kasapi sa isang BEC. Dito sa ating community of faith mararamdaman natin ang presensiya ng Diyos. God does not dwell so much in a place but in a people. At sa mga BECs ang mga tao ay nagbabahaginan sa Salita ng Diyos. Dito tayo natututo tulad ni Maria na makinig sa Salita ng Diyos at maisabuhay natin ito. 

 Ang Diyos ay dumito sa mundo. Naging tao siya. Si Jesus, ang Diyos na naging tao, ay bumalik sa langit pagkatapos na muling mabuhay siya, at nangako na siya’y babalik uli. Ito ang ating inaabangan. Ito ang itinutukoy natin kapag umaawit tayo ng Halina Jesus Halina. Pero habang inaantay natin siya, hindi siya absent sa ating buhay. Patuloy ang kanyang presensiya sa atin. Nandiyan siya sa mga sakramento, lalung lalo na sa Banal na Eukaristiya, nandiyan siya sa mga mahihirap, pero nandiyan siya sa bawat isa sa atin sa ating masunurin na pagtanggap ng Salita ng Diyos at sa ating buong pananalig na pananalangin. Namnamin natin ang presensiya ng Diyos. 

 Saan dumating ang Diyos? Where does he stay? Let me conclude with these two verses from the prophet Isaiah: “This is the one whom I approve: the afflicted one, crushed in spirit, who trembles at my word.” (Is 66:2) “For thus says the high and lofty One, the One who dwells forever, whose name is holy: I dwell in a high and holy place, but also with the contrite and lowly of spirit, To revive the spirit of the lowly, to revive the heart of the crushed.” (Is. 57:15)

Sunday, December 13, 2020

Homily Dec 13, 2020

3rd Sunday of Advent Year B Is 61:1-2.10-11 1 Thess 5:16-24 Jn 1:6-8.19-28 

 Serioso ba tayo sa pagtugon sa tawag ng adbiento? Ang tawag ng adbiento ay paghahanda sa pamamagitan ng paglinis at pagwaksi ng kasalanan sa buhay natin, sa pamamagitan ng pagdarasal, sa pamamagitan ng penitensiya at ng kawanggawa. Ginagawa ba natin ang mga ito? Tandaan natin na ang pinaghahandaan natin na pagdating ng Panginoon ay hindi lang ang Dec 25 kundi ang kanyang muling pagdating bilang Hari at Hukom. Kung talagang ginagawa natin ang panawagan ng adbiento, marahil ngayong nasa ika-tatlong linggo na tayo ay medyo nanghihina na tayo sa pagpepenitensiya, sa pag-intindi sa iba, sa patuloy na pagdarasal. Kaya ngayong ikatlong Linggo ng adbiento pinapaala-ala sa atin kung anong klaseng paghihintay ba ang ginagawa natin upang pasiglahin tayo. 

 Mayroon maraming klase ng paghihintay. Nandiyan iyong batang naghihintay ng parusa ng tatay kasi nahuli siyang nandukot ng pera. Ito ay paghihintay na may takot. Nandiyan iyong paghihintay sa board examination. Iyan ay paghihintay ng may malaking kaba – papasa ba ako o hindi? Nandiyan iyong paghihintay sa nanay na naghihingalo. Puno ng kalungkutan ang paghihintay sa kamatayan. Nandiyan naman ang paghihintay sa OFW na tatay na darating na magbabakasyon. Inaabang natin ito. May dalang mga pasalubong. Anong klase panghihintay ba ang adbiento? 

 Ngayon ay sinisindihan natin ang pink na kandila ng ating advent wreath. Pink is a lighter and more joyful color than violet. This Sunday is called in Latin Gaudete Sunday – na ang ibig sabihin ng Gaudete ay MAGSAYA KAYO. Oo, ang diwa ng paghihintay natin ay masaya. Hindi tayo naghihintay ng parusa, o ng kamatayan, o ng walang katiyakan. Naghihintay tayo ng kaligtasan! Ang kasiyahan na inaasan natin sa pasko ay anino lamang ng kasiyahan at kagalakan na mapapasaatin sa muling pagdating ng Panginoon. Kaya nananabik tayo dito. Excited tayo sa kanyang muling pagdating. St Paul wrote: "What eye has not seen, and ear has not heard, and what has not entered the human heart, what God has prepared for those who love him," (1 Cor. 2:9 NAB) Because of wonderful things that are waiting for us, the Saint affirmed: “I consider that the sufferings of this present time are as nothing compared with the glory to be revealed for us.” (Rom. 8:18 NAB) Sa harap ng langit, sulit ang lahat ng kahirapang dinaranas natin ngayon. Iyan ang ating hinihintay. Kaya lakasan natin ang ating loob. Huwag tayong manghina sa ating pagsisikap na maging handa. Dapat nga maging excited tayo. 

 Kaya nga narinig natin kanina sa ating ikalawang pagbasa: “Magalak kayong lagi. Rejoice always. Maging matiyaga sa pananalangin. Pray without ceasing. Ipagpasalamat ninyo ang lahat ng pangyayari. In all circumstances give thanks.” This is the will of God for you. Joy, Prayer, Thanksgiving. These three things are connected to each other. Our prayer leads to thanksgiving. In fact we already thank the Lord when we pray. A heart full of gratitude leads to joy. Kaya kahit na may mga kahirapan na dinadaanan tayo, palaging magpasalamat, palaging magalak, palaging magdasal. This reminder is good not only for Gaudete Sunday but for all time. This is God’s will for us. 

 May mga pagkakataon na excited tayo pero ang inaasahan natin ay hindi nangyari. Iyan ang kalagayan ng mga Hudyo noong panahon ni John the Baptist. Excited na sila kay John the Baptist. Kaya kahit na nasa disyerto siya, pinuntahan pa rin siya ng mga tao. Nagpasugo pa nga ang mga Pariseo, ang mga leaders mula sa Jerusalem. Excited sila dahil kakaiba si Juan. Ang mensahe niya ng pagbabago ay straight to the point. Matapang siya kahit na sa harap ng mga suldado. Kapani-paniwala ang kanyang lifestyle. Akala ng marami na siya na ang inaantay nilang Kristo, o ang propetang si Elias na darating, o ang propeta na tulad ni Moises na kanyang ipinangako. Siya na ba? Binigo sila ni Juan. Hindi siya. May isang mas dakila pa sa kanya sa darating na hindi nga siya karapat-dapat na dalhin man lang ang kanyang sandalyas. Magdadala siya ng tunay na pagbabago. Hindi lang sa tubig sila bibinyagan, kundi sa Espiritu Santo. Kaya sinabi niya na ituon nila ang kanilang excitement o pananabik hindi sa kanya kundi sa mas dakilang darating. 

 Marami sa atin ay tulad ng mga Hudyo. Excited tayo sa Pasko. Ang iba pa nga hindi pasko ang inaantay kundi ang pagkain, ang regalo, ang family reunion, ang bonus. Oo, nagpapasaya sa atin ang mga ito. Pero sana taas-taasan pa natin ang ating inaasahan. Huwag lang tayo mag-antay sa mga bagay o mga tao na pagkatapos ng ilang araw ay balik na naman tayo sa dati. Lilipas lang ang mga ito! May higit ang ating pananabikan - si Jesus na magdadala ng kaligtasan! Kaya ang sigaw natin ay: Halina, Jesus, Halina! Maranatha! Dumating ka na! 

 Noong si Jesus ay unang nagsalita sa Sinagoga sa Nazareth, binuksan niya ang Banal na Kasulatan at binasa niya ang bahagi ng unang pagbasa natin mula kay Propeta Isaias. “The spirit of the Lord GOD is upon me, because the LORD has anointed me; He has sent me to bring good news to the afflicted, to bind up the brokenhearted, To proclaim liberty to the captives, release to the prisoners, To announce a year of favor from the LORD.” (Isa. 61:1-2 NAB) Ito ang misyon ni Jesus. Kaya ang kanyang sermon mula sa pagbasang ito ay napakaikli. “Nangyayari ngayon na ang inyong narinig.” Ito ang kaligtasan na sinimulan ni Jesus, na ipinagpapatuloy ng simbahan, at magiging ganap sa wakas ng panahon. 

 Dalhin ang mabuting balita sa mga mahihirap. Sila ang kailangan ng Mabuting Balita dahil sa kahirapan sa buhay. Ang ibig sabihin ng mabuting balita ay matutugunan ang kahirapan nila. Kaya ang pagkawanggawa ay pagpapahayag ng mabuting balita. And in many places of the world the good news can only be proclaimed by works of charity. There are many places where it is forbidden to speak about Jesus, but they accept people who work in the hospitals, who take care of the orphans, who feed the hungry. The good news of the love of God is proclaimed in this way. There are many people who do not believe in religion nor in God but who admire the works of selfless people who stand for the truth, who defend human rights, who care for the victims of calamity. Si Jesus ay pinapahayag sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa. 

 Pagalingin ang sugat ng puso. Heal the broken hearted. Oh, how much brokenness are coming out these months. Ang daming mga mental health issues na lumilitaw. Kaya nga patuloy nating pinapanawagan na ang serbisyo ng simbahan ay essential services at ito ay tulungan na lumawak. Huwag limitahan ang pagmimisa. Mahalaga ito upang pagalingin ang puso. Hindi maaaring limitahan lang sa online services ang misa. Mas sumisigla ang mga tao kapag sila ay nakapagsisimba at nakakapagkomunyon. Lalo na kapag sila ay nakapagkumpisal. 

 Palayain ang mga bihag at bilanggo. Palayain. Ang kalayaan ay bahagi ng kaligtasan. Huwag natin kalimutan ang mga bilanggo. Isa iyan sa mga dapat natin pahalagahan kasi maliwanag ang sinabi ni Jesus, “Ako ay nasa bilangguan at inyong dinalaw.” It is worth noting that Jesus identified himself with those in prison but not with those who put them into prison, however righteous they may feel themselves to be. How unfair and how evil is the practice of planting evidences in order to justify summary executions and arrests without bail people who are considered enemies of the state. Hindi iyan gawain ng kaligtasan. Si Jesus ay nagpapalaya at hindi nagpapabilanggo! 

 Hindi pa nangyayari ang kaligtasan na pinangako ng Diyos at sinimulan ni Jesus. Kaya patuloy pa tayong nananabik sa kanyang pagdating. Nananabik tayo ng may galak. Mangyayari ang balak ng Diyos. Nananabik tayo na may pagsisikap. Isinusulong na natin, sa ating makakayanan, ang kaligtasan na ating inaasahan! Nag-aantay tayo ng katarungan – gumagawa na tayo ng matuwid. Nag-aantay tayo ng katotohanan – nagpapalaganap tayo ng katotohanan at nilalabanan ang fake news. Nag-aantay tayo ng kasaganaan – ngayon pa lang nagbabahaginan na tayo. Nag-aantay tayo ng kapayapaan – kumikilos na tayo para sa katarungan na nagdadala ng kapayapaan. As we wait in great expectation, we do now what we expect to come.

Sunday, December 6, 2020

Homily December 6, 2020

2nd Sunday of Advent Year B Is 40:1-5.9-11 2 Pt 3:8-14 Mk 1:1-8 

 “Comfort! Comfort my people! Aliwin! Aliwin ninyo ang aking bayan!” Iyan ang sigaw na narinig natin sa ating unang pagbasa. Hindi ba ito rin ang gusto nating marinig ngayon? Bugbog na tayo sa lockdown, sa kawalan ng trabaho, sa hirap sa internet sa ating work from home at sa ating online learning, sa pagkasira ng mga negosyo, sa sakit, sa baha, sa mga nasisiraan na ng loob, sa Covid 19. Ang haba na ng listahan at sinasamahan pa ng red-tagging at pagpapatay sa mga abogado at patuloy na EJK. 

 The prophet cried to comfort the people because the Lord is coming. Ang bayan ng Israel noon ay matagal nang ipinatapon sa Babylonia. Nawawalan na sila ng pag-asang makabalik sa kanilang bayan. Ang pagkatalo nila sa mga Babylonians at ang kanilang exile ay parusa sa kanilang mga kasalanan sa hindi pagsunod sa Diyos. Ang Magandang Balita ni propeta Isaias ay: bayad na ang kasalanan ng bayan. Kaya darating na ang Diyos sa kanila. Makakauwi na sila sa kanilang bayan. So make a highway for the Lord to come. Yes he will come with glory and power, but most of all he will come with tenderness, like a shepherd carrying the lamb in his arms. Iuuwi na niya ang mga Israelita sa kanilang lupain. 

 Itong panawagan ni propeta Isaias mga 500 years bago dumating si Jesus ay ginamit din ni Juan Bautista sa ating ebanghelyo. Siya ang boses na nananawagan sa ilang. Darating na ang ipinangako ng Diyos na mesias. Sa totoo, hindi lang mesias o Kristo ang darating. Siya ay ang anak ng Diyos mismo. Labis sa ating imagination ang pagtupad ng Diyos sa kanyang mga pangako. Nangako siya na magpapadala ng taong itinalaga niya – ang tinatawag na Mesias sa Hebreo o Kristo sa Griego. Nakakagulat na ang Kristo na ipapadala ay ang anak niya mismo. Kaya tuloy nasabi ni Juan Bautista: “Hindi nga ako karapat-dapat na magkalag man lang ng tali ng kanyang sandalyas.” 

 Ang daan o highway na ating ihahanda ay ang ating puso. Totoo dumating na si Jesus sa ating mundo, pero dumating na ba siya sa ating buhay? Gusto niyang pumasok sa ating puso, sa bawat isa sa atin. Ang tanging hadlang lang sa kanyang pagdating ay ang kasalanan. Tanggalin ang kasalanan. 

 Sa Tagalog may iba’t-ibang salita tayo sa kasalanan. Tinatawag natin ito na pagkukulang. Parang valley o lambak ang ating buhay na kailangang tambakan. Punan na natin ang ating mga pagkukulang sa ating pamilya, sa ating trabaho, sa bayan, o sa Diyos. Ang kasalanan ay tinatawag din na pagmamalabis. Ito ang mga bundok na kailangang tibagin. Pagmamalabis sa kasakiman. Naging uso noon ang kasabihang, control your greed. May mga tao na sobra ang yabang, masyadong mahangin. May mga tao rin na hindi nakokontento sa kapangyarihan, kaya minamata ang iba. Iyan iyong palamura, minumura ang iba, ginagawang mura ang kapwa tao. Ang mga bisyo ay pagmamalabis – sobra ang pag-iinom, sobra ang pagsusugal, sobra ang paggamit ng droga. Ang kasalanan ay kalikuan, liko-liko ang pamamaraan. Kailangan itong ituwid. Liko-liko ang transaction sa corruption. Ang mga pandaraya ay kalikuan. Iyan ang kasalanan: pagkukulang, pagmamalabis, liko-liko. Gawin na nating matuwid ang ating buhay upang matanggap nang madali ang Diyos na dumarating. 

 Ano ang paraan upang maituwid ang buhay natin? Magsisi! Ang pagbibinyag ni Juan Bautista ay tanda ng pagsisisi. Ang mga tao na naantig sa panawagan ni Juan ay nagsisisi na sa kanilang kasamaan. Lumulusong sila sa ilog Jordan, at dito pinapaliguan sila ni Juan, nilulublob sa tubig. Nililinis na sila sa karumihan ng kasamaan. Tayo ay nilinis na sa tubig ng binyag. Pero nagkakasala pa rin tayo. Ang pagtanggal sa kasalanan na nagawa pagkatapos ng binyag ay ang pagkukumpisal. Pumupunta tayo sa kumpisal dahil nagsisisi na tayo. Inaamin na natin na nagkamali tayo, kaya ikinukumpisal na natin ito. Ang panahon ng adbiyento ang panahon ng pagsisisi, panahon ng pagkukumpisal. Sana maghanap tayo ng pagkakataon na makapangumpisal para pagdating ng Pasko matagpuan ni Jesus ang ating puso na handa para sa kanya. 

 Sa December 8 ipagdiriwang natin ang dakilang kapistahan ng Immaculada Concepcion, ang kalinis-linisang paglilihi kay Maria. Inihanda ng Diyos ang Birheng Maria na tanggapin si Jesus. Hindi niya hinayaang mabahiran ng kasalanan ang laman na pagkukunan ng kanyang anak ng laman upang siya ang maging tao. Kaya ang kapistahan ng Immaculada Concepcion ay hindi lang tungkol kay Maria, ito ay tungkol kay Jesus. At home si Jesus sa sinapupunan ni Maria kasi ito ay hindi nabahiran ng kasamaan. Kasalanan lang ang humahadlang sa pagdating ni Jesus. Kaya sinabi ni San Pedro sa ating ikalawang pagbasa: “Samantalang kayo’y naghihintay, sikapin ninyong mamuhay na payapa, walang dungis at kapintasan.” 

 Ito ang dahilan ng ating paghihintay. Ito ay panahon ng pagsisisi at pagbabagong buhay. Baka naman sabihin ninyo: “Taon-taon na lang tayo nagdiriwang ng adbiyento, palaging naghihintay, at wala naman siya. Kailan pa siya darating?” Ito rin ang reklamo kay San Pedro. Kaya sinabi niya na huwag tayong mainip, kasi iba ang pagbilang ng panahon ng Diyos. “Sa Panginoon, ang isang araw ay sanlibong taon, ang at sanlibong taon ay isang araw lamang.” Huwag tayong mainip sa kahihintay. Binibigyan pa niya tayo ng panahon upang makapagsisi at makagawa ng kabutihan. Ayaw niya na tayo ay mapahamak. So he still gives us the opportunity to be more ready. Let us not take the time that we have as simply wasting or killing time but as opportunities to grow in love of him and to be more like him. Jesus is faithful. He will surely come. 

Si Juan Bautista ay hindi lang nanawagan sa kanyang pagsasalita. Ang kanyang buhay, ang kanyang lifestyle is also a message. Marami ang mga taong pumupunta sa kanya hindi lang dahil sa kanyang mga salita. Kapanipaniwala ang kanyang salita dahil sa kanyang buhay. St Pope Paul VI wrote: “Modern man listens more willingly to witnesses than to teachers, and if he listens to teachers, it is because they are witnesses.” (St Paul VI (Evangelii Nuntiandi, 41) Totoo nga ito kay Juan Bautista. Simple ang buhay niya. Nakatira siya sa desert, balat ng camel ang kanyang damit, pagkain sa disyerto ang kanyang kinakain – honey at mga insects. Noong nabilanggo na si Juan tinanong ni Jesus ang mga tao: " What did you go out to see in the desert? Someone dressed in fine clothing? Those who wear fine clothing are in royal palaces. Then why did you go out? To see a prophet? Yes, I tell you, and more than a prophet.” (Mt. 11:8-9 NAB) Prophet si Juan Bautista sa kanyang salita at sa kanyang pamumuhay. Ipinakita niya sa kanyang pamumuhay kung paano matanggap si Jesus: in humility, in simplicity and in commitment to the truth. 

 In humility. Hindi siya nagmamalaki. Handa na ang mga tao na maniwala na siya na ang Kristo. Pero sinabi niya na hindi siya. May isa pang mas dakila kaysa kanya. In fact he said: He must increase but I must decrease. I am not the main actor. I am just the companion of the bridegroom. In simplicity. By his lifestyle he tells us that it is in voluntary poverty that we are more ready to recognize and accept the Lord. In commitment to the truth. He was strong in his message to the people to repent, kahit na sa mga officials at sa mga kawal. Maliwanag din ang kanyang salita kay Haring Herodes na hindi tama na kinakasama niya ang asawa ng kanyang kapatid. 

 Maganda ang balita sa atin: Sa gitna ng mga problema na bumabagabag sa atin, darating ang Diyos. Napatawad na tayo sa ating mga kasalanan at dadalhin niya tayo sa kanyang piling. Ang hamon sa atin: patuluyin natin siya. Tanggalin na ang mga pagkukulang, pagmamalabis at kalikuan sa ating buhay na humahadlang sa kanya. Pakinggan natin ang panawagan ni Juan Bautista na magsisisi at sundin natin ang halimbawa ng buhay niya: mamuhay ng simple, maging mabababa ang loob, at manindigan sa katotohanan.

Sunday, November 29, 2020

Homily November 29, 2020

1st Sunday of Advent Year B Is 63:16-17.19.64:2-7 1 Cor 1:3-9 Mk 13:33-37 

 Ang nasa balita ngayon ay ang tungkol sa vaccine. Maraming mga tao ang umaasa sa pagdating ng vaccine para makabalik na tayo sa normal na buhay at marami din ang balitang malapit na ang vaccine – sabi nga ng iba sa December ay may vaccine nang available. At habang nag-aabang ng vaccine, ang mga pamahalaan ay naglalaan na ng pera para bumili nito at ang pinag-uusapan, at pinag-aawayan, ay sino ang mauuna na makinabang dito. Dito tinutuon ng mga tao ang pag-asa laban sa virus. Pero ito nga ba ang solusyon? Hindi natin alam, pero at least may inaasahan, may hinihintay. 

 Pag-aantay. Pag-asa. Iyan po ang diwa ng panahon ng adbiyento na sinisimulan natin ngayong linggo. Ang ibig sabihin ng adbiyento ay pagdating, at dahil sa may darating, tayo ay naghahanda. Kaya ang panahon ng advent ay panahon ng paghahanda. Ang pinaghahandaan natin ay higit pa kaysa vaccine. Hindi naman vaccine ang mag-liligtas sa atin. Una, ito ay may presyo at mahal para sa maraming bansa at maraming tao. Pangalawa, hindi pa gaano alam kung ito ay may mga side-effects at kung ano. Sa adbiyento, ang hinihintay natin ay kaligtasan at kaligayahan,a hindi lang gamot sa isang virus, at ito ay para sa lahat. Ganrantisado ito na mangyayari ng Diyos mismo. 

 Ang hinihintay natin ay ang Diyos na darating. Ang sagot natin sa salmong tugunan ay: “Lord, make us turn to you; let us turn to you and we shall be saved.” Ang Diyos mismo ang ating binabalingan. Sinabi ni propeta Isaias: “Punitin mo na ang langit at bumaba ka na!” Sinabi ni Jesus: “Maging alisto! Maging mapagbantay!” Darating nga ang Panginoon, pero sa oras na hindi natin inaasahan! 

 Kaagad ang pumapasok sa isip natin sa ganitong panahon na malapit na ang December na ang pagdating na hinihintay natin ay ang pasko, ang Dec 25. Oo, ang adbiyento ay paghahanda nga sa pasko ng pagsilang. Pero hindi lang. Ang Dec 25 ay isa lang ala-ala ng isang pagyayari na nakaraan na. Ang mas hinihintay natin ay ang pagdating muli ni Jesus. About 2000 years ago, Jesus came in the lowly form of a baby in Bethlehem. We remember and celebrate this. But Jesus promised before he left for heaven that he will come again, now in the form of a mighty king and judge. Sa muli niyang pagdating tatapusin na niya ang gawain ng kaligtasan na kanyang sinimulan noon. Jesus has already saved us. He died on the cross and rose again. But we do not yet experience completely the full effect of his redemption. This will happen at his second coming. Advent also prepares us for this. So as we are joyful awaiting Christmas, we should be all the more joyful in awaiting the final coming of Jesus. As we look forward to Dec 25, we should all the more look forward to the Second Coming of the Lord. 

 So advent as a season of preparation is a preparation both for the coming of Jesus in history and his coming in glory. We commemorate his coming in Bethlehem while we expect his final coming for all time. We are confident for this second coming because as St. Paul told us: “You are not lacking in any spiritual gift for the revelation of the Lord Jesus Christ. He will keep you firm to the end.” Kaya hindi tayo natatakot o kinakabahan. Nasa atin na ang lahat ng biyaya na kailangan natin upang tanggapin siya. Ang dapat lang natin gawin ay huwag tayo magpabaya. Sa ibang liham ni San Pablo sinasabi niya na tayo ay mga anak ng liwanag at hindi ng dilim, mga anak ng umaga at hindi ng gabu. Tayo ay natutulog sa gabi, walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid natin. Pero kapag tayo ay nasa araw na, dapat tayo ay gising at listo sa ating mga gawain. Kaya sinabi ni propeta Isaias: “Sana matagpuan mo kami na gumagawa ng matuwid, na kami ay sumusunod sa iyong landas.” At ganoon din ang sinabi ni Jesus sa ating ebanghelyo. Iniwan ng may-ari ng bahay ang mga alipin niya na may kanya-kanya silang gawain habang wala siya. Sana pagbalik niya matagpuan silang ginagawa ang kanya-kanyang tungkulin. 

 Kaya kapag sinabi na sana hindi tayo magpabaya ngayong panahon ng adbiyento, huwag tayong magpabaya sa kanya-kanyang tungkulin sa buhay. Ang bawat isa sa atin ay may tungkulin at gawain sa buhay – bilang isang nanay, bilang isang guro, bilang isang estiyudiante, bilang isang manggagawa, bilang isang tatay. Gampanan natin ang mga tungkuling ito. Kung ang bawat isa ay gumagawa lang ng kanya-kanyang tungkulin, gaganda ang takbo ng buhay natin at ng ating bansa. Kaya may kaguluhan dahil iresponsable ang tatay, suwail ang anak, nanloloko ang may tungkulin sa pamahalaan, nagpapabaya ang may trabaho. Let us all strive to be faithful to our duties. This will do a lot of good to all of us. 

 Ang isa pang pagkapabaya natin ay pabaya sa pagsunod sa paraan ng Diyos. Mga kapatid, maniwala tayo na hindi masama sa atin ang paraan ng Diyos. Pinapaalam ng Diyos ang kanyang mga utos at pamamaraan kasi ito ay mabuti sa atin. Madalas makitid ang ating kaisipan tulad ng mga teen-agers na nagrerebelde sa mga magulang. Akala nila pinipigilan sila ng mga magulang nila upang pahirapan sila. Totoo naman na may mga magulang na mali ang pagdidisiplina sa mga anak nila. Pero hindi natin iyan masasabi sa Diyos. Hindi nagkakamali ang Diyos sa kanyang pamamaraan at walang masamang intensiyon ang Diyos para sa atin. Ibinigay na niya ang kanyang anak para sa atin, ano pa kaya ang hindi niya gagawin para sa ating kabutihan? Maniwala tayo sa kanya. At hindi naman siya nagkukulang na ipaabot ang kanyang kagustuhan. Kaya ngayong panahon ng adbiyento ay hinihikayat tayong magdasal, magbasa ng Bibliya, suriin ang ating konsiyensiya, pag-aralan ang ating pananampalataya. Diyan nagsasalita ang Diyos sa atin. Ang simbahan ay wala namang ibang balak kundi ipaabot sa atin ang katuruan ng Diyos. 

 Sa panahon ng adbiyento huwag din tayo magpabaya sa ating kapwa. Sila ay pananagutan natin. Let us not be like Cain who questioned God: “Am I my brother’s keeper.” Yes, we are our brother’s and sister’s keepers. We are responsible for each other. Huwag natin pabayaan ang nangangailangan. Anumang biyaya na ipinagkaloob sa atin ay hindi lang para sa atin. Katiwala lang tayo. Ipinagkatiwala ng Diyos ang mga biyayang iyan hindi lang para sa atin kundi para din sa iba. Kung ang bawat isa sa atin ay tutulong at aalalay lang sa isa o dalawa sa paligid natin, marami ang matutulungan. Kaya ang adbiyento ay panahon din ng kawanggawa. 

 Maraming nagbago sa ating panahon dala ng pandemic. Isang malaking pagbabago ay ang paraan ng pagdiriwang natin ng pasko. Sa mga taong nakaraan, sa ganitong araw na papasok na ang December, ang dami na nating mga Christmas parties na naka-schedule. Nagagastos na natin ang ating mga Christmas bonus at 13th month pay sa pamimili. May plano na tayo kung saan tayo magpapasko. Punong puno na ang mga malls. Hindi ganyan ngayong taon. Pero may isang bagay na maaari nating sabihin na mabuting idinudulot sa atin ng pandemic. Mas maipagdiriwang natin ang adbiyento. Noong nakaraan, nilamon na ng pasko ang adbiyento. Sa totoo lang pinagdiriwang natin ang pasko sa panahon ng adbiyento, in the days before Dec 25. The intense partying are done before Christmas. And when Christmas day comes, we are tired of Christmas. And after December 25 which is the real Christmas season, the joy of Christmas is gone. Mataas na ang blood sugar at ang cholesterol, broke na tayo at pagod na. Now let us go back to the true spirit of advent and Christmas. Hindi pa pasko ngayon. Mas tahimik tayo ngayon sa pagdarasal, sa pagninilay, sa pagtulong sa kapwa, sa pagbabasa ng Bible. Mas namnamin natin ang pananabik sa pagtanggap sa Panginoon. And let us celebrate the real Christmas on Dec 25 and the days after that. Most of all, during these advent and Christmas seasons, let our attention be on the Lord Jesus. He is the reason for the season. The memory of his coming 2000 years ago and the expection of his coming at the end of time should be the focus of our attention. Thus we sing deep in our heart and let this be the refrain in these days: Maranatha! Come, Lord Jesus, come!

Sunday, November 22, 2020

Homily November 22, 2020

34th Sunday Year A Christ the King Sunday Ezekiel 34: 11-12.15-17 1 Cor 15:20-26.28 Mt 25: 31-46 

May iba’t ibang paraan ng pagtingin sa panahon kasi may iba’t ibang kalendaryo. Familiar tayo sa civil year na nagsisimula sa January 1. Diyan nakabase ang ating kalendaryo. Pero mayroon din tayong school year, ang kalendaryo ng mga schools; mayroon ding fiscal year, ang kalendaryo ng business; familiar din tayo sa Chinese New Year, na ibang kalendaryo din ang sinusundan. Sa Simbahan mayroon din tayong liturgical year, ang kalendaryo ng simbahan. Sa simbahan, ang linggong ito ay ang huling linggo ng taon ng simbahan. Sa susunod na Linggo, magsisimula na tayo sa bagong panahon ng simbahan, ang panahon ng Adbiyento. 

 Today, which is the last Sunday of the Year of the Church, we remember the end of time. Lahat ng bagay ay nagtatapos. Pati na ang panahon ay magtatapos, at ang lahat ng bagay sa mundong ito ay magtatapos. Bilang mga Kristiyano naniniwala tayo na ang lahat ay nasa kamay ng Diyos. Sa kanya nagsimula ang lahat, at ang lahat ay babalik din sa kanya. Narinig natin sa sulat ni San Pablo sa mga taga-Corinto: “Kapag ang lahat ay nasa ilalim na ng kapangyarihan ni Kristo, ang Anak naman ang paiilalim sa kapangyarihan ng Diyos na naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan niya. Sa gayon, lubusang maghahari ang Diyos sa kalahat-lahatan.” 

 Dumating si Jesus sa mundo upang iligtas tayo. Hanggang ngayon patuloy ang proseso ng pagliligtas. Magtatapos ito sa wakas ng panahon. At hindi mabibigo ang balak ng Diyos na kaligtasan. Ang tagumpay ni Jesus sa kamatayan at kasamaan ay magiging klaro na sa lahat. Kaya ngayong Linggo ipinagdiriwang natin ang Dakilang Kapistahan ni Kristong Hari. Ito ay paalaala sa atin sa wagas na tagumpay ni Kristo. 

Ayon sa ating ebanghelyo uupo siya sa kanyang maringal na trono na puno ng kaluwalhatian na napapalibutan ng lahat ng mga anghel at mga tao. Si Kristong Hari ay siya rin ang Dakilang Hukom. Tulad ng pastol, paghihiwalayin niya ang mga tupa. Hahatulan niya ang bawat isa. Sa isang talinhaga ni Jesus, tayo ay parang nasa isang bukid na sama-samang tumutubo ang mga trigo at ang mga damo. Pagdating ng tag-ani, ihihiwalay ang mga trigo sa mga damo. Ang mga trigo ay dadalhin sa warehouse habang ang mga damo naman ay susunugin. Sa isa pang talinhaga, inihambing ni Jesus ang paghahari ng Diyos ngayon sa isang lambat na itinapon sa dagat. Lahat ng uri ng isda ay napasaloob ng lambat. Hihilahin ang lambat sa dalampasigan at doon na paghihiwalayin ng mangingisda ang mabubuti at mapapakinabangan na mga isda at itatapon ang mga walang kwenta. 

There will be a judgment, there will be a separation between the good and the bad. Napakaraming kasamaan na nangyayari sa mundo natin. Hindi lang may mga masasamang tao; nakikita natin na maraming masasama ay nang-aapi at hindi napananagot. Parang maganda pa nga ang buhay nila. Umaasenso pa ang masasama. Kung ito lang ang mundo, napakalupit ng buhay. Pero hindi lang dito magtatapos ang lahat. May matuwid na hukom. Itutuwid ang lahat. Gagantimpalaan ang mabuti at paparusahan ang masama. Sinulat ni Papa Benedicto: “Evildoers, in the end, do not sit at table at the eternal banquet beside their victims without distinction, as though nothing had happened.” (Spes Salvi # 44) 

 Matuwid ang Diyos. Hindi siya pabaya. Pananagutin niya ang lahat. Ang Diyos na makatarungan ay maghahari. Ang katotohanang ito ay nagbibigay ng lakas ng loob sa mga nakikibaka sa katarungan. Hindi masasayang ang pagsisikap nila. Magtatagumpay sila. This is a dire warning to those who are unjust. You cannot forever hide in lies and in injustice. You will answer for your wrongdoings. 

 And the message this Sunday is clear: there is a forever. Magpasawalang hanggang kaligayahan sa langit ang inihanda ng Diyos para sa atin at magpasawalang hanggang parusa sa impiyerno na inihanda ng Diyos, hindi para sa atin, kundi para sa diyablo at sa kanyang mga kampon. Doon pupunta ang masasama. 

Wala pa tayo sa wakas ng panahon, pero papunta tayo roon at bawat sandali lumalapit tayo sa wakas ng panahon. Mabuti at sinabi na sa atin ngayon ng Salita ng Diyos kung ano ang batayan ng paghuhusga sa bawat isa. Magbibigay sa atin ng test ang Diyos – ang huli at pinakamahalagang test sa ating buhay – at ibinigay na niya ang test question. Kailangan na lang natin sagutin ito sa pang-araw-araw na buhay natin. There will be no surprise question. 

 Kung hindi binigay ni Hesus ang test question magugulat tayo. In our usual way of thinking, in order to have a good standing with God, we have to do religious things, like praying, going to mass, going into fasting, praying the rosary, reading the Bible. Pero hindi tayo gaanong titingnan sa mga pansimbahang gawaing tulad ng mga ito. Tatanungin tayo sa mga ginawa natin sa ating kapwa. The way to God is through our fellow human beings. Yes, we do religious things, but these are only means so that we can approach and do good to our fellow human beings. The religious things and activities that we do are not ends in themselves; they are means to lead us to people. The religious activities should make us more human to others. And being more human, we become more divine. 

 Isa pang sorpresa, kung hindi na agad sinabi ni Jesus. Para sa marami, mabuti na tayo kung hindi tayo gumagawa ng masama sa iba. Hindi naman ako nagnakaw. Hindi naman ako pumatay. Hindi naman ako nanira sa iba. Pero ayon kay Jesus, tinitingnan tayo ng Diyos sa mga kabutihang ginawa natin o kabutihang hindi natin ginawa. Nagiging masama tayo, ganung kasama na ipapatapon sa impiyerno, dahil sa kabutihan na hindi natin ginawa – hindi nagpakain, hindi bumisita, hindi nag-alaga. We should consider this seriously because many of us do not do bad things to others. However, we also do not go out of our way to do good to others. And there are so many others to help. 

 Who are these others? Not the big people in our society, nor our relatives and friends. Iyong mga hindi pinapansin. Iyong mga isinasantabi, iyong binabale wala. Maraming mga tao na nandiyan pero hindi natin nakikita at hindi pinapansin. There are invisible people around us, not because they are ghosts, because we are so accustomed not to mind them. Maaaring iyan ay ang driver, ang tagalaba, ang nagbebenta ng bulaklak, ang naglalako ng taho, ang pulubi sa daan o sa kalsada. Ang mga bilanggo, libo-libo iyang isinasantabi at pinagsasamantalahan pa sa mga kulungan; ang mga may kapansanan na tinatago sila pati na ng kanilang mga pamilya; ang mga may bisyo na para sa iba ok lang na patayin; ang mga matatanda na madalas ay nasa sulok na lang ng bahay, kung may bahay pa nga. Sila ang dapat pansinin. At ang tulong na ibibigay ay hindi naman espesyal o magastos na tulong – basic needs lang tulad ng food, water, clothes, shelter, pagbisita, at maaari pang dagdagan – kausapin lang, ngitian, batiin, kamustahin; sa makatuwid, ituring na tao, ituring na kapwa. Ipakita sa kanila na tayo ay magkakapatid, na tayo ay magkaibigan. Ito ang sinasabi ni Papa Francisco sa kanyang liham na Fratelli Tutti. Social friendship, solidarity. Sana magkaroon ng mukha at pangalan ang mga mahihirap sa ating buhay at hindi lang sila numero o statistics. 

Kung kaibigan natin ang mga nagtitinda sa kalye, matitiis ba natin na sila ay basta alisin lang at kunin ang kanilang paninda ng mga pulis at MMDA? Kung nakikiramay ba tayo sa namatayan, pababayaan lang ba natin na ang nanay ay pigilan na tumangis sa kanyang baby na namatay? 

 Kadalasan nagwawalang kibo lang tayo sa mga maliit na tao na pinagsasamantalahan dahil hindi naman sila mahalaga sa atin. Hindi naman natin sila kaano-ano. Anong hindi kaano-ano? Kapwa tao natin sila! Magkaisa tayo sa ating pagkatao. Kapag ang isang tao ay hindi pinapahalagahan at sinasaktan pa nga, ang ating pagkatao ang tinatamaan. Isa lang ang pagkatao natin! Anong hindi kaano-ano? Sa bandang huli, sa wakas ng panahon, sa Last Judgment, ang ngiti nila ang magpapapasok sa atin sa langit, o, sana hindi mangyari sa atin, dahil sa simangot nila, pupunta tayo sa apoy na walang hanggan.

Sunday, November 15, 2020

Homily November 15, 2020

33rd Sunday Day of the Poor Alay Kapwa Sunday Prov 31:10-13.19-20.30-31 1 thess 5:1-6 Mt 25:14-30 

Steward. Katiwala. Tagapamahala. Caretaker. OIC. Administrator. Ang mga salitang ito ay magkaugnay. Ang mga ito ay may tungkulin at may kapangyarihan. Pero hindi sila ang may-ari. Ang kanilang kapangyarihan ay pansamanta lang kaya mananagot sila pagdating ng tunay na may-ari. Kunin natin bilang halimbawa ang aking gampanin ngayon bilang administrator ng Archdiocese ng Maynila. May tungkulin ako at may kapangyarihan. Makakadesisyon ako. In a way, ako ang namamahala ngayon ng Archdiocese of Manila. Pero ginagamit ko lang ito bilang katiwala, caretaker, para sa archbishop ng Maynila na ibibigay sa atin, na siya ang talagang magiging tunay na pastol natin. Pagdating ng bagong archbishop mawawala na ang aking tungkulin. At mananagot ako sa bagong archbishop kung maayos ba ang aking paggamit ng pamamahala ko o hindi. 

 Pinag-uusapan natin itong stewardship, o bilang tagapamahala o katiwala o administrador kasi iyan ang paksa ng mga pagbasa natin ngayon. Sa ating ebanghelyo pinagkatiwala ng may ari ang kanyang kayamanan sa kanyang mga alipin. Malaki ang tiwala niya sa kanila kasi malalaking halaga ang pinagkatiwala sa kanila. Ang salitang Talent na ginamit ay isang panukat ng bigat. Mga 33 kgs ang katumbas nito. Imagine 1 talent ng gold, or 33 kgs ng gold! Sa halaga ngayon aabot iyan ng mga 60 Million pesos! Imagine ang laking halaga na pinagkatiwala! 5 talents! 2 Talents! Kahit na ang 1 talent ay hindi biro. Kaya ang tagalog translation natin na 5,000 pesos, 2,000 at 1,000 pesos ay napakaliit. Ganoon kagalante ang may-ari. Ganoon ang tiwala niya sa bawat isa. 

 Kahit na malaki ang halaga, hindi naman kanila. Bilang mga katiwala lang, alam nila na isasauli nila ang pinagkatiwala sa kanila. Ano ang isasauli nila? Natuwa ang may-ari na tunay na mapagkakatiwalaan ang nakatanggap ng 5 at 2 talento. Alam nila na hindi lang pinatago sa kanila ang pera. Ginamit nila ito sa business – at tumubo ng 100%. 

 Ang pagsisikap ng mabubuting katiwala o tagapamahala ay pinakita ng babaeng asawa sa ating unang pagbasa. Inilarawan sa huling chapter ng book of Proverbs ang isang asawa na masipag at maaasahan. Magaling siyang maybahay. Nag-aalaga ng pangangailangan ng lahat. Naninigurado na ang lahat ay may sapat na damit, at ang damit noon ay hindi binibili sa ukay-ukay o department store, kundi hinahabi pa. Sariling gawa ang mga damit. Nag-aayos ng pagkain para sa lahat, nangangalakal pa. Nagtatanim sa bukid at tumutulong pa sa mahihirap. Iyan ang magaling na asawa na ikatutuwa ng buong pamilya. Dahil sa siya ay may takot sa Diyos, ginagampanan niya nang mabuti ang pinagkatiwala sa kanya sa tahanan. 

 Ganoon din ang lahat ng mabubuting stewards. It is not just enough to give back what has been given. Nagsikap sila na lumago at tumubo ang ibinigay sa kanila. So it was with pride that they said: “Here I have made 5 talents more! Here I have made 2 talents more!” Pero nagalit siya sa nag-sauli lang ng kanyang tinanggap. Gusto ng Diyos na lumago, tumubo, mamunga ang kanyang ipinagkaloob sa atin. May pagsusulit at maghahanap siya ng bunga. Jesus said: “By this is my Father glorified, that you bear much fruit and become my disciples.” (Jn. 15:8 NAB) “It was not you who chose me, but I who chose you and appointed you to go and bear fruit that will remain.” (Jn. 15:16 NAB) May talinhanga rin si Jesus ng isang may-ari ng lupa na sinabi sa tagapangalaga na putulin ang puno ng igos kasi tatlong taon na siya naghahanap ng bunga at wala siyang makita. Naghahanap ng Diyos ng bunga. 

 Ano ba ang ipinagkatiwala niya sa atin? Ang lahat ng mayroon tayo ay galing sa Diyos – ang ating buhay, ang ating pamilya, ang ating mga talento, ang ating trabaho, ang ating pera at ari-arian. Huwag nating angkinin ang mga ito. Pinagkatiwala lang sa atin ang mga ito. Iniingatan ba natin ang mga ito at pinapalago? Huwag nating hayaang masira o mawala. Sa halip gamitin natin at palaguin. We will have to give an account of them to the Lord, the real owner of these things. 

 Paano kaya mapalalago ang mga ipinagkatiwala niya? Una, gamitin natin. Ang lahat ng hindi ginagamit ay nasisira o nanghihina. Ang sasakyan na hindi ginagamit ay nasisira. Pati na nga ang muscle na hindi ginagamit ay nanghihina. Ang talino na hindi ginagamit ay nangangalawang. St. Paul wrote: “Since we have gifts that differ according to the grace given to us, let us exercise them” (Rom 12:6) Hindi lang na gamitin ang mga gifts na ito. Gamitin natin hindi lang sa sarili kundi sa iba. Sabi ni St. Peter:” As each has received a gift, employ it for one another, as good stewards of God’s varied grace” (1 Pt 4:10). Remember that we have social responsibilities to the things that we have. Ang mga biyaya ng Diyos na ipinagkatiwala sa atin ay hindi lang para sa atin. Ito ay para din sa iba. Gamitin din natin sa iba ang mga ipinagkaloob sa atin. In fact we become happy when we use our talents to help others. We are fulfilled when we are able to share our time with others. 

 Ito ay totoo din sa mga material wealth na ipinakatiwala sa atin. Minsan may sinabi si Jesus: “I tell you, make friends for yourselves with dishonest wealth, so that when it fails, you will be welcomed into eternal dwellings.” (Lk. 16:9 NAB) He also said: “Sell your belongings and give alms. Provide money bags for yourselves that do not wear out, an inexhaustible treasure in heaven that no thief can reach nor moth destroy.” (Lk. 12:33 NAB) Let us then invest what we have so that we may gain real wealth. Itulong natin sa iba ang makamundong kayamanan natin at ito ay magkakaroon ng panibago at mas mataas na halaga, makalangit na halaga. 

 Maganda ang paalaala na ito na ngayong Linggo ay World Day of the Poor with the theme: Stretch out your hand to the Poor. At ngayon din ay Alay Kapwa Sunday na magkakaroon tayo ng mga collection para sa mga biktima ng kalamidad. At sa mga araw na ito maraming kalamidad ang tumama sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa. Dumaan pa lang si Quinta at sumunod agad si Rolly. Halos hindi pa nakakabangon kay Rolly at nandiyan naman si Ulysses. Ang daming mga bahay at mga tanim na dumapa at lumubog sa kabikulan, sa Southern Tagalog region, sa Metro Manila, sa central at northern Luzon. And all of these are happening when we are battling with Covid 19! Mamulat na sana tayo. Climate change na ito. Hindi pa tayo nagkaroon ng sunod-sunod na bagyo. Signs of climate change are not only stronger typhoons but also more frequent storms. 

 In all of these we are being challenged to stand up together and put our resources together and help. Una, ang mga kalamidad na ito ay masakit na paala-ala na hindi talaga natin mapanghahawakan ang mga ari-arian at pati na ang buhay natin. Isipin na lang natin ang mga bahay na lumubog. Ang lahat na pinundar sa bahay na iyon ay nawala na rin. Kaya kung iyan lang ang pinag-iipunan natin, kay daling nawala. Pangalawa, ang mga sakunang ito ay maaaring malakas na panawagan sa atin that we help one another. We help not only with what is extra for us, but even with what we need, because others are more in need. 

Let us be convinced that whatever we give to help others is not a loss for us. Kung tayo ay pumunta sa bangko at nagdeposit ng 10,000 pesos, paglabas natin ng bangko nalulungkot ba tayo dahil wala na ang 10,000 sa ating pitaka? Hindi! Wala na nga sa ating bulsa, pero atin pa rin ang 10,000 na iyon. Nasa account na natin sa bangko. Ganoon din dapat ang isipin natin. Hindi tayo manghihinayang na nagbigay tayo ng 5,000 pesos sa tinamaan ng bagyo. Hindi nawala ang 5,000 pesos natin. Dineposito lang natin sa ating account sa langit. Hindi iyon nawala sa atin. Pinagpalit lang natin ng makalangit na halaga. Do we believe this? 

 Ngayong Alay Kapwa Sunday magbigay tayo sa mga collections sa simbahan. Kung sa bahay lang tayo nagsisimba magpadala tayo sa simbahan para sa Alay Kapwa. Ang programang ito ang tumutulong sa mga nasalanta ng mga bagyo sa buong bansa. Ang Alay Kapwa ang nagcocoordinate ng tulong sa mga dioceses sa bansa, kasama na diyan sa mga dioceses sa Cagayan Valley at sa Kabikulan. Ang Alay Kapwa ay programa ng Caritas Pilipinas, Caritas Manila at Caritases ng mga dioceses para sa relief at rehabilitation ng mga biktima ng mga calamities. 

 Sana pagkaraan ng mahabang panahon at bumalik na ang ating Panginoon, masasabi natin sa kanya nang may kaunting yabang: “Panginoon heto po ang 5 talento na pinagkatiwala ninyo sa akin. Heto pa po ang 5 talento na tinubo ko!”

Sunday, November 8, 2020

Homily November 8, 2020

32nd Sunday Year A Wisdom 6:12-16 1 Thess 4:13-18 Mt 25:1-13 

 May isang bahagi ng Biblia na hindi masyadong nabibigyan ng pansin. Iyan ay iyong wisdom literature. Marami din ang mga aklat na nabibilang dito, lalo na sa Lumang Tipan – iyong mga aklat ng kawikaan (Proverbs), Eklesiastes, Eklesiastikus, Karunungan ni Solomon, Awit ng Mga Awit. Ayon sa mga ito ang karunungan ay higit pa kaysa mga ginto o pilak. Ito ay biyaya ng Diyos at ito rin ay bunga ng pagsisikap ng mga tao. Habang hinahanap-hanap natin ito, ito rin ay nag-aabang at humahanap sa atin. Iyan po ang nilalaman ng unang pagbasa natin. Natatagpuan ang karunungan ng mga naghahanap sa kanya. 

 Kailangan natin ang karunungan dahil sa ito ay nakakatulong sa atin na mamuhay nang maayos at maginhawa sa buhay na ito. Ang karunungan ay hindi para sa kabilang buhay, kundi para sa buhay natin ngayon dito sa mundo. 

 Higit pa kaysa kaalaman o katalinuhan ang karunungan. Ito ay kaalaman na isinasabuhay. May mga kilala tayo na mga tao na maalam, mataas ang napag-aralan at baka matalino pa nga, pero hindi marunong sa buhay. Walang diskarte sa buhay at hindi masaya. Sira ang pamilya, hindi umaasenso sa trabaho, at baka pa nga nalulon sa bisyo. Hindi sila marunong. Alam naman nila ang masama pero ginagawa pa rin nila. Tuloy napasama sila! So wisdom is more than intelligence or knowledge. Computers can be more knowledgeable than most of us, but they do not have wisdom because wisdom comes out of experience and is attained by practice and practical sense. Sikapin natin na maging marunong tayo. 

 Si Jesus mismo ay gumagamit ng wisdom sayings. Marami siyang mga matalinhagang kasabihan at mga kwento na ginagamit ng mga wise men. Si Jesus ay nilapitan ng mga tao dahil sa siya ay magaling mangaral. Sa totoo lang kinikilala siyang isang guro, isang rabbi.. Ito ang tawag sa mga taong may karunungan. 

 Bakit pinag-uusapan natin ang wisdom? Kasi ito ang katangian ng mga abay na nag-aantay sa ikakasal na lalaki sa ating ebanghelyo. Five of them are wise and five are foolish. These ten virgins stand for all of us, because all of us are waiting for the bridegroom to come. All of us are in a state of waiting for the Lord who is to come again. Pero ganito nga ba tayo? Talaga nga ba na ang tayo ay nag-aabang sa pagdating ng Panginoon? This is an important question that we should first ask ourselves because nowadays many people are so shortsighted. Para sa kanila dito lang ang buhay; ito na lang ang buhay. Ngayong buwan ng November pinapaala-ala sa atin na may kabilang buhay. Marami na tayong kakilala na nauna na sa atin doon. At siguradong-sigurado na susunod na rin tayo pagpunta sa kabilang buhay. Walang exempted dito. Pero saan sa kabilang buhay? Iyan ang tanong! Kung hindi tayo marunong, mapagsasarhan tayo ng pinto at hindi tayo makakasalo sa kasayahan ng kasalan. 

 Sa ating ikalawang pagbasa pinoproblema ng mga kristiano sa Tesalonika ang mga yumao nila. Lahat sila ay nag-abang sa pagbalik ng Panginoong Jesus noong nagpabinyag sila. Ilan sa kanila ay namatay na. Makakatagpo pa ba nila si Jesus? Hindi na nila siya makikita pagdating niya. Ito ang akala nila, kaya malungkot sila sa mga namatay na. Sabi ni San Pablo na huwag silang mag-alala. All of us will meet the Lord when he comes again. Those who have already died, which is euphemistically referred to as those who have fallen asleep, will be raised up to meet the Lord. So whether we are still alive now or have died, we will all meet the Lord. 

 Kaya nga tayong lahat ay nasa estado nang pag-aabang sa pagdating ng Panginoon. Ang ating inaabangan ay masaya – kasalan, handaan. Ang problema lang hindi natin alam kung kailan siya darating. Totoo nga ang sinabi: You do not know the date nor the hour. Sa katagalan ng pag-aantay, lahat ng sampu ay nakatulog. This is part of human weakness. But what is important is that when he finally comes we are ready to meet him with lamps burning. 

 Ano ba itong ilawan na nakasindi? Naalaala ba natin na minsan sinabi ni Jesus na tayo ay ang liwanag ng mundo? Dapat nakasindi ang ating ilawan upang makita ng mga tao ang ating mabubuting gawa at parangalan ang ating Amang nasa langit. Kaya ang ilawan na nakasindi ay kaugnay sa kabutihang gawa, tulad ng ang kadiliman ay nauugnay sa kasamaan at kasalanan. So we can say that the oil for the lamp is related to good works. St Paul wrote: “God will repay everyone according to his works: eternal life to those who seek glory, honor, and immortality through perseverance in good works.” (Rom. 2:6-7) So as we wait for the Lord to come, let us equip ourselves by doing good. Huwag tayong magsawa sa paggawa ng mabuti. Ang iba ay nagkakaroon ng donor fatigue. Tayong mga Kristiyano ay huwag magkaroon ng generosity fatigue or goodness fatigue. Again St. Paul wrote: “Let us not grow tired of doing good, for in due time we shall reap our harvest, if we do not give up. So then, while we have the opportunity, let us do good to all, but especially to those who belong to the family of the faith.” (Gal. 6:9-10 NAB) 

 Matalino ang mga abay na may mga langis ng kabutihan habang sila ay nag-aabang sa pagdating ng Panginoon. Kaya ang kabutihan na ginagawa natin ay hindi lang nakakatulong sa nagagawan natin ng kabutihan. Iyan ay nakakatulong sa atin na gumagawa ng kabutihan. We are never the losers when we do good. Any good that we do benefit us first of all. This is why we hear this admonition: “keep in mind the words of the Lord Jesus who himself said, 'It is more blessed to give than to receive.'" (Acts 20:35 NAB) By the way, this is the only direct quotation from the Lord Jesus that we do not find in the Gospels but is reported by St. Paul that comes from Jesus himself. Blessing comes first to all to the those who give. We receive more by giving! 

This is a good reminder to us now that many of our brothers and sisters are in dire need because of typhoon Rolly. Naalaala ninyo last Sunday, mga ganitong oras, nangangamba tayo dahil sa banta na daraan sa atin sa Maynila si Rolly. Nababalitaan na natin noon ang lakas ng bagyo sa Bicol. Hindi biro ang kanyang pagiging super typhoon! Talagang nagdasal tayo na lumihis o humina man lang si Rolly. At himala! Nangyari nga! Lumihis AT humina si Rolly. Prayer really works! 

 Isipin na lang natin kung tinamaan tayo ng bagyo! Ang laking kasiraan sa mga structures natin. Pero hindi! Naligtas tayo! Maaari ba ito ay paanyaya na, na bilang pasasalamat maging generous tayo sa tinamaan? Kung napinsala tayo, gagastos tayo, at maaaring malaking gastos. Ngayon, ibigay na natin sa iba ang sanang iginastos natin kung napinsala tayo. 

 Next Sunday, Nov 15, ay World Day of the Poor with the theme: STRETCH FORTH YOUR HAND TO THE POOR (Sirach 7:32). We commemorate this every year since 2017, which is set at the Sunday before the Solemnity of Christ the King, which this year falls on Nov 22. This year the World Day of the Poor has been declared by the CBCP as the Alay Kapwa Sunday. Our Alay Kapwa program is a Lenten program during which we ask for collections that are set aside to respond to calamities. We were not able to have Alay Kapwa last season of Lent because of the lockdown. So we do not have funds this year to respond to calamities, and Typhoon Rolly had hit our country hard. So please be generous. You can give your donations to Caritas Manila or to the Alay Kapwa collections in your parishes next week. All our collections next week will go to Alay Kapwa. Medyo mabigat ito sa mga Parokya na hindi pa nakaaahon sa mga gastos nila dahil sa matagal na sarado ang mga simbahan at hanggang ngayon hindi pa full capacity ang mga simbahan. Pera kahit na – may pangangailangan ngayon na mas higit. Besides, as the Lord said, it is more blessed to give than to receive. Magbigay at mararamdaman natin ang kabaitan ng Diyos mismo. 

 Maging matalino tayo. Maging handa palagi tayo. Magkaroon ng langis ng kabutihan habang nag-aabang tayo sa Panginoon na darating. Huwag manghinayang magbigay. Hindi sayang ang mga itinutulong natin.

Sunday, November 1, 2020

Homily November 1, 2020 Sunday

All Saints Day Rev 7:2-4.9-14 I Jn 3:1-3 Mt 5:1-12 

 The covid 19 pandemic is really affecting our lives. We feel this in a special way today, November 1. It is customary for many of us to honor our beloved dead this day and tomorrow to go to the cemeteries. Hindi na natin ito magagawa ngayon. At naiintidihan naman natin bakit. Mahirap mapigilan ang pagkalat ng virus sa maraming mga tao na magkukumpulan sa mga Cementerio. In a way, by not being allowed to do what we customarily do, we are forced to confront the meaning of our custom and to consider how we can express our belief in other ways. 

 Kapag pinapahayag natin ang ating pananampalataya may binabanggit po tayo: sumasampalataya ako sa samahan ng mga Banal. I believe in the communion of saints. Who are these saints? In what does this communion consist? Ano ba ang samahang ito? Ang mga Banal na tinutukoy ay ang lahat ng mga nasa grasya ng Diyos. Sila iyong nasa kanila ang buhay ng Diyos. Ang Diyos ay naging tao, upang tayong mga tao ay makiisa sa buhay niya. Ipinagkaloob sa atin ang buhay ng Diyos noong tinanggap natin ang Diyos sa binyag. Ang buhay na ito ay winawala natin at nawawala sa atin kung tinatanggihan natin ang Diyos. Ang pagtangging ito ay tinatawag na kasalanan. Kung hindi natin tinatanggihan ang Diyos, kahit saan man tayo, kahit ano ang kalagayan natin, nabibilang tayo sa mga Banal. Ang buong simbahan ay binubuo ng tatlong kalagayan: the victorious church, the suffering church and the militant church. Ang mga ito ay nasa isang samahan kaya ang mga ito ay nagtutulungan. Iyong nasa victorious church ay iyong mga nasa langit na, matagumpay at masaya na kasama ni Jesus. Iyong mga nasa suffering church ay iyong mga dinadalisay pa sa purgatorio. Sila ay hinahanda na pumunta sa langit. Tayo na nasa lupa ay nabibilang sa militant church. Nakikibaka pa tayo laban sa kasamaan. Ang tatlong ito ay nagtutulungan. Here on earth we need help in our struggle against evil. So we pray for one another and we care for each other. We also ask the help of those in purgatory and in heaven. So we call on the holy souls. Iyong mga purgatorio ay tinutulungan din natin sa pamamamagitan ng ating mga sakripisyo at mga dasal. Iyong mga nasa langit na ay hindi na kailangan ng tulong. Nasa kaluwalhatian na sila. Wala na silang kailangan. Sila ay iyong nakakatulong sa atin sa kanilang dasal sa Diyos dahil kapiling na nila siya. 

 Ngayong araw, All Saints Day, ang ating atensiyon ay naka-focus sa mga nasa langit, at bukas, All Souls Day, ang atensiyon naman natin ay nakafocus sa mga Banal sa Purgatorio. 

 Minsan si Jesus ay tinanong: Marami po ba ang maliligtas? Hindi ito sinagot ng Panginoon ng diretso. Ang sabi lang niya ay masikap kayong pumasok sa daan na makipot kasi malawak ang daan papunta sa kapahamakan. Ang tanong kung marami ba ang maliligtas ay sinasagot sa atin ngayon sa unang pagbasa natin na galing sa aklat ng Pahayag, the Book of Revelation. Ang Aklat ng Pahayag ay gumagamit ng maraming mga simbolo. Nilarawan ni Juan ang kanyang pangitain sa langit. Doon nakaupo sa trono ang Diyos kasama ang Korderong sugatan, si Jesus na inalay. Sila ay sinasamba ng apat na nilalang na sumasagisag sa mga kapangyarihan: ang toro na kumakatawan sa kalakasan, ang lion na kumakatawan sa katapangan, ang tao na kumakatawan sa katalinuhan, at ang agila na kumakatawan naman sa kaliksihan at katayugan. Kasama nila sa pagsamba sa Diyos ay ang 24 elders, na kumakatawan naman sa mga namumuno sa panahon ng Lumang Tipan at ng Bagong Tipan. Sumasamba din sa Diyos ng maluwalhati sa langit ang 144,000 na nakasuot ng puti at may tatak sa noo. Ang 144,000 ay 12 x 12 x1000. Ang bilang na 1000 ay sumasagisag sa maraming- marami. Ang unang 12 ay kumakatawan sa 12 tribes of Israel at ang pangalawang 12 ay sa 12 apostles. Kaya ang 144,000 ay nagpapahiwatig ng napakaraming mga kaluluwang naligtas mula sa Lumang Tipan hanggang sa Bagong Tipan na galing sa lahat ng lahi at lahat ng tao. Nilinis sila sa dugo ng kordero na namatay para sa lahat. 

 Ngayon ay kapistahan ng Todos los Santos, lahat ng mga banal sa langit, all the saints. Pinapakita sa atin na marami ang maliligtas. Marami ang nasa langit. Hindi sayang ang dugo ni Jesus. Ito ay mabisa. Kaya ang kabanalan ay para sa lahat. 

 Let us be confident about salvation. Lahat tayo ay tinawag na maging banal dahil sa lahat tayo ay tinatawag sa kaligtasan. Hindi naman tayo makakapunta sa Diyos na banal kung hindi tayo banal. Sikapin natin lahat na maging banal dahil na iyan ang plano ng Diyos sa bawat isa sa atin. Ang mga kalagayan natin sa buhay ngayon ay pansamatala lang, pangmundo lang – ang ating trabaho, ang ating posisyon, ang ating pamilya, ang aking pagiging obispo, o ang iyong pagiging tatay, o iyong pagiging manager. Lilipas ang mga ito at ang mga ito ay tulay lang para maging banal tayo at makapunta sa langit. 

 Noong kami ay mga bata pa, hindi ko makalimutan ang pina-memorize sa amin sa katesismo. Bakit ka linikha ng Diyos? Ang sagot: “Ako ay nilikha ng Diyos upang maging banal para maging masayang kasama ng Diyos magpasawalang hanggan sa langit.” Bata pa kami idiniin na sa amin ang layunin ng buhay. Sa kapistahan natin ngayon hinihiling sa atin na tumingala tayo. Para doon tayo sa langit. At napakaganda ng langit. St Paul wrote: “I consider that the sufferings of this present time are as nothing compared with the glory to be revealed for us.” (Rom. 8:18) Masusulit ang lahat ng effort natin. Kaunting langit lang, sulit na ang lahat! 

 Tayong lahat ay may karapatan sa langit dahil sa tayo ay mga anak na ng Diyos. Iyan ang sinabi ni San Juan sa ating ikalawang pagbasa. Ang karangalan natin ay anak tayo ng Diyos. Maaaring hindi pa natin na-aappreciate ngayon ang ating pagiging anak ng Diyos. Pero doon sa langit ay lalabas ang ating tunay na karangalan at kaningningan, magiging tulad na talaga tayo ni Jesus. Makikiisa na tayo sa kanyang kaluwalhatian. 

 Hindi lang pinakita ni Jesus kung saan tayo pupunta. Ipinakita rin niya ang paraan. Ito ang ay mga beatitudes. These are the formulas to be holy and to be happy. Kakaiba ito sa mga formula ng kaligayahan na binibigay sa atin ng mundo at nakasanayan nating hanapin. Para sa marami magiging masaya at masuwerte tayo kung tayo ay mayaman, makapangyarihan na sinusunod ng iba, nabubuhay sa layaw, pinupuri at kinakatakutan ng mga tao. Kakaiba iyan sa narinig natin na sinabi ni Jesus: mapalad kayo, masuwerte kayo, magiging masaya kayo kapag kayo ay dukha, tumatangis, mababa ang loob, maawain, naghahangad ng katarungan, malinis ng puso, inuusig at iniinsulto. Ang Diyos mismo ang magpapaligaya sa inyo. Ang tunay at tatagal na kaligayahan ay hindi iyong inaabot natin kundi iyong ibinibigay sa atin ng Diyos. May tiwala at kababaang loob ba tayo na tanggapin ito? 

 Ngayong Undas hindi tayo makakapunta sa cementeryo pero maipagpapatuloy ang dahilan bakit tayo pumupunta sa cementeryo. Bakit nga ba? Para sama-samang maalaala ang mga yumao natin. Ito ay pinapakita natin sa ating pagsasama-sama bilang pamilya at sa ating pagdadasal. Magagawa pa rin natin ang mga ito kahit na hindi tayo makapunta sa cementeryo. Pwede pa rin tayo magsama-sama bilang pamilya. Magkaroon tayo ng munting handaan sa bahay. Pag-usapan natin ang mga yumao natin. Our memories about our beloved dead unite us not only with them but with each other. Pwede pa rin tayo sama-samang magdasal. Kaya hinihikayat natin ang mga Catolico na magsimba sa mga araw ng Nov 1 at Nov 2. The Holy Mass is the best prayer that we can offer. Kung gusto natin magtirik ng kandila, pwede natin itong gawin sa mga simbahan natin. The lighting of candles is a symbol of our faith in God and ardent love for our beloved dead. At maaari pa rin tayo pumunta ng Cementerio any day of November after Nov 4. The plenary indulgence of visiting cemeteries has been extended to the whole month of November. 

 Ang hindi natin pagpunta sa Cementerio ngayong undas ay nagpalalim ng kahulugan ng kaugalian natin sa undas. Iyan ay ala-ala sa ating mga yumao na patuloy tayong pinag-iisa bilang pamilya sa ating pagdarasal at pagsamba sa Diyos at sa ating hangarin na maging banal at magkita-kita uli sa langit. 

 Sa ritual ng pagbibindisyon sa mga patay ang huling paalam natin ay: “Paalam sa iyo kapatid na pumanaw, mapasapiling ka nawa ng Poong Maykapal. Ang pagpapala ng Diyos ay baunin mo….Sa Paraiso magkikita muli tayo. Samahan ka ng mga Santo. Kahit na may nauuna, tayo rin ay magsasama-sama, upang lagi tayong lumigaya sa piling ng Diyos Ama. Amen”

Sunday, October 25, 2020

Homily Oct 25 2020

30th Sunday Year A Ex 22:20-26 1 Thess 1:5-10 Mt 22:34-40 

 Reminder: Today is the 4th Sunday – Pondo ng Pinoy Sunday. Pondo ng Pinoy is an ongoing program because it asks us to always consider others in our life and set aside something for them everyday, no matter how small. 

Maraming beses sa mga Bible study na ginagawa ko natanong ko ang mga umaattend: “Maaari ka bang utusan na mahalin ang isang tao? Mauutusan ba ang pag-ibig?” Almost all the time ang sagot ay: Hindi. “Ang pag-ibig ay dumadating lang. Kapag tinamaan ka ng pana ni Cupid, magmamahal ka. Hindi na ito mapipigilan.” Sa ganitong pananaw, ang nasa isip ng tao ay ang romantic love. Ito ay pag-ibig na nasa damdamin lang, at ang damdamin ay hindi mauutusan. Hindi ito ma-co-control. Pero ito ay hindi pag-ibig na siyang pinaka-sentro ng katuruan ni Jesus Kristo. 

 Ang center ng ating pagka-kristiyano ay Pag-ibig. Ang pinakamahalagang kautusan ay pag-ibig. Kaya mauutusan tayong magmahal kasi ang pagmamahal ay wala lang sa damdamin, o sa feeling. Ito ay nasa kalooban. Ito ay nadedesisyunan natin. Mas maaasahan at mas malalim ang ganitong pag-ibig. Love is forever, if we decide it to be so. It is a commitment. 

 Ang kautusan ni Moises na matatagpuan natin sa Pentateuch, o Torah, ang unang limang aklat ng Bibliya na siya ang pinakamahalaga sa Lumang Tipan o sa Bibliya ng mga Hudyo ay naglalaman ng 613 laws. Napakaraming batas! Hindi ito magagampanan ng lahat. Kaya isa sa pinag-dediscusyunan ng mga dalubhasa sa batas ng mga Hudyo ay alin ba ang pinakamahalaga sa mga ito. Kung hindi man masunod ang lahat ng 613 laws, at least sundin ang mga mahahalagang batas. Sinubok si Jesus na kilalang guro sa Israel: alin ba ang pinakamahalagang batas? Walang pasubali at walang pagdududa ang sagot ni Jesus: Mahalin ang Diyos nang higit sa lahat. Ito ay galing sa Deut 6 na nirerecite ng mga Hudyo ilang beses araw-araw: ang tinatawag na SHEMA ISRAEL. “Makinig ka Israel. Iisa lang ang Diyos, si Yahwe ang Panginoon. Mahalin mo siya nang buong puso, nang buong kaluluwa at nang buong pag-iisip.” Ang ibig sabihin nito, mahalin natin ang Panginoon nang buong pagkatao natin. Isa lang ang tanong kay Jesus – ang pinakamahalagang utos. Hindi lang isang utos ang binigay niya, ngunit dalawa: “Ang pangalawa ay tulad ng una: mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng iyong sarili.” Galing naman ito sa levitiko 19. Dalawa ang binigay ni Jesus kasi hindi makatatayo ang una na wala ang pangalawa. Walang pag-ibig sa Diyos na walang pag-ibig sa kapwa. 

 Kung walang sukatan ang pag-ibig sa Diyos, mayroon namang sukatan ang pag-ibig sa kapwa. Ang sukatan ay ang pag-ibig sa sarili. Ang ibig sabihin nito ay: kung anong ibig mong gawin sa iyo, gawin mo sa iba. Ano ang ayaw mong gawin sa iyo, huwag mong gawin sa iba. Ibig mong unawain ka, unawain mo ang iba. Gusto mong pakinggan ka, pakinggan mo ang iba. Gusto mong igalang ka, igalang mo ang iba. Ayaw mong dayain ka, huwag dayain ang iba. Ayaw mong murahin ka, huwag mong murahin ang iba, ayaw mong lamangan ka, huwag mong lamangan ang iba. Simple lang, hindi ba? 

 Paano ba natin mamahalin ang Diyos nang higit sa lahat? Unahin natin siya sa ating panahon. Paano mong masasabi na mahal mo siya nang higit sa lahat kung sa halip na mag-dasal inuuna mo pa ang TV? Sa halip na mag-simba inuuna mo pa ang trabaho? Minamahal din natin ang Diyos nang higit sa lahat kung sa ating material resources, ang Diyos ang inuuna natin. Marami ay may budget para sa bahay, para sa kuryente, at para pa nga sa ibang bilihin, pero walang budget para sa Diyos. Walang inilalaan o itinatabi para sa Diyos. Kung may contribusyon para sa simbahan, kung ano lang ang mabunot, iyan lang ang ibibigay. Hirap nga ang mga tao na mag-tithing. Ang hirap naman ng magbigay ng ikapu. Isa lang sa sampo ang ibibigay natin sa tithing. Ang siyam ay maiiwan naman sa atin. Akala ko mahal mo ang Diyos nang higit sa lahat? 

 Isa pang paraan ng pagmamahal sa Diyos ay ang pagmamahal sa kapwa. Kaya hindi hiniwalay ni Jesus ang pag-ibig sa Diyos sa pag-ibig sa kapwa. St John tells us in his first letter: “In this is love: not that we have loved God, but that he loved us and sent his Son as expiation for our sins. Beloved, if God so loved us, we also must love one another. No one has ever seen God. Yet, if we love one another, God remains in us, and his love is brought to perfection in us.” (1 Jn. 4:10-12) Kapag pag-ibig ang pinag-uusapan ang unang dapat i-consider ay ang pag-ibig ng Diyos sa atin. Mahal tayo ng Diyos. Ang tanda na mahal tayo ng Diyos ay hindi dahil sa buhay pa tayo, o wala tayong sakit. Ano man ang kalagayan natin ngayon, mahal tayo ng Diyos kasi binigay niya si Jesus sa atin. Ganoon ako kamahal ng Diyos na binigay niya ang the best niya, ang kaisa-isang anak niya. Dahil ganoon ako kamahal, kaya dapat kong mahalin ang aking kapwa. Hindi natin nakikita ang Diyos. Ang nakikita natin at kasama natin ay ang ating kapwa at sa pagmamahal sa kanila, nagiging ganap ang pag-ibig natin sa Diyos. 

 Sino ang kapwa na mamahalin natin? Sabi ni Jesus: “If you love those who love you, what recompense will you have? Do not the tax collectors do the same? And if you greet your brothers only, what is unusual about that? Do not the pagans do the same?” (Mt. 5:46-47) Love is not a close circuit affair. I only love those who love me and are good to me, and in turn they love me back. Ang kapwa na ating unang mamahalin ay iyong mga mahihina, iyon hindi pinapansin at madaling pagsamantalahan. Kaya nga sa ating first reading na galing sa aklat ng Exodo winarningan tayo na huwag natin pagsamantalahan ang mga vulnerable, na noong panahon ay ang mga dayuhan (dahil wala silang kakampi), mga balong babae (wala nang asawa na katuwang nila), mga ulila (mga bata na walang mga magulang na magproprotekta sa kanila), at mga mahihirap (walang-wala sila sa buhay). Huwag silang apihin at pagsamantalahan. Dalawang beses narinig sa maiksing pagbasa natin na kapag sila ay tumawag sa Diyos, (at dahil sa wala naman silang kakampi, sa Diyos na lang sila makakatawag,) papakinggan sila ng Diyos sapagkat siya ay mahabagin. 

 May isang mahalagang bagay na dapat pansinin sa narinig natin galing sa aklat ng exodo – iyong pagpapautang ng may tubo. Ngayong panahon ng pandemic, maraming mga tao ay nawalan ng hanap buhay. One way to cope is to borrow. Kung ang kapwa ay nanghihiram dahil sa kahirapan, hindi tama magkaka-interest tayo sa kanyang kagipitan sa buhay. Kikita pa tayo dahil sa hirap siya. Iba iyong nanghihiram para magtayo ng negosyo. Ok lang na makibahagi sa kita ng ating pera na ginagamit niya. Pero huwag natin pagkakakitaan ang kahirapan ng iba. Ito ay totoo rin sa mga bansa. Kaya nananawagan ang Santo Papa at maraming mga tao na magkaroon ng debt cancelation ang mga mahihirap na bansa upang matugunan nila ang basic needs ng kanilang mga tao kaysa magbayad ng utang at interest ng utang sa malalaking bangko at mayayamang bansa. 

 Ngayong Linggo ay Prison Awareness Sunday. Ang mga bilanggo ay mga kapwa natin na dapat nating bigyan ng pansin at mahalin. Sila din ay kapwa tao pa rin natin. Kawawa ang kalagayan ng mga nasa bilangguan nating mga kapatid at iyan ay aabot sa hundreds of thousands. Nakakalungkot at nakakagalit ang kalagayan ng ating mga jails. Inhuman ang kanilang kalagayan – siksikan, madumi, walang basic services, pinagsasamantalahan at inaabuso. Dapat ang mga iyon ay rehabilitation facilities, but people there are not rehabilitated at all. There is very little program for rehabilitation. Sila ay nangangailangan ng tulong. They appreciate very much kahit sabon lang or toothpaste ang iabot sa kanila. 

 Sabi ng iba: hayaan na ang mga bilanggo. Masasamang tao ang mga iyon! Hindi naman natin masasabi na dapat silang parusahan dahil sa masasamang tao sila. Marami ang mga nasa jails natin ang hindi naman dapat nandoon; they are victims of injustice. Marami sa kanila ay maliliit na tao na napagbintangan. Political prisoners are a case in point. There are hundreds of prisoners who are there because of their political beliefs and they are victims of injustice done by law enforcers who plant evidences and make cases against them. Senator Delima is a clear example of this. she is in detention for 4 years already without any conviction. Justice delayed is justice denied. 

 Love is not just a romantic feeling. It is not just about feeling good. It is a commitment for the good. And there are so many who are very uncomfortable on the Christian message of love of God and love of neighbor. This is why even today Christianity is the most persecuted religion. Bakit naman uusigin, sisirain ang mga simbahan, ikukulong ang mga tao na naniniwala at nagsisikap isabuhay ang pag-ibig sa Diyos at sa kapwa tulad ng ginagawa ngayon sa China? Bakit? Dahil sa kung mahal natin ang Diyos nang higit sa lahat, uunahin natin sya at ang kanyang mga utos. Ayaw iyan ng mga regimes, systems and people who claim they are the greatest. Bakit? Dahil sa kung mahal natin ang ating kapwa, lalo na ang mga pinagsasamantalahan, malalantad ang pang-aabuso na ginagawa sa mga tao, at ayaw iyan ng mga nang-aabuso. 

 Every Holy Mass is a celebration of love – how God loves us so much in Christ Jesus. Jesus gives himself to us that we may live. The fruit of this celebration is the deep consciousness that we are loved. Because God loves us so, let us love one another.

Homily - 21st Sunday of the Year Year B

August 22 2021 Josh 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69   Noong nakaraang linggo nabalitaan natin na ang Committee on Population and ...