Sunday, August 22, 2021

Homily - 21st Sunday of the Year Year B


August 22 2021 Josh 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 

 Noong nakaraang linggo nabalitaan natin na ang Committee on Population and Family Relations sa Lower House ay umaproba ng Absolute Divorce Bill at ito ay ipapasa na nila sa plenary meeting ng House of Representatives. Ito ay nakababahala kasi sa halip na palakasin ang pamilya ayon sa ating Saligang Batas, ang divorce ay nagpapahina sa pamilya. Ito ay napapatunayan na sa lahat ng mga bansa na may absolute divorce. Totoong may mga pamilya na disfunctional at may mga kababaihan at kabataan na naaabuso sa mga pamilyang ito. Pero divorce ba ang solusyon? Kung ang kalingkingan o kamay ay may sugat, kailangan bang putulin agad? Hindi ba dapat iyan ay gamutin? Hindi ba dapat tulungan ang mga mag-asawa na may problema sa halip na itakda na maghiwalay na lang sila? Mas maraming kahirapan ang dadalhin ng divorce sa mas maraming kababaihan at kabataan. Iyan ang karanasan ng mga paghihiwalay sa pamilya. 

 Ang pagkakaisa ng pag-aasawa ay isang katuruan hindi lang ng Simbahan kundi ng Diyos mismo. Si Jesus ay sumalungat sa katuruan mismo ni Moises sa Lumang Tipan na pumapayag ng divorce kasi hindi ito ang balak ng Diyos noong nilikha niya ang tao. Ang lalaki at babae na pinagsama ng Diyos noong simula pa ay huwag paghiwalayin ng tao. Kaya para sa ating mga katoliko ang kasal ay hindi lang isang simpleng kontrata. Ito ay isang sakramento. Ang sakramento ay isang tandang nakikita na nagbibigay ng kahulugan at grasyang hindi nakikita. Sa sakramento ang tandang nakikita ay ang pagpapalitan ng sumpa ng lalaki at ng babae sa harap ng Diyos at sa harap ng sambayanan. Ang makataong pagmamahalan ng lalaki at ng babae – at ang tunay na kasal ay ginagawa ng isang lalaki at isang babae – ay nagiging tanda ng hindi nakikitang pagmamahalan ni Kristo at ng Simbahan. Iyan ay maliwanag sa sinabi sa atin ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa. Inilalarawan sa Banal na Kasulatan ang kaugnayan ng Bayan at ng Diyos sa kaugnayan ng mag-asawa. 

 Sa bawat kasal ang babae ay kumakatawan sa simbahan at ang lalaki kay Kristo. Tulad na ang simbahan ay sumusunod at naglilingkod kay kristo, kaya ang babae ay naglilingkod sa kanyang asawa. Tulad ng si Kristo ay nag-alay na kanyang buhay para sa Simbahan, gayundin ang lalaki ay nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang asawa. Tulad na ang simbahan ay ang katawan ni Kristo, gayundin ang babae ay ituring ng lalaki na kanyang katawan. Iisa na lang sila, at hindi dalawa. Hindi binubugbog o minumura man kaya ng ulo ang kanyang katawan, kaya sinasaktan ng lalaki ang kanyang sarili kapag binubugbog o minumura niya ang kanyang asawa. Hindi maghihiwalay ay simbahan kay Kristo at hindi papabayaan ni Kristo ang simbahan. Kaya walang paghihiwalay sa mga ikinasal sa simbahan. 

 Ang sakramento ay hindi lang tanda ng isang malalim na kahulugan. Ang sakramento ay nagbibigay ng grasya upang an kanyang tinatanda ay matupad. Kaya ang kinakasal sa simbahan ay may katangi-tanging grasya na binibigay ng Diyos sa mag-asawa upang magampanan nila ang kanilang tungkulin sa pamilya. Totoong mahirap ang buhay na mag-asawa. Mahirap magsama hanggang kamatayan. Mahirap, pero hindi imposible, at ito ay napatunayan ng maraming mga may-asawa. Mas maraming mga may-asawa na nananatiling tapat kaysa mga naghihiwalay. Ito ay makakayanan kasi may Diyos na nakataya sa kanilang pag-iisang dibdib. 

 Totoo may kinakasal naman sa simbahan na nagkakahiwalay din. Kung susuriin natin iyan ay iyong ikinasal nga sa simbahan pero ang Diyos ay hindi naging bahagi ng kanilang buhay mag-asawa. Hindi naman sila nagdadasal ng sama-sama, o nagsisimba bilang pamilya, o sama-samang lumalago sa kanilang buhay bilang Kristiyano. Paano sila matutulungan ng Diyos kung hindi naman sila sabay-sabay na lumalapit sa kanya? 

 Sa paniniwala sa katuruan at gabay ng Diyos tungkol sa kasal, kailangan tayong magdesisyon sa sumunod sa kanya at hindi sa anong uso, o anuman ang sinasabi ng mga tao o ng sino mang scientist or researcher. Ang Diyos ay tunay na muog na ating maasahan. Nakatayo ang ating buhay sa bato kung tayo ay sumusunod sa kanya. Piliin natin siya. 

 Iyan ang sinabi ni Josue sa mga Israelita sa ating unang pagbasa. Noong ay nakuha na ng mga Israelita ang lupain ng Canaan, ang lupang ipinangako ng Diyos sa kanilang mga ninunong sina Abraham, Isaac at Jacob. Naihati na ni Josue ang lupain sa labing dalawang tribu ng Israel. Nagpatawag si Josue ng pagpupulong sa mga leaders ng 12 tribes sa Siquem at hinamon sila. “Marami na kanyong mga diyos-diyosan na nakilala – ang mga diyos ng mga Amorita doon sa ibayo ng ilog Euprates, sa lugar na pinanggalingan ng pamilya ng tatay ni Abraham. Nakilala din ninyo ang mga diyos ng mga Egipciano. Dito sa Caaan may mga diyos din ang mga taga-rito. Pumili na kayo ngayon kung sino ang diyos o mga diyos na paglilingkuran ninyo.” Ani Josue, “Pero ako at ang aking pamilya ay sa Panginoon, kay Yahweh, lamang maglilingkod at hindi sa ibang diyos.” Sinabi din ng mga tao na sila rin daw ay kay Yahweh lang sasamba. Pumili ang mga Israelita. Si Yahweh ang kanilang pinili. At habang sila ay naging tapat sa Panginoon, naging maayos ang buhay nila sa Canaan. Nagkagulo-gulo na lang mga kanilang buhay at tinalo sila ng mga kaaway at dumating ang mga salot noong ang mga anak nila ay sumamba na sa mga Baal o mga Astaroth, na siyang mga diyos-diyosan ng mga Cananaita. 

 Ganoon din sa ating Ebanghelyo. Pinapili ni Jesus ang kanyang mga alagad. “Aalis din ba kayo?” ang tanong niya sa kanila. Ang mga tao ay nagsialisan na noong naging mahirap nang tanggapin ang mga salita ni Jesus. Una silang nagbulong-bulongan noong sinabi ni Jesus na siya ang pagkaing nanggaling sa langit. Sabi ng mga tao: “Paano niyang masasabi na siya ay galing sa langit na alam natin kung saan siya galing, na siya ay isang anak lamang ng Carpinero at siya ay taga-Galilea?” Ngunit mas naging matindi ang kanilang reklamo ng hayagang niyang sinabi na ang pagkaing ibigay niya ay ang kanyang laman. Ang kanyang dugo ay tunay nainumin at ang kanyang laman ay tunay na pagkain. Kung hindi nila iinumin ang kanyang dugo at kakainin ang kanyang laman, hindi sila magkakaroon ng buhay na walang hanggang. Hindi na nila ito matanggap – na kakainin ang kanyang laman at iinumin ang kanyang dugo. Kaya umalis na ang mga tao. Iniwan na si Jesus. 

 Kaya hinamon ni Jesus ang mga alagad niya kung aalis din ba sila. Si Simon Pedro ang sumagot para sa mga alagad: “Panginoon kanino pa kami pupunta? Ikaw ay may salitang nagbibigay buhay. Naniniwala kami at ngayo’y natitiyak naming kayo ang Banal ng Diyos.” Pumili ang mga alagad. Naninindigan sila kay Jesus. Maaaring sila mismo ay hindi gaano nakakaintindi kung ano ang ibig sabihin na kainin ang laman ni Jesus at inumin ang kanyang dugo. Pero naniniwala sila kay Jesus na siya ang pinadala ng Diyos, na siya ang Panginoon. Tinatanggap nila ang kanyang mga salita kasi naniniwala sila sa kanya. 

 May mga pagkakataon na hindi madali sundin ang mga aral ng Panginoong Jesus kasi ito ay salungat sa mga nauusong kaugalian ngayon, tulad ng divorce, tulad ng pagbabawal sa same sex marriage, tulad ng pagtanggi sa abortion at contraception. Makapaninindigan ba tayo kasi ito ang katuruan ng Panginoon, kasi naniniwala tayo sa kanya? 

 Hindi naman magbibigay ng aral si Jesus upang pahirapan lang tayo. Ibinigay na niya ang kanyang buhay para sa atin pagdududahan pa ba natin ang kanyang pagmamahal sa atin na ang kanyang mga aral ay iyong ikabubuti lamang natin? 

 Ang katuruan ng simbahan ay hindi katuruan lang ng ilang mga pari, o mga obispo, o mga theologians, o ng sinong Santo Papa. Ang misyon ng simbahan ay walang iba kundi ibahagi sa ating panahon ngayon ang katuruan ni Kristo, at ang mga katuruang ito ay nakaugat sa Banal na Kasulatan. Ako bilang obispo at ang mga pari at madre na nandito na nagbibigay ng aming buhay para sa tao, inaalay ba namin ang aming buhay upang lilangin lang ang mga tao o pahirapan lang sila? kahit na mahirap at hindi katanggap-tanggap, kailangan naming ipahayag ang tunay na katuruan ni Kristo kasi kami ay katiwala lamang at mga lingkod lamang ng Salita ng Diyos. Ito ang aming pinagseserbiyohan at ito ang aming pinapahayag. 

Thursday, August 19, 2021

Homily on Installation as Apostolic Vicar


August 19 2021 Ez 34:11-16 Gal 5:1-6 Jn 10:11-16 

 Na ang installation na ito ay nangyayari ay isang himala ng Diyos, dahil sa kanyang pagmamahal. Himala ng Diyos na ako ay makabalik sa Palawan. Talagang gusto ko na ako ay makabalik uli at maglingkod dito sa Palawan, pero isang malaking milagro na ang hangaring ito ay natupad. Salamat sa Diyos! 

 Isang himala din na kahit na sa loob ng pandemya nagkakaroon tayo ng installation. Maraming nagbalak na mga taga-Maynila na pumunta rito, pati na ang Mahal na Cardinal Jose Advincula at ang ating Papal Nuncio na si Archbishop Charles Brown, pero hindi sila makaalis ng Maynila. Noong pinagkasunduan namin ang date na ito noong simula ng July, wala pa naman sa atin ang banta ng Delta variant. Maluwag na noon ang quarantine at nagbabalak pa ngang magiging maluwag ang turismo. Kaya marami ang nagpa-book na ng tickets at tirahan sa El Nido. Pero bigla na lang nagkaroon ng hard lockdown sa simula ng Agosto at mabuti pa nga napalitan ko ang aking ticket at nakalipad ako bago mag hard lockdown. Salamat sa Diyos. Kaya ngayon ang pagdiriwang natin ay naging all Palawan affair na lang. Nandito naman si Bishop Socrates Mesiona ng Vicariate of Puerto Princesa at si Bishop Edgardo Juanich, ang ating Bishop Emeritus ng Taytay. Mas simple pero mas naging family affair ng mga taga-Palawan. 

 Sa aking mga narinig at nakita, ang laki ng pasasalamat ko kay Bishop Edgardo Juanich, ang unang obispo ng ating bikaryato. Siya at ang mga unang pari na katulong niya ang nagsimula ng lahat. Ang laki ng kanilang ipinundar. Malawak at malalim ang pundasyon na kanilang ginawa sa ating bikaryato. Maraming salamat po, bishop Ed. Ako ay nagpapasalamat din na nandito pa kayo upang ako ay gabayan bilang bagong pastol. Magtatayo ako sa pundasyon na iyong itinanim. 

 Salamat din sa Diyos sa mga pari, mga seminarista, mga tao at mga benefactors dito sa Vicariato ng Taytay, at ng Puerto Princesa din, na naghanda sa ganitong mahigpit na kalagayan. Habang ako ay naka-quarantine tinatanaw ko habang sila ay nagtratrabaho, lalung-lalo na sa kanilang bayanihan na dito ay tinatawag na pagdagyaw o gulpe-mano. Ito ay isang katangian na sana hindi mawala sa atin – ang ating kusang pag-ambag ng panahon at pawis para sa common na mga gawain. 

 Sa mga pagsisikap at excitement na ito sa pagdating ng bagong obispo ay pinapakita kahit na ng mga simpleng mananampalataya ang kanilang paniniwala ng kahalagahan ng pagpapastol sa simbahan. Upang magkaisa ang mga tao, upang sila ay maligtas sa mga panganib, upang sila ay madala sa wastong landas, kailangan ng mga tupa ang pastol. Si Jesus mismo ay dumating upang maging mabuting pastol. Ako ay lubhang nagpapasalamat kay Fr. Reynante Aguanta sa pangangalaga ng tupa dito sa Apostolic Vicariate ng Taytay ng halos 3 taon bilang administrator. Salamat Fr. Rey at salamat din sa mga members ng inyong board of consultors at mga katulong na mga pari. Napangalagaan ninyo ng mabuti ang tupa kahit wala pang obispo. 

 Ang mga matingkad na katangian ng mabuting pastol ay ang pagkilala niya sa kanyang mga tupa at ang pag-aalay ng kanyang buhay para sa kanila. Narinig natin ang sinabi ni Jesus: “Ako ang mabuting pastol. Kilala ko ang aking tupa at kilala din nila ako tulad ng pagkakilala ng Ama sa akin at pagkakakilala ko sa Ama. At iaalay ko ang aking buhay para sa aking tupa.” Sa mga nakaraang araw kinausap ko nang isa-isa ang mga pari at nag-usap din kami ng sama-sama upang alamin mula sa kanila ang kalagayan ng simbahan dito. Hindi pa lang ako makakalapit sa mga lay leaders dahil sa mga pagbabawal ng protocol, pero balak ko ring bisitahin at kausapin sila. Hindi lang ako sasawsaw sa kalagayan ng mga local na simbahan; balak kong bumabad sa kanila, lalo na sa kalagayan ng mga nasa tabi-tabi o nasa laylayan ng lipunan. Sana po tanggapin nyo rin ako. 

 Ang mabuting pastol ay nag-aalay ng kanyang buhay upang ang mga tupa ay magkaroon ng kaganapan ng buhay. Itong pag-aalay ng buhay ni Jesus ay ginagawa natin tuwing tayo ay nagdiriwang ng misa. Sinasabi ng pari sa ngalan ni Jesus: “Ito ang aking dugo na ibubuhos alang-alang sa inyo.” Tuwing ako ay nagmimisa at binabanggit ko ang mga salitang ito pinapaalalahanan ako na hindi ko lang binabanggit ang salita ni Jesus ngunit ito ay dapat ko ring gawin ng totoo. Para sa inyo na ako ngayon. Sisikapin kong ibuhos ang aking sarili sa inyo. Hindi ako pipigil na magsasalita at kikilos upang iligtas kayo sa panganib at sa mga panlilinlang. 

 Mabuti at nandito rin ang ibang mga leaders ng lalawigan ng Palawan at ng mga lunsod ng bikaryato. Binibigyan kong halaga ang inyong presensiya. Salamat po sa pagdalo. Ibig kong makipagtulungan sa inyo para sa ikabubuti ng pamayanan. Pero sana maintindihan ninyo na kung minsan makakarinig kayo ng mabibigat na puna galing sa akin; hindi iyan nangangahulugan na tinitira ko kayo personally. Maging professional at mature lang tayo. Ang aking magiging layunin lamang ay liwanagan ang mga tao sa katotohanan, isulong ang katarungan, pangalagaan ang kalikasan na biyaya ng manlilikha para sa lahat at hindi lang sa iilan, at panindigan ang karapatan ng bawat isang tao sapagkat ang bawat isa ay mahalaga. Oo, mag-uusap tayo ng personal at ako mismo ay gustong magkaroon ng personal na ugnayan sa inyo kasi tayo ay magkakapatid sa paglilingkod at marami naman sa inyo ay mga Kristiyano din, pero kailangan ko ring magsalita sa publiko upang ang mga tao ay magabayan. Muli, salamat po sa inyong pagdating. 

 Ang aking motto na Fides in Caritate ay galing sa narinig natin sa ating ikalawang pagbasa. Ang mga tao noon sa Galatia ay nalilito. May mga nagsasabi na kailangan silang sumunod sa mga batas ng mga Hudyo upang sila ay maligtas. May nagsasabi naman na hindi na ito kailangan. Sinulat ni San Pablo na hindi mahalaga kung ang tao ay tuli o hindi tuli. Ang mahalaga ay ang pananampalataya na napapakita sa pag-ibig. Dinudugtong dito ni Pablo ang pananampalataya sa mga gawa ng pag-ibig. Hindi lang sapat na maniwala sa Diyos. Sinabi ni Santiago na ang Diablo mismo ay naniniwala sa Diyos at nanginginig pa sa pagbabanggit ng pangalan niya. Pero ang pananalig sa Diyos na walang pag-ibig ay patay. Nararamdaman ang pananampalataya sa mga gawain ng pag-ibig. Gusto kong ito ay palagi kong ma-alaala. Balewala ang pananampalataya na hiwalay sa pag-ibig. Kahit na ako ay may malaking pananampalataya na masasabi ko sa bundok na ito na tumalon ka sa dagat at iyan ay sumunod sa akin, kung wala naman akong pag-ibig, wala iyang pakinabang. Kaya hindi napapakinabangan ang mga dasal natin ng Santo Rosaryo o ang pagsisimba natin o ang pagbabasa natin ng Bible kung hindi natin natutulungan ang nangangailangan, o napapabayaan natin ang pinagsasamantalahan, o hayaan natin na linlangin at iligaw ang mga simpleng tao. 

 Isang salita na mula ngayon ay inyong maririnig ay synod o kaya synodality. Iyan ang magiging paksa ng pagpupulong sa Roma sa susunod na taon. Ang synodality ay isang mahalagang katangian ng simbahan. Ang ibig lang sabihin niyan ay sama-samang paglalakbay. Bilang simbahan sama-sama tayong maglalakbay – ako, ang mga pari, ang mga madre, ang mga laiko, ang mga kabataan, ang mga politico, ang mga negosyante, ang mga Tagbanwa, ang mga mayayaman, ang mga mahihirap. Lahat tayo ay simbahan. Tayo ay sama-samang naglalakbay patungo sa paghahari ng Diyos sa mundong ito. Hindi tayo makakapunta sa kanyang kaharian sa langit kung hindi tayo sama-samang nagtatayo sa kanyang paghahari dito sa lupa. 

 Ngayon ay kapistahan ni San Ezekiel Moreno, ang unang parish priest dito sa Palawan noong itinatag niya ang Parokya ng Puerto Princesa. Bata pa siya noong siya ay dumating sa Pilipinas noong 1870, at the age of 22 years old, at dito nga siya naordinahan. Marami siyang pinaglingkuran dito sa Pilipinas – sa Iloilo, sa Negros, sa Mindoro, sa Las Pinas, sa Batangas, sa Cavite, at sa Palawan kung saan muntik na siyang mamatay dahil sa malaria. Bumalik uli siya sa Espanya upang magserve sa pamunuan ng kanyang order, ang Agustinian Recollects. Mula doon pinadala uli siya sa Colombia kung saan siya itinalaga na Obispo noong 1893 sa isang Apostolic Vicariate doon. Namatay siya sa Espanya noong 1906, at the age of 58, habang siya ay nagpapagaling sa cancer. Isang masipag at matapang na misyonero si San Ezekiel Moreno na noong panahon na wala pang eroplano ay tinawid niya ang Pilipinas sa Asia, ang Espanya sa Europa at ang Colombia sa South America, para sa kaharian ng Diyos. Isa siyang mabuting pastol na nag-alay ng buhay niya para sa tupa. Ako ay inordinahan na obispo sa San Ezekiel Moreno Parish sa Macarascas Puerto Princesa 15 years ago sa araw na ito. Salamat sa Diyos! San Ezekiel Moreno, ipanalangin mo ako! Gabayan mo ako na maging mabuting pastol dito sa Northern Palawan. Bishop Broderick Pabillo

Sunday, April 11, 2021

Divine Mercy Sunday



Homily April 11, 2021 Year B Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20: 19-31 

 Isang linggo na ang Easter. Marami na tayong binati ng Happy Easter. Ano ba itong Easter, itong Muling Pagkabuhay? Ano ba ang kabuluhan nito para sa ating buhay? 

 First of all, we must remember that Easter is a Christ event. Ito ay nangyari kay JesuKristo. Siya na pinatay sa Kalbaryo ay muling nabuhay. That was a historical fact. Hindi iyan kathang isip lang ng mga alagad o haka-haka lang ng mga tao. Ang libingan ay walang laman at ang namatay ay nakita ng mga tao. Kaya walang laman ang libingan kasi nabuhay ang nakahiga doon. 

 Sa ating ebanghelyo pinakita ni Jesus kay Tomas ang kanyang kamay na nabutas ng pako at pinahipo ang kanyang tagiliran na tinarakan. The one that was pierced was the one standing before them. Ito ay concrete proof that he is risen. 

 Pero ang pagkabuhay ay hindi lang isang pangyayari kay Jesus. Ang pangyayaring ito ay nagdala ng pagbabago sa mga tao na tumanggap sa kanya, at malaking pagbabago! Pinakita ito sa ating unang pagbasa tungkol sa unang mga Kristiyano. Hindi na sila makasarili. Ang kanilang pagkakaisa ay hindi lang sa damdamin at sa isip. Naging kongkreto ito. Nagbabahaginan na sila sa kanilang ari-arian. Wala nang mahirap sa kanila kasi wala ring mayaman. Ang mayroon ay pinagbibili ang kanilang ari-arian at ibinibigay ang pinagbilhan sa mga apostol na sila naman ang nagbabahagi sa mga may kailangan sa kanila. Each gave according to one’s ability and each received according to his need. Ito ang ideal ng communism! Ang pagkakaiba lang sa mga komunista ngayon ay hindi ito pinapatupad ng Partido kundi kusang ginagawa ng mga members dahil sa ang lahat ay ginagabayan ng kapangyarihan ng muling nabuhay. This equality is a fruit of faith and not of force. Kaya naging makapangyarihan at kapani-paniwala ang pahayag ng mga apostol – hindi dahil sa magaling silang magsalita kundi dahil nakita ng mga tao na kakaiba ang pamumuhay ng Christian community. The power of the resurrection was operative in the Community. Ipakita din natin ito ngayon. Sa ating pagkakawanggawa, sa ating generosity, pinaparamdam natin sa mundo na buhay si Jesus. Tinatanggal niya sa atin ang kadena ng takot para sa kinabukasan at ng pagkamakasarili. 

 Isa pang resulta ng pagkabuhay ni Jesus ay ang kapatawaran. Napatawad na ang ating mga kasalanan. Kung si Jesus ay namatay sa krus, nag-alay ng kanyang sarili sa krus, at doon lang nagtapos ang kwento, na siya ay namatay para sa atin, hahangaan natin siya. Talagang mahal niya tayo. Pero hindi natin malalaman kung mabisa ba ang kanyang pag-aalay. Oo, binayaran niya ang ating kasalanan. Tinanggap ba ng Diyos ang bayad? Kaya sinabi ni San Pablo na kung si Jesus ay hindi nabuhay, tayo ang pinaka-kawawa sa lahat kasi nasa kasalanan pa rin tayo. Hindi naman natanggal ang ating kasalanan. Dahil sa pagkabuhay ni Jesus, nalaman natin na mabisa ang kanyang pag-aalay. Talagang napagtagumpayan niya ang kasamaan. Napatawad tayo sa ating kasalanan! Malaya na tayo sa kapit ng kasamaan! 

 Kaya noong si Jesus ay unang nagpakita sa kanyang mga alagad, ang unang regalo niya sa mga alagad ay ang Espiritu Santo na nagbibigay ng kapangyarihan na magpatawad. Hindi lang tayo napatawad. Ibinahagi pa rin niya sa mga apostol ang kapangyarihan na magpatawad sa ngalan ng Diyos. Dito pinapakita sa atin na ang tagumpay sa kasamaan at kasalanan ay nasa pagpapatawad. Kaya nga ngayong Sunday, ang unang Linggo ng panahon ng Easter, ay Divine Mercy Sunday. Ang kapistahang ito ay nagpapakita ng buong kahulugan ng pagpapakasakit, pagkamatay at pagkabuhay ni Jesus; sa maiksing salita, ang Paschal Mystery. All of these took place because of God’s mercy. Hindi ito nangyari dahil sa nagpakabait na ang tao. Ito ay nangyari dahil sa habag ng Diyos. Naawa ang Diyos sa atin. Napagtagumpayan ang kasamaan ng tao ng Habag ng Diyos. 

 Tuwing tayo ay nagpapatawad, tuwing tayo ay humingi ng tawad, tayo ay nakikiisa sa kapangyarihan at tagumpay ng pagkabuhay. Ang patawad nga ang solusyon sa kasamaan at hindi ang parusa. Kaya naman ng Diyos na magpadala ng mga anghel upang parusahan tayo sa ating kasalanan. Pero hindi! Pinadala niya ang kanyang kaisa-isang anak upang tayo ay kahabagan at patawarin. 

 Kailangan natin itong matutunan at ipahayag sa panahon natin kasi kahit na 500 taon nang nandito sa atin ang pananampalatayang Kristiyano, itong pinakasentro ng pagkakristiyano ay hindi pa natin natutunan. Pahapyaw pa lang ang ating pagiging kristiyano. May mga naniniwala pa, (kung maniwala tayo sa surveys ay marami pa ang naniniwala), na pagparusa ang solusyon sa kasamaan, at hindi pagparusa upang ituwid ang masama, kundi pagparusa na siya ay patayin – na bawian siya ng buhay at hindi ituwid ang kanyang buhay. Nakikita natin ito sa mga Kristiyano, at gumagamit pa ng Bibliya, upang isulong ang death penalty. Maliwanag ang sinabi ng Diyos: “I do not want the death of the wicked, but that he may turn back and live.” Kaya sinasabi ko po sa inyo – hindi kayo tunay na kristiyano kung naniniwala at isinusulong ninyo ang death penalty! 

 Masama ang Extra Judicial Killing sa mga drug addicts at rebelde. Ang Extra Judicial killing ay ang pagpatay na walang imbestigasyon ayon sa ating batas. Ang police at ang military na ang nag-aakusa at sila pa rin ang nagpaparusa, at ang parusa pa ay kamatayan. Hindi ba kayo nagtataka na ang lahat na sinasabi na nanlaban ay patay? Wala mang sinasabi na nanlaban na nasugatan lang. Talagang ang intensiyon ay patayin sila at hindi lang dakpin? At ang lalo pang masama, may mga Pilipino, at Kristiyano pa, na sumasang-ayon sa ganitong pamamaraan. Drug addict kasi eh! Rebelde kasi eh! Sino ang nagsabi? Nasaan dito ang habag? Nasaan dito ang awa? 

 Mga kapatid, tayo ay mga kristiyano dahil tayo ay kinaawaan ng Diyos. Wala namang isa sa atin ang makasasabi na wala akong kasalanan at karapat-dapat akong kristiyano! Lahat tayo ay may kasalanan, at lahat tayo ay nandito, nagsisimba at nagdarasal dahil kinahahabagan tayo ng Diyos. Kaya nga namatay si Jesus para sa bawat isa sa atin. Hingin natin kay Jesus ngayong Linggo na itanim din sa atin puso ang habag, na bigyan din tayo ng kapangyarihan na magpatawad sa nagkakamali sa atin at sa nagkakamali sa lipunan. Ang habag ang tagumpay natin sa kasamaan. Pinakita ito ni Jesus sa kwento ni Tomas. 

 Mayabang si Tomas. Kahit na nagpatotoo na ang mga kasama niya na nakita nila si Jesus, ayaw niyang maniwala. Mayabang pang sinabi: “Unless I see the mark of the nails in his hands and put my finger into the nail marks and put my hand into his side, I will not believe!” Nakaka-insulto ang kayabangan niya, di ba? Pero noong nagpakita uli si Jesus at si Tomas ay present na, hindi pinarusahan ni Jesus si Tomas o itiniwalag. Alam na alam ni Jesus ang sinabi niya at tinanggap ni Jesus ang kanyang hamon. “O sige, tingnan mo ang aking kamay. Sige, isuot mo ang iyong kamay sa aking tagiliran.” Binigyan ni Jesus ng pagkakataon si Tomas, at napaluhod siya at sa kanyang bibig nanggaling ang pagkakilala sa kanyang pagka-Diyos: “My Lord and my God!” Dahil sa pinagbigyan ni Jesus, nagbago si Tomas – mula sa hambog na tao naging mapagkumbabang mananampalataya. Nagtagumpay ang habag sa kayabangan! 

 The resurrection is not just an event that happened once upon a time. It is a continuing reality because its power is operative till the end of time. Kahit na masama ang ating kalagayan, kahit na nandiyan at parang nakaugat ang masasama, kahit na lumalakas ang pandaraya, patuloy tayong manindigan, patuloy tayong tumulong sa nangangailangan, patuloy tayong magpatawad. Kaya hindi tayo nagpapadala sa galit, sa takot, o sa kawalang pag-asa. Ang ating tagumpay sa mundo ay ang ating pananampalataya na si Jesus ay anak ng Diyos at siya’y muling binuhay ng Diyos. Dahil siya ay buhay, nakasisiguro na tayo ng tagumpay. Mahabagin ang Diyos. May awa ang Diyos! 

 Bishop Broderick Pabillo

Sunday, April 4, 2021

Easter Sunday

Homily,   April 4, 2021 Year B Acts 10:34.37-43 1 Cor 5:6-8 Jn 20:1-9 

 The Lord is risen! Alleluia! Ito po ang pagdiriwang, ang dakilang pagdiriwang, ang pinakadakilang pagdiriwang ng tagumpay ni Jesukristo. Binuhos na ng kasamaan ang lahat ng lakas niya. Pinatay niya sa Jesus at totoong namatay ni Jesus, pero bumangon siyang muli. Siya ay muling nabuhay! Wala nang ibang lakas pa ang kasamaan. Talagang natalo ni Jesus ang Diyablo. Noong unang nagkasala ang tao sinabi ng Diyos sa ahas: “ I will put enmity between you and the woman, and between your offspring and hers; he will strike at your head, while you strike at his heel.” (Gen. 3:15) Talagang inapakan na ni Jesus ang ulo ng ahas. "Death is swallowed up in victory. Where, O death, is your victory? Where, O death, is your sting?" (1 Cor. 15:54-55) …. “Thanks be to God who gives us the victory through our Lord Jesus Christ.” (1 Cor. 15:57) Kaya ngayon ay ang araw ng tagumpay. 

 Ang muling pagkabuhay ay hindi inaasahan. Si Maria Magdalena ay pumunta sa libingan upang dalawin ang patay. Pero wala doon ang bangkay. Ang kanyang sumbong kay Pedro ay kinuha ang bangkay at hindi niya alam kung saan dinala. Ang bangkay ang hinahanap niya. Napakadakila ng resurrection pero wala tayong actual witness of the act of the resurrection. Ang pinakamalapit na patotoo ay sa ebanghelyo ni Mateo na kanyang sinulat: “And behold, there was a great earthquake; for an angel of the Lord descended from heaven, approached, rolled back the stone, and sat upon it. His appearance was like lightning and his clothing was white as snow. The guards were shaken with fear of him and became like dead men.” (Matt. 28:2-4) Ang nakita ng mga bantay ay ang anghel, hindi naman si Jesus. 

 Ang pinaka physical evidence ng pagkabuhay ni Jesus ay ang empty tomb. Walang laman ang libingan. Wala ang bangkay pero nandoon ang mga pinambalot sa bangkay. Ang akala ni Maria Magdalena ay kinuha ang bangkay. Ang sabi ng mga punong sacerdote at ng matatanda ng bayan sa mga guardia na ibalita sa mga tao na ninakaw ng mga alagad ni Jesus ang bangkay. They have to explain away the phenomenon of the empty tomb. Ang sabi ng anghel sa mga babae, “Pumunta kayo rito upang hanapin ang ipinako sa krus. Wala siya rito, tingnan ninyo ang kinalagyan niya. Siya ay muling nabuhay ayon sa kanyang sinabi.” 

 Ano pa ang ibang ebidensya na siya nga ay muling nabuhay? Hindi ito bunga ng hakahaka ng mga nagmamahal sa kanya kasi sila mismo ay hindi umaasa nito and their initial reactions were fear and disbelief! Ang ebidensya para sa kanila ay nagpagkita ang Panginoon sa kanila. Kaya ang balita ni Maria Magdalena ay: “Nakita ko ang Panginoon.” Ang sabi ng mga alagad ay: “Nagpakita siya kay Simon Pedro.” At ganoon din: “We have seen the Lord.” Hindi lang nakita. Nakikain pa kasama nila. Iyan ang patotoo ni Pedro na ating narinig sa ating unang pagbasa: “This man God raised (on) the third day and granted that he be visible, not to all the people, but to us, the witnesses chosen by God in advance, who ate and drank with him after he rose from the dead.” (Acts 10:40-41) 

 Pero ilan lang ang nakakita kay Jesus na muling nabuhay? Sinulat ni San Pablo na nagpakita si Jesus kay Simon, sa 12 apostles, sa mga limang daang katao at sa kahulihulihan sa kanya mismo. Ilan lang sila? Pero ang pinakatanda ng muling pagkabuhay ay ang pagbabago ng mga alagad ni Jesus. Ito ay nakikita ng lahat ng tao. Hindi lang si Jesus nagbago; ang mga naniniwala sa kanya ay nagbago din – at malaking pagbabago! Sila ay mga probinsyano, walang pinag-aralan, takot at duwag pero dahil sa kapangyarihan na galing kay Jesus na muling nabuhay naging matapang sila at masigasig na nagpahayag, na nasabi pa nila sa kanilang mga leaders sa Sanhedrin: “Mas dapat kaming sumunod sa Diyos kaysa inyo. Hindi kami makakapanahimik. Dapat naming sabihin ang aming nakita at naranasan.” 

 Ang kapangyarihan na bumuhay kay Jesus ay nasa atin din hanggang ngayon. Sinulat ni San Pablo: “You were buried with him in baptism, in which you were also raised with him through faith in the power of God, who raised him from the dead.” (Col. 2:12) Ito ay napatunayan sa kasaysayan. Saan nanggaling ang lakas ng mga ordinaryong tao, ng mga bata at mga babae na mag-alay ng kanilang buhay dahil kay Jesus? Nagtataka ang tao na ang mga Kristiyano ay umaawit at ngumingiti na hinaharap ang mga leon, na sila ay sinusunog sa mga poste, at isa-isang sinasaksak. Saan nanggaling ang tapang ng mga misyonero na pumunta sa mga hindi alam na mga lugar at mga tao at magsalita tungkol kay Jesus? 

 At sa ating panahon ngayon: saan nanggagaling ang lakas ng loob ng mga ordinaryong manggagawa, ng mga katutubo, ng mga urban poor, ng mga mangingisda ngayon na patuloy na manindigan sa kanilang karapatan at mag-organiza sa harap ng red-tagging at pagpapaslang ng makapangyarihang military structures? Ang lakas na iyan ay galing kay Jesus na muling nabuhay. Hindi iyan matatalo ng mga nagpapapatay sa kanila. O death where is your victory? Saan nanggaling ang patuloy na pagsisikap ng mga tao kahit na walang kinahihinatnan ang mga strategies na ginagamit na supilin na ang Covid 19? Hindi nawawalan ng pag-asa ang mga tao. Patuloy silang nakikibaka. Iyan po ay galing kay Jesus na muling nabuhay. Ang lahat ng pagsisikap para sa buhay, para sa katotohanan, para sa pag-ibig at katarungan – iyan ay galing kay Jesus na muling nabuhay. Patuloy na lumalawak ang gawaing pagliligtas ni Jesus, namamalayan man natin ito o hindi. Kumikilos siya sa atin. Buhay si Jesus! Kumikilos siya! 

 Ngayong araw ginugunita at ipinagdiriwang natin ang 500 taon ng pagkilos ni Jesus sa ating bansa. Today is the official opening all over the country of the 500th anniversary of Christianity in our land Tayo ay mga kristiyano hindi lang dahil sa mga misyonero o sa mga kastila. Marami rin silang kapalpakan at pagsasamantalang ginawa. Pero sa kabila nito, tinanggap, pinanghawakan at tinanim ang pananampalataya kay Kristo sa ating kapuluan. Ang ating pagiging Kristiyano ay talagang gawain ng Diyos. Kaya ang unang damdamin na bumubukal sa ating puso ay “Salamat sa Diyos!” 

 Ngayong araw binubuksan na natin ang ating 500 years commemoration ng pagdating ng pananampalataya. Sa lahat ng mga dioceses binubuksan ang mga jubilee doors ng mga Cathedrals. Kaya kahit na nasa ECQ tayo dito sa Maynila, nakikiisa tayo sa buong bansa na bubuksan ang ating Jubilee Door. Ang Jubilee Door ay ang sagisag ng mga biyaya na mapapasaatin kapag tayo ay pumasok sa simbahang ito, isa sa 12 jubilee churches o pilgrim churches na pinagkaloob ng Roma sa ating archdiocese. Sa mga susunod na araw bubuksan din natin ang mga jubilee doors ng iba pang mga pilgrim churches. Inaanyayahan tayong pumasok sa mga simbahan, doon magsisisi, doon magdasal at tumanggap ng bendisyon ng Diyos. Buong taon po natin matatanggap ang indulgences sa mga jubilee churches. Let us schedule our visits to these churches when the restrictions are relaxed. 

 The more difficulties we meet, the more we cling to God’s grace and power. Naranasan po natin sa pandemic na ito na mahina pala ang kapangyarihan ng science, hindi mahanapan ng solusyon ang sakit na ito kahit na binubuhusan ng billions of dollars sa research. Mahina pala ang kapangyarihan ng business. Marami ay nagsasara na. Mahina pala ang namumuno sa atin. Matapang lang magsalita at magbanta, wala namang magawa sa ikabubuti natin. Mas lumalala pa. Pinabayaan na natin ang Diyos noon. Isinantabi natin siya. Subukan naman natin ang kanyang kapangyarihan. Kumilos tayo ayon sa kanyang paraan. Mamatay sa kasamaan upang mabuhay sa Diyos. Itakwil si Satanas at ang kanyang mga pamamaraan tulad ng kasinungalingan, pagpatay at pagkamakasarili at kumapit tayo sa Diyos. Hindi masasayang ang ating effort na sumunod sa Diyos. Iyan ang leksyon ng resurrection.

Saturday, April 3, 2021

Easter Vigil

Homily April 3, 2021 Year B 9 scriptural readings 

 Ngayong gabi po ang pinakamahalagang gabi ng ating kaligtasan. Gabi, kasi dapat sa gabi ginagawa itong Easter Vigil celebration. Nag-aadjust lang tayo dahil sa curfew. Ito iyong gabi na tumawid ang anghel ng kamatayan sa mga bahay ng mga Israelita noong panahon ni Moises. Ligtas ang mga Israelita samantalang sa bawat bahay ng mga Egiptiano ang mga panganay na anak ay namatay. Ito iyong gabi na ang mga Israelita ay tumawid sa Red Sea na hindi nababasa, pero ang mga Egipciano na humahabol sa kanila ay nalunod sa dagat. Tumawid sila patungo sa kalayaan. Ito iyong gabi na ang Panginoong Jesus ay tumawid patungo sa muling pagkabuhay. Ang gabi ng kadiliman, ang kadiliman ng kasalanan at kamatayan ay napagtagumpayan ng liwanag. Darkness fled in front of light, death is overcome by life, evil is banished by love. This is what we celebrate. 

 This is an Easter Vigil. It is a vigil, isang magdamagang gawain. Hindi na natin ito ginagawa nang magdamag ngayon pero mahabahaba ang pagdiriwang natin. Mahaba kasi may apat na bahagi ang ating celebration. Nagkaroon na tayo ng pagdiriwang ng liwanag, kung paano tinalo ng liwanag ang kadiliman. Nasa pagdiriwang tayo ngayon ng Salita ng Diyos. Sa siyam na mga pagbasa tinalunton natin ang kasaysayan ng kaligtasan. Susunod ang pagbebendisyon ng tubig para sa binyag at ang pagsasariwa natin ng ating pangako sa binyag. Dati, ito ang takdang panahon para sa pagbibinyag. Dahil sa pandemia at dahil na rin sa ating 500 years of Christianity commemoration, gagawin natin ang mga binyagan sa April 18, ang ikatlong Linggo ng Pagkabuhay, ang malapit na Sunday sa April 14, na siyang anniversary ng mga unang binyag na ginawa sa Cebu noong 1521. Ang pang-apat na bahagi ng ating pagdiriwang ngayong gabi ay ang Banal na Eukaristiya. Ang bawat misa ay ang pagsasa-ngayon natin ng pagkamatay at pagkabuhay ni Jesus. Patuloy na inaalay ni Jesus ang kanyang sarili upang tayo ay mabuhay. 

 Oo, may apat na bahagi ang ating gawain ngayong gabi, pero talagang naging mahaba ang ating celebration dahil sa mga pagbasa natin. Ginagawa natin ang ating vigil sa ating pagsubaybay sa kasaysayan ng kaligtasan. Hindi basta-basta dumating ang kaligtasan. Hindi ito instant. Ang kasaysayan ay isang proseso, at bahagi tayo sa prosesong ito. Kaya ang daloy ng kaligtasan ay daloy ng kasaysayan natin hanggang ngayon. So this is our story. What we have heard in our readings are not stories of others. We have heard our story. 

 Nagsimula ang kasaysayan ng kaligtasan sa paalaala sa atin sa magandang balak ng Diyos sa atin at sa mundo. So we have heard the creation story. Everything was good and beautiful, coming from a good and loving God. Because of sin, however, the good world and the good relationships have been broken. Pero kaagad nagbalak ang Diyos na aayusin at panibaguhin uli ang lahat. Magpapadala siya ng tagapagligtas na tatalunin ang kasamaan at kamatayan na dala ng kasalanan. Nagsimula ang Diyos sa isang tao, kay Abraham, isang tao na masunurin at may tiwala sa Kanya. Ganoon na lang ang kanyang tiwala sa Diyos na handa niyang ialay ang pinakamalahaga sa kanya, ang kanyang kaisa-isang anak, kung ito ay hinihingi ng Diyos. 

 Lumaki ang pamilya ni Abraham ayon sa pangako ng Diyos. Talagang tapat ang Diyos sa kanyang mga sinabi. Upang iligtas ang pamilya ni Abraham sila ay napapunta sa Egipto dahil kay Jose, na naging prinsipe ng Egipto. Doon sila dumami. Doon din sila inalipin. Doon nila naranasan na ang Diyos nila ay manliligtas. Sa pamamagitan ni Moises sila ay nakalikas sa pagkaalipin sa kanila sa Egipto sa pamamagitan ng maraming kababalaghan. Ngayon ay hindi na sila isang pamilya lang, sila ay isang bayan na nakatipan sa Diyos. They had become a people with a covenantal relationship with their God. 

 Dinala sila ng Diyos sa lupang ipinangako sa kanila. Winarningan sila na kung mananatili silang tapat sa kasunduan nila sa Diyos, kung susunod sila sa kanyang mga utos, mananatili sila sa lupaing iyon na masaya at masagana. Kung hindi, tatalunin sila ng ibang mga tao at aalisin sila sa lupain. Sa mahabang kasaysayan na sila ay pinamunuan ng mga hukom at mga hari, hindi sila sumunod, kahit na paulit-ulit silang pinadalhan ng mga propeta na nagpaala-ala sa kanila ng kanilang kasunduan sa Diyos. Ang Diyos po ay hindi pabaya. True enough, they lost the land and they were reduced as a people. First they were divided into two kingdoms. Then they lost their independence as a people. Their kings were killed or captured and they were exiled to faraway places. Noong nawala na ang lahat, napatanong sila kung nakalimutan na ba sila ng kanilang Diyos. Sinabi ng Diyos sa pamamagitan ni propeta Isaias: “For a brief moment I abandoned you, but with great tenderness I will take you back… In justice you shall be established, far from the fear of oppression, where destruction cannot come near you.” Kaya nga ang panawagan sa kanila ay: “Seek the Lord while he may be found, call him while he is near…. Let the wicked man turn from his thoughts; let him turn to the Lord for mercy, to our God who is generous in forgiving.” 

 Kaya kailangan lang talagang makinig sa Diyos at gawin ang kanyang mga utos. Ang kasaysayan ng Israel ay kasaysayan din natin. Maganda naman ang balak ng Diyos sa atin. Maganda ang Pilipinas. Mapalad tayo na alam na natin ang kalooban ng Diyos; tayo ay mga Kristiyano. Kaya talagang pinasasalamatan natin ang Diyos na pinagkalooban tayo ng pananampalataya. Hindi na natin kailangang hulaan pa kung ano ang kagustuhan niya, kung ano ang paraan upang bendisyonan tayo. Sumunod lang tayo. Kaya nagkaganito na ang ating kalagayan dahil sumusuway tayo sa Diyos. Marami ang nagdurusa sa atin dahil sa bisyo – alak, sugal, droga, walang katapatan sa asawa, pagsuway sa mga magulang, pagkamakasarili, katamaran – lahat iyan ang nagpapahirap sa atin. Ganoon din ang pagsisinungaling. Ganoon din ang hindi paggalang sa karapatang pantao. Ganoon din ang corruption na pagnanakaw sa kaban ng bayan. Ganoon din ang kasakiman sa pera na handang pumatay para lang kumita, handang sirain ang kalikasan dahil sa business. Ang mga ito ay laban sa mga utos ng Diyos. 

 Pero kahit na ganito tayo, nangako ang Diyos na babaguhin niya tayo. Bibigyan niya tayo ng bagong puso. Ibibigay niya sa atin ang bagong Espiritu. Ito ay tinupad niya noong binigay niya sa atin ang kanyang anak na naging tao. We do not deserve Jesus, but he not only came. He died for us para lang mabago tayo. Totoong nabago tayo noong tayo ay bininyagan. Hindi lang tinanggal ang ating kasalanan. Ginawa pa tayo na mga anak ng Diyos. So we now participate in the life of God. This is totally unexpected as his resurrection from the dead was unexpected. Sinosorpresa tayo ng Diyos. Nakakagulat ang kanyang kapangyarihan. Walang imposible sa kanya. May buhay pala sa kabila ng kamatayan. 

 We truly need this message now, tayo na nawawalan na ng pag-asa sa harap ng pandemia. Malubha ang virus na palaging nagbabago, nagmumutate, pero ang tugon ng mga leaders natin ay pareho pa rin – lockdown at curfew. And they expect things will get better, by mandating the same measures that brought us to this sorry state first of all. Pero kahit na nasa ganito tayong kalagayan, huwag tayo mawalan ng pag-asa. Kumikilos ang Diyos. He will not allow sickness and stupidity to have the last say. Our story leads to salvation. This is salvation history. 

 Dahil sa kumikilos ang Diyos, kumilos din tayo, tulad ng mga babae sa ating ebanghelyo. Maagang maaga pa pumunta na sila sa libingan. Dahil sa kumilos sila, sila ang unang nakatanggap ng Magandang Balita at sila pa ang pinagkatiwalaan na dalhin ang Magandang Balitang ito sa mga alagad. Paano tayo kikilos? Magkaisa, magtulungan, mag-encourage sa nawawalan na ng pag-asa, magbigay ng comfort sa mga nalulumbay o naulila. In a word, let us support one another. Help from God will come; meanwhile let us help one another. 

 Dahil sa si Jesus ay muling nabuhay, nagkaroon ng movement. Nabuksan ang libingan. Kumilos ang mga babae, napatakbo ang mga apostol, nagbalitaan ang mga tao, pumunta ang mga alagad sa buong mundo. We need to move. Jesus is risen. Let us allow the energy of the resurrection to move us on.

Thursday, April 1, 2021

Mass of the Last Supper Holy Thursday

Homily April 1, 2021 Ex 12:1-8.11-14 1 Cor 11:23-26 Jn 13: 1-15 We have ended the season of Lent. With the celebration of the Lord’s Supper we start the period of the Easter Triduum, the most important feast in the church. Lent prepared us for this. We celebrate it in three days – this evening till Saturday night. Ito iyong sentro ng misterio pascual, ang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Jesus. Sana po kasama kayo, kahit na online lang, sa tatlong araw na ito na ngayong taon ay gagawin natin ng alas tres ng hapon Special arrangement ito because of the special times. Dapat ang Huling Hapunan ay panahon ng hapunan at ang Easter Vigil ay sa gabi na madilim na. Pero may curfew na kinoconsider tayo kaya inagahan natin. So please remember: three o’clock for three days, today, tomorrow and on Saturday. 

 Ang Huling Hapunan ng Panginoong Jesus ay ang pagdiriwang ni Jesus at ng kanyang mga alagad sa pinakamahalagang hapunan ng mga Hudyo sa kanilang pamilya kada taon. Iyan iyong hapunan pampaskuwa. Doon nagkakatipon ang mga Hudyo sa lamesa upang gunitain ang paglaya nila sa Egipto noong panahon ni Moises. Iyan po iyong binasa natin sa aklat ng Exodo sa ating unang pagbasa. Nagkakatipon ang pamilya na nakahanda nang umalis at pinagsasaluhan nila ang kordero na nilitson. Ang dugo nito ay winisik nila sa mga hamba ng kanilang mga pintuan upang hindi sila pasukin ng kamatayan. The angel of death will pass over them, kaya nga Passover meal partaking of the Passover lamb, not only keeping them from death but giving them the food necessary to cross to freedom. 

 Our second reading is the oldest account of the Last Supper of Jesus. It is not found among the gospels but from the letter of Paul to the Corinthians, which was written some 10 years before the writing of the first Gospel, that of Mark. Dito pinaalalahanan ni San Pablo ang mga Kristiyano ng kahalagahan ng kanilang lingguhang hapunan. Medyo naabuso na ito ng mga kristiyano. Para na lang ordinaryong kainan ang ginagawa nila, na sa halip na magkaisa, sila ay nagkakanya-kanya na. Ang iba ay labis na busog at ang iba ay nagugutom. Nawawala na ang bahaginan. Sinabi ni Pablo na itong ginagawa nila ay tinanggap din niya. Ibig sabihin na ito’y kaugalian na ng mga apostol, na nanggaling pa kay Jesus. May binago si Jesus sa Huling Hapunan sa kinaugalian ng mga Hudyo. Sa halip na makinabang sa karne ng kordero, sila ay nakikinabang sa katawan ni Jesus, sa anyo ng tinapay. Maliwanag ang salita ng Pangioon: “Ito ang aking katawan na para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.” Ang dugo ng nagligtas sa kanila ay hindi na dugo ng kordero kundi dugo ni Jesus. Ito na ang dugo ng bagong tipan na ibinuhos para sa atin. Itong pag-aalay ni Jesus ng kanyang katawan at dugo para sa atin sa hapunan ay magaganap sa susunod na araw sa Kalbaryo. Talagang ang kanyang katawan at dugo ay ibinigay para sa atin. Kaya mahigpit ang kaugnayan ng ating banal na misa sa nangyari kay Jesus sa Kalbaryo. Kaya sa bawat misa natin, nandoon ang larawan ni Jesus na nakapako sa Krus. 

 Ang pinakapagsamba natin sa Diyos ay ang pag-aalay ni Jesus. Sa kalbaryo pinapahiwatig sa atin ang kasamaan ng kasalanan. It brings unnecessary cruel suffering, even to the innocent. But at the same time Calvary stands for God’s commitment to us in love. Tinanggap ni Jesus ang lahat, alang alang sa atin. Si Jesus na nakapako sa krus ay ang pinaka-assurance natin na hindi tayo iiwan ng Diyos, na mahal niya tayo unto death. Sinabi ni San Juan sa ating Gospel: “He loved his own in the world and he loved them to the end.” 

 Isa lang ang pag-aalay ni Jesus sa Kalbaryo. Hindi na ito mauulit. It has eternal value. Sa bawat misa ay pinapasa-ngayon natin, we make present among us the one sacrifice of Jesus Christ. Kaya ganyan kahalaga ang misa sa atin. We come in the presence of the sacrifice of Christ. It is the same sacrifice of Christ in Calvary and on our altars. Kaya, although dahil sa pandemia, nanonood na lang kayo sa mga misa, pero dapat sa puso natin, nandyan iyong desire, iyong pananabik to participate physically in the mass. Our online mass is a poor substitute of the real physical participation in the mass. At the moment we are constrained to watch the online masses, but please do not lose the fire, the desire to be physically present when it is possible, and to really receive the body of Christ into our body. 

 Among the four gospels, only in the gospel of John do we not have the narration of the consecration of the bread and wine. Maaaring hindi na ito isinama ni Juan sa kanyang Gospel dahil sa alam niya na ito ay kasama na sa ibang gospels. Tandaan natin na ang Gospel ni Juan ang huling gospel na isinulat, maaaring some 30 years after the gospel of Mark. Mayroon siyang kuwento ng Last Supper pero sa halip na institution of the Eucharist, siya lang ang may kuwento ng paghuhugas ni Jesus ng mga paa ng mga apostol. 

 Ang paghuhugas ng paa ay ang gawain ng pinakamababang alipin. Kapag may dumadating na bisita, sinasalubong siya ng alipin at hinuhugasan ang kanyang paa bilang tanda ng hospitality. Magandang pansinin ang sinabi ni John: “During supper, fully aware that the Father had put everything into his power and that he had come from God and was returning to God, he rose from supper and took off his outer garments. He took a towel and tied it around his waist.” (Jn. 13:2-4 NAB) Alam ni Jesus ang kapangyarihan na ibinigay sa kanya ng Ama, alam niya na galing siya sa Diyos at babalik sa Diyos. Alam na alam niya ang kanyang kadakilaan, pero hinugasan niya ang paa ng mga alagad niya. Ang kapangyarihan ay ginamit niya hindi upang siya ay paglingkuran at pahalagahan, kundi upang mag serve sa iba, tulad ng pag-se-serve ng isang mababang alipin. Kaya pagkatapos ng paghuhugas, maliwanag na kanyang sinabi na ang ginawa niya ay dapat nilang gawin sa isa’t isa. Ito ay isang halimbawa na dapat nilang sundin. Maghugasan sila ng paa. Mag-serve sila sa bawat isa. 

 May ritual din tayo ng paghuhugas ng paa pagkatapos ng homilia, hindi sa 12 persons pero 4 lang na representatives ng ating panahon ngayon. Ang isa ay si Fr. Geoffrey Eborda, Jr., isang paring Agustiniano. Ang mga Augustinians ang naunang missionary sa Pilipinas. Parangalan natin ang lahat ng mga missionaries muna noon hanggang ngayon. Si Ms Ruzzel Ramos naman ay isang full time catechist sa Don Bosco Tondo. Kinakatawan niya ang mga magulang, guro, mga lolo’t lola at mga katekista na nagbabahagi ng pananampalataya sa susunod na generasyon. Si Mr Roman Garry Lazaro ay isang kabataan dito sa social media work ng Cathedral. Siya ang representative ng mga kabataan at social media missionaries na nagpapaabot sa atin ng mga banal na pagdiriwang sa mga online facilities. Si Sr. Venus Marie Pegar ay isang madre ng Sisters of St. Francis Xavier na tinatag ni bishop Alexander Cardot ng Yangon Myanmar. Nakikiisa tayo sa mga taga-Myanmar na nakikibaka ngayon para sa democrasiya at tunay nakapayapaan. 

 Ang paghuhugas ng paa ay ang katumbas para kay Juan ng institution of the Eucharist. In fact ito ang kahulugan ng Eucharist – si Jesus na nag-aalay ng sarili, kaya dapat din tayo mag-alay sa isa’t isa. Kung totoo ang pagtanggap natin kay Jesus sa Banal na Communion, dapat din natin gawin ang ginawa niya. So the Holy Mass for us is not just a ritual, but it is a commitment. Dito papasok uli ang ating paksa sa taong ito: Gifted to Give. We are gifted by Jesus with his body and blood, let us also give to others by serving them and sharing with them. 

 Pagkatapos ng huling hapunan pumunta si Jesus sa Garden of Gethsemani, at doon sa matinding panalangin tinanggap ni Jesus ang kalooban ng Ama para sa kanya. Bukas mararanasan natin ang pagpapakasakit ni Jesus. Nagtataka ang tao kay Jesus, tulad ng nagtataka si Pilato at si Herodes na kalmado siya sa harap ng mga akusasyon at pag-aabuso sa kanya. Jesus did not struggle anymore. He struggled on the Mt. of Olives in Getsemani. Ganoon katindi ang kanyang struggle na sinulat ni San Lukas: “He was in such agony and he prayed so fervently that his sweat became like drops of blood falling on the ground.” (Lk. 22:44) Tinanggap niya doon ang kalooban ng Ama, at mula noon mapayapa na ang loob niya, tinanggap na niya ang lahat ng pasakit sa kanya. 

 Ang ating misa ngayong gabi ay wawakasan natin ng pagsama sa Panginoon Jesus sa kanyang pagdarasal sa Jarden ng Getsemani. Sana hindi niya sabihin sa atin ang sinabi niya kay Pedro at sa kanyang mga kasama: “Hindi ninyo ba ako masasamahan ng isang oras man lang sa pagdarasal? Pray that you will not fall to the test.” Kaya mayroon po tayong pagtatanod ng isang oras together with Jesus in the Blessed Sacrament as we end this mass. Join us and join Jesus, kahit online sa isang oras ng panalangin. 

Wednesday, March 31, 2021

Chrism Mass

Homily March 31, 2021 Is 61:1-3.6.8-9 Rev 1:5-8 Lk 4:16-21 

 Man proposes, God disposes. Nagplaplano ang tao pero ang Diyos naman ang gumagabay ng pangyayari. Ang ganda ng plano naming mga pari mga tatlong buwan nang nakaraan. Ngayong March 31 ay ang ikalimang daang anibersaryo ng unang misa na ginawa ng grupo ni Magellan sa Limasawa noong 1521. Easter noon. Kaya ang first Easter mass sa Pilipinas ay nangyari noong March 31, 1521. Ngayong taon, ang Easter ay April 4, kaya itinakda ng CBCP na bubuksan natin sa buong bansa ang commemoration ng 500th anniversary ng Christianity sa April 4, 2021. Sa araw na ito bubuksan na ang mga jubilee doors ng lahat ng Cathedrals sa mga dioceses sa buong bansa. Dito magsisimula ang ating 500th anniversary celebration. 

 Pero ano ang mangyayari ngayong March 31? Dito sa Maynila nagkasundo na ang mga pari na sa araw na ito ay ipagdiriwang natin ang Chrism mass. Ito ay ang pagbebendisyon ng langis para sa mga may sakit, ang langis na ginagamit sa mga Catechumens at ang Banal na Krisma, ang mahalimuyak na langis na ginagamit sa binyag, sa kumpil at sa pag-oordena. Kadalasan ito ay ginagawa sa umaga ng Huwebes Santo at kasama sa pagbebendisyon ng mga langis ay ang pagsasariwa ng mga pangako ng mga pari sa harap ng kanilang obispo. Ito ang itinuturing nating pista ng mga kaparian. Nagkakatipon ang lahat ng mga pari sa harap ng kanilang obispo upang ipakita ang pagkakaisa ng mga kaparian. Iisa lang ang pagpapari ng lahat. Ito ay ang pagpapari ni Kristo at ang punong pari nila sa isang diocese ay ang kanilang obispo. 

 Kaya maganda ang plano, bilang paggunita natin ng first mass sa bansa magkakatipon ang lahat ng mga pari sa Archdiocese of Manila para sa Chrism Mass na ililipat natin mula sa Holy Thursday papunta sa Holy Wednesday, ngayong araw, March 31. Ang hindi inaasahan ay lalala ang pagkalat ng Covid 19. Kaya ngayon nasa ECQ uli tayo. Bawal na ang malalaking pagtitipon. Kaya may dali-daling pagbabago; ilipat na lang ang pagsasariwa ng mga pangako ng mga pari sa pagdating ng bagong arsobispo natin. Kung kailan man iyan ay hindi pa natin alam. Ipagpatuloy na lang ang Chrism mass kahit walang mga pari at mga tao. Kailangan kasi ang banal na mga langis sa pagbibigay ng mga sakramento. Ang mga langis na bebendisyunan sa misa ngayon ang ibabahagi sa mga parokya upang gamitin nila sa sakramento ng pagpapahid ng banal na langis sa mga may sakit, at ang krisma naman ay gagamitin sa binyag at sa kumpil. Kahit na simple na lang ang Chrism mass natin, ito ay nilalahukan naman ng marami sa ating online platforms. Salamat sa iyong pagdalo sa misang ito. Kaya, man proposes, God disposes. 

 Ang langis ay isang ordinaryo pero mahalagang gamit sa pang-araw-araw na buhay. Ang langis na ginagamit noon sa Palestina sa lugar ng mga Hudyo ay galing sa olibo. Ginagawang langis ang mga bunga ng olibo, pinipiga ang mga ito. Ito ay ginagamit sa pagkain, ginagamit na pampaganda, ginagamit bilang pampalusog at pampasigla ng katawan, tulad ng sa pagmamasahe, at ginagamit din sa pagbabanyos sa mga may sakit. Kaya ang langis ay naging tanda ng kasaganahan, ng kalakasan, at ng kagalingan. 

 Kaya ang tanda ng pagbibigay ng grasya sa mga may sakit ay pagpapahid ng langis sa kanila. Ito po ay sakramento para sa may sakit, hindi sa mga naghihingalo na. Kaya kapag malubha na ang kalagayan ng isang tao maaari na siyang bigyan ng sakramento para sa may sakit para gumaling siya. May kumakalat palang video tungkol sa virtual anointing of the sick. Ito po ay isang paraan ng pagdarasal para sa may sakit pero hindi ito ang sakramento ng pagpapahid ng banal na langis. There is no virtual sacrament of anointing of the sick. Talagang kailangan na mapahiran ng langis ang may sakit ng pari, with the proper prayers, para magkaroon ng sacrament. 

 Tayo ay nilalagyan din ng Banal na Krisma sa sakramento ng binyag at ng kumpil. Naniniwala tayo na si Jesus ay ang Kristo. Ang ibig sabihin ng Kristo ay ang nilangisan, the anointed one. Ang paglalangis ay tanda ng pagtatalaga. At ang pagtatalaga na ito ay ginagawa sa mga hari, mga pari at mga propeta. Ang ating paniniwala ay si Jesus ang hari, pari, at propeta na itinalaga ng Diyos. Dahil sa naniniwala tayo na si Jesus ay ang kristo, kaya tinatawag tayo na mga kristiyano. Hindi lang si Jesus ang nilangisan; tayo rin ay nilangisan. Nakiisa din tayo sa mga gawain ni Jesus bilang mga pari, hari at propeta. Itinalaga din tayo ng Diyos. 

 Bilang pari maaari tayong mag-alay ng sakripisyo na nagpapabanal sa mundo. Nakikiisa tayo sa sakripisyo ni Jesus sa Banal na Misa, at ang ating buhay at mga gawain ay inaalay din natin sa Diyos kasama ng Banal na Misa. So you are able to join in the sacrifice of Christ because you are also priests. Our priesthood as the ordained is meant to serve your priesthood, that is why ours is ministerial priesthood while yours is royal priesthood. Tayong lahat ay mga hari. Our kingship is patterned after the kingship of Christ. We exercise our kingship by service. Maliwanag ang sinabi ni Jesus na ang dakila sa inyo ay ang naglilingkod sa lahat. Ang bawat isa din sa atin ay mga propeta. Ang propeta ay ang nagpapahayag ng salita ng Diyos. Hindi lang tayo tagatanggap ng Magandang Balita. Tayo ay tagapaghatid din ng mensahe ng Diyos sa ating kapwa. We are gifted with the faith in order to give the faith. Kaya bilang mga binyagan tayo ay nagsasalita at naninindigan para sa katotohanan at para sa mga aral ng Diyos. Nakikiisa tayong lahat sa pagpapalawak ng mga aral ni Jesus. 

 Ang ating ebanghelyo ay hango sa unang pagbasa natin na galing sa aklat ni propeta Isaias. Inako ni Jesus na siya ay itinalaga ng Diyos at nilangisan ng Banal na Espiritu upang ibahagi ang mabuting balita sa mga dukha at tumulong sa mga nangangailangan. Tinanggap ni Jesus ang misyong ito na ibinigay sa kanya. Ganyan naman talaga ang buhay niya. Pumunta siya sa maraming lugar ng Galilea upang manawagan ng pagsisisi. Hindi niya hinayaan na puntahan lang siya ng mga tao. Pinuntahan niya ang mga tao at nagsalita sa kanilang mga sinagoga. Ang mga tinulungan niya ay ang mga may sakit, ang mga makasalanan, ang mga inaalihan ng masasamang espiritu. Talagang siya ay para sa mga dukha. Akala ng mga tao na ang kristong darating ay tulad ng mga hari at mga generals nila na siya ay maging matagumpay sa digmaan at maluwalhati. This is not so. Jesus’ manner of being Christ is not of greatness but of service, service to the poor and offering himself so that we may be saved. 

 Mahalagang tandaan ito kasi ang pagka-kristiyano natin ay ayon sa pagkakristo ni Jesus. We too are anointed to bring good news to the poor. Kaya ang ating chrism mass ay nagpapaalaala sa atin sa kahulugan ng ating pagiging mga anointed. We share in the christness of Jesus. Nakikiisa tayo sa pagka-kristo ni Jesus. Tayo rin ay nilangisan. Maging masigla at maging matapang sana tayo sa ating pagiging Kristiyano.

Sunday, March 28, 2021

Palm Sunday

Homily March 28, 2021 Passion Sunday Year B Mk 11:1-10 Is 50:4-7 Phil 2:6-11 Mk 14:1-15:47 

 With our celebration this Sunday we open the Holy Week. Nakakalungkot na ngayong taon, tulad ng last year, kakaiba pa rin ang pagdiriwang natin ng Semana Santa dahil sa pandemia. But the covid virus cannot prevent us from getting in touch with the Lord in a deeper way and in worshipping him these days. Kaya sa halip na malungkot lang, mas planuhin natin kung paano tayo makalapit sa Panginoon sa mga araw na ito kahit na we are limited by the lockdown. 

 Napakayaman po ang mga readings at mga prayers natin sa semana santa. Ikinalulungkot ko na hindi ko matatalakay ang lahat ng magagandang mensahe sa homilia. Maiksi lang ang panahon para sa homily. Kaya I suggest that you do not just depend on the homily to understand the word of God. On your own, take time to read the readings before the mass as a preparation and after the mass as a deepening. Ang inyong pagbabasa mismo ay maraming nang sasabihin sa inyo. Take the homily just as a supplement to the rich nourishment that our Holy Celebrations offer us as found in the readings and in the prayers. 

 This Sunday is known by two names: Palm Sunday and Passion Sunday. Tinatawag itong Palm Sunday o Linggo ng Palaspas kasi sinisimulan natin ang misa sa pag-alaala ng pagpasok ng Panginoong Jesus sa Jerusalem at tinanggap siya nang masaya at maluwalhati ng mga tao. Ang mga palaspas na dali-dali nilang pinutol sa mga puno ay tanda ng kanilang kagalakan sa pagtanggap sa kanya. Tinatawag din itong Passion Sunday o Pagpapakasakit ng Panginoon kasi binabasa natin ang passion narrative, o kuwento ng pagpapakasakit at pagkamatay ng Panginoon. Kaya may dalawang gospel readings tayo: ang isa ay tungkol sa pagpasok ni Jesus sa Jerusalem at ang ikalawa, na mas mahaba, ay tungkol sa pagpapakasakit at pagkamatay niya. Magkaiba ang diwa ng dalawang readings na ito. Masaya ang mga tao sa pagtanggap kay Jesus sa unang gospel reading. Matagumpay ang Panginoon. Siya ay ang matagumpay na leader na tinatanggap ng kanyang kababayan. Kinilala siyang dumadating sa ngalan ng Panginoon, na siya ay ang anak ni David. Tutuparin na niya ang matagal na pangako na itatatag ang kaharian ng Diyos. Sa ating ikalawang gospel reading ang diwa ay lungkot at pasakit. Si Jesus ay kinokontra ng lahat – ng mga leaders ng mga Hudyo, ng mga Roman soldiers, ng mga tao, at pati na rin ng mga tulisan na kasama niyang pinapatay. Parang bigong-bigo si Jesus – nag-iisa, iniwan ng kanyang mga alagad, at nagtapos ang pagbasa sa pagkamatay niya at paglilibing sa kanya. To which do you feel closer this Sunday: to Palm Sunday or to Passion Sunday? Palagay ko hindi tayo makapipili sapagkat ang dalawang ito ay nangyari kay Jesus, at sa pagitan lang ng ilang araw! 

 Marami ang mga personages na involved sa mga pagbasa natin: nandiyan siyempre si Jesus, nandiyan ang mga alagad, ang mga babae, ang mga leaders ng mga Hudyo, si Pilato, ang mga kawal ng Templo at ang mga Romano. Gusto kong bigyan ng focus ang mga tao, ang madla, the crowd. Nandoon sila at mahalaga din ang papel nila, ngunit madalas hindi natin sila napapansin. 

 Noong bata pa ako naitanong ko sa aking sarili bakit naman kay bilis magbago ng madla. Sa Palm Sunday, masaya na kinilala nila si Jesus na galing sa Diyos, na siya ang katuparan ng pangako kay David. Tuwang- tuwa sila na tinanggap siya sa kanilang lungsod. Pero pagkaraan ng ilang araw lang, ang mga tao ay sumisigaw na ipako siya sa krus. Habang pinapasan ni Jesus ang kanyang krus nakita din siya ng maraming tao, pero tiningnan lang at binalewala. Wala silang kibo sa kanyang pagpapasan ng krus. Bakit ganyan kabilis magbago ang mga tao? 

 May iba’t ibang paliwanag. Maaari kaya na iba ang mga tao na tumanggap sa kanya sa Linggo ng Palaspas at iba naman ang madla na sumigaw na ipako siya sa Krus? Maaari! Pero nasaan iyong masayang nagwagay-way ng palaspas noong Linggo? Marami ang mga taong iyon kasi nagkagulo nga ang buong lungsod. Sila ba ay natakot na lang? O sila ba ay hindi na nakialam kay Jesus noong siya ay hinuli na? Nandoon lang sila sa panahon ng ligaya pero nawala noong panahon na ng kagipitan. O sila ay parehong mga tao noong Linggo at noong Biernes? Kung sila din iyon, nagpapadala lang pala sila sa iba. Dahil sa may sumigaw ng Hosanna sa Kaitaasan, sigaw din sila ng Hosanna sa Kaitaasan. Dahil sa may sumigaw na ipako siya sa krus, sigaw din sila na ipako siya sa krus! 

 Mga kapatid, ituring natin ang ating sarili bilang mga nasa madla. Tayo ba iyong mga tao na nagpapadala lang sa ihip ng hangin? We just go with the popular views, or rather with the noisy views. Kung saan ang marami, nandoon tayo, ang malakas na sigaw ay siya ring sigaw natin. Sinulat ng Banal na Espiritu sa Simbahan sa Laodicea sa aklat ng Pahayag: “I know your works; I know that you are neither cold nor hot. I wish you were either cold or hot. So, because you are lukewarm, neither hot nor cold, I will spit you out of my mouth.” (Rev. 3:15-16) Sana po may paninindigan tayo at manindigan tayo. Hindi lang tayo nagpapadala sa iba. 

 Tayo ba iyong madla na hindi nakikialam sa mga pangyayari sa ating lugar? Maaaring natuwa sila noong tinatanggap si Jesus noong Linggo, pero pagkatapos noon nagpatuloy na lang sila sa kani-kanilang pangkaraniwang gawain na hindi nila alam na si Jesus na kanilang kinilala na galing sa Diyos ay hinatulan na pala at pinako na sa krus. Tandaan natin na mabilis ang pangyayari. Hinuli si Jesus noong gabi ng Huwebes at sa susunod na araw noong alas nuebe ng umaga ay ipinako na siya sa krus. Kaya iyong mga tao na hindi listo o walang pakialam, bago nila namalayan, pinatay na ang kanilang hinahangaan. Mabilis kumilos ang masasama. Ayaw nilang mabisto ang kanilang ginagawa. Kaya kung ang mga tao ay walang kibo at hindi listo, magugulat na lang sila tapos na ang lahat. Hindi ba ganyan ang nangyari sa military take over sa Myanmar noong Feb 1? Agad kinulong ang mga leaders na binoto ng bayan at mga generals na ang namuno. Hindi ba ganyan ang nangyari sa pagpasa ng Anti-Terror Law? Habang abala tayo dahil sa Covid 19, inaprobahan na sa congress ang bill at agad pinirmahan ng Presidente? Hindi ba ganyan ang nangyari noong Bloody Sunday noong March 7? Umagang umaga pa pinasok na ang mga bahay at opisina ng mga progressive leaders sa iba’t-bang lungsod ng Southern Tagalog, pinatay ang 9 at hinuli ang iba? Mabilis kumilos ang masama! 

 May bahagi rin ng madla na nagpapasulsol at nagpapabili. Sinulsulan ng mga matatanda ng bayan ang mga tao na sumigaw na si Barabas ang palayain at si Jesus ay ipako sa krus. Ngayon din may mga taong nagpapasulsol, nagpapagamit at nagpapabayad. Sana wala tayo diyan. Pero may mga taong ganyan. Mga tao na hinahakot sa mga rally, mga influencers na nagpapabayad na mag-spread ng fake news, mga tao na nagpapagamit sa panahon ng election – sila iyong namimili at nagpapabili ng boto. 

 Mga tao ang tumanggap kay Jesus at mga tao rin, instigated by the leaders, ang nagpapako sa kanya sa krus. Sana tayo na nagdiriwang ng Semana Santa ay hindi lang lumingon sa nangyari sa ating minamahal na Jesus noon. Tingnan din natin ang ating sarili ngayon. Hindi sana maulit sa atin ang ginawa ng madla, ng crowd noon. Kaya huwag lang tayo maging bahagi ng madla. Maging disciples tayo, at disciples na may paninindigan, hindi nagtatago sa madla kapag nandiyan na ang panganib, at hindi tulad ni Pedro na matapang lang magsalita pero kapag inusisa ay tinatwa na ang kanyang Panginoon. 

 How do we stand by and stand up for Jesus? By building up our convictions. Ito ay nagagawa sa pamamagitan ng malalim na pagninilay so that we know who Jesus is for us, ng vigilance sa mga pangyayari so that we may not be caught off guard, at ng panalangin, upang mapalakas tayo ng Diyos. Kaya sabi ni Jesus sa kanyang mga alagad sa Jarden ng Gethsemani: “Pray that you may not enter into temptation.” Kaya pumasok tayo sa ganitong mga gawain ng pagninilay, pagsubaybay at pagdarasal. The lockdown can help us build up our convictions. Kaya nga sabi ni San Pablo: All things work out for the good, for those who love God. Kahit na ang Semana Santa sa panahon ng lockdown ay may kabutihan ding dinadala.

Sunday, February 14, 2021

Homily February 14, 2021

6th Sunday in Ordinary Time Year B Lev 13:1-2.44-46 1 Cor 10:13-11:1 Mk 1:40-45 

 Happy Valentine’s Day! Iyan ang mga batian ng mga tao ngayong araw. Ito ay araw ng mga puso kasi ang Valentine’s Day ay Araw ng Pag-ibig. Pero anong klaseng pag-ibig? Kapag pinag-uusapan ang pag-ibig sa Valentine’s Day agad na pumapasok sa isip ng mga tao ay ang Romantic Love, pag-ibig ng magkasintahan. Oo, pag-ibig nga iyan, pero hindi lang iyan ang pag-ibig, ni hindi iyan ang pinakamataas na uri ng pag-ibig. Jesus said: “This is my commandment: love one another as I love you. No one has greater love than this, to lay down one's life for one's friends.” (Jn. 15:12-13 NAB) Bilang mga Kristiyano ang modelo ng pag-ibig ay ang pag-ibig ni Jesus. Kaya magmahalan tayo tulad ng pagmamahal ni Jesus. At paano siya nagmahal? Sa pagbibigay ng buhay niya sa atin na kanyang mga kaibigan. That is the origin ng Valentine’s Day. It is the Day of St. Valentine, an early Christian martyr. He gave his life for the faith. Kaya habang ipinagdiriwang natin ngayon ang pag-ibig ng magsing-irog, tandaan natin na hindi lang ito ang pag-ibig. Kaya kahit na wala tayong ka-valentine, may pagmamahal tayo na dapat i-develop at isabuhay. 

 Ngayong panahon ng pandemic, hinihikayat tayong magmahal, magmahal sa mga may sakit at magmahal sa mga marginalized, o isinasantabi. Madalas magkatambal ang dalawang ito: being sick and being set aside. Kaya ang mabigat sa nagkakasakit ay hindi lang na masakit at nanghihina ang kanilang katawan, kundi pati na rin ang damdamin na napapabayaan sila at hindi napapansin. Kaya malaki ang insecurity ng mga may sakit at madali din silang magtampo. 

 Itong dalawang ito: physical pains and being set aside or the feeling of being set aside, ito ay tunay na karanasan ng mga may sakit ng ketong, those who are sick with leprosy. Narinig natin ang protocols na binigay ni Moises tungkol sa mga may sakit ng ketong sa ating unang pagbasa. Ang mga pari ng mga Hudyo ang may tungkulin na mag-usisa kung ang isang tao ay may ketong o wala. Anumang sugat na namamaga, may singaw o may pagbabago ng kulay ng balat ay maaaring i-diagnose na ketong. Hindi naman scientific ang kanilang pagsusuri noon. At kapag napasyahan ng pari na may ketong ang tao, siya ay i-kwakwarantin, ibig sabihin, ihiwalay na sa iba. Nakakadiri ang kanyang sugat at nakakahawa. May mga palatandaan upang malaman ng lahat na siya ay may ketong. Magsusuot siya ng sira at maduming damit, hindi siya mag-aayos ng buhok at tatakpan ang kanyang nguso (kung sa atin pa, magsusuot siya ng face mask) at sisigaw ng Madumi! Madumi! kapag lumalapit ang mga tao sa kanya, para siya ay layuan. Kung napalapit siya sa iba, siya ay babatuhin. Kaya ang mga may ketong ay may physical na karamdaman – may sugat na hindi alam paano pagalingin – at may social isolation! Hindi siya maaaring manirahan kasama ng iba. Kaya sa ating panahon madaling ihambing ang may ketong noon sa may Corona virus ngayon. 

 Si Jesus ay dumating upang magligtas. Bahagi ng kaligtasan ay ang pagpapagaling at ang pag-restore ng pagkakaisa. Sa ating ebanghelyo, narinig natin ang ginawa ni Jesus sa isang taong may ketong. Hinayaan niyang lapitan siya nito, hinipo niya ang tao (in a way he allowed himself to be contaminated), pinagaling at inutusan na pumunta sa pari. Ang pari ang magpapatotoo na wala na siyang ketong. Pagkatapos na mag-alay siya ng sakripisyo sa Diyos, makakabalik na siya sa community. Matatapos na rin ang kanyang social isolation. 

 Lumapit kay Jesus ang taong may ketong ng buong tiwala. Alam niya na hindi siya itataboy ni Jesus, that is why he dared to come close to him. He also believed that Jesus has the power to heal him. “Kung ibig ninyo mapapagaling ninyo ako.” Ang tanong lang ay: Gusto ba ni Jesus na gamitin ang kapangyarihan niya? At napakaganda ng sagot ni Jesus: “I do will it. Be made clean.” Ang magandang balita ay: hindi nilalayuan ni Jesus ang mga may sakit, mga mahihina, mga isanasantabi. May kapangyarihan siya na magpagaling at ibig niya na ang mga tao ay gumaling! Hindi lang na nagpagaling siya. Tinanggap pa niya ang pasakit na para sa atin, inangkin niya ang ating mga sugat, at dahil sa sugat niya tayo ay gumaling. By his wounds we were healed. 

 Sa ating panahon ngayon maraming mga tao na isinasantabi at tinuturing na madumi. Nandiyan na ang mga may covid. Sa halip na damayan at kalingain, ang iba ay sinisisi pa – pasaway kasi at hindi maingat – at nilalayuan. Nandiyan iyong mga may sakit ng HIV and AIDS, nandiyan iyong mga may mental illnesses. Sila ay itinuturing na mahina, na may sapi ng masamang espiritu, na baliw. Itong being ostracized ay hindi lang naman nangyayari sa mga may karamdaman. Nandiyan iyong pinagbibintangan na drug addict. Instead of seeing addiction as an illness, it is being criminalized, and not just criminalized, already judged as guilty and to be killed. Napapakita natin ito sa karaniwang narininig natin. “Bakit siya pinatay?” “Addict kasi eh.” Teka muna. Totoo bang addict siya? At kung addict man siya, dapat bang patayin? Ganoon din ang nangyayari sa red tagging. Porke ba iba lang ang pananaw niya at siya ay tumututol sa mga kalakaran, siya ay komunista na? At dahil siya ay tinuring nang komunista maaari nang hulihin at ipapatay? So we can stretch the mindset of ostracizing people. Jesus has come to bring healing and harmony. Ito ang pag-ibig na pinakita ni Jesus. Remember what he said: “Love one another as I love you.” This kind of love is not romantic love but it is love, and a more demanding kind of love because it is a love that heals and a love that breaks down barriers. 

 Isa pang uri ng pagmamahal ay pinakita sa atin sa ating second reading. Sinabi ni San Pablo: “Whether you eat or drink, whatever you do, do everything for the glory of God!” Paano natin gagawin ito, na magbigay ng papuri sa Diyos? Nagbibigay tayo ng papuri sa Diyos kung hindi tayo galit at may sama ng loob sa iba, bagkus sinisikap natin na masiyahan ang iba. Pinupuri at dinadakila natin ang Diyos kung ang kapwa ay ginagalang at binibigyan ng kasiyahan. Iyan ang ginagawa ni San Pablo. Nag-aadjust siya sa iba. Hindi niya hinahanap ang kanyang kapakanan kundi ang kapakanan ng iba. His life as a real life of service to others so that they may experience the Good News that he is carrying. Iyan din ay pag-ibig. Pag-ibig ito hindi lang sa Valentine’s Day ngunit sa araw-araw. Sana ganyan din ang ating attitude – not to insist on our own way, huwag igiit ang gusto natin, ngunit kung ano ang ikasisiya ng iba. So, love is dying to ourselves to be in harmony with others. With this kind of love we give joy to others and we give glory to God. 

 Nakikita natin na mahigpit ang kaugnayan ng pag-ibig at buhay. Ang tunay na pag-ibig ay nagbibigay ng buhay. Ito ay nagsisikap na magbigay ng kagalingan at ng inclusiveness. Hindi natin isinasantabi ang iba sa buhay natin at sa buhay ng community. Ang tunay na pag-ibig ay nagbibigay ng kagalakan sa iba at umiiwas sa anumang magbibigay ng galit o sama ng loob. Pero kahit sa anong pagsisikap natin, nagkakaroon pa rin ng gusot sa ating relationships – mga di pagkakaunawan, mga pagkakamali, mga bugso ng damdamin. Kaya ang tunay na pag-ibig ay kailangan ng pagpapatawad at paghingi ng tawad. Without forgiveness love will not flourish. Pinakita sa atin iyan ng Diyos. His love for us is mercy. Kaya sabi ni Jesus: Be merciful as your Heavenly Father is merciful. 

 In this Holy Mass, let us thank the Lord for having created us in his likeness. He has created us in love and in order to love. Let us thank the Lord for all our loved ones, that we have others to love. And let us ask him to expand our love not only to the lovable but to those who are sick, who are in need and those who are ostracized. Sana sa lahat ng ginagawa natin mabigyan natin ng papuri ang Diyos sapagkat ang lahat ay ginagawa natin sa kanyang Pangalan, ng may Pag-ibig.

Sunday, February 7, 2021

Homily February 7 2021

5th Sunday in Ordinary time Year B Job 7:1-4.6-7 1 Cor 9:16-19.22-23 Mk 1:29-39 

 Kahapon binuksan na sa Archdiocese of Manila doon sa Manila Cathedral ang ating pagdiriwang ng 500th anniversary ng pagdating ng pananampalataya sa ating bansa. Kinuha po natin ang okasyon ng ika-442 anniversary ng pagtalaga sa Maynila bilang isang diocese, ang pinakaunang diocese sa buong bansa. Bago nito ang buong Pilipinas ay nabibilang pa sa isang diocese sa Mexico. Hindi lang tayo natutuwa na 500 years na tayong Kristiyano. Ito po ay isang commitment din, kaya ngayong taon ang paksa natin ay Year of the Mission. We are gifted to give. Binigyan tayo ng pananampalataya upang ito ay maibahagi rin natin. So we say our YES to the mission. 

 Sa ikalawang pagbasa narinig natin ang commitment ni San Pablo sa pagmimisyon. Sabi niya: Woe to me if I do not preach the Good News. Sa Aba ko, kung hindi ko ipangaral ang Mabuting Balita! Para kay San Pablo ang pagmimisyon ay hindi isang option. Ito ay isang tungkulin na ibinigay sa kanya kasi siya ay katiwala ng Diyos, katiwala ng pananampalataya. Sana ito rin ang tingin natin. We are stewards of the faith, not owners of it. It has been given to us so that we may spread it. Sa totoo lang, nabubuhayan tayo sa pananampalataya kung ibinabahagi natin ito. We do not lose the faith by sharing it. Rather it grows strong in us and multiplies by sharing it with others. Kaya malaking pananagutan kung hindi natin ibinabahagi ang Good News. In fact we have to doubt if we have the Good News if we do not share it because it is the nature of the Good News that it be shared. Kung wala tayong ganang ibahagi ito, baka hindi mabuting balita ang mayroon tayo, baka wala pa tayong relationship kay Kristo. Jesus is not exclusive, na tayo-tayo lang ang nakakakilala. He is expansive; the more the merrier! 

 Paano ba ibinahagi ni San Pablo ang mabuting balita? Natuto siyang makibagay sa mga tao. Para maging katanggap-tanggap ang mabuting balita, naging mahina siya sa gitna ng mahihina, naging tulad siya ng mga Hudyo kung mga hudyo ang kausap niya, naging tulad siya ng mga Griego sa harap ng mga Griego. He adjusted himself according to the situation of his hearers. Isa pang ginawa niya, ipinangangaral niyang walang bayad ang mabuting balita. Kaya nga nagpalabas ng liham ang mga obispo ng CBCP na tatanggalin na ang mga bayad sa mga serbisyo ng simbahan, ang tinatawag na arancel, upang ang pera ay hindi maging hadlang sa pagtanggap ng grasya ng Diyos. Papaano ngayon masusuportahan ang simbahan? Sa pagtulong ng lahat ng faithful. Generous naman ang mga tao sa mga pangangailangan ng simbahan. Napatunayan natin ito ngayong panahon ng Pandemic. 

 Bakit ba kailangan magpahayag ng mabuting balita? Sapagkat ito ay kailangang-kailangan ng mga tao. Ito ang narinig natin sa aklat ni Job sa ating unang pagbasa. Dito inilarawan sa atin ang kalagayan ng maraming tao. Hindi lang pera ang kailangan ng tao, although alam natin na sa ating panahon ngayon ng pandemic talagang marami ay nangangailangan ng pagkain, ng trabaho at iba pang material na bagay. Higit pa sa pera, ang mga tao ang nangangailangan ng saysay, ng meaning sa kanilang buhay. Ang daing ni Job ay: Ang buhay ng tao ay sagana sa hirap, batbat ng tiisin at lungkot ang dinaranas. Sabi niya na matagal na panahon na walang layon, walang saysay ang buhay niya. Sapat na lang ba na huminga? Para sa ano ang buhay natin? Ano ba ang inaasahan natin? Makakain lang ba? Magkaroon lang ba ng pera? Makapagtrabaho lang ba? Mapalaki ang mga anak? Hindi mamatay? Iyan lang ba ang buhay? At ang bilis ng takbo ng panahon. Pebrero na. Ano na ang nagawa ko? Ano ang nangyari sa akin noong January? Lalong-lalo na ngayong pandemia, napapaisip tayo ng meaning ng buhay natin dahil sa mga di-katiyakan na ating hinaharap. At dahil sa mga ito, marami ang mga tao ang nadedepressed na. 

 Dito kailangan natin ng mabuting balita na mahalaga ang bawat isa sa atin, ganoon kahalaga na pinadala ng Diyos ang kanyang bugtong na anak upang ipadama ang kanyang pagkalinga sa atin. Kaya sa ating ebanghelyo narinig natin na si Jesus ay busing-busy na nangangaral, nagpapagaling, nagpapalayas ng mga demonyo. Hindi siya mapatigil sa isang lugar lang. Kahit na siya ang kilala at hinahangaan na sa Capernaum, sinabi niya sa mga alagad niya na kailangan silang pumunta sa ibang bayan pa upang ipahayag at ipadama sa mga tao ang Mabuting Balita. Gusto niyang maabot ang mas maraming tao. Sa mga gawaing ito nagbibigay siya ng pag-asa sa mga tao. Parang sinasabi niya na huwag tayong bumitaw, mahal tayo ng Diyos, may lunas sa mga problema natin, our life is worth it. God himself cares for us in Christ Jesus. Kailangan natin ng Good News ngayon, Good News na dala ni Jesus. 

 Si Jesus ang Good News, ang anak ng Diyos na naging tao at nakiisa sa atin. Siya ang may kapangyarihan na magpatawad, magpagaling at magbigay ng pag-asa. Ang gawain natin ay dalhin ang mga tao sa kanya, to promote and facilitate the encounter with Jesus. Ganyan ang ginawa ni Pedro noong ang biyenan niya ay may mataas na lagnat. Sinabi niya kay Jesus at si Jesus naman ay willing na lapitan at pagalingin ang matanda. Ganyan ang ginawa ng mga tao sa Capernaum noong lumubog na ang araw at tapos na ang Araw ng Pamamahinga. Dinala nila kay Jesus ang mga may sakit at inaalihan ng mga demonyo. Siyempre ang mga may sakit ay hindi makapupunta kay Jesus. Hindi ba ganyan din ang ginagawa natin – dinadala ang may sakit sa clinic o sa hospital. Hindi naman natin sinasabi na lang na pumunta sila sa ospital. Ang mga makasalanan o may masasamang espiritu ay hindi naman lalapit kay Jesus, nahihiya ang mga iyan, o natatakot o walang pakialam. Kailangan natin silang dalhin kay Jesus. Iyan ang ating pagmimisyon. Si Jesus lang ang tagapagligtas. Dalhin natin ang mga tao sa kanya. Let us facilitate the meeting of the people with Jesus, the only Savior. 

 May mga tao na sa kanilang sigasig sa pagmimisyon akala nila ang success ng misyon ay depende na sa kanila. Parang sila na ang magbibigay ng solusyon sa mga problema ng tao. Hindi! Diyos pa rin ang kumikilos. Grasya ng Diyos ang kaligtasan. 

 We cannot compare the work of the church to any business venture that we judge the mission by its success, either in terms of numbers converted, money earned, programs done, buildings built. Mission is a work of grace. This is why we need to pray. Si Jesus mismo ay nangangailangan na magdasal. Kahit na busy siya, naghanap siya ng panahon – madaling araw na tulog pa ang iba – at ng lugar – isang tahimik na lugar, upang magdasal - makipag-ugnay sa kanyang Ama. Regular niya itong ginagawa. Talagang madasalin siya, kung minsan magdamag pa. Napansin ito ng kanyang mga alagad kaya minsan, siguro dahil sa inggit o sa paghanga nang makita nila si Jesus na taimtim na nagdarasal, nakiusap sila sa kanya: Panginoon, turuan naman ninyo kaming magdasal. 

 Kaya ang pagmimisyon ay hindi lang pagpunta roon sa ibang lugar o paggawa ng mga activities. In fact, activism, o too much activities, ay sagabal sa pagpapahayag ng mabuting balita. Bahagi rin ng pagmimisyon ay ang pagdarasal. Maraming himala ang nagagawa ng panalangin. Kaya may dalawang patron tayo ng misyon – si San Francisco Javier, isang dakilang misyonero na pumunta sa India, Sri Lanka, Indonesia, Malaysia, Japan at namatay nang papasok ng China. Talagang aktibo siya. At ang isang patron natin ay si Santa Teresita ng Sanggol na si Jesus – St. Therese of Lisieux, isang mongha na hindi man lumabas sa kumbento pero malaki ang naitulong sa misyon ng kanyang pagdarasal. 

 Mahalaga ang pagdarasal para sa misyon. Kaya kahit na ngayong pandemic na hindi tayo makalabas ng bahay, we can say our Yes to the mission. We all can pray for the missionaries and for the spread of the Good News. We all can pray for people who are losing meaning in their lives, people who are suffering from sickness and material needs. Kahit na anumang kalagayan natin ngayon, pinapadala tayo ni Jesus na maging bahagi sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita. Let us all be missionaries. Let us start now in this Holy Mass by praying for missionaries and for their works.

Saturday, February 6, 2021

Homily at the Opening of 500th anniversary

February 6, 2021 Rom 10:9-18 Mt 10:6-15 

 We belong to a local church with deep historical roots. Today we are celebrating the 442nd anniversary of our being elevated to a diocese, the first in the country, having under its jurisdiction the entire country. This was decreed by Pope Gregory XIII. That was in 1579. Think about it, 1579! 442 years ago! 16 years later, in 1595 Pope Clement VIII raised Manila to an archdiocese, its suffragan dioceses being Nueva Segovia in the Ilocandia, Nueva Caceres in Bicol, and Cebu in the Visayas. This tells us that all the dioceses in our country came from Manila. The expansion of the Church in the Philippines started from Manila. This is a source of pride for us, but also a big challenge. So it is very appropriate that here in the archdiocese of Manila we open our 500th anniversary of the coming of Christianity in the Philippines on this day. However, we will also join in the national opening activities on Easter Sunday on April 4 with the opening of the Holy Doors all over the country. 

 The theme of this year is MISSIO AD GENTES. May this celebration spur us on to continue this expanding mission of Manila to which we are all heirs to. The word expansion has a negative connotation. It smacks of colonialism; it brings in the idea of domination – yes imperial Manila! It gives the taste of accumulation of wealth, of prestige, and even of primacy. But we are speaking not of expansion itself but of expansion of the mission. St. Paul tells us that everyone who calls on the name of the Lord will be saved. “But how can they call on him in whom they have not believed? And how can they believe in him of whom they have not heard?” Let all hear that Jesus is Lord. Let our voice go forth to all the earth and our words to the ends of the world. This is our ever pressing mandate from the Lord himself. 

 For anything with deep roots in history, there is the danger of becoming a monument. In fact, we glory in our artifacts, in our old churches, in our antique images. We may have these, but let us not, as church, be just antiques, museums and artifacts whose main concern is preservation and conservation. This is why Pope Francis calls us to get out of the maintenance mode. Instead we should be in the missionary mode. He clearly wrote, “I hope that all communities will devote the necessary effort to advancing along the path of a pastoral and missionary conversion which cannot leave things as they presently are. ‘Mere administration’ can no longer be enough. Throughout the world, let us be ‘permanently in a state of mission.’” (EG 25) 

 Being in a state of mission is not optional. It is the necessary condition if we want to be renewed as a living church, and not just be a museum that is visited once in awhile but could not change lives. Pope Francis took the words of St. John Paul II which he spoke to the bishops of Oceania : “All renewal in the Church must have mission as its goal if it is not to fall prey to a kind of ecclesial introversion” (EG 27) 

 In this vein Pope Francis continues: “Each Christian and every community must discern the path that the Lord points out, but all of us are asked to obey his call to go forth from our own comfort zone in order to reach all the “peripheries” in need of the light of the Gospel.” (EG 20) 

 To leave the comfort zone is difficult. We would rather stay in our cozy and familiar situations, but Covid 19 has pushed us out of our comfort zones, whether we liked it or not. We have to adapt to the new realities if we are to survive. Let us not just wait till things get back to “normal.” The normal will not be where we were in 2019 and before. It will be something new! The virus has also pushed us to the peripheries. Many of us went to the poor to distribute the Gift Certificates and ayudas, and we have realized that there are many pockets of poverty in our areas that we have not yet reached. A sense of solidarity among parishes have also been formed. We have parishes helping fellow parishes. This experience has bonded us more together as an archdiocese, not just as individual parishes. 

 Now that we have the initial push to get out of our comfort zones and to reach out to the peripheries, let us continue on this missionary mode. Pope Francis again tells us: “Pastoral ministry in a missionary key seeks to abandon the complacent attitude that says: ‘We have always done it this way.’ I invite everyone to be bold and creative in this task of rethinking the goals, structures, style and methods of evangelization in their respective communities.” (EG 33) Yes, let us be bold in striking out new grounds. There will be expenses. We will make mistakes. There will be criticisms but move on. When St. John Bosco was being criticized by his fellow priests in Piedmont Italy for going out to collect street boys from the streets and even playing with them – a thing that was unheard of during his time, a priest running races with children in the streets, he just shrugged his shoulders and said: “Let the birds chirp, let us go on doing our mission.” Yes, let the birds chirp. 

 As I have mentioned before, one mission field, a very vast mission field, in fact a world-wide space that we have to reach, is the digital continent. The digital way of connecting to people and evangelizing will be with us to stay, even with the coming of the vaccine. Let us invest, let us improve, let us learn to bring God’s word in the world of the internet. Let us recruit people, and many of them the young, for this mission. Let us not say, that I am too old for this. The internet is not only for techies and for the young. It is also for us seniors. And let us not be afraid of this technology. It has great potentials for the good. 

 Missio ad gentes for many of us is not going to Papua New Guinea or to China. Missio ad gentes is going to the peripheries. These peripheries are not just out there. Many times they are around us, yet they are people whom we do not yet reach. They can even be those selling flowers outside our churches, those who sleep in the streets, those people for whom the church is just a building among so many buildings in the neighborhood. How can we reach them? How can we make the church relevant to them? We have done a bit of this by the ayudas that we give, and this should continue as more people will be in need. 

 In our online CBCP plenary meeting 10 days ago we have approved a pastoral statement on stewardship which has been forwarded to you a week ago. There we have reiterated PCP II’s decree to remove the arancel. We have started this process in the archdiocese even before the pandemic. Now we have more reason to pursue it, so that we can become more comfortable with the words of Jesus that we have heard in our gospel today: “What you have received without pay, give without pay.” Let us not give the reason that we are in the pandemic and we have little collection. It is not only we who are in the pandemic. Also the poor are in the pandemic, and they suffer all the more. In the 500th anniversary of Christianity we give this gift to the people – that they can avail of the services of the Church for free. Let us not doubt the generosity of the people. This pandemic has demonstrated to us that even in times of hardship such as this one, people give to the church, if they see that the church has programs for the people. Ang pagtanggal ng arancel ay hindi pakiusap. Itinalaga na ito ng simbahan sa buong bansa. The recent instruction from the congregation of the clergy (July 20, 2020) The pastoral conversion of the Parish community in the service of the evangelising mission of the Church states: “The Lord taught his disciples to have a generous spirit of service, to be a reciprocal gift for the other (cf. Jn 13:14-15), and to have a special care for the poor. From this derives the need not to “commercialise” the sacramental life, and not to give the impression that the celebration of the Sacraments, especially the Holy Eucharist, along with other ministerial activities, are subject to tariffs.” (40) 

 Another aspect of evangelization that we have to stress to go out of the maintenance mode is how we present the word of God. People need the word of God – let us present to them the Word of God, and not just our ideas or our thoughts about it. This means that we need to be more immersed in God’s word and be captivated by it so that we can proclaim it to others. I always say that it is very presumptuous to expect that people will find the Good News, if we ourselves do not find it as Good News. My fellow priests, we always preach, we always speak to the people. Do we speak because we have to speak, or because we have something to say, and something meaningful to say? 

 God’s Word, however, is not only for individuals. There is a social dimension in God’s word. The Bible does transform society. Let us bring out the social implications of God’s word. There are so many issues in society now that need to be enlightened by God’s word, which is a message of justice, of truth, of peace and of love. When St.John Pau II said “Do not be afraid” he did not only mean do not be afraid to follow the Word but also do not be afraid to preach the Word. Speak the Word in season and out of season, and with care to instruct. Pag sinabi nila na namumulitika ka na kasi binabanggit natin ang social implication of the Good News – and they always say that when they do not want to hear our message – let the birds chirp and move on with the mission. 

 We open today the Year of the Mission. Let each of our community enter into the missionary mode. We go out of our comfort zone to reach out to the peripheries. The internet is a means to reach out to countless people in the digital continent. A gift that we offer to our people this year is to offer the services of the Church for free. We take out the arancel as our bishops are telling us. Our mission is to shout out the good news – this is what evangelization means – to all. Our product line – the Good News of salvation – is always needed and always relevant. Let us present it to the people. So we have to be enthused with the message so that we can attract people to it. The message of justice, peace, truth and love is needed not only by our souls, but also by society at large. So we preach out the social implications of the Good News. From the local church of Manila the Christian message has reached all over the country. May this renewed missionary zeal from us, the unworthy heirs of the expansion of the mission, enkindle the fire of love for Jesus in the whole country.

Homily - 21st Sunday of the Year Year B

August 22 2021 Josh 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69   Noong nakaraang linggo nabalitaan natin na ang Committee on Population and ...